Mukhang manika si Mrs. Coldwell. Mahaba at blonde kasi ang kanyang buhok, dinamayan pa ng kulay asul niyang mga mata. Para tuloy akong nakatitig sa dagat. Naputol lang ito at nabalik ako sa wisyo nang hawakan niya ang mga dala-dala kong folders. Inangat niya ang mga ito isa-isa na para bang may hinahanap. “Here you go,” sabi niya nang nakangiti sabay hinto. Kinuha niya ang isang folder galing sa mga hawak ko. Naiiba ang kulay nito, at sa likod, kita ang mga salitang MindTrace Research Group. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil folder lang pala ang tinutukoy niyang kanya na napunta sa ‘kin. Mukhang nabitawan din niya ito nang magkabanggaan kami at nahalo sa mga hawak ko.“Ah sorry, Mrs– I mean, sorry Ma’am. Hindi ko po napansin. Tsaka sorry po sa pagbangga. Hindi ko sinasadya,” may kahabaan kong saad. Muntik pa ‘kong madulas na kilala ko siya!“No worries, Ms. Del Rosario. It was just an accident,” may lambing niyang balik. “Just be careful around the office. Baka kasi sa susun
“Ah yes, sir! Hindi pa talaga ‘ko uuwi!” halos mautal ako nang bawiin ang mensahe ng kanta. Mala-robot ang tawa ko nang kuhanin ang mga papel sa printer. Buti na lang at tapos na ‘ko pagdating ni Mr. Coldwell. Kaya bago pa siya magsalita ulit, nagmadali na ‘ko pabalik sa area ko at dito nagtago. Wala naman na akong narinig na kahit ano. At makakampante na sana ‘ko sa katahimikan nang maalala ang kailangan ko sa boss ko. Dapat pala sinamantala ko na noong magkaharap kami!Napapikit ako nang mariin bago napilitang tumayo ulit. Wala na si Mr. Coldwell sa printing area at pagbaling ko sa kanyang opisina, awtomatikong nagsara ang kurtina. Nilakasan ko na ang loob ko lalo na’t lunch break. Wala naman na sigurong problema kung ngayon ko hihingin ang gamit ko.Dire-diretso akong nagpunta sa opisina ni Mr. Coldwell. Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata sabay talikod. I just saw Mr. Coldwell’s well-defined back! Sakto kasing naghubad siya ng polo pagpasok ko. Pati ba naman pagkatok sa
Normal lang ba talaga sa mga CEO ang mag working lunch sa isang fine dining restaurant na by reservation lang?Akala ko kakain lang kami ni Mr. Coldwell sa malapit noong inaya niya ‘ko. Ngunit talagang sinadya pa namin ang The Black Swan na ilang minuto rin ang layo mula sa opisina. Parang ‘di tuloy siya ganuon ka-busy tulad ng sabi ni Tina.Pagpasok sa loob ng restaurant ay bumungad sa ‘min ang maaliwalas na kwarto. It has that 1920s and 1930s vibe. Everything just screams glamour and modernity dahil sa black and white contrasts at bold designs.Mangilan-ngilan lang ang tao rito ngayong hapon, at lahat sila ay mukhang may kaya sa buhay. Medyo nailang tuloy ako nang tingnan ang sariling ayos. Simple lang kasi ito dahil ‘di ko napaghandaan ang pagpunta sa ganitong klaseng lugar. Akala ko nga ay titiisin ko ulit ang gutom ko ngayong araw dahil sa biglaang buhos ng trabaho.Didiretso sana ako sa bakanteng lamesa nang salubungin kami ng waiter. Yumuko ito sa harapan namin na bahagya ko ri
Halos mabilaukan ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Panay lang kasi ang salpak ko ng pagkain sa bibig ko – ‘di alintana kahit puno na ito. Sinadya ko talagang ‘di intayin ang pagbalik ni Mr. Coldwell para ‘di kami magsabay. Kaya nga kahit kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglapit niya sa lamesa, tuloy-tuloy pa rin ako. Saktong ubos na ang laman ng plato ko nang maupo siya sa dating pwesto.“Ms. Del Rosario–”“Tapos na po ako!” bulalas ko sabay taas ng kamay. Nakita ko ang pagsulyap ni Mr. Coldwell sa lamesa, “You haven’t had the dessert.”Ngumunguya pa ako kaya medyo hirap nang sumagot, “Hindi po ako mahilig sa sweets.” Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. Mukhang may ideya siyang ‘di totoo ang sinabi ko. Gaano ba kalalim ang naging relasyon naming dalawa at parang mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko? Ito ang ilang beses ko nang naitanong sa sarili.Para wala na lang siyang masabi, kumuha ako ng isang small square cake at sinubo ito ng buo. Nakakailang man ang pagtit
