Share

CHAPTER 7: The Back Story

Author: Rigel Star
last update Last Updated: 2024-07-01 21:48:59

KUNG MAY ISANG bagay na sigurado si Duncan, iyon ang kawalan niya ng amor sa pinakabata niyang tiyuhin. Sa maraming dahilan, hindi niya ito magustuhan. Isa na sa mga dahilan roon ay ang pagiging pangalawa niya sa lahat ng bagay nang dumating ito sa kanila. Wala siyang pakialam sa lalaki dahil sa pagiging anak sa labas nito. Ngunit nagbago iyon nang ang lahat ng para sa kanya na dati ay inilaan ng kanyang lolo ay unti-unting ibinibigay dito nang ganoon lamang kabilis.

Pangalawang bagay na hindi niya gusto rito ay pagiging magaling nito sa maraming larangan na nagiging dahilan upang makuha ang gusto nang hindi man lamang pinaghihirapan. Ngunit ang labis niyang kinaiinis sa lahat ay ang kakaibang panakaw na tingin na ibinabaling nito sa kanyang asawa. 

Marami na itong nakuha na para sa kanya at hindi roon kabilang ang misin niya na si Liberty.

“I want access to my money,” may diing sabi ni Liberty na naging dahilan upang bumalik siya sa kasalukuyan. “We have an agreement, Duncan. Marunong ka sanang magpakalalaki para matupad iyon.”

Nabaling ang tingin niya sa kanyang asawa na nasa passenger seat. Kailangan nilang umuwi nang magkasama ngayon sa kanilang bahay dahil na rin sa paghihinala ng kanyang lolo. 

“Duncan, sana marunong kang tumupad—”

“Para ano? Para pagkatapos kung ibigay ang pera mo ay iiwan mo ako?” mariin ang pagkakakuyom niya sa kanyang kamao habang nagpipigil na gumawa ng dahilan upang lumaki ang kanilang away.

“Para hindi mo na rin ako sinusumbatan,” may diing sabi ni Liberty. “I can’t believe na lumalabas pa na may utang na loob ako sa ‘yo. Tuloy, laging kailangan pa na ipaalala ang mga naitulong mo sa pamilya ko samantalang wala naman akong kaalam-alam sa mga ginawa mo para mabaon ako sa utang.”

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Sinisira talaga ng asawa niya ang gabi na dapat sana’y masaya sila. 

“Sana naman malinaw sa ‘yo ang mga sinabi ko, Duncan—”

“I will not allow you to have your own money—”

“Mabilis akong kausap, Duncan,” may pagbabanta sa boses na sambit ni Liberty. “Isang tawag ko lang sa lolo mo pwede ng mawala sa ‘yo ang lahat ng pinaghirapan mo. Sa tingin mo manghihinayang ako dahil naging parte rin ako sa tagumpay na iyon? Huwag mo akong subukan. Iba ang nagagawa ng isang babaeng desperada na kayang gawin ang lahat para makalaya sa asawa!” 

Pilit ang naging pagngisi ni Duncan. Hindi niya akalain na kaya siyang pagbantaan ng ganito ni Liberty. Alam niya na hindi ito nagbibiro. Ngayong tagilid siya sa kanyang lolo, hindi malabo na ito ang kampihan ng matanda dahil magkasundo ang dalawa.

“Saan ka pupunta? Dito ang kwarto natin—”

“Bakit, ano sa tingin mo? Tatabi pa ako sa ‘yo ng pagtulog pagkatapos ng mga nagawa mo sa akin?” may talim ang pagtitig na tanong nito sa kanya.

“Liberty—”

Bago pa man masabi ang dapat niyang sabihin, mabilis na nagmartya paalis ang kanyang asawa at isang malakas na pagkalampag na ng pinto sa kwartong tinutuluyan nito ang ginawa.

Nang mga sandaling iyon, tanging paghilot na lamang sa kanyang sentido ang nagawa ni Duncan. 

Kahit na alam niyang siya itong nagpalamon sa tukso, hindi niya magagawang humingi ng tawad kay Liberty. Hindi niya naman pipiliing magloko kung walang pagkukulang ang asawa niya sa kanya. Kasalanan na nito kung nahanap niya ang pagkukulang nito sa iba. 

Para sa kanya, walang dapat na ipagtampo ang asawa dahil paulit-ulit man siyang magloko, sa huli, ang asawa pa rin ang uuwian niya.

“Manang, iabot mo nga ang alak ko!” malakas na sigaw ni Duncan bago pumwesto sa kanilang sala. “Manang!” tawag niyang muli nang hindi kaagad sumagot ang katiwala.

“S-sir, sandaling lang ho!”

