[57]
Cathalina's POV:
Inis kong binaba ang cellphone ko, huminga ako ng malalim at hinaplos ang tiyan ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko hindi ko alam pero nagiging madrama na naman ako, kakabukas ko lang ng laptop ko at account ko sa social media. Tapos ganoon ang bumungad sa'kin natulala pa ako sandali dahil sa nakita ko na ilang picture.
Nakita ko lang naman ang picture ni tristan na may babae pang kasama, 'yung isa ay nasa photoshoot pa at magkahalikan pa sila ng labi. Madami pang sila pictures nung babae, minsan pa ay magkakasama sila sa bar at sa kung saan pa. Hindi ko kinaya at dapat uuwi ako ngayon pero hindi nalang, dahil naninikip ang dibdib ko habang nakikita ang pictures nilang dalawa.
Tangina! Magkaka anak na kami n'yan ha! Nakuha pang lumandi ni Tristan! Sarap kalbuhin!
Sinara ko ang laptop ko, hinilot ko ang sentindo ko dahil nas-stress na naman ako. Kanina ay bigla akong nahimatay, mabuti nalang at nakita ako ni hades nalaman na rin ni dad ang nangyari at galit na galit si daddy, kaya mas minabuti naming umuwi bukas. Madaming sinabi ang doctor sa akin at sobrang stress na daw ako at kailangan kong iwasan dahil makakasama sa anak ko at kailangan kong panatilihing malusog ang katawan ko.
Nagaalala ako sa kapatid ko pati si dad ay galit, ngayon lang na nangyari kay noemi ang ganoon at walang nakakaalam sa totoong nangyari. Kapag nalaman ko lang talaga ang nangyari! Hindi ako magdadalawang isip pumatay ng tao! Hindi nila alam kung sino ang kinanti nila! Wala silang ideya kung ano ang kaya kong gawin.
Hindi ko pinansin ang sunod sunod na mensahe ni tristan sa cellphone ko. Naiinis lang ako sa kanya, pumunta ako sa balkonahe at doon lumanghap ng sariwang hangin. Hinaplos ko ang tiyan ko medyo malaki na at halata na ang baby bump ko kaya naeexcite ako na malaman ang gender niya.
"Excited na si mommy na makita ka baby, stay ka lang ha? Sorry, kung palaging stress si mommy madami lang talagang ginagawa. At isa pa, sarap kalbuhin ng papa mo!" nakangusong saad ko at hinaplos ang tiyan ko. "Kapag umuwi tayo doon sa pinas, you will see your daddy at gusto ko na makumpleto tayo." saad ko pa sa anak ko.
Pagkatapos kong uminom ng gatas ay agad na akong humiga sa kama. Binalot ko ang katawan ko ng comforter at pinikit ang mata ko, bukas na kami uuwi at bukas rin ang birthday ni tristan.
Maaga akong nagising, ngayon ang alis namin. Kaya nagimpake pa ako ng damit ko dahil kukunin ko ang iba ko pang gamit dito sa mansyon, dalawang maleta ang dala ko ang kaunti lang naman kasi ang dala kong damit sa pilipinas. Halos lahat ay nandito at nasa malaking closet ko, nandito rin ang mga gown na ginagamit ko kapag aalis o hindi kaya'y may bisita.
Nakakapagod rin maging prinsesa, hindi ka nakakagalaw ng maayos dahil marami ang pupuna sa'yo at nanonood.
Pagkatapos kong magimpake ay naligo na agad ako, tinatamad na naman akong kumilos. Kaagad akong nagbihis ng gray long sleeve turtle neck at isang itim na lether pencil skirt na above the knee ang haba. Kinuha ko ang brown kong coat na hanggang tuhod ko ang haba, sinuot ko rin ang high heels kong boots kaya bumagay sa damit ko. Nang makita na maayos ay agad akong lumabas ng kwarto ko, bawat isa sa mga madadaanan ko ay nag bibigay galang sa'kin na panay ang tango ko.
"Dad," humalik ako sa pisngi niya at umupo sa upuan ko. "I'm ready, ikaw nalang ang hinihintay ko sa pag alis natin." mahinahon na saad ko.
