•Lilac•
Kanina pa kami dumating sa bahay pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako. Inaamin ko naman na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Seve, at nasasaktan pa rin ako sa tuwing kasama niya ang bago niya.
"Lilac"
Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Trayne. Nagdikit ang kilay ko para intindihin ang sinasabi nito, ngunit wala pa ring pumapasok sa utak ko.
"Mommy bakit ka po sad? ayaw niyo po ba na kumain ako ng ice cream?"
Malungkot na tanong sa akin ni Lucas, umiling naman ako sa kanya at pinatawag ang isa naming kasambahay para paliguan ito at makatulog na pagkatapos.
"Susunod lang si Mommy, mauna ka na sa kwarto okay? mag-uusap lang kami ng Daddy Trayne mo."
Tumango-tango naman kaagad ito, at lumapit kay Trayne para halikan ito sa pisngi. Pagkaalis ni Lucas ay agad naman ito tumingin sa akin.
"May fan meeting ka bukas, kakatanhin mo ba yung ginawa mong kanta para kay Seve?"
Umiling ako sa tanong ni Trayne, kakantahin ko lang iyon kapag napaiyak ko na rin ang sumira ng buhay ko. Uunahin ko na si Jonalyn, sisiguraduhin ko na iiyak siya bago niya pakasalan si Szellous.
Masama kong tiningnan si Trayne, nang pinitik nito ang noo ko. Ang sakit kaya, parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.
"Ano na naman yang iniisip mo? may plano ka bang masama para sa mga Dela Vega?"
Ngumisi siya sa tanong nito, kahit naman ayaw ni Trayne ang ginagawa kong paghihiganti ay palagi pa rin itong sumusuporta sa akin. Walang kami pero isang tawag ko lang rito ay iniiwan nito kaagad ang trabaho para puntahan ako.
"Sa mga Dela Vega wala pa, pero sa Bartolome na iyon meron. Gagawin ko ang lahat para maramdaman niya ang sakit na dinulot niya sa akin, dahil sa pagsira niya sa relasyon namin ni Szellous."
Walang salitang lumabas sa bibig ni Trayne, naramdaman ko na lamang ang paghila ng kamay nito sa aking bewang para yakapin ako.
"I'm sorry Lilac, I'm sorry."
Tiningala ko ito dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, bakit ito nagso-sorry? may kasalanan ba ito sa akin?
"Sorry dahil hindi ako si Szellous, sorry dahil hindi ko kayang pawiin ang poot at sakit na nasa dibdib mo. Patawarin mo ako dahil hindi ako ang unang nakilala mo, kaya ka nahulog sa taong hindi ka kayang ipaglaban at kaya puno ka ngayon ng paghihiganti. Pasensya ka na at nahuli ako ng dating."
Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa mga luhang dumadaloy sa mukha ni Trayne. Sa mundong ito, may isang tao na magmamahal sayo ng lubos pero hindi mo masusuklian. Kahit masaya ka pa sa tabi niya ay may pangungulila pa rin sa puso mo, dahil hindi siya ang para sayo.
Pinahid ko iyon gamit ang aking palad, kung pwede ko lang palitan ang puso ko para siya na lang ang mahalin ko ay ginawa ko na. Napangiti ako nang maalala si Persephone, napaka-swerte ng mga taong umiibig sa angkan ng mga De Silva. Walang katapusan ang pagmamahal nito, kahit nasasaktan na ay tatanggapin ka pa rin.
"Sino ba naman ako para iyakan ng isang Attorney Leandro Trayne De Silva?"
Pang-aasar ko sa kanya, tumawa naman ito at pinisil ang aking pisngi.
"Ikaw si Lilac Jose ang unang babaeng inibig nito, pero di sinuklian."
Kinurot ko ito sa tagiliran na ikinahiyaw naman ito. Tinawanan ko siya at nagpaalam na rito dahil magga-gabi na at uuwi pa ito. May fan meeting din ako bukas at kailangan maganda ako sa araw na iyon.
"Goodbye my precious Lilac!"
