Hello po, thank you for reading Ezekiel and Anna's story. Feel free to leave your thoughts in the comment box. Thank you and God bless.
Bumalik na lamang si Anna sa kanilang cottage at inilock ang sarili. Wala na siyang balak pang bumalik sa pool para maligo. Sa hitsura ng asawa ni Arabella kanina ay hindi na nito papayagan pang maligo ang bagong kaibigan. Dahil hindi naman kailangan ng kanyang boss ang kanyang presensiya sa ginagawang pool party ay nagpalit na lamang siya ng damit pagkatapos ay kinuha ang dalang netbook at nagcheck ng mga incoming emails para upisina ng CEO. Gumawa rin siya ng notes kung sino sino ang mga nag-email ang priority ng amo na kakausapin at kung ano ano pa. Babayaran siya ng tama ng kanyang boss kaya tama lamang na magtatrabaho pa rin siya kahit nasa out of town sila. Hanggang hindi na niya namalayan ang oras, nagulat na lamang siya ng mapatingin siya sa bintanang nakaharap sa dagat ay madilim na ang paligid at may tig-iisang kumukutikutitap na ilaw sa kawalan. Medyo lumipas pa ang ilang minute bago marealized na ang mga mangingisda iyon at nasa gitna ng laot. Parang hindi na rin siya ginu
Mataas na ang haring ng magising si Anna. Parang gusto pa niyang maidlip ngunit napakaliwanag ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Kinusot niya ng ilang beses ang mga mata bago tuluyang nagmulat, nakahawi pala ang kurtina sa may bintana kung kayat direcho ang sinag ng araw sa kanyang higaan. Umupo siya at nag-inat ngunit naexpose ang kahubdan sa pagkakalihis ng nakabalot na kumot sa katawan. Agad niyang nayakap ang sarili habang malikot ang mga matang sinuyod ang paligid at napahinga siya ng maluwang ng masigurong wala siyang kasama sa kuwarto pagkatapos ay papikit na napahilamos sa mukha. Rumehistro sa kanyang isip ang nangyari kagabi at kulang na lamang ay isumpa niya ang sarili. Ano ba ang nagawa niya? Paano siya ngayon haharap sa kanyang amo? Kung ilang beses pa niyang sinabunutan ang sarili. Pero kahit ano pang paninisi ang gagawin sa sarili ay nangyari na at wala na siyang magawa. Bahala nalang si batman kung anong gagawin kapag magkia sila mamaya ng kanyang boss. Nap
“Anna, dito kana sa tabi ko.”, si Arabella sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi nito kung kayat direcho siyang lumapit sa bagong kaibigan. Nagpasalamat pa siya dito pagkatapos ay nakangiting umupo sa tabi ni Arabella kung saan nasa kaliwang side nito ang asawang si Tyron. Hindi lamang palakaibigan si Arabella, mabait pa at ubod ng ganda. Kahit simple lamang itong manamit ay sumisigaw parin sa aura nito ang pagiging elegante kaya naman hindi mo masisisi ang isang Tyron Alegre na maging possessive sa asawa nito.“Hindi na kita nakita sa dinner kagabi?”, mahinang tanong nito na tila may balak pa yatang makipagchismisan sa kanya.“Hindi ako ginutom kaya tinamad na akong lumabas.”, pahayag niya at kagyat itong napangiti.“On diet ang ate mo?”, biro ni Arabella at nginitian na lamang niya ito. Umupo din kasi si Brent sa tabi niya kaya medyo inusog niya ng kaunti ang upuan. Kumindat si Brent sa kanya kaya napapangiti siyang napailing habang ipinokos sa iba ang paningin. Napangiti siya hindi
