Share

Chapter 16

Alessia's POV

NAUNA na akong natulog dahil pag-aaralan pa ni Elijah ang gagawing pagpunta sa Venossa. Napagpasyahan na lang niya na siya ang gagawa dahil marami siyang bagay na ikokonsidera. Kailangan niya ng mabisang plano lalo na at hindi madali ang misyon na ito.

Ang alam ko lang sa plano niya ay maghahanap siya ng Navigator na papalaot papunta sa destinasyon ng Scylla. May tiwala ako kay Elijah na maganda ang planong mabubuo niya. Kaya kahit papaano ay mahimbing akong nakatulog. Hindi ko na alam kung anong oras na natulog si Elijah, o kung natulog ba siya dahil pagkagising ko ay nasa lamesa pa rin ito at abala sa pagsusulat sa papel.

Napatingin naman ako sa tabi ko. Medyo magulo iyon, senyales na natulog nga si Elijah ngunit mukhang sandali lang iyon at maaga din itong gumising para ipagpatuloy ang ginagawa.

"Morning..." bati ko sa kanya at humikab naman ako.

Mabilis naman na tumayo si Elijah at lumapit sa akin at tsaka hinalikan ako sa aking labi ng magaan bago bumulong.

"Morning
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status