Ang huling tanda ni Alina, kulang na lang ay maglagay siya ng sign na “fresh grad for hire” sa kanyang noo dahil sa hirap makahanap ng trabaho. Kaya laking gulat niya nang magising siya sa langit—este sa ospital pa lang naman. Sumalubong ang mukha ng isang batang lalaki na ‘mommy’ ang itinawag sa kanya! Aangal pa ba siya kung sunod na pumasok sa eksena ang super hot nitong daddy? At parang hindi pa sapat ang pagkawindang, pagtingin sa kalendaryo’y mistulang bumaliktad ang mundo niya. Paano’y limang taon na ang lumipas mula sa huling tanda niya! Parang may nag-fast forward sa kanyang buhay at ngayon, wala siyang choice kung hindi humabol!
Lihat lebih banyakMr. Coldwell’s POV
"We expect you to attend this time, Prescott,” umalingawngaw sa opisina ko ang maawtoridad na boses ng aking mama.
Napilitan akong ibaba ang phone ko sa lamesa at pindutin ang speaker mode para makatapos ng trabaho. I still have a pile of documents awaiting my review and signature.
"If not, I will be forced to arrange more dates for you. How does a week sound? You can have one for breakfast, lunch, and dinner.” Natigilan ako sa pahabol ng mama. Inihilamos ko ang isang kamay sa mukha bago sumandal sa swivel chair at bumuntong-hininga. “Don't test my patience; I have a roster of potential matches waiting for you.”
Alam ni mama na ayaw ko ang ganitong setup dahil aksaya sa oras. Kaya nga itinataon nila sa company events ang pagpapakilala ng mga babaeng gustong ipareha sa ‘kin.
As the CEO of Coldwell Corporation, my bachelorhood is seen as a liability by shareholders and board members. Finding a suitable partner, settling down, and producing an heir are not just personal desires but strategic moves to maintain our family's legacy and ensure stability in the business.
Nang magsimula na naman ang mama sa mga pangaral niya, hinimas ko ang aking sentido para bawasan ang sakit ng ulo. Iniiwas ko muna ang tingin sa computer monitor at napunta ito sa glass wall.
There she was, the new hire who always stays behind. I used to be the last one in the office, but ever since she joined, it seems she has taken that spot, and I don't mind at all.
Tinapat ko sa bibig ang nakakuyom na palad habang nanunuod. Nakatayo siya sa harap ng printer. At marahil nabagot sa paghihintay, yumuko siya at sumilip sa tray. She let out a little jump when she finally got the paper in her hand. Pero nang tingnan ito ay napasibangot dahil blanko. Nagmadali siya pabalik sa kanyang lamesa na nasa kabilang dulo pa ng printer. Pagbalik sa printer ay naghintay siya ulit. Pero mukhang mali naman ang file. Tuloy ay binatukan niya ang sarili.
A small chuckle escaped my lips as I continued to watch her. "Is this amusing to you, Prescott?" tanong ng mama na nalimutan kong nasa kabilang linya pa.
"I'll wrap up my tasks and make my way to the party,” sabi ko na lang at dito tinapos ang tawag.
Pagkaligpit nang mabilis, lumabas na ako ng opisina. Dito ko napansing madilim na sa palapag namin dahil nakapatay ang karamihan sa mga ilaw.
Dahan-dahan akong naglakad habang sinusundan ng tingin ang paparating na empleyado. “Isa na lang talaga. Kundi tatambling na ‘ko.” Pagkausap niya sa sarili. I couldn’t help but let out a small smile. Sumeryoso lang ako nang mag-angat siya ng tingin sa ‘kin. “Bye po, Sir Yam—Coldwell!”
Hahakbang na ‘ko pero nahinto sa narinig. “What was that you just called me?"
Nanlaki naman ang mga mata niya; napatakip ng bibig dahil sa pagkakamali. “Ah ano po, Sir Coldwell?” pagkukunwari niya. Pipilitin ko pa sana siyang magpaliwanag pero tumunog ‘yung printer.
“Paper jam,” sabi ko at bumalik agad dito ang atensyon niya. “Finish up quickly,” sabi ko pa bago umalis.
Paglabas ng pinto, binati ako ng guard na nagbabantay sa palapag namin. "Let's make sure all the lights are on for any employees still working on this floor,” utos ko bago dumiretso sa elevator.
Habang naghihintay, naisip ko ‘yung paper jam ng printer. Kung simpleng pag-print ay hindi niya magawa, paano pa ang pag-ayos nito? Pagbukas ng elevator, imbes na sumakay ay pinili kong bumalik.
Malayo pa lang, dinig ko na ang pagkausap niya sa sarili. “Bakit ba ayaw mong makisama? Siguro kakampi ka nila ‘no? Kaninang umaga lang G na G ka ah!”
Pinagdikit ko ang labi ko. Akala ba niya madadaan sa pakiusap ang paper jam ng printer?
Tumikhim ako bago siya nilapitan. Naabutan kong nakaupo siya sa sahig, sinusubukang hilahin ang nakaipit na papel sa loob ng printer. Nang mapansin ako’y agad siyang tumayo. Sinukbit niya sa tainga ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha. Dahil may ink ang kamay, nalagyan din ang mukha niya nito. Muntik na ‘kong matawa pero itinago ko.
“That printer just got delivered today,” paalala ko at tumango lang siya. “This is for?”
“Investor agreement for MindTrace Research Group.”
