Share

CHAPTER THREE

    Napakurap-kurap ako saka marahan siyang itinulak ngunit sa kasamaang palad ay mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya. Halos magdikit na ang mga ilong namin. I can feel his warm breathe fanning my face which stirs something inside my stomach. Tila hinahalukay iyon ng kung ano.

   Nakarinig ako ng impit na mga tili sa gawing kanan ko dahilan upang mapalingon ako roon. Muntik ko nang makalimutang may kasama pa pala kami rito. 

   Paglingon kong muli sa kanya ay nakatayo na siya nang tuwid habang nakapamulsa. He smirked at me then finally turn to his back to leave. Nanatiling nakapako ang tingin ko sa likod niya habang naglalakad siya papalayo. His hair was perfectly combed. He wears a polo shirt and a pair of black pants. Ngunit napangiwi ako nang matuon ang mga mata ko sa mga paa niya. He's wearing a black leather shoes. A perfect nerd get up plus the eyeglasses. But overall, he's damn neat. 

     "Tapos ka nang tumitig? Masyado mo yatang ine-enjoy ang nakikita ng mga mata mo," aniya habang may nakakabuwisit na ngisi sa mga labi niyang kay sarap burahin. 

     Napairap ako saka siya sinagot. "Hoy! Ang yabang mo talaga, 'no? Sino'ng nagsabi na tinititigan kita? Wow, ha! Ang kapal ng mukha mo!"

    "Hindi ako bulag, babaeng manok. Ano palang tawag mo sa ginagawa mo kanina?"

    "Sinong babaeng manok, ha?! Saka sigurado ka bang ikaw ang tinitignan ko? Duh! Ibang klase ka rin, ano?" Naiimbyerna na talaga ako sa lalaking 'to.

  "Oo, babaeng manok. Putak ka kasi ng putak. Saka hindi lang naman ako ang nakakitang titig na titig ka sa kagwapuhan ko, 'di ba girls?" aniya sabay baling sa mga kaibigan kong kulang na lamang ay maghugis puso ang mga mata at halos mahimatay na sa kilig dahil sa wakas ay napansin din sila ng napakayabang at napaka-antipatiko nilang crush. Argh!

   Marahan namang tumango ang dalawa saka bumaling sa akin. "Sorry, Fia. Pero totoo ngang nakatitig ka sa kanya. Kitang-kita ng dalawang mata ko," sagot ni Ciara. 

   "Sorry, Fia. Masama kasing magsinungaling," ani naman ni Kath. 

    "See?" tipid na sabi ng antipatikong nerd saka nakakalokong ngumisi.

    "Whatever! Sa lahat ng nerd na nakilala ko, ikaw lang ang —" pinutol niya ang pagsasalita ko at mas lalo akong nainis sa idinugtong niya. 

    "Gwapo? Siyempre, ako pa ba?" confident na sabi niya. 

    "Pffft! G*go 'ka mo," sagot ko saka lumakad na upang lumayo sa nakaka-imbyernang lugar na 'to. Bahala na ang dalawang bruha kung sasama sila o hindi. Pinagkakaisahan nila ako.

   Mabilis akong naglakad saka walang lingon siyang nilampasan. 

   "Hahaha... Walk out, girl?"

    Napatigil ako't napatawa sa tono ng pananalita niya. Nilingon ko siya at nakitang halos kalahating dipa lang ang layo namin sa isa't isa. 

   "Bakla ka, ghurl?" pang-aasar ko sa kanya ngunit tila gusto ko yatang pagsisihan ang ginawa ko dahil bigla niya akong nilapitan saka hinawakan sa magkabilang braso. 

    Alam kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit hindi man lamang ako nakaramdam ng sakit. 

   "Ako? Bakla? Hahaha...  Isa pang tawag mo sa 'kin ng bakla. Hahalikan kita." Halos pabulong ang pagkakasabi niya sa huling mga kataga niya, dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. 

