Kabanata 3
Unti-unting nagmulat ang aking mga mata nang makaramdam ako ng matinding sakit sa aking ulo. Para akong pinupukpok doon kaya halos hindi ako makamulat ng maayos.
Mabilis ko ring naramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan, ang mainit kong paghinga, ang bara sa aking ilong at maging ang aking napakabigat na pakiramdam.
Pinilit kong buksan ng maayos ang aking mga mata at nang magawa ko iyon ay kaagad bumungad sa aking paningin ang isang malaki at mahabang salamin na ang nasa baba ay isang fireplace.
Katapat iyon ng malambot at mukhang mamahaling hinihigaan ko ngayon kaya iyon kaagad ang aking nakita.
Ikinalat ko kaagad ang aking paningin sa buong piligid. Napakalaki at napakaganda ng buong silid na ito at mukhang mamahalin pa ang mga gamit.
Maging ang design sa buong ceiling ay mukhang pangmayaman at mamahalin isama na rin ang iba't-ibang uri ng ilaw na mga mamahalin din lalong-lalo na ang mga chandelier.
Mayroon ding aircon dito na sa tingin ko ay nasa mababang temperatura at nang mapatingin ako sa aking kanan ay sumalubong sa akin ang isang malaking bintana na natatabunan ng kulay brown na mamahalin at magagandang mga kurtina.
At mula sa aking pagkakahiga ay rinig na rinig ko ang paghampas ng malakas na hangin at maging ang malakas na pagbuhos ng ulan mula sa labas.
Ilang sandali pa ay saka lang ako natauhan kung nasaan nga ba ako. At doon ko lang din napansin na iba na ang aking kasuotan.
Nakasuot na ako ngayon ng isang silk pajamas na kulay dark green na tamang-tama ang sukat sa aking katawan. Hindi katulad nang palayasin ako ni Tita Cecille na naka-bra at itim na slacks lang ako. Napansin ko rin na mayroon ng bandage ang magkabila kong mga kamay.
Paano? Sino ang tumulong sa akin? Nasaan ako? B-Buhay pa ako? Hindi ako natuluyang
mabanggaan kanina? Pero... bakit?Mabilis na namang nangilid ang aking mga luha nang maalala ko na naman ang insidente sa karinderya pati na rin sa bahay at sa mga sinabi at pananakit na ginawa sa akin nina Madam Baby at Tita Cecille.
"S-Sorry po, Nanay, Tatay, at Nanay Myrna..." saad ko sa aking isipan, umaasang makakarating ang taos sa puso kong paghingi ng tawad sa kanila dahil sa pagtatangka kong pagpapakamatay.
Alam ko namang kasalanan sa Diyos ang pagpapakamatay pero... pagod na pagod na kasi akong mabuhay. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa nila sa aking masama. Pero susubukan ko... susubukan kong magpakatatag pa at ituturing ko ito bilang sign na huwag ko ng ituloy ang pagwawakas sa aking buhay at ipagpatuloy pa ang buhay ko kahit mag-isa na lang ako.
Nang sandali ring iyon ay napansin kong wala ni isang tao sa loob ng malaking silid kung nasaan ako maliban sa akin.
Nasulyapan ko pa ang isang tray na nakapatong sa lamesa sa katabing bahagi ng kama na hinihigaan ko na mayroong lamang iba't-ibang uri ng mga gamot at isang medyo malaking baso na may lamang tubig. Maging ang mga iyon ay mukhang mga mamahalin din kaya hindi na ako magtataka kung isang milyonaryo o bilyonaryo ang may-ari ng bahay na ito.
Kahit parang minamartilyo pa rin sa sakit ang aking ulo ay dahan-dahan kong sinubukang bumangon ngunit napatigil ako sa paggalaw nang bigla na lang magbukas ang isang malaking pinto sa aking kanang gawi na kulay brown na mukhang gawa sa isang mamahaling kahoy at inilabas doon ang isang medyo matabang babae na nakauniporme ng pangkatulong habang may bitbit-bitbit na isang tray na may lamang mga pagkain.
Mabilis kumalat ang mabangong amoy ng mga pagkaing iyon sa buong silid kaya naman kasabay niyon ang tunog na pagkalam ng aking sikmura na sa tingin ko ay narinig din ng babaeng nasa may pintuan dahil sa way ng pagngiti niya sa akin kaya naman hindi ko naiwasang pamulahan ng pisngi dahil sa sobrang kahihiyan.
Iniwas ko na lang ang paningin ko sa kaniya at bumalik sa pagkakahiga. Ramdam na ramdam ko pa rin ang lalong pag-init ng aking mukha dahil sa nangyari.
Narinig ko na ang mga hakbang na papalapit kaya naman napahigpit ang hawak ko sa puting kumot.
"Gising ka na pala, ineng," masayang pagbati sa akin ng babae kaya naman napalingon ulit ako dito kasabay ng pagbigay na maliit na ngiti sa kaniya.
Nakasuot siya ng uniform na pangkasamabahay, kulay itim na mahabang damit at kulay puti na apron. Mayroon siyang mahabang buhok na may mumunti ng mga kulay puti. At mukhang nasa forty's na siya.
"Heto, ineng, at kumain ka na muna. Ako si Nineth at isa akong katulong dito pero pwede mo akong tawaging Nanay Nineth," masaya pa ring saad nito habang inaalis na sa tray ang mga pagkain. "Sandali at aayusin ko lang ang mga ito para makakain ka na rin."
"M-Maraming salamat po," mahinang saad ko sa kanya dahil nahihiya pa rin ako at akmang babangon na sana ako galing sa pagkakahiga para makalapit sa lamesa na nasa gilid ng kama nang pigilan niya ako.
"Walang anuman, ineng. Sandali lang, huwag ka munang gumalaw. Hindi mo na kailangang umalis diyan."
Mabilis itong lumapit sa kama at may kinuha sa itaas ng headboard. Hawak na niya ngayon ang isang medyo maliit na remote na kulay puti.
Pinagmamasdan ko lang siya habang may pinipindot siya sa remote na iyon at halos magulat naman ako nang bigla na lang may lumitaw na mahabang lamesa sa aking harapan na sa tingin ko ay nakadikit na mismo sa kamang ito na automatic na lalabas kapag pinindot sa hawak na remote ni Nanay Nineth.
Natawa si Nanay Nineth sa aking naging reaksyon at mabilis na rin niyang inilipat ang mga pagkain sa lamesang kulay brown na nasa aking harapan.
"Oh, kumain ka na muna ineng. Kagabi ka pa hindi kumakain at umaga na ngayon kaya alam kong gutom na gutom ka na," mahinahong pahayag nito sa akin.
Nagulat ako sa kaniyang mga sinabi.
So kagabi pa pala ako nandito sa bahay na 'to? Bakit? At Paano?
Magtatanong pa lang sana ako sa kaniya ng pigilan na naman niya ako.
"Mamaya ka na magtanong, ineng. Kailangan mo ng kumain muna ngayon para makainom ka na rin ng gamot," nakangiting pahayag nito sa akin na sinang-ayunan ko na lang.
Dahan-dahan akong kumilos upang lumapit sa lamesa na may mga pagkain.
Napakarami ng mga pagkaing inihanda para sa akin ni Nanay Nenith. Mayroong fried rice, tocino, hotdog, itlog, bacon, scrambled eggs, toasted bread, gatas, pancake, spam at mga ginayat na prutas katulad ng mansanas at orange.
Mabilis akong natakam dahil sa mga masasarap na pagkain sa aking harapan. Ito ang unang beses na makakakain ako ng ilan sa mga ito katulad na lang ng spam at pancake. Sa mga larawan sa libro ko lang kasi nakikita ang mga ito eh, at eto na, nasa harapan ko na kaya hindi ako makapaniwala.
Ramdam na ramdam ko ang paninitig ni Nanay Nineth sa akin kaya naman muli ko siyang nilingon at ningitian.
"K-Kain po tayo, N-Nanay Nineth," pag-aya ko sa kaniya. Mas lalo namang lumaki ang kaniyang ngiti dahil sa itinawag ko sa kaniya.
"Huwag mo na ako alalahanin, ineng. Sige kumain ka na diyan at dito lang ako."
"S-Sige po. Salamat po." Muling pagngiti ko sa kaniya.
Hinarap ko na muli ang mga masasarap na pagkain at bago ko kainin ang mga 'yon ay nagdasal muna ako habang nakadaop ang aking mga palad at nakapikit ang aking mga mata.
Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng Diyos Espiritu Santo, Amen.
Panginoon, maraming salamat po sa mga pagkaing nakahain po ngayon sa aking harapan. Nawa po ang lahat ng tao sa mundo ay nakakaranas rin po ng ganito. Huwag niyo po sana kami pabayaan at mas lalo pang gabayan, Amen.
Pagkatapos kong magdasal ay muli akong humarap kay Nanay Nineth.
"K-Kakain na po ako, Nanay Nineth," pagpapaalam ko sa kaniya.
"Sige lang, ineng. Enjoy mo lang. Masarap 'yang mga iniluto ko para sa iyo."