Pinakita ko kung paano ang pag-ayos ng paper jam. And she did a small clap when she realized the printer was finally working. “Thank you, Sir Coldwell. Ingat po pauwi,” pagkasabi’y nagmadali siyang bumalik sa lamesa.
Imbes na umalis ay hinintay ko ang pagbalik niya sa printer. Kaya nagulat siya nang makita pa ‘ko. “I got this, Sir. Don’t worry, buo pa ‘to bukas,” biro niya.
"I can spare a few minutes,” sumandal ako sa pader at mataman siyang pinagmasdan. “Care to share what 'Yam' means?"
Mabilis na namula kanyang mukha. She's like an open book, her words painting a clear picture of her thoughts, while her expressive face adds another layer of honesty. It's refreshing, really, to encounter someone so genuine.
“Sige na nga po. Dahil tinulungan mo ‘ko, sasabihin ko ‘yung totoo. Pero ‘wag niyo pong sasabihin sa iba na ako ang nagsabi ah?” paniniguro niya. Seryoso akong tumango ng isa at nakinig. “Yam po, kasi…”
“What?” Lumapit ako dahil hindi ko narinig.
“Yummy ka raw po,” bulong niya na ikinagulat ko. “Pero mga kasama ko lang po ang nagsabi. Promise!”
"So… you never had the same thought?” balik ko na lalong nagpalaki ng mga mata niya. Napatingin siya sa paligid sa takot na may ibang nakarinig.
Magsasalita na siya nang tumunog ang phone ko. Saktong natapos ang pini-print niya kaya bumalik na siya sa kanyang lamesa.
Nailing na lang ako at aalis na sana nang balingan ko ulit ng tingin ang direksyon niya. “Ms. Del Rosario, would you like some coffee?” alok ko.
“Ay thank you po pero ‘di ako nagkakape kasi nakaka-poop.” Natigilan siya sandali bago nagsisi; isinubsob niya ang mukha sa keyboard. “Magagalit po ang boyfriend ko kasi magpa-palpitate na naman ako ng sobra,” habol niya.
A slow nod was all I could offer before I walked away. Pagpasok sa elevator, hindi ko na napigilan ang pagtawa. Tuloy ay nang mag-ring ang phone ko, nakangiti kong sinagot ang inaasahang tawag.
“I’m attending a company event tonight. Would you like to come?" pagbabakasakali ko.
Bago makarinig ng sagot ay bumukas ang elevator sa kaparehong palapag. Nakatayo sa harapan ko si Ms. Del Rosario, nakangiti habang nakatapat sa tainga ang cellphone, “Yes, I would love to. Pero pwede bang Alina na lang ang itawag mo sa ‘kin, Sir?”
“If your boyfriend won’t mind.”
“Hindi ka ba magagalit, Yam?” narinig ko sa kanya maging sa kabilang linya.
Makahulugan ang tingin sa isa’t isa, pareho kaming napangiti. Bago magsara ang elevator ay hinila ko na siya papasok. I leaned her against the wall. She wrapped her arms around my neck, and right then, our thirst met in a lingering kiss, sealing the day we've spent pretending to be strangers.
Yes, we decided to keep our love a secret, at least for now. It just felt right and simple. Little did we anticipate, pretending not to know each other was just the beginning of our story.
Wala akong choice kundi panuorin ang pag-alis ni Mrs. Coldwell. Nalaglag ang panga ko nang bukod sa paglabas niya ng mansyon, ilang sandali lang ay narinig ko ang tunog ng car engine. Aba’t mukhang seryoso nga siya! Pero saan naman ang punta niya kung dito siya nakatira?Narinig ko ang pagtikhim ni Mr. Coldwell sa likuran ko. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan. Mas lalo ‘kong naramdaman ang presensya niya ngayong naiwan akong mag-isa. Parang babaliktad ang sikmura ko kaya kinailangan kong huminga ng malalim.Inhale… exhale. You’re just here for your report, Ali. Pilit kong kinalma ang sarili bago muling hinarap si Mr. Coldwell. Paupo siya sa mahaba at kulay beige na sofa sa sala. Nakabaling pa rin ang tingin niya sa bintana pero tipid akong ngumiti nang maglakad palapit sa kanya. Inabot ko ang folder na may lamang printed copy ng report ko para ipaalala ang ipinunta ko.Pero parang sandaling tumigil ang oras. Paano’y nakatitig pa rin ang boss ko sa kawalan habang naghihintay akong k
Pagsakay ko sa kotse ni Mrs. Coldwell, nag-apologize kaagad ako sa kanya dahil sa abala. Pero naging professional pa rin siya, malayong-malayo ang attitude ngayon kumpara noong engkwentro namin sa elevator kasama si Matteo.“So, are you excited?” basag ni Mrs. Coldwell sa katahimikan bago lumiko sa kalsada.“Po?” balik ko, binukas-sara ang mga mata, hindi sigurado kung saan dapat ma-excite.Papunta lang naman kami sa bahay nila para sa report na inutos ni Mr. Coldwell. Kung tutuusin pwede namang siya na ang magbigay nito. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit isinama pa niya ‘ko.Unti-unting nanlamig ang katawan ko. Balak ba niya kaming hulihin ng asawa niya? Napalunok ako, parang may bumara sa lalamunan.Tumawa si Mrs. Coldwell, mahina at medyo pa-demure. “The Halloween party! It’s already this weekend—the day after tomorrow. May costume ka na ba? Plus one? Don’t tell me you forgot, Ms. Del Rosario.”Bumilog ang bibig ko. Halloween party pala ang tinutukoy niya. Imposibleng
Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo
Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili
Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin
“Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen