Share

Chapter 6

“Nang makapa ko ang unan ay hinila ko ito at itinakip sa aking mukha. Dahil sa mataas na sikat ng araw ay halos hindi ko na maimulat ang aking mga mata dahil sa labis na pagkasilaw. Maya-maya ay bigla akong napabalikwas ng bangon nang maalala ang babaeng kaniig ko buong magdamag. Laking dismaya ko ng sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko na bakante ang kalahating bahagi ng higaan at ang tanging naiwan ay ang bakas ng dugo na sumisimbolo ng kainosentihan nito.

Batid ko na kahit lasing ako ng nagdaang gabi ay totoo ang lahat ng naganap sa amin ng babaeng hindi ko nakikilala. Tanging ang magandang mukha lang niya ang natatandaan ko at ang gamit niyang pabango. Nilibot ko ang aking paningin, nagbabakasakali na may makita na kahit anong bagay na pag-aari ng dalaga. Nakadama ako ng lungkot nang wala akong nakita na anumang bagay na maaaring pagkakakilanlan nito.

Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagdesisyon na tumungo sa loob ng banyo. Nang ipikit ko ang aking mga mata ay biglang lumitaw ang isang mainit na tagpo na siyang namagitan sa amin, dito mismo sa loob ng banyo. Bakit pagdating sa babaeng ‘yun ay mabilis na nag-iinit ang katawan ko? Pakiramdam ko tuloy ay nagmumukha akong manyakis ng dahil sa kanya.

Tanging siya lang ang nakakuha ng interest ko dahil karamihan sa mga babae na nakakasalamuha ko ay sila mismo ang naghahain ng kanilang mga sarili. Unang kita ko pa lang sa dalaga na nagsasayaw na mag-isa sa gitna ng dance floor ay nakaramdam na kaagad ako ng espesyal na damdamin na kay hirap ipaliwanag.

Walang silbi ang malamig na tubig na dumadaloy sa aking katawan dahil hanggang ngayon ay hindi nawawala ang init ng aking pakiramdam. Mabilis na tinapos ang paliligo at kaagad na nagsuot ng isang formal attire. Ngayong araw naka-schedule ang pictorial ko para sa isang sikat na Tailoring company.

Hindi na ako nag-abala pa na tuyuin ang aking buhok at kaagad na lumabas ng condo. Pagdating sa labas ay mabilis na lumapit sa akin ang nasa anim na bodyguard ko kasama ang aking P.A. Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ay saka pa lang nagsipasukan sa kabilang sasakyan ang mga tauhan ko.

Hindi ako nawawalan ng bodyguard sa paligid dahil bukod sa mga fans na gusto akong dumugin ay nakatanggap din ako ng mga pagbabanta sa buhay ko.

I'm Hanz Zimmer, a famous Hollywood star not only in Montenegro but also internationally. Aside from being an actor, I'm also a businessman, managing our family’s company. As the only child, I bear the responsibilities for our family. In my ten years in the industry, I've become familiar with the attitudes of all the people I interact with, many of whom are politicians seeking to use my name for their public image.

“Hi Babe!” Masayang bati ni Scarlet habang naglalakad siya palapit sa akin. Si Scarlet ang long time girlfriend ko na ngayon ay fiancee ko na. Siya rin ang ka-love team ko sa mga proyekto. Nakangiti na pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha, napakaswerte ko dahil sa dinami-rami ng lalaki sa mundong ginagalawan namin ay sa akin siya napunta. Si Scarlett ang klase ng babae na bukod sa maganda na ay sexy pa kaya talagang kinaiinggitan ako ng mga kabaro ko. Lalo na ang sobrang malambing nito kahit in public. Maraming beses din kaming naghiwalay dahil sa pagiging selosa nito, ngunit, sa huli ay hindi rin naman niya ako matiis at kusa siyang pumupunta sa condo ko para suyuin ako.

Habang nakatitig sa mukha ng aking nobya ay biglang lumitaw mula sa balintataw ko ang mala anghel na mukha ng dalagang natutulog sa mga bisig ko kagabi. Ewan ko ba, ngunit, bakit sinasabi yata ng puso ko na wala ng makahihigit pa sa maladiyosa nitong ganda. At sa tuwing pumapasok sa aking isipan ang maamo niyang mukha ay parang sinisilihan ang aking pakiramdam.

Nang tuluyang makalapit sa akin si Scarlett ay napalunok ako ng wala sa oras at parang gusto kong batukan ang aking sarili. Dahil hindi ko na namamalayan na ipinagkukumpara ko na ang girlfriend ko sa estrangherang babae. Pakiramdam ko pati ay biglang lumayo ang loob ko kay Scarlett..