Mula sa mabilis na pagpatakbo ni Ezekiel sa sinasakyan nilang motorbike ay unti unti itong nagslow down habang binabaybay nila ang daan na gilid ng bundok at unti unti ay paganda ng paganda ang tanawin na sumasalubong sa kanilang paningin. Paano kitang kita nila ang puting puti na buhangin na nagsisilbing dekorasyon sa malawak na karagatan. Sa labis na pagkahook sa view ay inilabas niya ang cellphone at ivinideo ang paligid. Itinigil pa ni Ezekiel sa may pinakamagandang pwesto ang kanilang sasakyan at hinayaan siyang kumuha ng larawan at larawan. Sa katuwaan ay excited siyang bumaba sa motorbike at para kuhanan ng ibat ibang Angulo ang magandang tanawin. Nang magsawa sa pagkuha ng larawan ay parang batang napagbigyan at hindi maitago ang nakapaskil na pagkatuwa sa mukha.“Are you done?”, saad ng binata habang nakaupo sa motorbike at matiyagang naghintay hanggang matapos ang gingawa niyang picture taking.“Yeah, ang ganda!”, nakangiting turan niya dito. Na carried away siya sa view at
Pagbalik nila sa cottage ay nag-usap usap pa ang mga lalaki para sa gagawing pagdevelop sa resort. Pumunta na sa kani kanilang mga cottage ang mga kasamahan nilang mga babae, at dahil tila hindi naman kailangan ni Ezekiel ang kanyang prinsensiya ay pumunta na rin siya sa kanyang silid upang magpahinga ng kaunti at mag-impake. Any moment ay kanya kanyang uwi silang lahat kaya mas mabuting hand ana ang kanyang mga gamit kung sakaling magyaya ng umuwi ang kanyang amo. Ora orada pa naman, basta nakapag-isip llets gp agad. Pagdating sa room ay tinungo agad ang banyo, nanlalakit ang kanyang katawan dahil sa init kanina kaya kailangan na niyang maligo. Pagkatapos naman sa banyo ay isinunod naman niyang inayos ang mga gamit sa kanyang travelling bag para wala na siyang problemahin pa mamaya. Patapos na siya sa ginagawa ng marinig ang sunod sunod na katok sa kanyang silid. Napatingin siya sa may pinto habang inisip ng bahagya kung sino ang nasa labas. Sino pa ba ang kakatok sa kanya kundi ang
Hindi makapaniwala sa sarili si Ezekiel na nagbayad siya ng ganon kalaking halaga upang pagbigyan pagnanasang maangkin ang isang babae. He’s been into bed with different women, mapasocialites man, celebrity o di naman kaya model. Halos lahat ay nagkukumahog at nagkakadarapa upang magpaangkin sa kanya ng walang bayad samantalang kanailangan pa niyang nakipagdeal sa isang ordinaryong babae upang makaniig? There is nothing special about the woman, hindi sosyal, hindi rin kasingganda at kasing sexy ng isang beauty queen, hindi mayaman at lalong hindi virgin. He knew this from the start, yet she was irresistible to him. Her nearness intoxicated him with her sweet scent. Her skin was soft and touching her sent an electric thrill through him. The response of her warm, desirable body was heavenly, fueling his desire even further. Ang nakakatawa parang wala lang sa dalaga ang nangyari o gawain lang talaga nito ang makisiping sa kung sino sino kaya normal na lamang ang pagkilos pagkatapos ng la
“Hey! Wala ka namang planong tumalon diyan?”, si Adrian sa pinsang si Ezekiel habang nakatanaw sa kawalan. Nasa pinakamataas na palapag pa man din sila ng Citel Tower na isa sa pinakamataas na building sa Singapore. Pagmamay-ari ito ng pamilyang Eduardo at ibat ibang upisina ang nandito kabilang ang isa sa pinakamalaking telcom sa bansa na pinamumunuan niya bilang isa sa apat na apo ng mga Eduardo. Natawa si Ezekiel sa kanyang tinuran at patamad na umiling bago sumulyap sa kanya.„What’s the matter? Datirati namang nag-eenjoy ka sa pagstay dito bat mukhang uwing uwi kana?”, kantiyaw pa niya sa pinsan ngunit mas lalo lamang itong napailing habang nakatawa. Totoo naman, gustong gusto kaya ng pinsan niyang maglagi dito sa Singapore, inaabot pa nga ito ng isang buwan.“Nabuburnout lang ako sa sunod sunod na meeting, I feel so exhausted, I want to go home.”, wika ng pinsan at halos tumaas ang dalawa niyang kilay. Bago sa kanyang pandinig na gusto na nitong umuwi samantalang tatlong araw pa