"I need to see your twin now, kaya kailangan na nating umalis at bumalik." seryosong saad niya. "Gusto ko na ring asikasuhin ang divorce paper." malamig na saad niya napatango nalang ako.
"Ako na ang bahala, si hades na ang mag aasikaso nun." saad ko sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay agad na akong pumunta sa silid ko para kunin ang shoulder bag at cellphone ko. Kasama ko ang tauhan sila ang nagdadala ng mga gamit ko, bumaba kami at nandoon na si dad. Sumabay ako sa kanya at pumunta sa kotse na nasa labas ng kaharian namin.
"Hades, ang divorce paper kailangan ko na agad mamaya." utos ko sa kanya habang kami ay naglalakad.
"Yes, milady naayos ko na ang papel. Pirma nalang ang kulang at nandoon na rin ang abogado." saad niya tumango ako.
Sumakay kami sa sasakyan ng royalties, ang mga kawal ay nandoon na sa harapan ng castle, yumukod sila ng makaalis ang sasakyan namin. Tahimik lang ako sa byahe hindi naman naiipit ang baby ko dahil medyo maluwag ang suot ko, paano ang laki na ng tiyan ko halata na nga na buntis ako.
"Sinabihan ko na ang mga tauhan milady na susunduin kayo sa airport." saad ni hades na katabi ko.
"Gusto kong wag mong ipalaam kila amara na darating kami." malamig na saad ko. "Gusto kong surpresahin ang step-mother ko." saad ko pa.
Nakarating kami sa eroplano na naghihintay sa amin, agad na umalalay ang mga tauhan. May mga taong nagpupumilit na kami ay lapitan ngumiti lang ako sa kanila at kumaway ng kaunti at natuwa naman sila. Sumakay na kami sa private plane nandoon pa rin ang mga taong sumusuporta sa'min kaya hindi ko maiwasang matuwa sa kanila.
"I want to talk to the father of your child, franches." basag ni dad sa katahimikan.
"Sure, pero wag muna ngayon dad," nakasimangot na saad ko sa kanya na nakataas na ang kilay. "H'wag muna ngayon dahil hindi kami magkaayos." saad ko sa kanya.
"Dapat ko na bang gilitan ng leeg huh?" nakangising saad niya at natawa ako. "Ayusin niya lang at kailangan niyong magpakasal sa lalong madaling panahon..." saad niya tumango nalang ako.
"Ayokong pakasalan niya ako dahil sa magkakaanak na kami dad, gusto ko 'yung kusa niya ako yayayain." nginisian ko s'ya kaya napailing s'ya.
Tahimik kaming nakarating sa pilipinas nakakapagod rin pala ang byahe, inalalayan ako ni hades pababa ng erolano at agad na sumalubong ang hangin ng pilipinas sa'kin. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim, agad na kaming sumakay sa kotse na nakalaan para sa aming tatlo nila dad. Sumandal ako sa upuan, ngayon nga pala ang birthday ni tristan pupunta ako at aawayin ko nalang s'ya dahil galit pa rin ako.
"Nandito na po tayo." saad ng driver namin at pinasok ang sasakyan paikot sa fountain, agad na pinarada ang sasakyan.
Bumaba ako at nangunot ang noo ng may makitang kotse, tinignan ko ang bahay nakabukas naman at may ilang katulong na nagulat pa sa pagdating namin. Kaagad na kaming pumasok at rinig ko ang ingay na nanggaling sa garden ng mansyon.
"Nasaan sila?" si dad ang nagtanong.
"Nasa garden po." halatang takot ang isang kasambahay.
Pumunta kami doon ni dad at napatanga ng marami ang tao sa bahay namin, ang iba pa ay nasa swimming pool. Nakita ko agad ang step-mom ko nakakandong sa lalaki at naghaharutan pa sila napangiwi ako, tinignan ko si dad na nagtatagis ang bagang.
"THE PARTY IS OFF!" malamig na sigaw niya sa lahat maski ako ay napatalon sa gulat.
Lahat sila ay napatingin sa amin tinanggal ko lahat ng emosyon na mayroon ako, napatingin ako kay belinda na nagulat. Tinignan ko ang mga tao lahat sila ay mga nakainom pa tanghaling tapat at nandito sila.
