Mag-log in"It’s not about money… it’s about security. Paulit-ulit kong pinapaalala sa inyo ang karanasan ni Elijah kung bakit ko siya pinaprotektahan. Ayaw kong makita ang anak ko na muling malugmok dahil sa pagmamahal sa maling babae. Alam n’yo kung paano siya magpakabaliw... halos ibigay niya ang kanyang buhay sa babae. At nakita ko na naman kung paano niya kabaliwan si Paulette. I thought isa na naman si Paulette sa mga maling desisyon na ginagawa niya sa kanyang buhay, but I was wrong… and I admit it. Ngayong nakikita kong mahal din siya ni Paulette ay okay na ako... ’yan lang naman ang hinihiling ko, na mahalin si Elijah ng napili niyang mamahalin, at hindi kung ano lang ang puwedeng makuha niya sa anak ko."“Tama, Tito. Tama ka diyan.” tumango si Liam, Hunter at Caleb bilang pag sang-ayon. Namasa naman ang kanyang mga mata habang nakikinig sa ama. Ramdam niya ang pagmamahal nito. Ang akala niya’y naging matapobre ito kay Paulette, at nagkamali siya. Pinoprotektahan lang pala siya ng ama.
Agad niyang binawi ang kamay at tumingin sa malayo. “Umalis ka na, Lilac. Pumunta ka na sa Manila, sa condo ko. Doon ka magtago. May mga pagkain na doon, magpapadala na lang ako ng grocery kung kailangan mo. Huwag kang lalabas para hindi ka makita. Siguro namang hindi maiisip ng dati mong asawa na hanapin ka doon.”“Salamat, Elijah. Napakabuti mo. Nagsisisi ako na ipinagpalit kita kay William. Masyado akong nag-asam ng sobra. Siguro dahil pinanganak akong mahirap, ang nasa isip ko noon ay opportunity. Kapag magpapakasal ako kay William ay magiging green card holder ako at makakatulong pa nang mas malaki sa aking pamilya dito sa Pilipinas. Hindi ko inisip ang damdamin mo... na ikaw ang nagdala sa akin doon sa America para pag-aralin ako.... Sarili ko lang ang iniisip ko.”“Stop it, Lilac!” putol niya sa iba pang sasabihin ni Lilac. “Nakaraan na ’yon. Katulad ng sinabi ko kanina, iba na ang buhay ko ngayon. Huwag mo nang ibalik ang nakalipas.”“M-mayroon ka na bang ibang mahal?”“Wala k
Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik siya sa mga kaibigan. “O ayan ha, pasok na kayong lahat.”“Salamat talaga, bro… salamat din kay Paulette.”“O ngayon, halos lumuhod kayo kay Paulette? Dati ayaw n’yo sa kanya!” pangongonsensya nya sa mga ito“Of course not! Hindi naman namin sinabi na ayaw namin sa kanya.”“Huuu. Tama ka na, Caleb, magsisinungaling ka pa!” supalpal ni LiamTawanan nang tawanan lang silang magkakaibigan. Na-miss niya ang mga pagkakataong tulad nito, na parang mga bata lang sila ulit... puro asaran.Hindi nagtagal ay nag-ring na naman ang cellphone niya.“Si Paulette na naman ba ’yan, bro? Mukhang miss na miss nyo agad ang isa't isa… bakit hindi ka na lang bumalik doon kaya?" turan ni Hunter"Baka naman nag-iwan si Elijah ng bakas na hinahanap-hanap ngayon ni Paulette kaya panay ang tawag?" kantiyaw ni Caleb. Muli na namang nagtawanan ang lahat. Alam nya kung ano ang ibig nitong sabihin. Namula ang kanyang mukha dahil guilty sya.Pangiti-ngiti nyang kunuha ang cellp
“YES!” sigaw ni Liam nang mapatay na ang telepono.Agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya. “Thank you, ’cuz. Sobrang saya ko dahil nakapasok ako sa kumpanya ni Mr. Li. Alam mo bang inggit na inggit ako sa’yo? Inisip ko sana ako rin, kasi malaki ang sweldo at isa iyon sa pinakamalalaking kumpanya sa buong mundo. Pwede nating ipagsama ang pag-serve sa ating ciudad at pagtatrabaho sa Elise Corporation dahil iisa lang ang layunin... ang pagtulong sa mga Pilipino.”“Tama ka diyan, pinsan. Kaya sobrang saya ko din noon ng ipasok ako ni Nova sa Elise Corporation, at ito pa ang naging tulay na muli kaming magkita ni Paulette.“Yeah, right! The love of your life,” kantiyaw ni Liam sa kanya.“Shut up, ’cuz! baka gusto mong babawiin ko ang sinabi ko kay Mr. Li na magaling ka?” birong panakot niya“Hahaha, wala nang bawian. Na-interview na ako ni Mr. Li over the phone!”Natatawa na lang siya sa pinsan. He is happy for his cousin too.“Anong kaguluhan ’to?” Napatingin sila sa pinto nang pumas
Kinabukasan ay nag-report na siya sa munisipyo. Agad siyang sinalubong ng kanyang mga staff at sabay-sabay na humingi ng pasalubong. Hindi naman siya nakakalimot magdala para sa mga ito. Kahit maliliit na bagay ay na-a-appreciate nila, basta galing sa kanya.“Good morning, Sir. Kumusta po ang pagpunta ninyo sa China?” tanong ng kanyang sekretarya na si Hanna nang salubungin siya nito.“Great, Hanna,” nakangiting sagot niya. May nakahanda na ring kape sa kanyang mesa.Napatingin siya sa kanyang desk. Tambak na naman ang mga papeles. Iyon talaga ang ayaw niya tuwing matagal siyang nawawala... naiipon ang trabaho. Mabuti na lang at pirma na lang nya ang kailangan sa mga yun dahil inayos na iyon ni Liam.Sandali muna siyang umupo at nagpahinga. Habang inuubos ang kape ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Paulette. Bumalik na naman sila sa long-distance relationship, parang noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila. Nasa Manila si Paulette habang siya naman ay nasa Quezon
"Tito!.... ano ang pasalubong ni Elijah sa’yo?" tanong ni Liam na papalapit sa kanila."Whoah! Rolex watch?" mabilis nitong kinuha ang relo na hawak ng daddy nya saka sinipat iyon."Bigay sa akin ng manugang ko..." Nahihiyang sabi ng daddy niya. Lihim siyang napangiti. Sa ilang buwan nilang pagbababangayan at pagtatampuhan ay ngayon niya lang ulit ito nakitang masaya. At lalo syang masaya dahil tinawag nitong 'manugang' si Paulette."Ang yaman ng manugang mo, tito! Ang swerte mo. Okay na ba si Paulette sa’yo? Baka naman magreklamo ka pa niyan at mamili ng iba? Hindi naman kapogian itong anak mo para maging choosy ka sa mamanugangin?" bulalas ni Liam"Fuck you, Liam!" aniyang natatawa. "Sige ka, hindi kita isasali sa team ko!""Hehehe.. joke lang, boss. Ikaw naman, hindi mabiro! Joke ko lang ’yun kay Tito Felix." napakamot ng ulo si Liam"Tumahimik ka, Liam! Nagsisisi na nga ang tao, panay pa ang biro mo!" Irap naman ng daddy niya kay Liam.Natawa na lang si Liam at nagtaas ng dalawang







