Share

Chapter Twenty Five: Faces

Sir, naka-ready na ang suite,” sabi ni Yumi na katatapos lang makipag-usap sa housekeeping gamit ang cell phone.

Imbes na ibiyahe pa si Thera pauwi ng condo, Sean decided to spend their night at The Palace Hotel. May mga kailangan din siyang tapusing trabaho sa opisina dahil sa halos kalahating araw na pagsunod kay Thera.

Babalik siya sa opisina pagkatapos masigurong tulog na ito mamaya. Kumilos siya para alalayan itong tumayo.

Malalim ang hinugot na hininga ni Sean nang mag-angat si Thera ng mukha. Sa namumungay na mga mata, ngumiti ito. Sapilitan niyang binawi ang tingin nang ikawit nito ang braso sa kanyang batok nang maingat niya itong pangkuin.

Pagdating sa suite, inihiga niya si Thera sa malambot na kama. Panay ang kilos nito, tinatangkang hubarin ang blouse.

Gusto niyang mapailing. Bakit hinayaan niya itong malasing? Nagbuga siya ng hangin, saka naupo sa kama.

Kinalas ni Sean ang butones ng suot na b

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status