Entangled With My Entitled Boss

Entangled With My Entitled Boss

last updateLast Updated : 2025-04-22
By:  MoanahOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
39Chapters
2.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Anna Marie Lacuesta, ulilang lubos, panganay, bread winner, at tumatayong nanay at tatay sa kanyang tatlong kapatid. Isa isang bank teller ngunit napilitang magresign upang maging secretary ng isang masungit na CEO ng Eduardo’s Corporation na si Ezekiel Eduardo. Nag-iisang anak ngunit may tatlong pinsan at kabilang dito ang girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Yael, ang kasintahan niya ng apat na taon at iniwan siya dahil sa obligasiyon niya sa mga kapatid. Dahil dito ay mas naging strikto at mas naging masungit sa kanya si Ezekiel dahil sap ag-aakalang may pagtingin pa siya sa boyfriend ng pinakamamahal nitong pinsan. Dahil doble ang kinikita niya sa pagiging secretary niya at iyon ang kailangan niya upang matustusan ang pag-aaral at iba pang pangangailangan nilang magkakapatid ay tinitiis niya ang sobrang kasungitan ng kanyang boss. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari sa kanila ni Ezekiel at halos mawalan ng kulay ang kanyang mukha ng magbigay ito ng blankong tseke. Aniya ay bayad daw ng kanyang sebisyo at kung hindi daw niya kukunin ay iisipin nitong may plano sa kanya ang dalaga dahil wala naman daw libre sa mundong ito. Sa inis ay napilitan niyang kinuha ang ibinigay nitong tseke, isa pa ayaw niyang mawalan ng trabaho kaya pikit mata laman niyang tinanggap kahit napakababa ang pagtingin nito sa kanya. Hindi lamang kasi iisang beses na mayroong nangyari sa kanila at hindi rin lang iisa o dadalawa ang tsekeng natanggap niya. Inalok pa siya ng malaking halaga upang layuan daw niya ang kasintahan ng pinsan nito ngunit ang pinakaworst ay ang bilhin nito ang kanyang puso, isip at kaluluwa. Unti unti ay napapamahal siya sa binata ngunit paano niya mababago ang napakababang pagtingin nito sa kanya?

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Ate, si Carl ang taas ng lagnat dadalhin ko na ba sa ospital?”, halatang soba ang pag-aalala ni Lance na pangalawang kapatid ni Anna. Hindi basta basta tumatawag ang kapatid kung kaya pa nitong ihandle ang sitwasyon sa kanilang bahay.  May lagnat na kaninang umaga ang bunso nilang kapatid at base sa palitan nila ng mensahe ni Lance ay tila okey naman iito maghapon sa tulong ng paracetamol ngunit biglang tumaas ang lagnat nito  na halos tumitirik daw ang mga mata.

“Punasan mo ng basang towel ang kanyang katawan, palabas pa lamang ako sa upisina.”, pag-iinstruct niya sa kapatid. Ganon kasi ang madalas nilang ginagawa kapag sinusumpong ng lagnat si Carl.  

“Ginawa ko na ate, mataas pa rin.”, aburidong pahayag ni Lance at nasa niya ang kanyang ulo sa matinding pag-aalala sa bunsong kapatid. Kung pwede lang lilipad na siya pauwi upang  makita agad ang kalagayan nito, pero naghihintay din ang kasintahang si Yael sa isang mamahaling rezto para sa kanilang 4th year anniversary. Nagatatampo na nga din ito dahil madalas ay hindi na sila nagkakasama ng matagal na kagaya ng dati.

“Sige, sige. Puntahan ko lang ang Kuya Yael mo, nasa rezto na para sa aming anniversary. Magpapakita lamang ako saglit sa kanya pagkatapos ay uuwi na ako agad.”, halos natataranta niyang pahayag na mas lalong pinalaki ang mga hakbang upang makarating agad sa kinaroroonan ni Yael.

“Magchat ka kaagad kung anong mangyari kay Carl, si Mark nakauwi na?”, saad niya pagkatapos ay chineck din ang pangatlong kapatid kung nakauwi n amula sa skwelahan.

“Oo ate, nasa kusina; siya muna ang magluto hindi ko maiwan si bunso.”, ang kapatid at tumango tango siya na animoy nakikita siya ng kausap sa kabilang linya.

