Share

CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING

CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING

Karmine's Point of View

"Secret. Basta, you will like it."

Matapos kong sabihin iyon sa kaniya ay nagpaalam na kami kay Aling Tasing. I'm planning to surprise her. Para naman mas lalo siyang ma-inspire mag-aral dahil sa reward system na igagawad ko sa kaniya. Nag-top one kasi siya sa buong klase niya after the first grading and I couldn't be more proud of her than I am now.

Kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya ng makitang pamilyar ang lugar na binabaan namin. Hindi niya inaasahang dito kami pupunta. Natawa ako ng bahagya at marahang pinisil ang baba niya. Ang cute niya talaga. Marahil ay nagtataka siya kung ano ang ginagawa namin dito. Sabagay, I can't blame her for thatdahil ang huling araw na nandito kami ay noong pinalayas nila kami ng kapatid ko sa bahay nila. Tatlong taong mahigit na rin ang nakakaraan nang pinalayas kami ng asawa ni Tiya Delia sa bahay nila dahil sa sulsol ni Adele, ng panganay nila kaya naman ay mahaba-habang panahon na rin kaming hindi nakakauwi rito sa bahay na itinuring naming pangalawang tahanan na.

"Ano pong ginagawa natin rito?" Ngumiti lang ako sa kapatid ko bilang sagot sa naging tanong niya.

"Alam kong miss mo na si Tiya Delia kaya naman ay nandito tayo dahil bonding natin ito ngayong Linggo at kasama si Tiya Delia roon."

"Talaga? Wow! Yieee! Ang bait talaga ng Ate ko! Thank you po pero paano naman po si Ate Adele? Baka naman po ay mainis iyon kapag nakita ka niya rito sa bahay niya. Ayaw ko naman po na mag-away kayo," nag-aalala niyang tanong.

I gently smiled at her. Inayos ko ang nagulong buhok niya sa likod ng tainga niya. Ang thoughtful talaga nitong kapatid ko kaya nga mahal na mahal ko siya, e, "Kinausap ko na si Adele regarding this matter at pumayag naman siya sa gusto kong mangyari. Kasama nga lang siya natin sa bonding natin pero ayos na rin iyon kaysa sa wala. Alalahanin mo, Mahal Ko na lahat ay gagawin at ibibigay sa iyo ni Ate as long as it makes you happy. Pipigilan ko ang sarili kong mainis sa kaniya para ma-enjoy natin ang araw na ito. Come on." Marahang hinila ko siya palapit sa bahay nila Tiya Delia at marahan ako’ng kumatok sa pinto.

Matapos kong kumatok ng dalawang beses ay pinagbuksan kami agad ni Adele na mukhang ready na sa pupuntahan namin. Matapos niya kaming papasukin sa bahay nila ay pinaghanda niya kami agad ng maiinom at mga biskwit.

"What drinks do you want? Juice, coffee, or softdrink?" Alok niya.

"Juice na lang."

Halos wala namang pinagbago ang bahay nila maliban na lang doon sa mga bagong kurtina at mga throw pillows dito sa sofa nilang gawa sa bamboo at siyempre ay ang ayos ng mga kasangkapan nila. Medyo weird nga lang ang atmosphere kasi may iba na silang kasama. What I mean is, nalaman nila Tiya Delia na may ibang anak ang asawa niya sa ibang babae. At dahil nga ay sobrang bait ni Tiya at talagang may pagka-martyr siya ay tinanggap niya pa rin ang asawa niya sa kabila ng kasalanang nagawa nito sa kaniya at kay Adele. Tinanggap niya rin sa pamilya niya ang anak sa labas nito, although wala naman ako'ng nakikitang masama sa ginawa niyang pagtanggap kay Paula dahil hindi naman kasalanan ni Paula ang kasalanan ng sariling mga magulang. Kung dati ay close si Adele sa ama ngayon naman ay bihira na lang sila kung mag-usap pa and I can't blame her for that, though. Nasira lang naman ang ilusyon at pantasya niya na mayroon siyang isang buo at masayang pamilya dahil sa kalokohang ginawa nito at dahil na rin sa mismong existence ni Paula sa buhay nila at maging sa loob ng bahay nila.

