Hindi ko pinansin ang dalawa na patuloy lamang sa pagsunod sa akin hanggang sa makarating kami sa classroom. Inilibot ko ang paningin ko upang maghanap ng mauupuan. Hindi kasi ito ang main classroom namin. Students' move every subject at dahil nga unang araw ng klase ay wala pa kaming sitting arrangement.
Nakakita ako ng vacant seat sa pinakadulo sa first row. Sakto dahil nagtatampo pa rin ako sa kanilang dalawa, hindi nila ako matatabihan at makukulit. Nakakapanlumo lang kasi na parang mas kinampihan pa nila ang crush nila kaysa sa akin na best friend nila.
Mabuti na lamang at pagkaupo ko ay siya namang pagdating ng teacher namin.
Natapos ang klase namin nang hindi man lamang ako sumulyap sa kanila. I'm not actually like this. Hindi ako ma-pride pagdating sa kanila at ngayon lang nangyari na nagtampo ako nang sobra sa kanila. Marahil ay nainis lang talaga ako kanina dahil napahiya ako sa harap ng lalaking 'yon.Inimis ko na ang mga gamit sa desk ko saka isinilid sa bag ko't tumayo na upang lumabas ng room. Wala pang masyadong ganap ngayon at marahil ay three days o baka nga next week pa magsisimula ang actual classes namin.
We're given some free time para i-familiarize kung saan ang iba pang rooms namin for different subjects. But I decided to go home already. I feel drained. Gusto ko nang humiga at itulog na lang ang gumugulo sa isipan ko.
'Nakakainis talaga ang mga lalaki,' himutok ko sa isip ko.
*** Naalimpungatan ako dahil sa mahihinang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Bahagya akong nag-unat saka pupungas-pungas na inabot ang cellphone na nasa side table ko para i-check ang oras.7:23 pm.
Napahaba pala ang tulog ko. Hindi pa din ako nakakapagbihis mula kanina pagdating ko galing sa Academy. Sumalampak lang kasi ako kaagad sa kama na parang lantang gulay. 'Di ko namalayan na tuluyan na pala akong nilukob ng antok.
Bumangon ako saka binuksan ang pinto at nabungaran ko si Manang Linda.
"Nakahanda na ang hapunan, hija. Nasa baba na ang Mama mo," aniya saka tipid na ngumiti.
Marahan lamang akong tumango.
"Pakisabi po susunod na ako. Magbibihis lang po muna ako."
Nang makaalis na siya'y isinara ko na ang pinto ay at agad na nagbihis ng pambahay na damit.
Pagbaba ko sa dining area ay nadatnan ko si Mama na inilalapag ang bandihadong naglalaman ng kanin."O, anak. Maupo ka na at maya-maya lang ay kakain na tayo," yaya niya sa akin nang masulyapan niya ako saka muling nagtungo sa kusina.
Nangunot ang noo ko nang makitang apat na putahe ng ulam ang nasa hapag. May sinigang na baboy, rellenong bangus, adobong sitaw at kare-kare. Sa pagkakatanda ko'y wala namang okasyon. O baka naman may darating lang na bisita si Mama. Nagkibit-balikat na lamang ako saka naupo sa gawing kaliwa ng kabisera.
Pagbalik ni Mama ay may bitbit na siyang fruit salad habang nakasunod sa kanya si Manang Linda na may bitbit na pitsel na naglalaman ng juice.
"Ikaw ang nagluto niyan lahat, Ma?" tanong ko sa kanya nang makaupo na siya.
"Oo. Pero tinulungan naman ako ni Manang Linda sa paghahanda," aniya saka ako nginitian.
"Ah... May bisita ba tayo, Ma?" tanong ko habang naglalagay ng kanin sa plato ko.
Curious lang talaga ako dahil hindi lang naman pantatluhang serving ang bawat putahe na niluto niya. Para siyang magpapakain ng sampu hanggang kinse katao.
Tumingin lamang siya sa 'kin at ginawaran ako ng isang matipid na ngiti.
Hindi ko na lamang siya kinulit saka nagpatuloy na lang sa pagsandok ng ulam — rellenong bangus at adobong sitaw na siyang paborito ko.
