Share

Chapter 21

Alessia's POV

HINDI ako tumangi sa paanyaya ni Aphrodite. Naiisip ko na rin kung ano ang dahilan kung bakit nais niya akong makausap. Natatakot ito na baka ipagkalat ko ang nakita kong eksena sa loob ng silid ni Elijah.

Hindi ko naman ugali na ipagkakalat iyon. Hindi man magaan ang pakiramdam ko sa kanya, hindi ko naman maatim ba ipagkalat ang bagay na ikakasakit ng isang tao. Kung sa akin din iyon mangyayari, siguro kakausapin ko din ang taong nakakita sa akin. Nakakahiya iyon, kahit sino ang nasa posisyon na iyon.

Nakasunod ako kay Ynna ngayon at pumasok kami sa loob ng silid ni Aphrodite. Agad na sumalubong sa aking ilong ang matamis na amoy. Hindi naman ito masakit sa ilong, pero hindi naman ito yung tipong magiging paborito ko.

Agad na nakita ko si Aphrodite na nakaupo at nakatingin sa akin ngayon na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.

"Maaari ka ng lumabas, Ynna." Utos naman ni Aphrodite kay Ynna. Ang kanyang tono ay malayo sa narinig ko noon kausap niya si Elijah. Mas ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status