Home / Romance / Love Between Lies / Chapter 1: Court

Share

Chapter 1: Court

Author: Mairisian
last update Huling Na-update: 2021-03-29 08:47:41

Court

"Anak, salamat sa pagtulong mo sa akin sa paglalaba ngayon huh?" Pasasalamat ni Nanay sa akin habang nagkukusot ito ng mga puting damit ng pamilya Diaz.

"Okay lang ho 'yon Nay. Wala naman akong ginagawa sa bahay. Isa pa bakasyon e. Walang pasok sa school." Sagot ko rito habang binabanlawan ang mga dekolor na damit.

"Sabagay." Sabi nito. "Alam mo anak, napaka suwerte talaga namin ng Tatay mo at sa dalawang kapatid mo, sa'yo. Bukod sa mabait na anak at maunawaing kapatid, magalang pa. Maganda na, matalino pa." Proud na sabi nito sa akin.

Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Nanay sa akin. "Nay, alam mo. Bolera ka rin e. Lagi nalang." Napapailing ako.

"Nagsasabi kaya ako ng totoo, Hikkary. Nak, mag-aral kang mabuti huh? 'Yang edukasyon talaga ang pinaka importante sa ngayon ng buhay ng tao. Huwag ka tumulad sa amin ni Tatay mo, walang natapos. Kaya heto. Nauwi sa paglalabandera at ang Tatay mo naman ay isang Driver lang."

"Nay, huwag n'yong nila-lang ang trabaho ninyo ni tatay. Proud na proud parin ako sa inyo Nay, promise. Huwag rin kayong mag-alala, Nay. After 2years, gagraduate na ang anak n'yong ito. Tapos Nay, kapag grumaduate na ako. Hindi na kita hahayaang maglabandera pati rin si Tatay, pahihintuin ko na sa pamamasada ng traysikel. Promise Nay, bibigyan ko kayo ng maganda at maalwan na buhay ni Tatay at nila bunso."

"Nak, kahit hindi nalang para sa amin. Kahit para sa sarili mo nalang. Masaya na kami para sa'yo ni Tatay mo." Sabi ni Nanay habang nagkukusot parin.

Lumapit ako sa tabi ni Nanay at naupo. "Syempre Nay, tagumpay ko. Tagumpay nating lahat." Sabi ko saka niyakap si Nanay at hinalikan sa pisngi nito.

"Nak, huwag kang lumapit, mabaho si Nanay." Ito pa ang nagreklamo kesa sa akin.

"Nako naman Nay. Walang problema yun, pareho lang tayong amoy pawi." Sagot ko rito habang nakatawa.

Tumawa naman ito. "Nak, napapansin ko lang. Parang isang buwan na ata ng huli kong makita si Zayden na nagawi sa bahay natin. Minsan nakikita rin kitang tulala at masyadong malungkot. May problema ba anak? May problema ba kayong dalawa?"

Bigla akong natigilan ng sambitin ni Nanay ang pangalang iyon sa akin. Bigla ring kumirot ang puso ko and again. Para na naman akong naiiyak sa lungkot at pighati sa aking ginawa.

Bumuntong hininga ako ng malalim. "N-Nay, w-wala na ho k-kaming dalawa. Nakipaghiwalay na ho ako sa kanya." Sagot ko sa nanay ko na hindi nakatingin sa mga mata nito.

"Huh? Bakit naman anak? Bakit hindi mo manlang nabanggit sa akin, nagkaroon ba kayo ng hindi paguunawaang dalawa?"

"N-Nay, nakakagulo kasi siya sa pagaaral ko e. Study first muna ho ako, Nay. Yun ho muna ang goal ko ngayon. H-Hindi ko naman siya priority."

"Sabagay. Pero mabait namang bata 'yon anak. Maganda ang hangarin sa'yo ng nobyo mo. Nakakapangliit lang nga kasi mayaman siya at mahirap lang tayo. Pero alam mo anak sabi ng batang 'yon, kapag nakapagtapos ka na ng pagaaral mo. Ora mismo, hihingiin na niya ang kamay mo sa amin ni Tatay mo. Alam mo, nangako siya na hinding-hindi ka niya sasaktan."

Napakagat-labi ako ng mariin ng marinig iyon kay nanay, saka ako bumuntong hininga ako ng malalim.

P-Pero ako ang nanakit sa kanya... Nasasaktan rin ako sa naging desisyon ko...

