Share

Chapter 49

Pagkarating ni Lexie ng bahay ay kaagad siyang nag shower bago ginamot ang kanyang mga sugat sa kamay at paa.

Sinilip muna niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kwarto nito bago bumaba ng hagdan. Ngayon lang siya nakakaramdam ng sakit ng humupa ang galit na nararamdaman.

Nagpatuloy siya sa paghakbang hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na nakaupo sa harap ng bar counter na nasa unang palapag ng mansion.

Hindi maipinta ang mukha sa tuwing nalalasahan ang pait ng alak, naalala kasi niya si Uncle Relly na sa tuwing na sasaktan ito at nangungulila sa kanyang pamilya ay nilulunod ang sarili sa alak para hindi niya lubusang maramdaman ang sakit.

Sa ngayon kasi ay hindi lang hapdi ng mga sugat ang nararamdaman niya sinabayan pa ito ng sakit mula sa kanyang puso.

“Uncle! Sinungaling ka! Ang sabi mo kapag umiinom ka ng alak ay hindi mo na nararamdaman ang sakit? Eh bakit mas lalo akong nasasaktan? Ang sakit, eh!” Anya na sinundan pa ng paghikbi.

Eleven na ng gabi ngunit wala pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status