Isang matamis na halik ang iginawad niya sa akin bago ako nito niyakap ng mahigpit. Dala ng matinding konsens’ya ay mahigpit ko rin siyang niyakap. Tama, mahal ko si Scarlett at tanging siya lang ang sineryoso ko. Makailang beses din akong nagkaroon ng ibang babae ngunit sa huli ay sa kanya pa rin ako bumabalik. Iyon ang naging palatandaan ko na mahal ko talaga si Scarlett kaya inalok ko na ito ng kasal noong nakaraang linggo lamang.

“Babe, naghintay ako sayo kagabi pero hindi ka dumating. Is there something wrong?” Nag-aalala na tanong niya sa akin. Napakahinhin ng boses nito na kung iyong pakikinggan ay tila hindi marunong magalit.

“I’m sorry, Babe, nalasing kasi ako kagabi kaya nakalimutan ko na puntahan ka sa condo mo.” Ani ko habang nakayakap sa mabango niyang katawan. “Ngunit higit na mas mabango ang amoy ng estrangherang babae at batid ko na hindi basta-basta ang pabango na gamit niya dahil sa kalidad ng amoy nito. Eto na naman ako! Bakit ba lagi na lang kumukontra ang kabilang bahagi ng utak ko sa tuwing pupurihin ko ang fiancee ko? At mas napagtutuunan ko pa ng pansin ang katangian ng babaeng naka one night-stand ko. “Babe?” Nagising ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang tinig ni Scarlett na tumatawag sa akin.

“Ah, yes Babe?” Wala sa sariling sagot ko na siyang ikinasimangot ng kanyang mukha at isang nagdududa na tingin ang ibinigay niya sa akin.

“Tell me, Hanz, may kinababaliwan ka na bang ibang babae?” Diretsahan niyang tanong sa akin habang nakatitig siya sa aking mga mata. Mabilis na hinawi ang sarili at umakto na hindi apektado sa tanong nito.

“Babe, naman, nakita mo nang kabilaan ang proyekto ko at marami akong kailangan na i-memorize. Artista ka rin and it’s really part of our life na bigla na lang nawawala sa sarili dahil sa dami ng trabaho. Do you think may time pa ba ako na mambabae?” Nakita ko na lumambot ang expression ng kanyang mukha dahil sa defense mechanisms na ginamit ko sa kanya. Naku-konsensya na niyakap ako nito bago naglalambing na isinandig ang ulo sa aking dibdib.

“I’m so sorry, Babe, hindi ko sinasadya, promise hindi na mauulit.” Malumanay niyang sabi habang masuyong hinahaplos ang aking likod. Kung noon ay konting himas lang niya sa akin ay agad na nag-iinit ang aking pakiramdam ngunit ngayon ay bakit parang nawalan na yata ako ng gana? Wala na siyang epekto sa akin, parang mas gusto ko na lumayo sa kanya at mapag-isa na lamang.

“Ahm, Babe, may sasabihin ako, and I hope na hindi ka magagalit sa akin.” Malambing na sabi ni Scarlett habang masuyong hinahaplos ang aking braso. Napangiti ako sa inakto niya, hinila ko siya palapit sa akin saka niyakap bago ibinaon ang mukha sa pagitan ng leeg nito.

“Hmm?” Anas ko, habang nagla-landas ang aking mga labi sa makinis niyang balat. “Tumanggap kasi ako ng isang malaking project mula sa ibang management. Million ang offer nila sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip na pirmahan ang kontrata.” Batid ko na kinakabahan siya habang nagsasalita dahil ramdam ko ang malakas na tibôk ng kanyang puso. Natigil ako sa aking ginagawa at seryoso na hinarap ko siya.

“Ilang beses na nating pinagtatalunan ‘yan pero hindi ka parin nakinig, at nagawa mo pa talaga na pumirma ng hindi ko alam?” Matigas kong tanong at galit na lumayo sa kanya, dahil sa sinabi nito ay lalo lang akong nawalan ng gana sa kanya. Ito kasi ang ayoko sa lahat ang maitambal siya sa ibang mga artistang lalaki. Aware naman ang lahat tungkol sa relasyon naming dalawa. At marami na ang sumubok na paghiwalayin kami ng nobya ko. Pero ngayon ay hindi ako makapaniwala na nagawa ni Scarlett na tumanggap ng project mula sa ibang management ng walang abiso ko.

“Is that what you want? Then, fine, do what you want.” Matigas kong saad bago tumayo at lumabas na sa aking dressing room. “ Hanz!” Narinig kong tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status