Share

Chapter 16

“Nasa’n po si Aries?” bungad ko kaagad nang makauwi at makasalubong si Nanay Flor. Tila nagulat naman ito nang makita ang pagkaseryoso sa mukha ko.

“Nasa kwarto niya, hija, matutulog na raw,” naguguluhang sagot niya. “Teka. Nag-away ba kayo?”

Hindi ako kaagad nakasagot. Umiwas lang ako ng tingin nang biglang maging mausisa ang tingin niya sa akin.

“Hindi po.”

“Sigurado ka? Bakit parang hindi maganda ang timpla ng mukha niya kanina?”

Agad ding bumalik sa kaniya ang tingin ko. At saan naman sasama ang loob niya?

“Bakit daw po?”

“Pagod siguro sa trabaho. Halos hindi na nga ako masagot kanina,” umiiling-iling na aniya. “Oh siya, maiwan na kita at tatapusin ko ‘tong mga labahan. Kumain ka na lang diyan kung nagugutom ka na.” Paalam niya kaya napatango na lang ako.

Nang umakyat ako at makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ni Aries ay napahinto ako roon. Tinitigan ko muna ito ng mga ilang segundo bago napagdesisyun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status