Namayani ang katahimikan sa hapagkainan at tanging mga tunog lang ng mga kubyertos na tumatama sa plato ang maririnig na ingay. Panaka-naka akong sumusulyap kay Mama at batid kong gano'n rin siya sa 'kin. Tila ba may nais siyang sabihin na hindi ko maapuhap kung ano hanggang sa nagpasya na nga siyang basagin ang katahimikang bumabalot sa amin.
"So, how's your day? Do you make new friends?" panimula niya.
'New friends, wala. Enemy mayro'n.' Nais ko sanang sabihin ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong pangangaralan niya lang ako.
"No. Sina Kath at Ciara pa rin ang kasama ko. There are new faces in the class though. Siguro mga transferee students or from other sections noong junior high. Marami kasi akong hindi kilala," kwento ko sa kanya.
"Maybe soon, madadagdagan rin ang friends ko. Hindi naman ako snob," dugtong ko pa.
I tried to be casual as I speak. Para kasing ang bigat ng atmosphere sa pagitan namin at hindi ko alam kung ano ang dahilan.
"Hmm... Do you have any plans for tomorrow after your class?" nagtaka ako sa tanong ni Mama ngunit kibit-balikat ko pa rin iyong sinagot.
"Actually, magha-halfday lang sana ako bukas sa school. Actual classes will start maybe next week kaya nagplano kami nina Ciara na mag-mall to buy some stuffs for school," sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya kaya naman kitang-kita ko ang pagsulyap niya sa wristwatch na suot.
Maybe she really is expecting a guest, that's why. Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain nang tumunog ang doorbell. Napadako ang tingin ko kay Mama at nakitang nakatingin rin siya sa akin. I don't why but it seems so awkward. Parang nag-iba tuloy ang pakiramdam ko dahil sa makahulugang tingin niya na 'yon.
"Manang, pakibukas po ng gate," utos niya kay Manang Linda.
Agad itong tumalima sa kanya at naglakad na papunta sa gawi ng pinto.
Bumaling siya sa akin habang umiinom ng juice at Ilang sandali pa'y narinig ko ulit siyang magsalita.
"Fia. Baby, can you do me a favor? Whatever happens, please don't make a scene. I don't want to ruin this dinner. Maasahan ko ba 'yon?"
Tila may hinuha na ako kung sino ang bisita ni Mama. But I don't want to disappoint her and just nodded kahit pa labag ito sa kalooban ko.
"Good. We will talk after this, hmm?"
I nodded again.
Malaki ang respeto ko kay Mama kaya hangga't kaya ko at makapagtitimpi ako, I will force my self to behave.
"Pasok po kayo, Sir. Dito po," rinig kong sabi ni Manang.
Napapikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga. I'm trying to compose myself dahil baka bigla akong mag-burst out mamaya.
As I look at Mama, I found her looking intently at me. I look at her as if saying that, "Opo, 'di po ako gagawa ng kahit anong gulo. Promise."
Tumayo si Mama upang salubungin ang bisita niya.
"Good evening."
Hindi na ako nag-abala pang lumingon dahil kilalang-kilala ko kung kaninong boses nanggaling iyon.
SHE SIGHED. "Fia, it doesn't matter if I'm happy or not. As long as naibibigay ko sa 'yo ang mga pangangailangan mo, wala na 'kong iba pang gusto. Even if I need to work my ass out just to give you the life that you deserve, I will. Ikaw ang priority ko, Fia. Ayaw ko nang magdagdag pa ng ibang alalahanin." ''But Ma, you deserve to be happy. You deserve to live a life you are excited about..." "Fia, tandaan mo 'to, no one can make you happy until you're happy with yoursef first." Hindi na ako nagtangka pang sumagot. Mahirap nang baguhin ang isip ni Mama kapag buo na ang pasiya niya. Nanahimik na lamang ako at humugot ng malalim na hininga. Sumandal na lamang ako at tumanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa makauwi kami ay naging awkward na ang atmosphere.
