Share

Kabanata 50: Dandelion

KABANTA 50:

Hagan Point of View.

Dagliang naudlot ang kasiyahan sa pagpapakilala ni Dima sa librong hawak nang tahasan itong kuhain ni Morriban. Agad niya itong binuksan at mas sumalubong lalo ang mga kilay sa nakita sa loob nito. Bagay na kusa ko ring nilapitan bago pa man ang lahat makalapit kay Morri, ngunit gaya nito ay nagtakha rin ako sa nakita ko sa loob nito.

Isang pirasong dahong berde na berde ang nasa una nitong pahina. Sinubukan pa naming ilipat sa iba pang mga pahina ang libro ngunit iba’t-iba lamang na piraso ng dahon o talulot ng bulaklak ang mga nakadikit sa gitna ng bawat pahinang mayroon ang libro.

“Bakit ganito ang mga pahina ng libro, Dima? Wala ni ano mang nakasulat sa mga pahina nito kung hindi ang iba’t-ibang halaman lamang,” tanong ko pero imbis na sagutin ay ngumiti lamang jto at kinuha muli ang libro mula sa aking kamay. Umupo ito sa mahabang silya na kinauupuan naming lahat at masaya at buntong hininga lamang na umupo roon.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status