"Mukha nga po eh, amoy pa pa lang po ay parang mabubusog na po ako."
Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay tumunog na naman ang aming tiyan dahil sa gutom at imbes na mahiya ay sabay pa kaming natawa ni Nanay Nineth dahil sa nangyari.
"Oh, siya, siya. Kumain ka na. Ubusin mo ang lahat ng 'yan dahil kung hindi ay magagalit ako sa'yo," kunwaring seryosong pahayag niya ngunit kitang-kita ko naman na nagbibiro lang siya.
"Opo, uubusin ko po. Maraming salamat po ulit, Nanay Nenith," taos puso kong pasasalamat sa kaniya habang nakangiti.
Sinimulan ko ng sumandok ng fried rice at nang matikman ko iyon ay halos mapapikit ako sa sobrang sarap. Ito ang unang beses na nakatikim ako ng ganito kaya naman sunod-sunod na akong kumuha ng spam, bacon, tocino, hotdog, scrambled eggs, and toasted bread. Kahirt na medyo kumikirot ang aking mga sugat sa palad ay nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.
Ganang-gana ako sa pagkain at tinikman ko talaga lahat. Pinapanuod lang ako ni Nanay Nineth mula sa aking tabi. Ewan ko ba pero hindi ko magawang mailang sa kaniya. Dahil siguro komportable ako sa kaniya at hindi ako natatakot kung nasaan man lugar ako o kaninong bahay na 'to.
Isinunod ko naman ang pagkain ng pancake at pag-inom ng gatas. Sobrang sasarap! Kaya naman nang matapos ako ay tanging mga prutas na lang ang natira. Ramdam na ramdam ko ang aking pagkabusog at ito rin ang unang beses na maranasan ko ang ganito.
Madalas kasi ay isang putahe lang sa isang araw ang kinakain namin ni Nanay Myrna at hanggang panghapunan na iyon.
"Oh ito, ineng. Inumin mo na 'tong gamot mo. Tumaas na naman kasi ang lagnat mo kanina nang puntahan kita dito habang natutulog ka." Pag-abot sa akin ni Nanay Nineth ng gamot panglagnat at isang baso ng tubig.
"Salamat po," pahayag ko sa kaniya matapos niyang kunin sa akin ang baso.
"Ano bang nangyari sa iyo, ineng? Nagpaulan ka ba sa labas kahapon? Ang taas-taas kasi ng lagnat mo nang dalhin ka dito," pag-aalalang tanong niya sa akin.
Mabilis akong nalungkot at napatungo ng maalala ang pagtangka kong magpakamatay.
"Opo. Mabilis po kasi talaga akong magkasakit kapag nauulanan po ako," magalang kong sagot sa kaniya. "Ang pangalan ko nga po pala ay Deandra pero pwede niyo po akong tawaging Andra." Pagtunghay ko na ulit sa kaniya.
"Oh sige, Andra. Ilang taon ka na ba?"
"Seventeen years old na po ako."
Nakita ko ang mabilis na panlalaki ng mga mata ni Nanay Nineth dahil siguro sa pagkagulat.
"Talaga?! Seventeen years old ka na?!" Gulat na gulat pa rin niyang tanong. "Pero mas mukha kang thirteen or fourteen years old. At napakaganda mo pang bata, Andra." Pagpapatuloy pa niya.
Mabilis namang namula ang aking pisngi dahil sa kaniyang sinabi.
"Salamat po, Nanay Nineth."
"Napansin ko rin kaagad na napakabait mong bata at may maganda kang puso kahit ngayon pa lang tayo nagkakilala."
"Nasaan nga po pala ako ngayon? At kaninong bahay po ito? Sino po ang nagligtas sa akin?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Nasa bahay ka ng mga pamilyang Del Mundo. Huwag kang mag-alala, mababait ang mga 'yon. Si Donya Amanda na lang din ang magsasabi sa'yo ng lahat ng nangyari, pauwi na rin iyon dito ngayon."
Nagpatuloy pa ang pagkekwentuhan namin ni Nanay Nenith. Siya pala ang Mayordoma dito sa bahay na 'to at tatlongpung taon na siyang naninilbihan dito.
Sampung taon daw siya ng mamasukan dito dahil sa hirap ng buhay at sa awa naman ng Diyos ay nagtagal siya dito dahil sa sobrang bait na rin daw ng mga Del Mundo.
May roon din daw siyang nag-iisang anak na lalaki na kaedaran ko lang din at ipapakilala raw niya kapag nakapunta na ulit dito.