‘Okey, sige. Off muna ako, malapit na ako sa rezto; uwi din ako agad. Bye!”, paalam niya sa kapatid dahil nasa harapan na siya ng mamahaling rezto. Pareho pa naman silang excited ni Yael kanina para sa celebration g kanilang anniversary pero mukhang madidisappoint na naman ang kanyang kasintahan dahil sa kapatid na maysakit. Wala na kasi silang mga magulang, two years ago ay magkasabay na nawala ang kanilang ama’t ina dahil sa isang malagim na aksidente at dahil siya ang panganay ay inako niya ang responsibildad para sa tatlong kapatid. Ipinangako niyang mamahalin at aalagaan niya ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya lalong lalo na ang kanilang busno.

„Babe, happy anniversary!”, walang kasinsayang bati ni yael sa kanya pagkapasok pa lamang niya sa isang VIP dining room ng rezto. Iniabot sa kanya ang hawak na magandang pumpon ng bulaklak pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit at hinalikan ang kanyang ulo.

„Thank you, baby, happy anniversary too.”, masayang pahayag din niya dito habang inihilig ang ulo sa dibdib nito. College pa lamang sila ni Yael ay magkasintahan na sila, isa itong engineer at dahil nag-iisa itong anak ay ito na ang namamahala sa engineering firm ng kanyang pamiilya. Mayaman ang pamilya ni Yael ngunit magkaganon man ay tanggap naman siya ng mga magulang nito kahit galing siya sa simpleng pamlya. Parehong government employee ang kanilang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito kaya hindi masasabing naghihirap sila sa buhay o di naman kaya ay mayaman, tamang nakaluwangluwang lamang sa pang-araw araw na buhay at higit sa lahat ay masaya ang kanilang pamilya. Malayo mana ng agwat ng pamumuhay nila ni Yael ay hindi iyon ang naging hadlang sa kanilang pag-iibigan, mahal na mahal nila ang isa’t isa at kung hindi lamang siguro namatay ang kanyag mga magulang ay baka nagpakasal na sila ng nobyo. Yun kasi ang pangarap nila noong nagsisimula pa lamang sila sa kanilang relasyon na pagkagraduate nila ay bubuo agad sila ng pamilya. Nang mamatay ang kanilang mga magulang ay nakiusap muna siya ditong huwag mnang ituloy ang kanilang balak dahil kailangan munang alagaan at pag-aralin ang mga kapatid. Medyo nagtampo noon ang nobyo ngunit hindi naglaon ay pumayag rin ito sa kanyang gusto kaya naman mas lalong minahal niya si Yael dahil sa pagkamaunawain nito.

“Let’s sit, babe; masasarap ang mga ipinahanda kong pagkain, lahat favorite mo.”, si Yael pagkatapos ay maingat siyang inalalayan upang maupo.

“Wow! Thank you again, baby. I love you so much.”, malambing niyang pahayag at nakangiting pinindot nito ang kanyang ilong.

“I love you too, babe; it’s our day, let’s enjoy the food.”, pahayag nito at masya siyang tumango tango dito. 

Si Yael ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato and in return ay sinubuan naman niya ito. Sweet sila sa isa’t isa kaya naman masaya sila at may sariling mundo. Maya maya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, nagkatinginan pa sila ni Yael ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang biglang pagseryoso ng mukha nito kung kayat sumandaling inignora niya ang kanyang cellphone kahit aligaga ang kanyang isip. Siguradong kapatid niya ang tumatawag at kinabahan siya baka kung ano na ang nangyari kay Karl. Sinubukan niyang subuan ulit ang kasintahan ngunit hindi tumitigil sa pagring ang kanyang cp kaya hindi siya nakatiis at sinagot din ito sa kabila ng mas seryosong mukha ng nobyo.

“Ate! On the way na kami sa hospital, si Karl sobrang taas ng lagnat kinukumbulsyon.”, si Mark ang nasa kabilang linya at naririnig pa niya ang maingay na busina ng ibang sasakyan tanda ng nasa daan ang mga ito.

“Ha? Sige, sige. Papunta na ako, sabihin mo kay Lance dahan dahan siya sa pagdrive.”, nataranta siya ng husto ng marinig na itinakbo na sa ospital ang kanyang bunsong kapatid.

