Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari habang pauwi ako. Nakarating ako sa bahay na tulala,namamaga ang mata, yakap yakap ang jacket sa balikat. Narinig ko pa si kuya na nagtanong kung okay lang ba ako. Hindi ko na nakita kung nandon ba si mama. Hindi ako kumain. Pagkapasok ko lang sa kuwarto ay agad akong napaupo sa may pintuan, umiiyak. Palaging nagfa-flash sa’kin ang nangyari. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ‘yun sa akin.
Ilang oras din akong nakasandal sa pintuan habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Kinakatok din ako nila Weweng, ni mama saka kuya pero wala silang sagot na nakukuha sa akin.Siguro naririnig nila ‘yung pag-iyak ko. Ni hindi ko maalala kung ano ng nangyari sa gagong ‘yun at wala akong pakealam, tangina niya lang. I swear, hindi na ako pupunta sa mga ganong kanto. Kung walang dumating, ano kayang nangyari sa akin? Kung walang humila sa kanya, nasaksak na siguro ako. Utang ko sa kanya ang b
“Wag na wag na kayong tumapak sa pamamahay na ‘yun! Anong karapatan nilang bastusin kayo ng ganon sa pamamahay pa mismo ng mga magulang ko!” Galit na galit sina papa sa nangyari. Paano ba naman, umuwi kaming luhaan imbis na tumulong lang kay lola. Si mama halos sugurin niya na sila ‘dun,e. Sino ba kasing matutuwa ‘dun. ‘Yung Ciousia naman hindi na talaga natuto, sinupalpal ko na nga the last time na pumunta ako ‘dun. Kaya yan, hindi kami makaimik sa galit ni papa, tumawag kasi siya kay mama kasi hindi ako sumasagot ‘nung sa akin siya tumatawag. Nagalit din si papa kina lolo, alam kasi pala ni papa na pupunta kami ‘dun kasi nagpaalam si lolo sa kanya at bilin pa nito na po-protektahan niya kami kung magkagulo man. Pero ‘asan siya kanina? Wala. Walang nagtanggol. Nanggagalaiti talaga ako sa galit kasi si Weweng umiiyak pa din. Sabi niya natakot talaga daw siya. Wala naman kasi ‘to
“Bumabagal ang ikot ng mundo..kapag ika’y nariyan..oh aking tahanan..” Pagkanta ng mga kaibigan ko habang ako gulat parin, malay ko ba nasa paligid lang pala siya. Saka, hoy! ‘di ko siya hinahanap ‘no. Pinasandahan ko din ng tingin ang mga kasama niya na nasa likuran niya, I don’t really know them. I only know, Isia. Isia Fran Mondevar. “Kapal mo naman, hoy!” “Ikaw talaga hinahanap niya, badi,” pagsambat ni Pau kaya nilingon ko saka masamang tinignan. “Masarap daw kasi ‘yung bj mo, pre.” Pagdudugtong pa ni Paul. Alam ko namang ‘di ko talaga ‘to sila mapipigilan. Nakangisi lang si Isia, saka ‘yung mga kaibigan ko tawa parin ng tawa pati na din ‘yung mga kaibigan ni Isia. Pero mas napansin ng mga mata ko ‘yung babae na kasama nila, I bet this is Querra, ang arte ng aura, curly ‘yung buhok na
Nagising ako sa ingay ng aso naming sa labas, isang chow chow si Babol. Humikab lang at nag inat-inat, ramdam na ramdam ko ‘yung pagod mga ‘teh tapos mamaya practice na naman. I check my clock in my bed side table, saktong 6 ng umaga pa.Pagkatapos ng konting tulala, isip-isip sa buhay. Kung bakit ang tawag sa kutsara ay kutsara kung pwede naman tinidor, chariz. Makabangon na nga lang. Kinuha ko na muna ‘yung towel ko sa cabinet, bagong laba ‘to tol. Pero nahagip ng mata ko ang paperbag na nasa gilid ng cabinet, ‘yung pinaglagyan ko ng jacket. Shuta, dadalhin ko na naman yan tapos hindi ko na naman alam kanino ibibigay. Bahala na nga.“Ano na, Prem? Nagdadasal ka pa dyan sa cr?” Rinig ‘kong sigaw ni mama sa labas, lakas ng boses talaga kahit napaka distansya ng sala sa kwarto ko. Ganyan yan si mama, kapag ka nasa mood mag-ingay. Yan ‘yung alarm clock na makakapagpadali sayo.