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Nanay Nineth nang makarinig na lang kami ng pagbukas at pagsara ng isang bagay mula sa ibaba.
Mabilis kumilos si Nanay Nineth at inilagay sa tray ang mga pinagkainan ko. Ayaw pa sana niya akong patulungin ngunit ginawa ko pa rin dahil hindi naman na masyadong masakit ang sugat sa mga palad ko.
"Mukhang andiyan na si Doya Amanda, Andra. Dito ka lang muna ha? Sandali lang."
Kabanata4Katatapos ko lang kumain ng umagahan at busog na busog na ako dahil sa sarap ng mga pagkaing kinain ko kaya naman pagkatapos ay tumayo na rin ako mula sa kama para naman maghintay sa muling pagbalik nina Nanay Nineth at Doña Amanda rito.Medyo maganda na ang aking pakiramdam ngayon dahil nakainom na ako ng gamot at sa tingin ko ay dahil din sa iniluto at inihandang masasarap na pagkain sa akin ni Nanay Nineth kaya ganito na kaginhawa ang aking pakiramdam.Nang tumayo ako mula sa harapan ng kama ay mabilis akong na-mesmerized nang makita ko mula sa malaki at malinis na salamin ang kulay dark green silk pajamas na suot-suot ko ngayon.Habang sinusuri at pinagm
Kabanata 5 Nang matapos na si Nanay Nineth sa pagpapatuyo at pagsusuklay ng aking buhok ay agad na rin kaming nagpasyang bumaba. Habang pababa na kami ng hagdanan ay hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi makaramdam ng kaba dahil hindi ko alam kung sino ang mga taong makikita at mga makikilala ko kapag nasa baba na kami. "Kinakabahan ka na naman, Andra. Huwag kang kabahan," mahinahong saad ni Nanay Nineth na nasa tabi ko lang habang sabay kaming bumababa mula sa mga baitang ng hagdan. Sa tingin ko ay naramdaman at napansin niya na kinakabahan na naman ako kaya naman hinawakan niya agad ang aking kanang kamay at pinisil pa niya iyon para lang mabawasan ang kaba na aking nararamdaman habang papalapit na kami ng papalapit sa pinakadulo ng hagdanan. "Pasensya na po, Nanay Nineth. Hindi ko lang po talaga mapigilan," kinakabahang sagot ko habang pinipisil-pisil ko ang kaliwang kamay ko pabalik. "Huwag kang matakot, Andra. Ang mga taong makikita at makikilala mo sa ibaba ay mga ma
Kabanata 6Agad na napuno ng katahimikan ang buong silid pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Lalo akong kinabahan ng mabingi ako sa biglang katahimikan.Ramdam ko ang titig ni Doña Amanda sa akin mula sa kinauupuan ko habang ang sarili kong tingin ay nasa kanyang tasa ng tsaa sa mesang nakaposisyon sa kanyang harapan at habang nilalaro ko ang aking mga daliri na nakapatong din sa mesa.Ang tanong na iyon na ngayon ko lang itinanong sa kanya ay tumatakbo na sa isip ko pagkagising ko ulit kanina pa.God knows how thankful and grateful I am because of their kindness to me but . . . Ayokong maging pabigat sa kanila. Pakiramdam ko anytime, magiging malas na lang ako sa buhay nila gaya ng laging sinasabi sa akin nina Auntie Cecille at Madam Baby."Andra." She was calling my attention pero nanatili lang ang mata ko sa cup dahil kinakabahan pa rin ako. "Look at me, Andra, please," matamis niyang sabi kaya unti-unti kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.Nakangiti siya at bakas din s
Kabanata 7After that crying session with them, nagsimula na rin kaming magluto at maghanda ng mga kakainin namin mamaya habang nanunuod na kami ng movie.Mayroon nang anim na medium sizes ng stainless trays sa marble countertop na gagamitin namin pagkatapos naming magluto at maghanda ng popcorn, french fries, nachos, besuto prawn crackers, at homemade pork siomai at pizza.May iisang gawain na nakatalaga sa bawat isa sa amin dito sa kusina. Si Marie ang bahala sa popcorn, si Anne na ang bahala sa french fries, si Mary na ang bahala sa nachos, si Grace na ang bahala sa homemade pizza, si Anna ang bahala sa besuto prawn crackers, habang ako at si Angel ang kukuha. pag-aalaga ng homemade pork siomai.Napakalaki ng kusinang ito at marami pang glass built-in hobs kaya naman sabay kaming nagluluto ngayon para lang matapos ang pagluluto ng mabilis.Pareho kaming gumagawa at nagbabalot ng siomai ni Angel. Siya ang gumagabay sa akin kung ano ang kailangan kong gawin. Marami kaming trabaho dito