"PASOK muna kayo. Maghahanda ako ng meryenda," anyaya ko kina Cherro at Jacob pagdating namin sa tapat ng bahay. "Thanks, pero siguro uuwi na 'ko. Dadaan pa ako kina Ciara, eh," Cherro replied. Napatingin naman ako kay Jacob at napansin kong ganoon rin si Cherro, kaya naman nagpalipat-lipat ang tingin ni Cherro sa aming dalawa. "Ah... Ano... Ayos lang naman sa 'kin. Hindi naman ako nagmamadali," Jacob shyly said. "Okay! Tara na sa loob? Cherro, ingat ka sa pag-uwi, dahan-dahan lang sa pagmamaneho." I was suppose to turn around and take a step but someone grabbed me by the arm. Pagharap ko'y si Cherro ang nakahawak sa 'kin. "Bakit?" takang tanong ko. "A-ano... Mamaya na lang ri
"DON'T MOVE!" Agad akong napabutaw sa hawak kong bubog nang bahagya siyang sumigaw. "Put that down. Ako na maglilinis niyan," dagdag niya pa. Hindi na 'ko umimik at tumayo na lang. Pinanood ko lamang siyang kumuha nang walis at dust pan saka winalis ang mga bubog. Pagkatapos niyang linisin ang mga iyon ay muli niya akong dinaluhan. I flinched when he held my hand, kaya napatingin siya rito. "Tsk! Saglit lang. Kukuha lang ako ng first aid kit para magamot ko ang sugat mo," aniya saka tumungo sa medicine cabinet. Napatingin din ako sa kamay ko at nakita ang dugo na tumutulo mula sa maliit na sugat sa hintuturo ko. Bahagyang nandilim ang paningin ko nang makita ko ang sarili kong dugo. Napakapit ako sa stool dahil tila nanlambot ang mga tuhod at binti ko ngunit dumulas ang kapit ko't tuluyan akong
"Fia?" My body froze; I just can't move a muscle and all I can do is to stare back at them. Muling umagos ang mga luha sa mga mata ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. I hate him. I do have a little crush on him, but I still hate him! So, why am I feeling this way? Why am I hurting by just seeing them kissed? Napayuko ako dahil hindi ko na mapigil pa ang mga luhang bumabagsak mula sa mga mata ko. Para na itong talon na tuloy-tuloy lang sa pag-agos. Hanggang sa bigla kong naramdaman ang mainit na palad na humaplos sa mukha ko. Iniangat niya ang mukha ko dahilan upang makita ko ang kaniyang kulay dagat na mga mata. Nakakalunod. Hindi na 'ko makahinga. "Fia? Why are you crying? Are you hurt?" Agad niyang sinuri ang mga kamay at braso ko. "Thank goodness, wala kang sugat. Wait, aren't you feelin
"FIA... FIA..." nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, only to find a pair of ocean blue eyes staring straight at me. Sobrang lapit ng mukha niya, dahilan para mag-init nang husto ang buong mukha ko. Napalunok ako nang dumapo ang tingin niya sa mga labi ko. Tila nahigit ko ang paghinga ko at pigil na pigil ito. Nako-conscious ako sa amoy ng hininga ko lalo pa't buong biyahe akong tulog. 'Ahh! Ano ba, Cherro! Lumayo ka nga!' gusto ko sanang sabihin kung hindi lang talaga ako conscious sa amoy ng hininga ko. "Cherro!" He jumped when he heard a woman shout his name. "Aw!" impit na pag-aray niya habang hinihipo ang tuktok ng ulo niyang nauntog sa bubong ng
"STOP IT! Both of you, stop it!" sigaw ni Ciara saka dinaluhan ako. But before she can get ahold of me, I step back. I look at her straight in the eyes. Tears were forming in there but I just shook my head in disappointment. Mapait akong napatawa. I turned to face Cherro and slap him hard. "You used me! Isinama mo 'ko rito hindi para tulungan akong hanapin sila kundi para makita at mabawi mo si Ciara. How selfish." I didn't bother to wait for his reaction. Mabilis akong tumakbo at walang lingon-likod kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pag-agos ng mga luha. Parang pinipiga ang puso ko, hindi ko alam kung bakit. Nang makalayo na 'ko ay doon ako tumigil at sumandal sa isang puno ng niyog. Napaupo ako at umiyak nang umiyak. My mind was in chaos, and so does my heart. Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil ba sa nalaman kong may gusto si Cherro kay Ci