Pinalipad nito sa ere ang halik dahil malayo na ito sa akin. Dinakip ko iyon at tinapik ang pwet ko, malakas na tawa ni Trayne ang aking narinig dahil sa ginawa ko.
"Kiss my ass Attorney."
"Yeah, ikaw nga si Lilac. My Crazy Lilac"
Tumawa na rin ako at kumaway na sa kanya, hindi ko alam kung makakapunta ba ito bukas. Marami naman kasing ginagawa si Trayne, napangiti ako ng maisip na hindi ito nawawala sa concert at fanmeeting ko.
--
Namamangha ako sa dami ng taong pumunta. Alam ko na sikat ako pero di ko naman inaasahan na mapupuno ang Lazaro Hall.
"Salamat sa mga pumunta sa fan meeting na ito, sa mga umaasa na kakantahin ko ang bago kung isinulat na kanta ay pasensya na po kayo."
Rinig niya ang bulong-bulungan ng mga fans niya, ngunit nawala rin iyon ng sinimulan na niyang kantahin ang isa sa mga kanta niya.
"Tears running down
Your goodbye's still ringin'My heart can't hide the painLove, why'd you leave this sudden"Pumatak ang luha sa gitarang hawak ko, napatigil na rin sa paghiyaw ang mga taong na nanunuod sa akin. Tila ba nakikisimpatya sa nararamdaman ko ngayon.
"I've tried to be stronger
Coz I'm not your little girl anymoreBut baby, sorry, I'm not the strongI want you to come back to meI love you still
I promise I'll be a good girlPlease come back to meLet me be your womanLet me be the one.""Fight Miss L! kaya niyo po yan."
"Nandito lang po kami!"
"Lilac Jose, ikaw lang sapat na."
Napangiti siya sa narinig na sigawan, tinapos niya muna ang kanta, bago bumaba para mas malapit siya dito. Mas lumalakas ang loob niya, kapag naririnig ang mga boses ng mga fans niya.
"May isang tao akong nakilala dati, sa kabila ng mga ginawa niya sa akin ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko."
Rinig niya ang pag 'awwie' ng mga fans niya, kaya malakas siyang tumawa.
"Narinig ko lang ang kantang ito, at tugmang-tugma ito sa nararamdaman ko ngayon. Kanta ito ni Maria Mena, at ito yung gusto kong kantahin para sa lalaking mahal ko, na ikakasal na. Pakinggan niyo po ng mabuti ang mensahe ng kanta, ipikit niyo muna ang inyong mga mata para mas ramdam niyo."
Nauna na akong pumikit at sinimulan ng kumanta. Gusto kong marinig ni Szellous ang kanta na'to, pero meron ring nagsasabi sa isipan ko na hindi yun pwede, baka isipin nito na nagpapaawa ako.
"It's a small town
Word gets aroundAnd travels in circlesThrough hoops over hurdles Everyone's carelessThey talk about our mess"Nabutis ako ni Seve noon at nang maisilang ko si Lucas lahat ng mga nakakakilala sa akin ay nakikita ko ang mga pandidiri nila. Nagpabuntis daw ako sa isang mayaman na di naman ako kayang panagutan.
"They don't care how it hurts me
Must think it was easyThey say you have a new loveI'm happy for you loveI just don't wanna meet her
Are you gonna keep herCause I don't wanna see you with her I don't wanna see her face Resting in your embraceHer feet standing in my placeI don't wanna see you moved onI don't think that I'm that strong "Limang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon di ko pa rin kayang isipin na may bago na siya. Tapos malalaman ko nalang na ikakasal na siya sa susunod na araw. Di ko na mapigilan ang luhang naipon sa aking mata, tuluyan na itong dumaloy sa akin pisngi. Wala akong pakialam dahil nakapikit rin naman ang mga fans niya.