Kabanata 8 Iyak ako ng iyak habang naglalakad palayo sa Mansion ni Del Mundo habang bitbit ko ang sa tingin ko ay isang mamahaling bag na ang loob nito ay ang mga damit na dala ko lang noong umalis ako sa bahay ni Auntie Cecille. Bago ako umalis, alam ko lang na ang naglaba ng damit ko ay si Angel at ang grupo niya at nagpasalamat na ako sa kanilang lahat dahil doon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala akong planong balikan si Auntie Cecille dahil baka masaktan na naman niya ako physically and with her words, or worse, baka mapatay niya ako dahil sa tindi ng galit niya sa akin. Habang naglalakad ako palabas ng kalye, hinahanap ko ang maliit kong pink na wallet sa bag at nang makita ko na ito ay agad ko itong binuksan at mabilis akong nalungkot nang makita ko na kung ano ang nasa loob nito. Eksaktong limang daang piso na lang ang nasa loob ng wallet ko at hindi ko alam kung paano pigilin ang paggastos hanggang sa makahanap na ako ng trabaho dito. Ramdam
Kabanata 9 Nagising ako bigla nang makarinig ako ng maliit na boses na tila nagsasalita sa kabilang side ng kinaroroonan ko ngayon. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nang magawa ko iyon ng buo ay narinig ko na rin ang mga boses na malabo ko lang narinig kanina. "Kamusta po siya, Doc?" Tanong ng boses na nanggaling sa isang babae "She is doing good but she still need a lot rest right now, Doña Amanda. If ever na hindi pa rin bumaba ang lagnat niya mamayang gabi, I advise you na dalhin mo siya kaagad sa ospital." Narinig ko ang mga salitang iyon mula sa boses ng isang lalaki. "Okay, Doc. Maraming salamat." Ito ay mula sa boses ni Doña Amanda! Ano ang! Naku! Nandito na naman ako sa Mansion ni Del Mundo?! Pero paano?! "No problem, Doña Amanda. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa o kung may nangyari na." Sumagot ulit ang lalaki at ilang sandali pa ay narinig ko na lang ang biglang pagsara ng pinto at may narinig din akong yabag na sa tingin ko ay papunta sa direksy
Kabanata 10 Nabato lang ako sa kinauupuan kong kama habang nakatitig pa rin sa gwapong lalaki. Kahit naka side view siya kung saan ko siya nakikita, masasabi ko pa rin na ang gwapo niya talaga. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at hindi agad ako babalik sa aking katinuan kung hindi pa nagsalita si Doña Amanda na nagpagising sa akin mula sa pagkatulala sa kagwapuhan ng lalaki. "Franco, ang gwapo kong apo, dito ka muna, please. May gustong makakita at makausap ka," masayang sabi ni Doña Amanda na halos marinig ko na ang paghagikgik niya. Tila narinig kaagad ng lalaking tinawag ni Doña Amanda na "Franco" ang sinabi ni Doña Amanda dahil agad itong umusog sa kanyang upuan sa dahan-dahang pagsasara ng librong binabasa at hawak niya kanina. Nang tuluyang maisara ng lalaki ang libro ay dali-dali niya itong nilagay sa ibabaw ng sofa at sabay dahan-dahang tumayo sa kinauupuan niya, at ngayon ko lang namalayan dahil natulala pa rin ako na ang gwapo niya ngayon ay naglalakad patungo sa d
Kabanata 11"Saan ka pupunta, binibini?" Seryosong tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin ng blanko at habang hawak ko pa rin ang door handle.binibini? Oo, bata pa ako pero hindi ko iyon pangalan. Bakit niya ako tinatawag na binibini kung alam niya lang ang pangalan ko kanina? Nakalimutan niya agad? Mabilis akong nalungkot at hindi ko alam kung bakit.Nakasuot siya ngayon ng branded na navy blue na t-shirt with gray sweat shorts na ipinares sa kanyang itim na tsinelas na may nakakabit na salitang "Balenciaga".Mukhang kakaligo lang niya kasi mula sa kinatatayuan ko ay napapansin ko agad na medyo basa pa ang buhok niya. At ang mabangong pabango niya ay mabilis na nanunuot sa aking ilong.Kahit simpleng damit lang ang suot niya, hindi ko maitatanggi na napakagwapong lalaki pa rin niya.Hindi muna ako nakapagsalita at nanatili lang akong nakatingin sa kanya, hindi pa rin makapaniwala na nandito talaga siya ngayon sa harapan ko at hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nandito.