"N-Nay, sige ho. Magda-dryer at magsasampay na ho ako." Sabi ko nalang para iwasan ang topic namin ni Nanay. At iwasang makita nito ang lungkot sa aking mga mata.

"Sige anak at tatapusin ko na itong ginagawa ko."

Hindi na ako tumungin pa kay Nanay at dumeretsyo nalang ako sa may dryer area.

Pinipigilan ko ang luha ko nang maalala ko na naman muli yung gabi kung paano kami ni Zayn nagtapos sa aming relasyon. Napapailing rin ako nang maalala ko noong isang linggo. Yung araw na tumawag ito sa akin.

Tumawag ito ngunit hindi naman nagsasalita. Hindi rin ako kumikibo rito. Pareho lang kaming nagpapakiramdaman. Parati kong naririnig ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya ng ilang beses. I want to speak and explain everything, pero wala naman akong masabi dahil hindi ko rin kayang bawiin ang lahat. Hanggang sa pinatay niya ang tawag at doon na ako tuloyang napapaiyak. Naulit pa iyon ng dalawang beses, ganoon ulit ang ginawa nito at nangyari.

Dahil ayoko nang makaramdam pa ng sakit sa aking dibdib, nagpasiya nalang ako na magpalit nalang ng bagong sim card. Masakit man pero ginawa ko, at kailangan ko ring gawin para mas makaiwas nalang rito. Masakit, pero kailangan kong magtiis.

Hikkary... Kaya mo 'to. Lalaki lang siya. Marami pang ibang lalaki. Huwag lang siya.

"Hello, sissy..."

Napasinggap ako at nagulat sa pagsulpot ni Erica sa aking tabi.

"E-Erica, anong ginagawa mo dito?"

"Sis, thank you... Thank you so much..." Nakangiti ito sa akin ng napakatamis.

Nagtataka ko itong tinitigan sa mga mata. "H-Huh? A-Anong meron?"

"Finally, Sis. Kasi, k-kasi nagpaparamdam na sa akin ngayon si Zayden..."

Natigilan ako sa aking ginagawa at napalunok ako ng mariin. "G-Good, good for you." Sagot ko pero ang puso ko, sobrang nagulat at nanghina sa narinig ko. Although, I already expect that it will be happened.

"I...I invited him for lunch, papunta na siya rito." Sabi ni Erica na ikinalingon ko rito. "O-Okay lang ba s-sa'yo?"

"O-Of course, don't mind me, Erica. Alam mo namang t-tapos na kami." Sagot ko ngunit ang mga kamay ko ay nanginig at ang puso ko ay patuloy na nakakaramdan ng kirot.

"So, can you also sit with us for lunch, Hikk?" Tanong nito sa akin.

"H-Huh? Kailangan pa ba nandoon ako?" Nagulat ako sa pag-invite nito sa akin na para bang wala lang. Para bang okay lang talaga sa akin.

"Not so. Pero syempre gusto kita makasama sa hapag, like those days kapag nasa bahay ka."

"A-Ahm, sige. O-Okay lang sa akin." Nag-aalangan kong sagot rito. Pero ang totoo ay ayoko.

"Yes. Thank you best friend..." Sabi nito at humalik pa sa pisngi ko.

Napabuntong hininga nalang ako nang papalayo na sa akin si Erica. Napapakurap ako at napapailing.

Ano ba 'yan. Gusto ko nga siyang iwasan e. Lord naman, please po. Hindi sana siya matuloy rito sa bahay nila Erica. Sana sa ibang araw nalang, yung kapag wala ako rito. Ayoko na siyang makita pa e. Nagi-guilty ako sa ginawa ko.

But the Almighty didn't hear my prayers. Kasi natuloy talaga ang pagpunta roon ni Zayden. Wala akong magawa kundi ang makisabay sa pagkain nila ng pananghalian ni Erica at pamilya nito.

***

PANAKA-NAMA akong napapasulyap kay Erica. She's always talking, at ako minsan ang tinatanong nito. Katabi nito si Zayden, ngunit nunka na nagagawi ang mga mata ko sa kanya.

"Ijo, so you are a flesh BS Add Graduate, tama?" Nagtanong ang ama ni Erica.

"Yes, Tito." Nadinig kong sagot nito.

"But you're already 25-26 years old, right? So bakit ngayon ka lang nagtapos?" Tanong naman ni Tita Erin.