"Anong ginagawa niyo sa pamamahay ko?" Matalim na tingin ang iginawad sa amin ni Bert, ang asawa ni Tiya. May kasama siyang dalagita which I assumed na siyang isa pa niyang anak.

"Bisita ko sila," malamig na sagot ni Adele sa tanong ng ama. Inilapag niya ang tray na may lamang biskwit at tatlong baso ng orange juice sa mesita nila at inalok iyon sa amin ni Karine.

"At kailan ka pa nakipagkaibigan sa babaeng iyan? Hindi ba't kaaway mo siya?" tanong niya pa sa anak niyang iniraoan lang siya. Naupo ang dalagang kasama niya bago dinampot ang isang baso ng juice at uminom roon. Naningkit ang mata ni Adele sa ginawa nito.

"Ano ba ang alam mo? Wala kang alam dahil ni hindi mo nga rin alam na nasaktan mo ako noong inuwi mo rito sa bahay natin iyang anak mo sa labas tapos ngayon naman ay makikialam ka sa kung ano’ng gusto ko? Please lang hindi bagay sa iyo ang umasta may pakialam ka at mabuti kang ama," asik niya pa sa ama bago binalingan ang sariling kapatid at malakas na sininghalan. "At huwag mo ngang pakialaman iyan. Hindi ko naman hinanda iyan para sa iyo. Hindi kita bisita, Paula dahil bwisita ka lang sa pamamahay na ito!"

"Papa, oh inaaway ako ni Ate," sumbong naman ni Paula sa ama na agad namang pinagsabihan si Adele sa kagaspangan ng ugaling ipinapakita niya sa nakababatang kapatid.

Napangiti ako habang matamang nakatingin kay Paula. Cute siya. Parang bata siya kung gumalaw at umasta at kung hindi naman ako nagkakamali ay mukhang kasing-edad lang sila ng kapatid ko.

I can't help myself but to shook my head at the irony of life. Noon, ang pamilyang ito ang kinaiinggitan ko pero ngayon? I just realized that there's no such thing as perfect. Walang perpektong pamilya. Walang perpektong relasyon. Walang perpektong pagsasama. Walang perpektong magulang. Walang perpektong anak. Walang perpektong buhay. You really can’t have it all.

Hindi ko mapigilang maalala kung paano ko nakumbinsi si Adele tungkol sa family outing na ito habang nakatitig sa bangayan nilang mag-aama.

"Ano’ng ginagawa mo rito? Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?" tanong niya agad pagkakitang-pagkakita niya sa akin. Napataas ang kilay ko dahil sa inasal niya. Ini-expect ko na magtataray siya at sisigawan ako at mumurahin pero hindi, e. Hindi niya ginawa ang mga bagay na ini-expect kong gawin niya. Kabaligtaran noon ang naging pakikitungo niya sa akin. Nakaka-curious, ha. May mali sa kaniya, nakakasiguro ako roon. Mukha siyang malungkot, nasasaktan at naiiyak.

"Puwede ba kitang makausap?" Tumango siya kaya naman ay sumunod ako sa kaniya hanggang sa nakarating kami sa canteen ng pinagtatrabahuhan niyang BPO.

Kumuha siya ng dalawang tuna sandwich at bottled water bago ito binayaran sa cashier. Naupo kami sa bakanteng mesa. Binigay niya sa akin ang isang sandwich at bottled water dahilan para tumaas na naman ulit ang kilay ko sa inasal niya.

Nakakapanibago ang inaasal niya sa harap ko. Nakakapanibago ang kabaitang ipinapakita niya sa akin. Nakakapanibago ang bagong siya. Nakakapanibago kung paano niya ako kausapin dahil hindi naman ganito kakalmado si Adele kapag ako ang kaharap niya. For some reason, I bring out the worse in Adele.

"Ano’ng gusto mong pag-usapan natin?" tanong niya matapos kumagat sa tuna sandwich niya.