"It hasn't been that long
Since I was the one on your armI don't like being soberThat's when it hits me it's over Although it was my choiceI can't shake your calm voiceSaying you found oneThat makes you feel as strong
And helps you through hard times 'Cause that job was once mineThey say you have a new love"Naaalala ko pa rin ang huling eksena, ang araw na iniwan ko si Seve dahil pinili niya ang dating iniibig. Ilang ulit akong naglasing kahit buntis ako, dahil sa sakit na aking nararamdaman.
"I'm happy for you love
I just don't wanna meet herAre you gonna keep her'Cause I don't wanna see you with her I don't wanna see her face Resting in your embraceHer feet standing in my placeI don't wanna see you moved onI don't think that I'm that strong "Dinilat ko ang aking mata para tingnan ang tao na nasa harap ko. Nanlalaki ang mata ko nang makita ko silang nakatingin sa akin, at katulad ko ay may mga luha rin sa mga mata nila. Hindi ba ito pumikit at nakatingin lang sa akin?
"Miss Lilac, ramdam ko po ang sakit na nararamdaman ninyo."
Humihikbing sambit ng isa sa mga ito, tumawa ako kahit na may luha pa rin sa aking mata. Nanlalabo pa ang aking tingin dahil doon, kinusot ko iyon gamit ang kaliwa kong kamay.
"Salamat naman at hindi lang ako ang kawawa rito, umiyak din kayo eh."
Tinuro niya pa mga fans na nagtatawanan, lumapit siya rito at isa-isang pinapatahan ang mga ito. Nang nasa gitna na siya ay nakita niya doon si Trayne na nakangiti, he mouthed her 'I'm proud of you', tumawa siya, kaya nagsilingunan ang mga fans niya.
"Ay may bago na palang nagpapasaya kay Miss Lilac, ang pogi din!"
Namula sila pareho ni Trayne sa sinabi ng isang fan. Nagsimula naman itong kumuha ng litrato at nagtilian. Iba na namang isyu ang lalabas, mamaya. Napakamot siya sa batok at babalik na sana sa stage nang magsigawan ito.
"Kiss! Kiss!"
Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan, iiling sana siya nang mabilis na naglakad si Trayne papalapit sa kanya. Bago niya pa ito masaway ay inangkin na nito ang labi niya.
"Kyaah! ang sweet."
Nakatingin lang siya kay Trayne na nakapikit. Hindi niya ito tinulak dahil gusto niyang maramdaman ang pintig ng puso niya, yung palagi niyang nararamdaman kapag inaangkin ni Seve ang labi niya, ngunit humiwalay na lamang ito ay di niya pa rin iyon nahanap. T*nginang puso to, di marunong pumili.
•Lilac•Napatingin ako sa binatang nasa entablado ngayon at kumakanta. Ang nakangiti nitong mukha ay nagbibigay ng saya sa aking dibdib."Ang laki na ng anak natin, Lily. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita at nakakasama natin siya habang inaabot ang kanyang pangarap," bulong sa akin ni Seve.Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon. Parang dati lang kami iyong kumakanta sa entablado, hindi ko aakalain na may susunod pa rin pala sa yapak naming dalawa."Mommy, bagay po kay Kuya Lucas ang pag-aartista. Ang gwapo niya po! Bagay sila ni Ate Heidi." Kinurot ko ang pisngi ng bunso namin dahil sa sinabi nito.Limang taon na si Dreame at palagi itong nakasubaybay sa mga kapatid. Napatingin ako sa entablado nang biglang maghiyawan ang mga taong naroroon.