“Stop staring at me; I’ve been having sleepless nights, and I feel so sleepy now.”, saad ng binata habang nakahalf closed ang isang mata. She’s lying next to him and his arms are wrapped around her waist. He looked tired but his face was calm and bright. Para siyang isang malaking stuff toy na yakap yakap ni Ezekiel habang napakaaliwas ang mukhang natutulog. Wala siyang intensiyong titigan ang binata ngunit nacurious siya kung bakit hindi niya napapangatawanan ang sarili sa mga halik at haplos nito. Parang meron itong mahika na sa tuwing nakapalibot na ang mga bisig nito sa kanyang katawan ay kusa nang sumusunod sa kung ano mang gusto nitong gawin.“We should stop this; it’s not right.”, tila nagising ang diwa niyang turan sa binata. Ang gusto lamang niya ay magtrabaho upang matugunan ang kanilang pangangailangan at pag-aaral ng mga kapatid, at hindi ang makipaglandian dito. Isa pa noong nalaman niyang may iba na ang dati niyang kasintahan ay ipinangako niya sa sariling hindi na maii
Sumunod na lang si Anna sa kung anong gustong mangyari ni Ezekiel para sa lunch kasama ang kanyang mga kapatid. Nanghihina siya sa isiping mapagastos ang binata ng malaki para lamang sa kanila samantalang pwede naman kahit sa karinderia na lang sila kakain. Ang nakakanerbiyos pa ay feeling close ang dalawang kapatid sa binata. Akala yata nila simpleng kuya lang nila ito at nagkukulitan habang papasok sa rezto. Mas lalo pa ang kanyang pagkawindang ng madatan nila sa VIP room ng rezto ang kapatid na si Lance na agad bumati at nakipagkamay kay Ezekiel.“Anong ginagawa mo dito?’, hindi makapaniwalang tanong niya sa kapatid. Hindi naman niya inabisuhang kakain sila sa labas at lalong wala siyang alam na dito sila dadalhin ng binata upang mananghalian.“I texted him to come since malapit lang ang university na pinapasukan niya dito.”, si Ezekiel ang tumugon sa katanungan niya sa kapatid. Napatingin tuloy siya dito ngunit tinaasan lamang din siya ng noo ng binata. Nahiwagaan tuloy siya kung
“Mr. Eduardo, what are you doing here?”, hindi makapaniwalang turan ni Mr. Chua ng makita ang CEO ng Eduardo Holdings. Hindi pa niya nakakausap ng harapan ang binata sapagkat nakikiride-on lamang naman ang maliit na construction business sa mga projects nito. Pero magkaganon may ay kilala niya ang katauhan ni Ezekiel Eduardo, ang nagmamanage at nagmamay-ari ng pinaka malaking construction firm sa buong bansa.“I heard a little friend of mine was called in this office because of my simple gift.”, turan ni Ezekiel bago inilibot ang paningin sa apat na sulok ng conference room. Lihim itong napatiim bagang ng makita si Carl sa isang sulok na tila nakaranas ng matinding pagkatakot.“He bit my son, Mr. Eduardo, and one thing more ay inamin ni Carl na kinuha lamang niya somewhere ang drone.”“That’s ridiculous because I gave it myself right in front of his family.”, ang binatang biglang pinaningkitan ng mata. Paanong inamin ni Carl na kinuha lamang nito sa kung saan ang drone kung siya mi