„Sorry, baby, I have to go si Karl itinakbo sa ospital.”, pahayag niya kay Yael habang pinag-aayos ang mga gamit.

“Anong, paano ang celebration ng anniversary natin?”, si Yael at hindi na niya alam ang iisipin.

“Some other time na lang; kailangan ako ng kapatid ko”.

‘Pero kailangan din kita, ano iiwanan mo ako ng basta basta na lang?”,

„Yael, not now please; promise babawi ako saiyo.”

“Damn it, Anna! Palagi na lang ganyan!  kung hindi mo ako sinisipot, iniiwan mo ako sa ere. Saan ba ako nakalagay sa buhay mo? Importante pa ba ako saiyo o mga kapatid mo lang ang importante saiyo?”, galit na pahayag ni Yael at napalunok siya habang nakatingin dito.

„Fine! You can go, pero sa oras na umalIs ka ngayon dito kalimutan mo na rin ako!”,

„Baby, huwag namang ganyan please, mahal na mahal kita pero…”

“Pero mas mahal mo ang mga kapatid mo? Go ahead!”, halos pagwawala ng kasintahan ngunit nasa isip niya ang kapatid.

“Please, don’t make this too hard for me; we’ll talk later, I have to go.”, pahayag niya pagkatapos ay binitbit ang bag na nakapatong sa may upuan at dali dali na niyang tinungo ang may pinto. Narinig pa niya ang pagmumura ng nobyo ngunit linalamon ng pag-aalala sakapatid ang kanyang isip at damdamin.

Pagdating niya sa hospital ay itinuro agad ng nurse ang emergency room kung saan naroon ang kapatid. Agad namang yumakap sa kanya sina Lance at Mark na kitang kita sa mga mukha ang sobrang pag-aalala sa pinakabatang kapatid.

“Kumusta si Karl?”, saad niya sa mga ito pagkatapos.

„Typhoid daw ate kung hindi daw naitakbo agad ay baka patay na ngayon si Karl.”, si Lance na halos maluha luha at napasign of the cross siya sa narinig. Huwag naman, halos hindi pa nga sila nakakarecover lahat sa biglaang pagkawala ng kanilang mga magulang.

“May awa ang Panginoon, hindi niya pababayaan si Karl.”, lakas loob niyang pahayag sa mga ito kahit deep inside ay naghihina din siya sa kalagayan ng kapatid.

“Sana ako nalang ang nagkasakit ate, ayaw kong may mangyaring masama kay Karl.”, Si Mark at ikinawit niya ang kamay sa ulo ng kapatid pagkatapos ay hinalikan niya ito sa ulo.

“It’s okey, Mark; Karl will be okey. Mula ngayon aalagaan na nating mabuti si bunso para hindi na siya magkasakit.”, turan niya at tumango tango ito. Pagkatapos ng isang oras ay dinala na sa recovery room si Karl habang may nakakabit na dextrose sa kanyang kamay. Mukhang mahina ang kapatid at halatang nag-iinda ng sakit.

“Bunso, kumusta ang pakiramdam mo?”, saad niya sa kapatid ng magising ito mula sa pagtulog.

“Mommy?”, turan nito habang nakatingin sa kanya kung kayat napatingin siya sa kanyang likuran ngunit wala namang tao. Lumabas si Lance saglit at nasa kabilang side naman si Mark.

“Karl, si ate yan, okey ka lang ba?”, wika ni Mark dito.

‘Mommy, huwag mo akong iiwan, mommy!”, maya maya ay umiyak na ito habang iniaabot ang isang kamay. Kinuha niya ang kamay ng kapatid at ikinulog sa mga palad pagkatapos ay halos maluha luhang inilagay ito sa kanyang pisngi.

„Karl, si ate ito; wala na si mommy ha? Pero pwede mo akong tawaging mommy kung namimimss mo siya. Mahal na mahal ka namin nina kuya Lance at kuya Mark mo. Aalagaan ka namin, pagaling ka ha?”, turan niya dito na hindi napigilan ang pagtulo ng luha. Tinignan siya ng ilang minuto ng kapatid pagkatapos ay pumikit at bumalik sa pagtulog. Napahinga siya ng maluwang ngunit hindi naman niya maawat ang patuloy na pagpatak ng kanyang mga luha. Maya  maya ay naramdaman niya ang kamay ni Mark na humahagod sa kanyang likod at pasimple niyang pinunas ang mata at pisngi bago nakangiting lumingon dito.

