Share

Chapter 8

“Dad, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ni Alona sa kanyang Ama, ang tumatayong pinuno ng kanilang grupo.

“Importante ba ang sasabihin mo? Dahil busy ako ngayon.” Nakaramdam ng lungkot si Alona dahil mula sa malamig na tinig ng ama ay ramdam niya na wala itong gana na makipag-usap sa kanya.

Simula ng maliit pa lang siya ay malamig na ang relasyon nila bilang mag-ama.

Hinawi niya ang kanyang sarili at pilit na itinago ang nararamdamang emosyon. Isa kasi sa kanilang tuntunin ay bawal ang magpakita ng kahinaan.

“Nais ko lang imungkahi na bigyan ninyo ng isang misyon si Lexie upang masubukan ang kan’yang kakayahan at katapatan sa ating hukbo.

Dahil nakikita ko na masyadong mahina at malambot ang puso nito para sa kalaban.” Seryosong sabi ni Alona habang diretsong nakatingin sa ama.

Biglang nag-taas ng tingin si Commander Dulah at tumitig sa mukha ng anak.

“Alam mo na si Lexie ang nakatakda na maging asawa ni Quinlan at isa sa napagkasunduan namin ng kapatid mo ay ang hindi pagbibigay ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status