"This Sunday ay may bonding kami ni Karine at gusto kong makasama namin si Tiya kaya nandito ako para sana ay magpaalam sa iyo. Ayaw ko na ng kahit na ano’ng gulo sa pagitan nating dalawa at masiyado na tayong matanda para sa mga away-bata away-bata na ganiyan, Adele."

"Lunes pa lang naman, a? At bakit ka ba sa akin nagpapaalam? ‘Di ba dapat kay Mama lang ikaw nagpapaalam at hindi sa akin dahil siya naman ang gusto mong isama at hindi ako?"

"I know, Adele pero kagaya nga ng sinabi ko ay ayaw ko na ng gulo pa sa pagitan natin kaya nga habang maaga pa ay nandito ako sa harap mo para magpaalam sa iyo. Papayag ka ba o papayag ka sa gusto ko?"

Hmm. Kataka-taka. Ni hindi man lang nag-react negatively si Adele sa pag-provoke ko sa kaniya. Kung noon nangyari ito ay sigurado ako’ng gyera ang kahahantungan ng usapan namin.

"Papayag ako pero dapat ay kasama niyo ako. Wala ako’ng pakialam kung saan niyo man balak na pumunta dahil ang tanging gusto ko lang ay kagustuhan kong umalis sa impyernong iyon." Nagtagis ang bagang niya at kuminang ang gilid ng mata niya, naluluha at naiiyak siya pero ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa harap ko—na naiintindihan ko naman dahil hindi naman kami close at mortal niya ako’ng kaaway.

"Puwede ko bang malaman ang dahilan? Oh, let me rephrase it, gusto kong malaman kung bakit mo gustong sumama sa amin—sa isang lugar kung saan kasama ako, ako na mortal mong kaaway noon because the last time I checked, you hated me for the reason I don't know."

"Bakit? Kasi ayoko na. Masiyadong masakit at mabigat sa d****b na malaman mong ang ama mo ay may ibang anak sa ibang babae. Masakit na kahit na ano’ng gawin ko ay hindi ko pa rin matanggap ang babaeng iyon, na hindi ko pa rin matanggap na ginago at nilokong ama ko ang sarili kong ina! Ang gusto ko na lang sa ngayon ay ang makapagpahinga akobkahit na isang araw lang. Nakakapagod ng magpanggap na malakas ako. Nakakapagod ng magpanggap na galit ako sa kaniya kahit na ang totoo naman ay nasasaktan lang ako."

Malalim na napabuntong-hininga ako matapos kong marining ang hinaing niya. Bakit hindi ko na ngayon makita sa kaniya ang babaeng kinaiinisan ko magmula pa noon? Well, siguro ay dahil alam kong in a way ay pareho lang naman kaming dalawa. Nasasaktan, nalulungkot, nadudurog at ang siyang pinakanagdurusa sa desisyong ginawa ng sarili naming mga magulang. Ang pinagkaiba lang namin ay mas malakas at matatag ako. I learned not to give an actual damn about her, them, actually.

"Sige at maghanda ka ng mga gamit mo. Sa isang maliit na beach resort lang tayo pupunta. Isang araw at isang gabi lang tayo roon kaya pagpasensiyahan mo na kung hindi ko pa afford ang malalaking beach resort sa ngayon." I tapped her shoulder and squeeze it before I turned my back at her, "Oh, by the way, you matured. Hindi na ikaw ang isip-batang Adele na kilala ko." Tuluyan na akong naglakad paalis.

Dahil sa nalaman ko ay tuluyang muling nabuhay ang galit at poot sa d****b ko na matagal ng natutulog. Iniwan kami ni Agnes para sa lalaking iyon at sigurado ako’ng ang anak ng ibang tao iyong inaalagaan niya ngayon. Nagpapaka-ina siya sa anak ng ibang tao pero sa amin na mga anak niya ay hindi niya magawa-gawa! Pare-parehas lang sila ni Kiko at iniwan ang sariling mga anak para lang mag-alaga ng anak ng iba. Mga peste!

"Halika na, Karmine umalis na tayo." Natigil ako sa pag-iisip ng tapikin ako ni Adele sa balikat.