“Hello, Ms. Anna Marie Lacuesta?”, mula sa kabilang linya ng sagutin ni Anna ang kanyang cellphone. Katatapos lamang ng meeting ni Ezekiel sa labas at ngayon ay pabalik na sila sa upisina.“Yes ma’am, what can I do for you?”, magalang at hindi kalakasang turan niya.“Sa guidance office po ito ng St. Jude School pwede po ba kayong pumunta ngayon dito?”,“Bakit po? May problema po ba?”, may pag-aalalang turan niya. Nasa iisang school ang dalawa niyang kapatid at ngayon lamang siya makatanggap ng tawag mula sa guidance office.“Yes Ms., tungkol ito sa nagawa ng iyong kapatid na si Carl. Pumunta na lamang kayo ngayon para sa buong detalye.”, saad ng nasa kabilang linya at walang pag-aalinlangang tumango siya dito.‘Sige ma’am, papunta na po ako ngayon. Maraming salamat po.”, wika niya bago ipababa ang cellphone. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay inikot ng ilang beses ang hawak na cellphone subalit hindi pa rin matanggal ang labis na pagkabaha sa kung ano ang nagawa ng kapatid.„Kuya D
“Hi, napatawag ka?”, may pag-aalinlangang turan ni Anna kay Yael. Kahit napag-usapan nilang mananatili silang magkaibigan ng dating kasintahan ay hindi pa rin niya inaasahan ang biglaang pagtawag nito.“Yeah, kumusta?”, saad ni Yael sa kabila at hindi niya napigilang mangiti. Para namang antagal nilang hindi nagkita kung mangumusta ang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay nakita lamang niya ito noong binisita ni Ezekiel ang mga project sites kabilang ang ginagawa nitong proyekto.“Sa awa ng Panginoon mabuti naman kaming lahat.”, biro niya sa dating kasintahan at narinig niyang tumawa ito.“Anna are you in a relationship with Ezekiel?”, maya maya ay turan ni Yael. Hindi niya inaasahan ang biglaang katanungan nito at hindi siya nakapagsalita.“Sorry kung sa tingin mo ay pangingialam ito sa buhay mo pero mahalaga ka saakin bilang kaibigan. Sigurado ka ba diyan sa pinapasok mo?”, patuloy pa ni Yael nang hindi marinig ang kanyang kasagutan. Naghahalo halo tuloy ang pumasok sa kanyang isi
Kinabukasan ay nagulat si Anna dahil pagbaba niya mula sa kanyang kuwarto ay nabungaran niyang nag-uusap sina Lance at Ezekiel. Mabilis siyang napatingin sa orasang nakasanit sa dingding at saktong alasais pa lamang ng umaga. Nakaligo na siya para sa pagpasok sa upisina ngunit bumaba muna siya upang mag-agahan. Sa ganitong oras ay nakaluto na si Lance ng kanilang breakfast. Alam nitong maaga siyang pumapasok sa trabaho kung kayat sinisigurado nitong makakain muna siya bago umalis ng bahay. Ngunit hindi niya inaasahang mapapadpad ng ganito kaaga si Ezekiel sa kanilang bahay, samantalang kagabi lamang ay galing ang binata dito.“Hi, ate, mabuti naman at bumaba ka na kanina pa naghihintay saiyo si kuya Kiel”, si Lance ng mapansin siyang nakatayo sa may puno ng hagdan. Agad namang ibinaling ni Ezekiel ang mukha sa kanyang direksiyon pagkarinig sa sinabi ng kapatid pagkatapos ay abot hanggang mata ang ginawang pagngiti pagkakita sa kanya.“Good morning!”, bati nito at hindi niya napigilan
“Ate naman? Bakit naglagay ka ng ganyan sa iyong mukha eh may bisita ka?”, hindi napigilang reklamo ni Lance sa dalaga ng makita itong nakatayo sa may puno ng hagdan. Wala pa sanang balak magparamdam si Anna sa mga ito kaso nakita siya ng kapatid at ngayon ay nakatingin silang lahat sa dalaga. Muntik niyang takpan ang mukha sapagkat nakangiti si Ezekiel habang nakatingin sa kanya, feeling niya tuloy nakakatawa ang kanyang hitsura.“Mommy may drone na ako bigay ni kuya Kiel.”, may pagmamalaking turan ni Carl pagkatapos ay ipinakita ang isang bagay na hawak nito. Sa narinig ay biglang kumunot ang noo at nakalimutan ang mukhang nakabalot ng itim na facial mask.“Ano kamo?”, tila binging turan niya sa kapatid.„May drone na ako, bigay ni kuya Kiel.”, tuwang tuwa pang pag-uulit ng kapatid sa sinabi kung kayat mas lalong kumunot ang kanyang noo.„Anong kuya Kiel? Boss ko yan, hindi yan kinukuya!”, panenermon niya habang isa isang tumingin sa mga kapatid.“It’s okey, ako ang nagsabing tawagi