“Pakibilisan!” naiinis niyang paalala rito. “Ano, wala pa rin ba, Manang—”

Hindi naituloy ni Duncan ang sasabihin nang mabaling ang tingin sa kanyang cellphone. Heto na naman ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ni Merideth. Magsimula nang mahuli sila ng asawa ay ayaw niya na itong kitain pa. Mas mahalaga ang yaman na ibibigay ng kanyang lolo kumpara sa babae na pwede niyang palitan kapag nagsawa.

Katulad ng ginawa kanina ay pinatayan niya itong muli ng tawag at itinutok ang atensyon sa alak na dinala sa kanya ng katiwala. 

Hindi pa man lumilipas ang kalahating oras, dama niya na ang paggapang ng init dahil sa alak na iniinom. Akmang papatayin niya naman ng tawag si Merideth nang tumunog ang doorbell sa kanilang bahay. Hindi lamang iyon isang beses kung hindi paulit-ulit.

“Ano ba ‘yan, Manang!” may galit na reklamo ni Duncan. “Gabing-gabi na nagawa pang mambulahaw!”

“Titignan ko ho kung sino, Sir!” nagmamadaling sabi ng katulong.

Muli na naman niyang narinig ang doorbell na huminto rin kaagad.

“Sino ba iyon, Manang?” tanong niya nang marinig ang pagbukas ng kanilang main door. “Gabing-gabi na nagawa pang mag-eskandalo! Sa susunod na ganyan ang pagpindot ng doorbell, i-report niyo kaagad sa—”

“S-sir…” 

“Ilang beses na akong tawag nang tawag tapos makikita lang pala kita rito na nagpapakalunod sa alak!”

Ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ni Duncan nang marinig ang boses ni Merideth.

“S-sir, ano… sinabi ko na hong bawal siyang pumasok pero may kailangan daw kayong malaman. Hindi ko na ho napigilan,” nag-aalalang paliwanag ng matanda na tinanguhan lamang ni Duncan. 

“Really, Duncan?” hindi makapaniwalang sambit ni Merideth. “Pagkatapos ng lahat, ganoon na lang iyon—”

“Anong ginagawa mo rito?” bakas sa boses at hilatsa ng kanyang mukha ang galit habang mariin ang pagkakapisil sa braso ng babae. 

“D-duncan, nasasaktan ako!” pilit na hinihila ni Merideth ang braso nito na mahigpit niyang hawak ngunit hindi nito magawang makawala.

Ang pobreng katulong na walang nagawa sa pagbubukas ng pinto ay pasimple ang naging pag-alis ngunit nakakailang hakbang pa lamang nito nang tawagin niya.

“Manang, I don’t want to see you again in this house.” 

“S-sir?” gulat na tanong nito.

“You’re fired!” may diin niyang sambit. 

“P-pero, Sir…” bakas sa mukha nito ang pagpipigil ng luha ngunit walang pakialam si Duncan. 

“Nasabi ko na sa ‘yo, ayaw ko ng tanga sa pamamahay na ito! At sino itong pinapasok mo? Bukas ng umaga, bago sumikat ang araw, dapat hindi na kita makikita rito. Ibibigay ko sa ‘yo ang huli mong sahod. Sosobrahan ko bilang bayad sa pananahimik mo, nagkakaintindihan ba tayo?”

Hindi man sang-ayon, mabilis ang naging pagkilos ng katulong patungo sa kwarto nito upang mag-impake. 

Nang mabaling ang tingin ni Duncan kay Merideth, heto na naman ang mahigpit niyang paghawak dito upang kaladkarin ang babae palabas ng bahay.

“Napaka-kapal ng mukha mo!” sabi ni Merideth. “Hindi mo ako pwedeng paalisin nang ganoon-ganoon lang! Pagkatapos ng sarap, ano, papatayan mo lang ako ng tawag?” 

“What the hell are you doing here?” pigil ang sarili na mas mainis dito. “Hindi pa ba sapat ang ibinigay kong pera? Nandiyan lang sa taas ang asawa ko!”

Ganoon na lamang ang naging pagngisi nito nang huminto sila sa tapat ng pintuan. 

“Ano sa tingin mo ang ginagawa ko rito?” tanong ni Merideth. 

“Hindi pwedeng makita ka ni Liberty—”

“Buntis ako, Duncan!” malakas at walang pagdadalawang-isip na anunsyo nito. “Sa tingin mo, sino ang ama?” may pang-uuyam na tanong nito sa kanya. “Hindi ko sasabihing ikaw…"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Rigel Star
Pwede niyo pong i-unlock gamit ang ads or coìns ^^
goodnovel comment avatar
Rigel Star
Vnlock niyo lang po gamit ang ads or coiñs ^^
goodnovel comment avatar
Etas Andes
nxt episode
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   Special Chapter 1: Nakaw na Saging

    “D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   EPILOGUE

    DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 224: The Little Brother

    “KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 223: She’s Giving Birth

    “KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 222: The Tragic Death 

    HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 221: Between the Two

    “A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status