Nakita kong handa na rin si Tiya Delia. May hawak siyang itim na malaking bag na sigurado ako’ng ang laman noon ay mga gamit nila, particularly ay ang mga abubot ni Adele. Bahagyang nagkasalubong ang kilay ko ng makitang kinakausap ni Paula ang kapatid ko at hindi naman ako against na kinakausap ng kapatid ko si Paula. Nagtataka lang talaga ako dahil the last time I checked ay hindi sila magkakilala but m, then Karine is Karine. Masiyadong mabait ang kapatid ko na to the point ay madalas inuuto na lang siya ng ibang mga tao.

"Please? Gusto kong sumama. Sige na. Please, Karine?" Narinig kong pakiusap niya sa kapatid ko. Ang cute ni Paula habang ikinukurap-kurap niya ang mga talukap ng mga mata niya sa harap ng kapatid ko na hindi na alam kung ano ang gagawin sa ka-cute-an ni Paula. I felt Adele elbowed me. She’s silently telling me na hindi puwedeng sumama si Paula sa amin.

"I'm sorry, Paula pero gustuhin ko man pero si Ate ko at si Ate Adele kasi ang magd-decide, e. Sa susunod na lang siguro, Paula at super promise ko sa iyo na sisiguraduhin kong makakasama ka na." Napangiti at napailing ako sa pangako niya.

So kind and so pure-hearted. That’s my little girl, Karine.

Bago pa makasabat at makahirit ulit si Paula ay sumabat naman si Adele para asarain at insultuhin ang nakababatang kapatid, "Did you hear that, Paula? Hindi ka puwedeng sumama kasi hindi ka naman kabilang sa pamilyang ito kaya nga kung ako sa iyo ay lalayas na lang ako." Irap niya pa sa dalaga. Sinaway naman siya ng ama niya dahilan para mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya at inirapan niya ulit ang sariling ama, "Whatever." Nagpatiuna na siya sa paglabas ng bahay at walang lingon-likod siyang umalis at iniwan kami sa loob.

Napahingang malalim na lang ang mag-asawa sa kagaspangan ng ugaling ipinamalas ng panganay nila sa kanila. Humingi pa si Tiya Delia ng paumanhin kay Paula na may malungkot at naiiyak na mukha bago niya sinundan ang pasaway at nagrerebeldeng anak.

Kinuha ko sa kaniya iyong dala niyang bag dahil mukhang mabigat ito at ayaw kong mahirapan siya sa pagbubuhat, "Ako na, Tiya at halina kayo." Pag-aya ko. “Paula,” tinawag ko siya bago pa siya makapasok sa kwarto niya ng laglag ang mga balikat.

“Po?” Napangiti ako pagkarinig na pagkarinig ko sa malamyos at malambing niyang boses.

“Next time ay isasama kita. Pangako iyan.”

She beamed at me, “Sige, po at aasahan ko iyan, ha? Mag-iingat po kayo.”

“Sila kamo ang mag-ingat sa akin,” mahinang bulong ko sa sarili.

Inilagay ko sa trunk ng naghihintay na taxi ang mga gamit namin gayundin ang mga bag nila. Nasa backseat kaming tatlo nina Tiya Delia at Karine. Sa passenger seat naman si Adele na nags-senti dahil sa tahasan at harap-harapang pagkampi ng ama doon kay Paula.

"Hindi mo dapat na ginaganoon ang kapatid mo, Adele. Kung galit ka sa Papa mo ay huwag mo siyang idamay. Wala siyang kasalanan sa‘yo kasi biktama lang rin siya ng pagkakataon kagaya mo, kagaya natin. Ang tunay na may kasalanan dito ay ang mga magulang niya. At kahit kailan ay hinding-hindi magiging kasalanan ni Paula ang naging kasalanan ng mga magulang niya saating dalawa, okay?” pangaral ni Tiya sa panganay niyang matigas ang ulo.

“Huwag ka ng magalit pa sa kapatid mo, Anak at wala siyang kasalanan sa lahat ng ito. Huwag masiyadong mainit ang ulo mo doon sa bata, puwede? Bata lang si Paula at ikaw ang nakakatanda sa inyo kaya ikaw ang dapat na nagpapakumbaba sa inyong dalawa. Ikaw pa naman ang Ate niya. Ikaw ang dapat na nagtatanggol sa kapatid mo sa lahat ng umaaway sa kaniya pero tingnan mo nga kung ano’ng ginagawa mo, ikaw pa talaga itong numero uno niyang bully. Hay nako, anak," mahinahong pangaral niya ulit doon sa tahimik at nagbibingi-bingihan niyang anak.