   "S-sige! Subukan mo! Makakatikim ka sa 'kin ng s-sapak!" utal kong banta sa kanya saka nagpumiglas sa pagkakahawak niya ngunit sadyang malakas siya at para bang wala talaga siyang balak na bitiwan ako.

   "Bakla!" Oo, baliw na kung baliw pero wala na, lumabas na sa bibig ko ang salitang mas lalong nakapag-painit ng ulo niya. Waahhh! Help me! 

   Naningkit ang mga mata niya. "Sinusubukan mo talaga ako? Pwes..." mahinang saad niya saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

   Tila ba may karera ng mga kabayo sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Noooo! Hindi ako puwedeng mahalikan ng hudas na 'to. 

   Napako ang tingin ko sa nga labi niya nang may biglang sumagi sa isip ko. If I can't make him stop, then I will turn the tables and make the favors be on my side. Akala niya siguro matatakot ako sa banta niya. 

   Natigilan siya nang matuon ang paningin niya sa mga labi kong nakataas ang isang sulok. Nang bumalik ang titig niya sa nga mata ko'y nanunudyo ko siyang tinignan.

    Mas lalo akong napangisi nang makita kong napalunok siya lalo na nang muling bumalik ang tingin niya sa mga labi ko. 

   "Have you ever been kissed?" ginaya ko ang paraan niya ng pananalita kanina na nakapatindig sa mga balahibo ko. I want to see if he'll get the same reaction, o sadyang sanay lang siya sa ganoong mga bagay.

   "N-no."

    This time ay bahagya nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga braso ko kaya naman itinaas ko ito at hinawakan siya sa balikat upang mas lalo siyang asarin. 

   Mapang-akit ko siyang tiningnan saka marahang pinaglandas ang daliri ko mula sa dibdib niya hanggang sa bandang tiyan.

   I'm not used to this kind of stuffs but I can obviously do it, kung kinakailangan. And by the looks on his face, I can see how affected he is with my touch. Nagtatatalon na ako sa isip kong tila ba nanalo sa lotto. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mga pisngi niya at tainga. 

   Ako naman ang lumapit sa kanya at halos maglapat na ang mga katawan namin. Nararamdaman ko na ang init na inilalabas niyon. Nakakapaso ngunit kailangan kong ipaghiganti ang pride ko. Mas matangkad siya kaysa sa akin kaya naman kailangan ko pang tumingkayad upang maabot ang kaliwang tainga niya na sa kasamaang palad ay hindi ko talaga abot. Ba't ba kasi ang tangkad niya? 

   "Your face is flushed. I guess the tables had turned." Sinadya kong mas bagalan pa ang pagkakasabi upang mas madama niya ang aking paghinga at kaunti na lang ay maglalapat na ang mga labi ko sa leeg niya.

   Pagkatapos ay unti-unti akong lumayo sa kanya upang tignan ang itsura niya. Nakapikit siya habang bahagyang nakaawang ang mga labi ngunit agad ring napadilat nang maramdaman niya ang paglapat ng kanang palad ko sa kaliwang pisngi niya. 

   Hindi ko alam ngunit kusa na lamang na gumalaw ang kamay ko papunta roon. Mabuti na lamang at may naisip akong palusot. 

   Marahan kong tinapik ang pisngi niya. "Isara mo ang bunganga mo, baka mapasukan ng langaw."

   Hindi pa man siya nakakahuma ay umalis na 'ko sa harapan niya't tuluyan nang lumabas ng garden na iyon. Nang medyo makalayo na ako'y binilisan ko ang paglalakad hanggang sa halos takbubin ko na ang daan papunta sa rest room. 

   Nang makapasok na ako'y agad kong isinara ang pinto saka mariing ipinikit ang aking mga mata at sumandal dito. Napahawak ako sa dibdib ko. 

   'Ang hirap tumitig sa mga mata niya. Nakakakunod!' sigaw ko sa aking isip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status