Share

Chapter 23.2 (Raizel’s POV)

SINUBUKAN kong maghanap ng topic. Naiintindihan ko na kung bakit ayaw umamin ni Meirin.

Nakakatakot.

Mahirap at hindi rin siya handa na pag-usapan iyon dahil sariwa pa sa isip niya—namin—ang lahat. Sa aming tatlo, si Meirin din ang pinakanapuruhan kung usapang trauma sa isip at katawan.

Mayamaya ay naisip ko ang CCTV footage.

“Iyong CCTV po pala?” inosenteng tanong ko para unti-unting iliko ang usapan.

Ilang segundo ang lumipas, namilipit ang daliri ko sa palihim na pagkurot ni Meirin doon. Napakamot ako sa ilong ko sa sobrang inis. Kanina pa siya!

“May virus daw ang computer at mukhang matatagalan sila para ma-retrieve ang footage,” sabi ni Dad.

“Bakit may vi—aray!” napasigaw na ako sa sakit dahil mukhang may balak pa ngayon si Meirin na baliin ang daliri ko.

When I glared at her, she was smiling at me—that kind of smile telling me to shut up or my finger will not be in pain in a split second.

“Naglalandian ba kayo? Sa harap pa naming mga magulang niyo?” galit na tanong ni Ti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status