"Whatever. Kung bakit ba naman kasi ay tinanggap niyo pa ang batang iyon, e hindi mo naman iyon kaanu-ano. Bunga siya ng kasalanan ni Papa pero tinanggap mo pa rin kahit na  alam mong iniputan ka na sa ulo at ginago." matigas at marahas na sinabi iyon ni Adele sa sarili niyang ina na mapait na napangiti na lang pagkarinig sa sinabi niya. 

"Pagpasensiyahan niyo na ang nakita niyo, mga Anak, ha?" paghinging paumanhin niya sa amin ng kapatid ko.

"Ayos lang po iyon, Tiya pero tama naman siya, a. Bakit mo pa kailangang tanggapin ang asawa mo sa kabila ng pagtataksil niya sa iyo?" tanong ko nang hindi ko mapigilan ang curiosity ko.

"Hindi mo ako maiintindihan, Karmine kasi hindi ka pa naman nagmamahal. Kung mahal mo kasi ang isang tao ay kahit na ano pa ang maging kamalian niya ay tatanggapin at tatanggapin mo pa rin siya kasi nga mahal mo siya. At minsan kasi kapag nagmamahal tayo ay nagiging tanga rin tayo. Lahat ng tao ay dumadaan sa sakit kapag umiibig na sila dahil kaakibat ng pagmamahal ay ang sakit at nakadepende na lang sa tao iyon kung paano niya ito haharapin. Ako kasi ay hindi ko kayang masira ng tuluyan ang pamilya ko kaya tinanggap ko na lang na nagkamali ang asawa ko kahit na masakit na. At kahit nasasaktan na ang nag-iisa kong anak."

Ganoon din ang rason niya? Pag-ibig? Lintek na pag-ibig na iyan at nakakasakit na! Kaya ba hindi ko siya maintindihan ay dahil hindi pa ako nagmamahal? Tsk. Of course, not. Hindi ko kailanman maiintindihan si Tiya Delia kasi wala ako’ng balak kumuha ng batong ipupukpok ko lang rin naman sa ulo ko dahil hindi pa ako nahihibang para gawin iyon.

Naramdaman kong dumantay ang ulo ni Karine sa balikat ko dahilan para ay mapangiti ako. Inayos ko ang posisyon ng ulo niya para mas maging komportable siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda at makinis niyang mukha. Inayos ko rin ang earphones na nakalagay sa tainga niya.

"Kung nandito lang ang mga magulang mo, Karmine at kung nakikita lang nila kung paano mo inaalagaan at minamahal ang kapatid mo ay sigurado ako’ng magiging proud sila sa iyo. Halata naman kasing mahal na mahal mo ang kapatid mo kaya ngayon pa lang ay sigurado ako’ng nagsisisi na silang iniwan nila kayo," komento niya.

"Wala na ako’ng pakialam pa sa kanila, Tiya. Iniwan na nila kami kaya wala ng magagawa pa kung magsisi man sila. Huli na ang lahat. At si Karine...” Marahas na napabuntong-hininga ako. "Si Karine na lang po ang tanging mayroon ako, Tiya kaya hindi ako makakapayag na pati rin siya ay mawawala rin sa akin." Napangiti siya sa sinabi ko at hinalikan ang noo ko.

"Hindi kita masisisi kung iyan ang paniniwala mo, Anak ko. Malaking kasalanan naman kasi ang nagawa nila sa inyong dalawang magkapatid," bulong niya sa hangin na narinig ko naman dahil matalas ang pandinig ko.

Mapait na napangisi ako sa narinig kong ibinulong ni Tiya at napailing-iling.

Tama ka, Tiya na ang laki nga ng kasalanan nila sa amin ng kapatid ko, lalong-lalo na sa akin. Kasalanang pagsisisihan rin nila balang-araw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status