Losing your memories doesn’t erase who you are, Alina.Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Mr. Coldwell, lalo na ang pagtawag niya sa ‘kin gamit ang first name ko. Pumait ang panlasa ko dahil hindi malabong may kinalaman sa nakaraan namin ang dapat sana’y pag-uusapan namin. Mabuti na lang talaga at nakaiwas ako. Kung hindi’y baka saan pa napunta ang dapat sana’y simpleng tanghalian.Pagpasok sa loob ng condo unit ko, natigilan ako sa harap ng pinto. Pinagmasdan ko ulit ang lugar ko nang maigi. Kahit ilang araw na akong araw-araw umuuwi rito, hindi pa rin ito pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa limang taong alaalang nawala sa ‘kin o may mas malalim pang dahilan.I wanted to be at home in this place. Kaya naman nagsimula akong maglinis. Wala akong sulok na pinalampas. Naisip kong baka makatulong ito para maramdaman ko ulit na dito ako nakatira. Ang galing nga e. Kahit dapat ay matagal na ‘ko rito, pansin kong halos lahat ng gamit ay parang bago. Naglinis lang a
Gusto sana akong ihatid ni Frances pero tinanggihan ko na, lalo’t may lakad din daw siya ngayong araw. She's been incredibly helpful to me, and the last thing I want is to be a burden to her.Naayos ko na ang condo, nakapanood na rin ako ng mga palabas, at ngayon, it’s time to experience the real world.Dahil wala pa rin akong confidence matutong mag-drive, nag-commute lang ulit ako ngayong araw. Mabuti na nga lang at walking distance lang ang train mula sa condo. Ayon nga lang, nalaglag ang panga ko nang makita ang haba ng pila. Nagkataon kasing rush hour pa ‘ko lumabas. Hindi naman bago sa ‘kin ang pagsakay ng train. Ayon lang, ‘di na yata ako uulit dahil bukod sa nakatayo na nga ako, mas malala pa ang siksikan. Kahit may segregation na by gender, marami pa rin akong nakasakay na lalaki. Ang aga-aga naglalagkit na ‘ko sa pawis dahil ang hina ng lamig ng aircon.Kaya ko pa sana itong tiisin. Kaya lang may napansin akong lalaki malapit sa ‘kin. Pamilyar ang suot at tindig nito. Mukha
Dahil sa tuloy-tuloy na paglalakad, nakarating ako sa women’s section kung saan may malapit na exit ng department store. Nakahinga ako nang maluwag at palabas na sana nang maisipan kong tumingin sa mga naka-display na damit.Una kong tiningnan ang price tag nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa presyo. Tuloy ay nailing ako nang lapitan ng sales lady. Bago pa mapagastos ay tuluyan na ‘kong lumabas ng department store.Nang ilibot ang mga mata sa paligid ng mall, nakita ko naman ang presyo ng pagkain sa mga food stalls. Gusto ko sanang bumili pero ang mamahal. Five years lang ang nakalipas pero talaga yatang nagtaas na hindi lang ang pamasahe kung hindi maging ang presyo ng mga bilihin.Wala sa listahan ko ang magsayang ng pera ngayong araw kaya hinanap ko na rin ang exit ng mall. Gusto ko lang sanang ma-experience ang mga nawala sa alaala ko, bumisita sa ilang lugar na napuntahan ko noon, pero quota na ‘ko. Masakit at pumipintig ang ulo ko kaya gusto kong umuwi na lang.Ayon lang ay p
Was my boss's comment even necessary?Nakakunot ang noo, nilapitan ko si Mr. Coldwell para bawiin ang burger ko. Ngunit agad naman niya itong inilayo sa ‘kin. Nang subukan ko ulit hablutin, itinaas niya sa ere ang kamay niyang may hawak nito. At dahil matangkad siya, nahirapan akong abutin ito at agad sumuko.“Sir, ano po bang kailangan niyo sa ‘kin? Malinaw naman po siguro na naka-leave ako. Boss po kita pero hindi oras ng trabaho. Kung gusto niyo pong masigurado na may sakit ako, pwes sige po, ang totoo – wala po akong sakit, pero stress oo!” walang preno kong reklamo. Kinailangan kong huminga sandali bago nagpatuloy. “Pwede po bang mag stress leave?” halos papiyok kong tanong.Wala akong planong makipagbiruan sa kanya kaya mabuti at ibinaba na niya ang kanyang kamay. Mabilis kong inagaw ang burger ko na halatang ikinagulat niya. “There were eight burgers–”“Opo! Akin lahat!” Nabigla rin ako sa pagtataas ko ng boses. Lalo nang kagatan ko ang binawing burger. Medyo dinadalaw na ako n