Nakasakay na ako sa mini bus ngayon, infairness ang ganda ng palabas ng gobyerno ngayon ha. Modern style na pamalit sa mga old na jeep ngayon, iilan palang din naman ‘to, bago pa kasi ni-release ng gobyerno. People called it mini bus since mukha naman talaga siyang bus, nasusuka nga lang ako kasi maliit siya tapos enclose masyado, dagdag mo pa ‘yung aircon. Ang cute nga e kasi generated ‘yung ticket kapag ka babayad kana ng pamasahe tapos may maliit na tv din sa upper part sa harap. Hindi ko din naman naririni* ‘yung music sa tv kaya kinuha ko nalang ‘yung earphones ko sa bag saka nagpatugtog nalang sa phone ko, I played ‘Paraluman’ by Adie. Naaadik ako currently sa mga kanta niya saka kay Arthur Nery, ewan kili* to the bones talaga lods. I was closing my eyes trying to take a nap since malayo-layo pa naman ‘yung sa amin and then suddenly nag vibrate ‘yung phone ko for a notification. I checked on it at sa i* ko pala. fransz
“Boba! Ba’t ka bumigay sa 10 kiyaw gurl? Binenta mo pa talaga ‘yung bagay na importante sayo.” Bungad kaagad sa akin ni Pau ng makapasok ako sa room. Jusko, umagang-umaga.“Sus! Mat lang ‘yun, pwedeng bumili ulit kapag ka may pera ulit, saka kay Isia lang naman nabenta, atleast kilala ko,” pagtatanggol ko sa nakabusangot na mukha ni Pau sa harapan ko.“Ngayon ko lang napansin, your name and Isia’s name sounds the same,” lumingon naman kami ni Pau sa nagsasalitang Kino na nasa upuan niya. “Maybe you two are meant to be?” dugtong niya pa. Yuck!“Kaka-ml mo yan, Kino. Nyeta ka.” Sabi ko habang naglalakad na papunta sa upuan ko.“Naku, pre! Olats yan pag silang dalawa, hindi pwede ang duwende sa prinsipe,” Sambat ng isang Maui sa may bandang gilid ko. Tumawa tuloy lahat pagkasabi niya ‘nun, itong si Chee
“Prem”Tawag sa akin ni Ma’am Shen na kakapasok lang ng room tapos papalit sa akin naka nakaabot ang hawak na laptop. InterCom exam na naming ngayon tapos siya ‘yung nag ha-handle sa amin, wish me luck nalang talaga na maipasa ko ‘tong exam na ‘to.“Inabot lang sa akin yan ng isnag estudyante, from Archi Department ata ‘yun” Sabi niya na inabot na sa akin ang laptop. A white macbook pro and it’s definitely from Isia. Natunganga lang akong tinanggap tapos naglakad na si ma’am sa table niya at nilapag ang mga dalang test papers.Nilapag ko din ang laptop sa table ko, ba’t niya pa binigay ulit, hindi niya ba gets ang sinabi ko kanina? At talagang prof pa talaga ‘yung inutusan, apaka ano talaga. Nakabukas pa ng konti kaya isasara ko sana kaso ayaw, pagkabukas ko may laman na sobre.“Hulaan ko, love letter laman niyan&rdqu
“Ah, kaya pala hindi na nakasunod sa amin kasi nagsasariling mundo sa ibang tao. O to the M to the G, something’s fishy.”Sabay kaming napalingon ni Isia sa likod ko ng may magsalita, si Kino na mapang-asar tumingin habang nakapamulsa ang isang kamay tapos ang isa naman ay maarteng nakatakip sa baba. Nakalimutan ko din naman kasi na naghihintay pala sila ‘don, napasarap kasi si Isia este ‘yung kwentuhan namin.Inirapan ko lang siya saka binalik ang tingin sa inumin ko at inubos na ‘yun since naubos ko na ‘yung mga pagkain. “Tinawag kasi ako ng grasya, sino ba naman ako para tumanggi” sabi ko kay Kino habang nakatalikod ako sa kanya. Si Isia naman na tahimik lang na umiinom.“Alin ba ang grasya? Ang pagkain ba o siya? Woah!” Napalingon naman ulit ako sa biglang pag woah niya, mukhang tanga talaga. Tawa naman siya ng tawa.“Excuse
Kanina pa ako nakatitig sa Chapter 4 ng research na ‘to, natapos ko na kasi ang isa which kay Penema kaya ito namang kay Henry ako nakikipaglaban. Na fu-frustrate ako sa topic niya, mas complicated pa sa research topic ko. Mula senior high ko pa ‘yun pinaglalaban, if the plastic bottles with shredded plastic waste is effective for additive sa cement blocks.Napatungo nalang ako sa table habang ang mga kamay nasa laptop pa din, ginagawang asmr ang keyboard. Ang sarap tuloy matulog ulit, naputol ba naman kanina dahil kay Isia. Susundan ko pa ng asana si Reyn kanina kasi mukhang galit talaga, ‘di naman ‘yun ganon, baka may problema lang din. Ewan.“Wow! Studerist!”Naangat ko agad ang mukha ko sa pagkakatungo sa lamesa ng may marinig na pamilyar na boses, the one and the very only Cheevy ng taon.Matalim ko siya tinignan habang nakatukod na ang mga kamay sa lame