•Lilac•Ilang araw muna kaming namalagi sa hospital at nang masigurado na namin na wala nang panganib sa mga anak namin ay kaagad namin silang iniuwi sa bahay."Ang saya nilang tignan," bulong ni Seve habang nakayakap sa aking likuran.Naglalaro sa aming bakuran sina Lucas at Kirsten, kasama nito sila cofe at ang kambal ni Persephone. Ibinilin ito sa amin ng huli dahil may pupuntuhan daw silang dalawa ni Hades."Kailan natin pupuntahan ang mommy mo, hon?" tanong ko sa kanya. Natatandaan ko noon sa hospital sinabi niyang pupuntahan namin ito para makausap ko."Kaya mo na ba siyang harapin, Lily? Sa tingin mo mapapatawad mo pa ba si mommy sa nagawa niya sayo?"Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa biglaang tanong na iyon ni Seve. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo ni Kirsten at ng mommy nito nang gabing iyon. Kung kasalanan ba ni
•Lilac•Napatili si Persephone nang malaglag ang baso na hawak ko habang kumukuha ng tubig sa maliit na ref."Are you okay, Lilac?" Tumango lamang ako sa kanya at yumuko na para kunin ang mga nabasag ngunit pinigilan ako nito at pinaupo sa sofa."Ako na rito. Diyan ka nalang, huwag ka munang mag-iisip ng mga bagay na hindi makakabuti sa iyo," mahinahong saad nito.Tumango ako at nilapitan si Lucas na mahimbing pa rin na natutulog. Kung hindi lang sa mga apparatos na nakakabit dito aakalain ng iba na natutulog lang ito."Nakita mo na ba ang mamay mo diyan, anak? Sabihin mo sa kanya na huwag ka niyang kunin sa akin, please?" napatigil ako sa pakikipag-usap dito nang gumaralgal ang boses ko. Tumingala ako sa may ceiling at hinayaan na pumatak ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
•Szellous•Kasama ko sila Hades, Daryl at Zeke ngayon. Nandito kami sa lumang bodega na sinasabi ni Daryl. Hindi ko alam kung nandito ba talaga si mama, nagbabasakali lang ako na makita ang anak ko."Pare, sa likod kaming dalawa ni Zeke, kayo naman ni Hades sa may front door dadaan," wika ni Daryl. Tumango ako at inayos ang dala kong brief case.Wala akong balak na makipag-away kay mommy. Ibibigay ko ang gusto niya huwag niya lang saktan ang anak ko.Tumakbo ako patungo sa may pintuan nasa likuran ko lamang si Hades, dala nito ang lisensyado niyang baril."Sa may ikalawang palapag ka, Seve. Ako ang mag-iikot dito sa may ibaba." Tumango ako sa sinabi niya at tumakbo na patungo sa may hagdanan.Sira na ang ibang apakan ng hagdan dahil luma na at matagal nang hindi nagagamit. Malalim akong huminga nang makita ang i
•Lilac•"Lilac, are you okay?" Naririnig ko naman ang mga sinasabi nila pero wala akong gana na sagutin iyon. Nanatili lamang akong nakatulala sa may kawalan.Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba na mabuhay kapag may nawala isa man sa mga anak ko. Mas nanaisin ko pa na ako yung nasasaktan kaysa makita silang nakikipaglaban sa kay kamatayan."Stop crying, Lilac. Nandito lang kami." Lumingon ako kay Persephone at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at umiyak na lamang sa harapan niya."Tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Magdasal ka lang sa itaas," usal ni Aleister habang hinahaplos ang buhok.Tumango ako sa kanila at pinahid ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nagpaalam muna ako sa kanila at pumunta sa may maliit na chapel ng hospital.Nang makapasok
•Third Person•Masayang mukha ng mga tao ang makikita sa malaking bulwagan ng mga Dela Vega. Ngayon ang ikaapat na anibersaryo ng mag-asawang Szellous at Lilac."More anniversaries to come, Lovers!" nakangiting saad ni Annaliza."Ang hina mo naman, Seve. Bilisan niyo ang paggawa para dumami ang kalaro ni Lucas." Nagtawanan ang lahat sa biro ni Jiro.Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang mga bisita. Masyado silang nadadala sa kasiyahan at pakikipag-usap sa kanilang mga kakilala.Sa ikatlong palapag naman ng mansyon ay naroroon ang dalawang bata na naglalaro ng bahay-bahayan.Malakas ang halakhakan ng mga ito ngunit natigil din nang may biglang pumasok sa kwarto na iyon. Takot ang nadama ng dalawa sapagkat sa bintana nanggaling ang taong pumasok."Si-sino ka po?" kinakabahang t