“Thank you, ate.”, saad nito ngunit bago pa man pumatak ulit ang mga luha ay niyakap niya ito sa baywang at inihilig ang ulo dito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Caren Magat
update po ms a..ganda ng story niyo lahat
2025-04-01 10:00:35
0
user avatar
Mayfe de Ocampo
Umpisa pa lang maganda na ang story nakakaexcite na agad,lhat naman ng books mo author magaganda at highly recommended, waiting for more updates sa new story mo na to...godbless
2025-03-09 05:48:49
1
39 Chapters
Chapter 1
“Ate, si Carl ang taas ng lagnat dadalhin ko na ba sa ospital?”, halatang soba ang pag-aalala ni Lance na pangalawang kapatid ni Anna. Hindi basta basta tumatawag ang kapatid kung kaya pa nitong ihandle ang sitwasyon sa kanilang bahay. May lagnat na kaninang umaga ang bunso nilang kapatid at base sa palitan nila ng mensahe ni Lance ay tila okey naman iito maghapon sa tulong ng paracetamol ngunit biglang tumaas ang lagnat nito na halos tumitirik daw ang mga mata.“Punasan mo ng basang towel ang kanyang katawan, palabas pa lamang ako sa upisina.”, pag-iinstruct niya sa kapatid. Ganon kasi ang madalas nilang ginagawa kapag sinusumpong ng lagnat si Carl. “Ginawa ko na ate, mataas pa rin.”, aburidong pahayag ni Lance at nasa niya ang kanyang ulo sa matinding pag-aalala sa bunsong kapatid. Kung pwede lang lilipad na siya pauwi upang makita agad ang kalagayan nito, pero naghihintay din ang kasintahang si Yael sa isang mamahaling rezto para sa kanilang 4th year anniversary. Nagatatampo n
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more
Chapter 2
“Damn! Why can’t you get me a normal and more descent secretary? “, hindi pa nakakapasok ng maigi ang head ng human resource department ng Eduardo’s Holding Company ay umuusok na ang tainga ni Ezekiel na kulang na lang ipagbabato ang mga papel na nakabunton sa mesa nito.“I’m sorry sir, mukha namang matino ang mga ibinibigay naming secretary sainyo sir during the hiring process, sa katunayan dumaan pa po ang mga yan ng ilang days na orientation bago madestino sainyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pagdating na dito sainyo.”, kabadong paliwanag ng HR head habang hindi makatingin ng direcho sa CEO.“So ako ang mali, ganun ba, Mrs. Santos?”,“Hindi naman po sa ganon, sir, hindi po kaya masyadong mataas ang standard ninyo?”, si Mrs. Santos ngunit napatakip ito ng kamay sa bibig ng tignan siya ng masama ng CEO.“Eh kasi sir, pinakamagagaling at pinakamagagada na ang mga ibinibigay namin sainyo...”.„Pwes! Piliin mo yung hindi lamang magaling, yung hindi lamang maganda kundi seryso sa
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more
Chapter 3
“Ate, birthday ni kuya Yael ngayon baka nakalimutan mo?”, si Lance habang busy sa harap ng stove. Ito ang tumatayong chef nila sa bahay at tagalaba din ng kanilang damit samantalang taga hugas ng mga pinagkainan at taga linis ng bahay naman ang pangatlo niyang kapatid na si Mark. Since siya naman daw ang naghahanap buhay para sa kanilang lahat ay hindi na siya pinapagawa ng anumag gawaing bahay. Paggising at pagdating niya galing trabaho ay wala na siyang gagawin kundi kumain na lamang dahil nakahain na rin ang mga pagkain sa mesa para sa kanya kaya kahit gaano man kahirap ang responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat ay masaya pa rin siya sapagkat mababait ang kanyang mga kapatid.“Oo nga, hindi ko nga sure kung makakapunta ako o hindi.”, tugon niya sa kapatid. Ilang beses na kasi niyang tinangkang tawagan ang nobyo ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Nagtampo na nga siguro sa kanya ng husto at hindi pa niya alam kung paano ito susuyuin. Naintindihan naman niya ito p
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more
Chapter 4
Paglabas ni Anna sa gate ng mga Domiguez ay doon na niya pinakawalan ang kanina pang gustong kumawalang mga luha. Ang sakit sakit sa dibdib na ang taong minahal mo ng ilang taon ay malalaman mong meron ng iba. Parang may dalawang malalaking bato na umiipit sa kanyang puso at kung hindi siya iiyak ay maalagutan siya ng hininga. Kung alam lamang niya na ganito ang mangyayari hini na lamang sana siya pumunta dahil bukod sa parang pasan ng kanyang dibdib ang mundo ay nagmukha siyang katawa tawa kanina sa pag-aakalang boyfriend pa niya si Yael. Ang sweet pa ng pagkakayakap niya mula sa likuran nito upang surpresahin, yun pala siya ang nasorpresa sapagkat meron na pala itong iba. Nabigla siya ng husto at hindi niya namalayan kung paano siya nakawala sa mata ng mga taong naroon. Inaamin niyang may mga pagkukulang siya pero ginagawan naman niya ng paraan upang mamend ang lahat ng shortcomings niya sa kanilang relasyon. Hindi perpekto ang relasyon nila bilang magkasintahan ngunit mas marami n
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more
Chapter 5
“Ate, Nandito kana agad? Halos kararating ko lang sa paghatid saiyo ah?”, gulat na turan ni Lance ng makita siyang pumasok sa may pinto. Nasa sala ito at kasalukuyang gumagawa ng drawing ng bahay.“Oo, sumakit ang ulo ko kaya umuwi na ako.”, saad niya na pilit ikinubli ang labis na kalungkutan.„Sina Mark at Karl, tulog na ba sila?”, turan pa niya upang mabaling sa iba ang pagtingin ng kapatid na sa ngayon ay nakatitig sa kanya.„Pumasok na sa room nila, sigurado kang okey ka lang?”, may pag-aalalang turan nito at tumango siya.“Okey lang ako, inom lang ako ng gamot mawawala din ito. Sige na, pasok na ako sa kuarto ko.”, pahayag niya pagkatapos ay nagmamadali na niyang tinungo ang hagdanan baka makahalata pa ito. Ayaw niyang mag-alala ang kanyang mga kapatid kaya kung ano man ang nararamdaman niya sa ngayon ay sa kanya na lamang iyon. Pagdating niya sa taas ay binuksan pa niya ang kuwarto ng dalawang kapatid. Tulog na si Karl at inayos niya ang kumot nito pagkatapos ay binigyan niya n
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more
Chapter 6
Halos hindi maipaliwanang ni Anna ang nararamdaman pagkalabas sa upisina ng CEO ng Eduardo’s Holding. Parang nawalan siya ng pag-asang makakapagtrabaho siya bilang secretary labis labis ang panghihinayang sa dobleng pasahod. Napakalaking tulong kasi para sa kanilang magkakapatid ang malaking sahod upang matugunan ang pangangailangan nila araw araw lalong lalo na sap ag-aaral ng mga kapatid. Pagpasok niya sa elevator pababa ay pabuntunghiniga niyang isinandal sa ang likod sa wall nito pagkatapos ay lupaylpay ang balikat na tila wala sa sariling nakatingin sa taas. Mabuti na lamang at mag-isa siyang lulan dito kung kayat feel na feel niya ang pagsesenti. Kung bakit naman kasi ganon ang mga katanungan ng nag-interview sa kanya, sigurado bang CEO ang lalaking iyon? Imbes na yung mga kakayahan niya ang tinanong nito ay para namang schoolboy na tinatanong kung attractive ito at may potential itong maging boyfriend niya. Jusko Lord, kung ibang babae lamang siguro siya wala ng tanong tanong.
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more
Chapter 7
Pagdating nila sa parking lot ng isang mamahaling rezto ay agad bumaba si Delfin upang pagbuksan ng pintuan ang CEO. Bumaba naman agad ito pagkatapos ay walang sinsalitang tinungo ang entrace ng rezto. Kung hindi lamang sumenyas si Delfin kay Anna ay hindi pa siya kumilos upang sundan ang kanyang bagong boss. Sa haba ng biyas ng mga legs nito ay napakatulin nitong maglakad kumapara sa biyas ng isang 5’2 na katulad niya kung kayat halos tumakbo na naman siya upang makahabol dito.“Don’t get inside!”, narinig niyang utos nito bago ito pumasok sa pintuan ng rezto. Para naman siyang sasakyan na biglang nagpreno pagkaarinig sa instruction nito habang hinabol na lamang ng kanyang tingin ang pagpasok ng CEO. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay napabuntunghininga siya ng malalim pagkatapos ay napailing na lamang habang tumungin sa paligid. May nakita siyang upuan malapit sa entrance door at napagpasiyahan niyang doon na lamang niya hihintayin ang kanyang boss. Akala niya mapapasabak siya a
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more
Chapter 8
Kinbukasan ay maagang nagising si Anna upang maghanda para sa bagong trabaho. First day niya bilang secretary ngayon kaya dapat mas maaga siyang pumasok kesa sa kanyang boss. Kailangan niyang magpaimpress, tumataginting na fifty thousand ang kanyang sweldo at kailangan niyang pangalagaan ito kahit gaano pa kasungit ang kanyang amo. Salamat sa mga tip na ibinigay ni Mrs. Santos, kung hindi magkakaproblema siya ng malaki sa mga susuotin at pagmamake-up.“Ate, ikaw ba yan?”, si Lance ng mababaan niyang naghahanda ng pagkain sa hapag. Nakaturtle neck kasi siya ng kulay black at simpleng nakatuck-in sa kulay gray niyang slacks habang nakasuot ng napakakapal na salamin.“Akala ko ba secretary ang pinasukan mo? Bat mukhang ikaw ang papalit kay Ms. Tapia?”, saad pa ng kapatid at manganingani niyang kutusan ito.“Grave ka! Kung maka Ms. Tapia ka diyan, magkakamukha lang tayo, oi!”, nakatawang turan niya kasabay ng pag-upo sa harap ng mesa. Napaismid ang kanyang kapatid pagkatapos ay iiling ili
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
Chapter 9
“I said get inside the office!”, mula sa pagkagulat kanina dahil sa biglaang pagkarinig sa boses ng boss sa kung saan ay napatayo si Anna mula sa pagkakaupo. Meron palang nakabuilt na audio sa kanyang working space na nakaconnect sa office ng CEO at bigla siyang kinabahan dahil siguradong narinig nito ang pagtataray sa babaeng caller kanina. Ninenerbiyos man hindi naman siya nag-atubiling pumasok sa private office ng kanyang boss.“Sir may kailangan po kayo?”, turan niya sa amo habang hindi makatingin ng direcho dito. Nag-angat ng mukha si Mr. Eduardo at kitang kita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagkadisgusto sa nakapinta sa mukha nito.“Call this A&Z Builders kung hindi sila makapaghintay I’m very willing to terminate their contract and partnership with us!”, turan nitong habang kasabay ng paglapag nito ng papeles sa kanyang harapan. Lihim siyang napahinga ng maluwang sapagkat hindi tungkol sa pagbagak niya ng telepono ang rason kung bakit hindi maganda ang timpla nito ngunit
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more
Chapter 10
Pakiramdam ni Anna ay gumapang pataas sa kanyang mukha ang lahat ng kanyang dugo dahil sa pagkahuli sa kanya ng kanyang boss habang nakatingin dito sa pamamagitan ng salamin. Pasimple niyang inayos ang makapal na salamin pagkatapos ay patay malisyang umayos ng upo sa tabi ng driver. Mabuti na lamang at eksaktong tumigil na sa parking lot ng restaurant ang sasakyan at mabilis na bumaba si Kuya Delfin upang pagbuksan ang kanilang amo. Nang makababa ito ay pinagalitan niya ang sarili at pinagtatapik pa ang noo. Nagulat pa siya ng buksan ni kuya delfin ang pintuan sa tabi niya at sinabihan siyang pwede na siyang bumaba.“Salamat, kuya.”, pasasalamat niya at ngumiti lang din ito sa kanya sabay nguso sa papasok na sa restong amo.“Bilis.”, nakangiti pa nitong turan kung kayat kulang na lamang ay liparin na niya ang distansiya nila ng kanyang boss upang makalapit agad dito. Mabuti na lamang at bahagyang tumigil, marahil ay wala itong ideya kung anong table ang kanilang eservation.“Hmp! Mabu
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status