Ang Lihim ni Angelita

Ang Lihim ni Angelita

last updateآخر تحديث : 2026-01-09
بواسطة:  Yenoh Smileتم تحديثه الآن
لغة: Filipino
goodnovel18goodnovel
لا يكفي التصنيفات
6فصول
22وجهات النظر
قراءة
أضف إلى المكتبة

مشاركة:  

تقرير
ملخص
كتالوج
امسح الكود للقراءة على التطبيق

Mariposa, iyan ang tawag sa kanya. Walang pamilya, walang kaibigan. Isang babaeng mababa ang lipad. Sinisikmura ang lahat para sa pangarap. Gustong gusto na niyang makawala sa kadena. Kapag natapos na niya ang pag-aaral, hindi na niya kakailanganin pang magsuot ng karampot na damit o manloko ng lalaki. Ngunit lahat ng pangarap niya ay nag-iba noong maging kliyente niya ang isang Gustavo Aarav Bryson Salvador Duckworth, ang lalaking pinagtaksilan ng sariling nobya. "Isang gabi lang iyon, Mariposa. Ibibigay ko ang address sa'yo. Hindi mo kailangang magpakita ng mukha. Katawan mo lang ang kailangan niya," imporma sa kanya ni Rodora, ang mistulang manager niya. Tinanggap niya ang kliyenteng sinasabi ni Rodora. Sa unang pagkakataon ay ipagkakaloob niya ang pagkabirhen na iningatan niya sa mga nakalipas na lalaking umupa sa kanya. "Pwede mo siyang patulugin. Pukpukin sa ulo at kunwaring may nangyari," bulong niya pa sa sarili habang papasok sa madilim na penthouse. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tinangay ang plano niya noong makita ang malaking bulto nito sa dilim. Isang hawak lang nito sa kanya ay tiyak na mapipisa siya. "Are you that desperate for money?" malamig, malalim, at may pagkapaos ang boses nito. Kita niyang lumagok ito ng alak na lalong kinakaba niya. "Kailangan ko lang. Ngayon lang para matapos na ang lahat ng ito," mahinang rason niya at kanina pa pinipiga ang mga daliri niya sa sobrang kaba. "Fine. Ibibigay ko ang gusto mo at pag-ungol lang ang kailangan mong gawin," madiing bigkas nito at halos hindi siya nakakilos noong maramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa bewang niya at walang sabing siniil siya nito ng halik. Ni hindi niya lubos isipin na ang isang gabing iyon ay pagkakalooban siya ng tatlong anghel. Mga anghel na walang ideya kung sino siya.

عرض المزيد

الفصل الأول

ALNA KABANATA 1

"Ramon Garcia. 70 years old. Castel Hotel. Matanda na itong kliyente mo na ito kaya magdahan-dahan ka lang, Mariposa," imporma sa kanya ni Rodora mula sa kabilang linya.

Binaba niya ang bag at nah*god ang batok niya. Wala yata siyang karapatang magpahinga. Kagagaling lang niya sa paaralan ngunit heto at kailangan pa niyang rumaket.

"Huwag mong kalimutang puntahan. Sinasabi ko sa'yo, malaki ang bayad niya," paalala nito.

"Isang milyon ba?" Umungol pa siya lalo't masakit ang likod niya sa maghapong pag-aaral.

"50 thousand. Sayang din. Alam ko namang patutulugin mo lang 'to." Tumawa ito sa dulo kaya napangisi siya nang maliit.

Pinatay na niya ang tawag at isa-isang kinalas ang butones ng uniporme niya. Salamat na lang sa genes niya at biniyayaan siya ng mga malulusog na d*bdib, makurbang katawan at mahahabang mga hita. Idagdag pa ang kayumangging mga mata, tila alon ang kulot ng buhok niyang mahaba, at maputing balat na tumitingkad sa liwanag.

Sabi nga ng iba ay para siyang anghel na bumaba sa lupa. Mali, dahil kabaligtaran ang buhay niya. Hindi siya anghel, kun'di isang dalagang mababa ang lipad.