"D-darling.." mahinang saad ni Belinda at ngumiti. "Hindi mo sinabi na uuwi ka pala, sana e, sinundo kita." nakangiting saad niya at hinalikan si dad na agad umiwas.
"Sinong may sabing magparty kayo sa bahay ko?" malamig na saad ni dad. "Ang kalat ng bahay ko, maski sa loob ay makalat at ano ang ginagawa ninyo? Pati ang mga wines ay nagkalat na sa sahig!" galit na saad ni daddy.
"Dad.." mahinang saad ko "Ako na ang bahala dito." mahinahon na saad ko sa kanya.
"D-darling, nagkakatuwaan lang naman kami. Isa pa, bahay ko rin naman 'to kaya pwede akong magpaparty kung kailan ko gusto diba?" saad pa niya nakaswim suit pa ang bruha.
"Pamamahay ko ata ang sinasabi mo belinda." walang kabuhay buhay na saad ko. "Imbes na abalahin ninyo si noemie na nasa hospital, nandito ka nagpaparty." saad ko sa kanya.
Tinignan ko lahat ng tao dito at kaagad kong sinenyasan ang ilan sa mga tauhan ko, tumango lang ako sa kanila. Isa-isang nilabas ang mga bisita, hindi ko na sila pinagbihis at hinayaan ko silang kalakadkarin ng mga tao ko, ang iba ay masama ang tingin sa'kin.
"Baka gusto mo isama pa kita sa mga 'yan?" matalim na saad ko sa kanya. "Wala kang karapatan ni katiting sa bahay na 'to at 'yan ang lagi mo tatandaan. Kaya umayos ka at baka palayasin kita dito." saad ko at tumalikod na doon pero isa hablot sa braso ko.
"Wag mo akong subukan cathalina, ako pa rin ang nanay mo." galit na saad niya madiin ang kapit sa braso ko. "Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan at baka makatikim ka sakin." saad niya.
"Let her go, belinda." malamig na saad ni dad. "Ngayon palang ay umpisahan mo ng magimpake ng damit mo, ipapadala ko ang divorce paper at pipirmahan mo sa ayaw at sa gusto mo." huling sinabi ni dad at marahan akong pinasok sa bahay.
I gave her a victory smirked. "Bye step-mom." i mouthed at her at iniwan s'yang tulala doon.
Good afternoon, Sunshine's! Finally, im done with my first novel named Guarding The Mafia Heir (Mafia Series 1) and i am so glad that you read it seriously. Maraming salamat sa lahat ng mambabasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang. Sana nagustuhan ninyo ang story ko, marami pa kayong dapat abangan! I have Mafia Series 2. Ip-post ko po after ng ilang days. Maraming salamat po! Mahal ko kayo! Sana palagi ninyo akong suportahan sa lahat ng nobelang gagawin ko! Maraming thank you!!! This is C, ending my Mafia Series 1. I'm really proud to my self! Thank you ulit Sunshine's! See you sa Mafia Series 2!