Ate!”, masayang turan ng mga kapatid ng biglang magpakita si Anna sa school ni Carl. Nakaupo lang sa tabi ang tatlo habang nanonood sa mga activities. Isa isang tumayo ang mga ito at nagsilapit sa kanya na tila nabuhayan ng loob.„ Akala namin hindi ka na makakarating?”, si Lance na halatang tuwang tuwa sa kanyang presensiya.„Pwede ba naman yun? Di hindi na mag-eenjoy ang isa diyan kung wala ako?”, turan niya habang nakangiting tumingin sa bunsong kapatid. Ngumiti ng abot hanggang tainga si Carl pagkatapos ay yumakap sa kanya.“Thank you, mommy.”“Anything for you, my love.”, malambing niyang wika dito kasabay ng paggulo ng buhok ng kapatid.“Oh, ano pong hinihintay natin? Sali na tayo sa mga palaro.”, deklara ni Lance at nagsipagsang-ayunan naman ang lahat.“Family sack race na! Dali, pumila na kayong tatlo dun.”, excited na pahayag ni Mark habang nakaturo sa mga pumapagitnang kalahok na kinabibilangan ng tatay, nanay, at anak. Agad namang iniabot ni Anna ang hawak na bag sa kapatid
“Uhmm, I will go and change; thanks for this anyway.”, sa halip ay turan ng dalaga pagkatapos ay isa isang binitbit ang mga paper bag at tulirong humarap sa may hagdan. Parang naglalaro pa sa isip niya ang sinabi ng binatang boyfriend niya ito at halo halo ang kanyang nararamdaman. May pag-aalinlangan ang kanyang isipan sapagkat may katumbas na responsibilidad ang maging isang girlfriend, baka hindi niya maibigay ang sapat na atensiyon at oras dito kagaya ng nauna niyang naging karelasyon. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay ramdam niya ang labis na kasiyahan at kulang na lamang ay takbuhin niya ang hagdanan pataas at magtatalon sa tuwa.“Wear something casual, maglilibot lang tayo sa mga sites ngayon.”, turan ng binata kung kayat agad niyang ikinubli ang pagkatuwa pagkatapos ay humarap dito at nagbow. Pag-angat niya ng mukha ay tumambad sa kanyang paningin ang nakangiting mukha ng binata habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung pinagkakatuwan siya nito ngunit hindi naman
Pagdating nila sa bahay ng binata sa Fpark ay walang nagawa si Anna ng hilahin nito ang kanyang kamay pababa sa may sasakyan ngunit halos himatayin siya ng bigla siyang buhatin ni Ezekiel na parang isang sako ng bigas. Sa kabila ng kanyang pagpalag ay tuloy tuloy itong pumasok sa pintuan ng bahay na automatic namang nagbukas at nagsara din ng kusa ng makapasok sila sa loob. Maingat siyang ibinaba sa napakalaking couch sa living room ngunit dumagan din ito sa kanya pagkatapos.“Now, tell me your problem.”, seryosong turan nito ngunit hindi maikukubli ang nagsasayaw nitong mga mata habang nakatunghay sa kanya.“Utang na loob umalis ka diyan nakakahiya sa mga kasama mo sa bahay.”, nag-aalalang saad niya dito. Baka iba ang isipin ng mga kasambahay nito kapag nakita itong nakadagan sa kanya. Isa pa hindi siya kumportable sa kanilang ayos. Ngunit ngumiti lamang si Ezekiel sa kanyang tinuran pagkatapos ay tila tuwang tuwang inilapit ang mukha sa kanyang mukha.“Is that your problem?”, nakaka