Agad siyang naligo at sinuot ang pangmalakasang nightie niya. Pinatungan niya lang iyon ng t-shirt at pants. Nagmake-up at siniguradong pulam-pula ang bibig niya.

Sanay na sanay na siya at kabisado na ang gagawin. Kaya taas noo siyang lumapit sa receptionist pagkarating sa hotel.

"Reservation of Ramon Garcia, please at kukuha rin ako ng extrang kwarto," pasimpleng banggit niya sa receptionist.

"Room 280 at 281, Miss—"

"Lolo ko siya, Miss," pagsisinungaling niya lalo pa't kita niyang may panghuhusga na ang mga titig nito sa kanya.

Agad niyang kinuha ang mga keycard at tumalikod. Pagdating sa kwartong ni-book niya ay hin*bad niya ang suot na t-shirt at pants. Nagpisik ng pabango, hinanda ang sleeping pills na siningit niya sa garter ng kanyang panty. Sinuot na rin niya ang maskarang itim.

Isang hingang malalim pa ay kumatok na siya sa kabilang kwarto. Dinig niya ang pag-ubo ng matanda. Mukhang ilang araw na lang ang itatagal nito sa mundo.

Tama nga siya ng hinala dahil sobrang payat na nito. Noong ngumiti sa kanya ay akala niya ay kalansay na nabuhay. Imbis tuloy bigyan niya ng nakapang-aakit na ngiti ay tumabingi ang ngiti niya.

"Dumiretso ka sa kama. Ginigigil mo ko!" gigil na bigkas nito at balak pa yatang hampasin ang p*wet niya buti na lang ay naka-iwas siya.

Pagkasara ng pinto ay mal*ndi siyang tumawa.

"Huwag kang nagmamadali. Sa'yo lang ako buong gabi, Ramon," mal*nding bulong niya.

"Hindi na ako makapaghintay," excited na bigkas nito.

Ngumisi siya at lumayo dito. Nahanap niya agad ang alak sa mesa. Nagsalin siya doon at pasimpleng nilagay ang sleeping pills na dala niya.

"Sasambahin ko ang buong katawan mo, Mariposa. Unang kita ko pa lang sa katawan mo, gusto na kitang anakan!"

Gusto niyang masuka sa narinig ngunit pinilit na ngumiti noong humarap dito.

"Sobrang gwapo mo, Ramon. Gusto ko rin iyan pero mas maganda kung painitin muna natin ng alak ang mga tiyan natin, di ba?" nang-aakit niyang bigkas.

Nagulat siya noong mabilis nitong agawin ang wine glass at lagukin ang alak. Tuloy-tuloy kaya napangiwi siya noong magkanda-tapon sa gilid ng bibig nito.

Madaling-madali masyado!

Nilapag nito ang wine glass at agad siyang hinila padikit dito. Hinayaan niyang hawakan siya nito sa bewang. Akmang hah*lik pa ngunit kunwari siyang tumawa at umiwas. Magbibilang lang siya ng sampo ay tutumba na ito.

"Sandali lang, sasayawan pa kita, Ramon," kunwaring humah*gikhik niyang bigkas.

"Hindi na. Sa kama na tayo. Gusto na kitang tikman," ang boses nito ay pawala na.

Isang tulak lang sa noo nito, bumagsak ito sa kama. Nakapikit at mukhang bukas na ng hapon ang gising. 

"Sorry po, Lolo. Di kita type," aniya bago hanapin ang wallet nito.

Kinuha niya ang ilang lilibuhin doon bago bumalik sa kabilang kwarto at mabilis na nagbihis. Ang bayad nito ay siguradong sa bank account ni Rodora didiretso.

Hindi na niya mabilang kung ilang lalaki ang pinatulog niya. Maniwala kayo sa hindi, virgin pa siya kahit ganoon ang trabaho niya.

Pagdating sa bahay, naligo siya at madiing kinuskos ang katawan. Kahit kamay lang ang humahawak sa kanya, nandidiri pa rin siya. Makaalis lang siya sa lugmon na iyon ay ibabaon niya ang lahat ng nakaraan niya sa limot!