[Special Chapter]Cathalina's POV:Hay! Finally, it's all done and we can live peacefully. But i'll never forget that night, the night that we lost another family member again. Masakit para sa'kin maski kay Tristan ang nangyari, wala na naman akong nagawa that night. Paano ako makakagalaw at makakakilos kung hawak ako ng limang katao at kinukuryente pa ang katawan ko? Pero ginawa ko ang lahat, naming lahat para lang mailigtas silang dalawa, but then again we lost.As day, months, years goes by we finally accept what happened as my husband did. There are times that we're struggling to the point we can really understand each other. We didn't want to see nor to talk to each other because we deeply hurt, kasabay ng pagkawala ng papa ko ay siyang pagkawala ng mga magulang niya. I understand him, pero may mga pagkakataon na hindi ko na makilala si Tristan. But, not until he reached me, he slowly tightened his grip to my
[Epilogue]Dumaan ang maraming taon at maraming araw, sariwa pa rin sa akin ang nangyari noong gabing 'yun. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mukha ng mama at papa ko, kung paano sila mismo namatay sa harapan ko. Hindi ko makakalimutan ang gabing 'yun ang gabing sumira sa buong pag katao ko. Pagkatapos ng gabing 'yun marami pa ang nangyari sa amin, dumating sa puntong hindi ko na makilala ang sarili ko. Ang dating ako, dumating rin kami ni Cathalina sa puntong hindi na kami magkaintindihan na ultimo nag-aaway sa maliit na bagay.Ilang araw rin, nilibing ang mama at papa ko nung araw na 'yun. Masakit pa rin para sa'kin pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang bumuhay ng patay, at hindi ko na mababalik pa ang nakaraan. Natanggap ko na rin at hinding hindi ko makalimutan ang huling sinabi ng papa ko ang h'wag sisisihin ang sarili ko, sa kung ano ang nangyari sa'kin at sa pamilya ko. Ganun ang buhay, punong puno ng misteryo at sakit per
[130] [The Finale] Tristan's POV: Whoo! Madami na akong sugat na natatamo dito. Maski nga rin si Dad, madami kasi talaga ang mga tao naman ni dad ay tama at sakto lang. Kada mauubos may pumapalit, may nakikita pa nga akong nagpapalaso sa gilid. Hindi ko naman kilala 'yun, natutumba naman ang mga kalaban namin dito. Napatingin lang talaga ako sa asawa ko na napapikit doon at hawak ang tagiliran. Lalapitan ko sana ng may sumapak sa tiyan ko at mukha ko, kaya ito ako ngayon nakikipagbuno na naman ng hindi ko malapitan ang asawa ko na nandoon. "Dad, hindi ba masyadong marami?!" sigaw ko kay daddy na prente lang doon kahit bugbog na rin. "Argh! Ang dami at napapagod na ako!" reklamo ko pa. "Madaming tauhan si Zeus, ang iba ay sindikato kayo malalaki ang katawan! Kaya kailangan mo mag-ingat, Tristan." paalala niya at napaluhod na dahil hinampas ng kahoy sa binti.
[129] [The Bloody Battle] Cathalina's POV: Hindi ko napaghandaan ang bagay na 'to, wala akong ideya sa nangyayari ngayon. Basta ang alam ko ay tinawagan ko na ang mga tauhan ko, alam kong anong oras man ay nandito na sila. Ang dad ni tristan, hindi ko alam kung saang pinto ba sila nandun pero ang sabi sa'kin ng dad niya, maduming maglaro si Zeus. Iba kung mag-isip, kaya hindi ko na alam ang uunahin ko, nawawala ang buong angkan ng Valeria at si Noemie. Hindi ko alam kung nasaang pinto ba sila, mamaya at patibong lang pala. Isa pa ang mga anak ko, once na maputol ang tali deretso sila sa transparent box na nasa ilalim nilang tatlo. Nakakainis lang na hindi pa nga tapos ang plano ko at ng dad ni Tristan ay eto ngayon, nandito ako. Sana naman lumabas s'ya sa pintuan na 'yan diba? Kanina ko pa nga kinakausap ang sarili ko gamit ang earpiece. Wala pa rin talaga sagot, baka knockout ang
[128] [The Bloody Battle] Tristan's POV: After we talked everything about her plan, naisip ko na ang talino niya para makaisip ng plano at strategies. Wala lang, bumilib lang ako sa asawa ko! Actually, hindi naman talaga plano parang kapag nasa actual case na kami ay handa kami. May mga tao daw na tutulong sa'min so, wala na akong dapat ipagalala kasi i trust my wife. Alam ko naman kasi na magagalit si Zeus, sino ba naman hindi? Pinatay lahat ng mga tao mo at ang kaibigan mo, sinira at sinunog ang mga illegal na ginagawa mo. Wala ng iba pang ginawa ang asawa ko, 'yun lang daw pero hindi ako naniniwala i know mayroon pa. Hinayaan ko nalang rin, baka kasi may plano talaga s'ya. 8:30pm ng umalis kami sa opisina niya, madami kasi s'yang trabaho na inasikaso kanina. At may meeting pa s'ya kaya naman naghintay ako ng dalawang oras para lang makauwi na kami. Sila mom at dad nandoon sa ba