Tinitigan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Walang matinong lalaking tatanggap sa kanya. Alam niya iyon at tanggap niya iyon.

Mapait siyang ngumiti ngunit lumipad ang tingin sa cellphone noong tumunog iyon. Boses ni Rodora ang narinig niya sa kabilang linya.

"Kaya mo bang rumaket bukas ng gabi? Isang gabi lang iyon, Mariposa. Ibibigay ko ang address sa'yo. Hindi mo kailangang magpakita ng mukha. Katawan mo lang ang kailangan niya."

"Isang milyon ba ang ibabayad?" ngising biro niya.

"Oo!" mabilis na sagot nito na kinalaki ng mga mata niya.

"Kung papalarin ka, baka huli mo na ito at kung magustuhan ka, uulit sa'yo," natutuwang bigkas nito.

Napalunok siya at pikit matang tinanggap ang kliyenteng sinasabi ni Rodora. Mukhang sa unang pagkakataon ay ipagkakaloob niya ang pagkabirhen na iningatan niya sa mga nakalipas na lalaking umupa sa kanya.

"Anong pangalan tsaka edad?"

Kung matanda ulit iyon ay madali lang takasan!

"Walang binigay na pangalan at edad. Basta sa penthouse ka dumiretso. Nag-iwan ng card ang tauhan niya dito, daanan mo para makapasok ka sa penthouse."

Napakurap siya. Huhulaan pa niya ang katauhan ng kliyente niya? Di bale na. Importante malaki ang ibabayad nito.

Naligo siya nang mabuti kinabukasan. Hinanda na rin niya ang mga gamit at armas na sleeping pills. Dinaanan niya rin ang card kay Rodora.

Simpleng puting spaghetti strap ang suot niyang bestida. Pinapasok din siya ng guard matapos makita ang hawak niyang card.

Sinuot niya ang kanyang maskarang itim.

Hindi niya alam ngunit umahon ang kaba sa d*bdib niya noong nasa tapat na ng pinto ng penthouse. Ilang beses siyang napalunok.

Hindi na siya kumatok. Binuksan niya ang pinto gamit ang card. Kadiliman ang sumalubong sa kanya at amoy ng mamahaling alak.

"Pwede mo siyang patulugin. Pukpukin sa ulo at kunwaring may nangyari," bulong niya pa sa sarili habang papasok sa madilim na penthouse.

Hinanap ng mga mata niya ang kliyente sa dilim ngunit wala siyang bultong maaninag. Tahimik na lang niyang sinara ang pinto at naglakad patungo sa tingin niyang kama hanggang sa marinig ang paglapag ng baso sa sahig.

Awtomatikong napalingon siya sa gilid ng pader. Kita niya ang malaking bulto doon na nakaupo at nakayuko. Walanghiya! Ang laki ng bulto, parang kaya siya nitong pigain.

"S-ir," lakas loob niyang tawag dito.

"Are you that desperate for money?" malamig, malalim, at may pagkapaos ang boses nito.

Kita niyang lumagok ito ng alak na lalong kinakaba niya.

"Kailangan ko lang. Ngayon lang para matapos na ang lahat ng ito," mahinang rason niya at kanina pa pinipiga ang mga daliri niya sa sobrang kaba.

Nahigit niya ang hininga noong tumayo ito. Sobrang lakas ng kalabog ng d*bdib niya. Ang laki nito! Bouncer ba ito? Sundalo? O baka may-ari ng gym?

Napatingala siya noong makalapit ito. Sa sobrang dilim ay puti ng mata nito ang tanging nakikita niya. Engkanto yata! Kapreng nag-anyong tao?

"Fine. Ibibigay ko ang gusto mo at pag-ungol lang ang kailangan mong gawin," madiing bigkas nito at halos hindi siya nakakilos noong maramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa kanyang bewang at walang sabing siniil siya nito ng h*lik.

توسيع
الفصل التالي
تحميل

أحدث فصل

فصول أخرى

للقراء

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

لا توجد تعليقات
6 فصول
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status