"Nako mommy, paiba-iba kasi ng kurso si Zayden noon, that's why matagal bago siya nagtapos." Si Erica ang sumagot para rito.

"Ah, kaya pala." Napapatango ang mag-asawa.

"Yes. Time comes and I just realized that my family needs me in our business. Kaya nagsikap at tinapos ko." Sagot nito sa mga magulang ni Erica.

"Mabuti naman Ijo at naisipan mo 'yon." Tanong ulit ni Tita rito.

"Thanks to the person who pushed me to study well at nang sa wakas ay magtapos na ako sa taong ito."

Napalunok ako sa sinagot nito. Hindi ko sinasadyang napaangat ang mga mata ko at nag-tagpo ang mga mata namin. Matiim niya akong tinitigan. Bumaba muli ang mga mata ko.

"Oh, ang galing naman ng taong iyon at napursige ka niyang magtapos." Untag ni Tito Errol.

"Uhm, Zayn, eto pa oh. Alam mo, ako nagluto nito. Sige pa, kain ka pa." I feel that Erica want to dropped the topic.

"Thanks..."

"So, Ijo... Kilala mo rin ba si Hikkary? Schoolmates din kayo. Katulad ni Erica, 2nd year college students din siya ng Business Add. Iba nga lang sila ng kurso ni Erica." Tita Erin ask him.

Nabitin ang paghinga ko at hinintay ko ang sagot nito.

"Kilala mo rin ba siya, Hikk?" Tito ask me.

"Uhm. Medyo ho, h-hindi masyado." Sagot ko habang tumatambol ng malakas ang dibdib ko.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang nito at galit na titig sa aking dereksyon. "I didn't notice her at the school. Maybe siya kilala niya ako kasi varsity player naman ako sa school." Sagot rin nito.

Nagbaba ako ng tingin kasabay ng pagkirot ng puso ko.

That's what you want, Hikkary, ang saktan ang sarili mo. Damn! How I wish that I'm not here. I don't belong here...

Bumuntong hininga ako at napapakurap ako habang nakayuko. Ayoko kasing salubungin ang panakaw na titig nito sa akin. At higit sa lahat, ayaw kong makita ang galit nito sa kanyang mga mata.

"Hikk, Ija, nasaan pala ang Nanay mo? Bakit hindi sumabay sa'yo kumain dito." Tanong sa akin ni Tita Erin.

"S-Sa kusina nalang ko daw siya kakain kasama ng mga kasambahay. N-Nahihiya kasi si Nanay, Tita." Sagot ko rito na nahihiya rin.

"Sus 'yong Nanay mo talaga, sobrnag mahiyaan. Mana ka doon. I bet, napilitan karing sumalo sa amin ngayon dahil pinilit ka na namam nitong Best friend mo." Sabi ni Tita na umiiling.

"True mommy, buti nga pumayag siya. Minsan na nga lang kaming magkasama e. Kaya pagbibigyan ako ni Hikkary. Diba sis?"

Humarap ako rito at tumango saka marahang ngumiti. "O-Oo naman. Malakas ka sa akin e."

"Then, Ijo... Pwede ba kitang matanong?" Tito Errol.

"Go ahead, Tito." Sagot ni Zayden rito.

"Bakit ka nga pala nandito ngayon? Any important agenda?" Si tito Errol ulit.

"Yes." Deretsyong sagot nito.

"Then what is it, Mr. Villafloré?" Tita Erin.

Napapakurap ako habang nakikinig sa kanilang mga usapan.

"I am here because of, E-Erica," kumirot ang puso ko. Hindi ko napigilang tumingin sa mukha ni Erica na masaya sa mga oras na iyon. Hindi ko rin mapigilang tumingin kay Zayden, lalo na sa mga mata nito. "I want to court your only daughter, Erica." Nagbaba muli ako ng tingin ng sabihin nito iyon. "Gusto ko hong magpaalam sa inyo."

God, ayoko na po. Alisan n'yo ho muna ako ng pandinig sa mga oras na ito. Ayoko hong marinig ang sinasabi niya habang nasa harapan niya ako.

"Well, Ijo, nasa anak namin ang desisyon." Tita Erin said while smiling.

"Malinis ba ang hangarin mo sa anak ko, Ijo?" Tito Errol.

Matagal bago sumagot si Zayden. "Y-Yes..."

Nakita kong ngumiti ng malawak si Erica kay Zayden. "So, Mom, Dad? Papayag kayo? Kasi kung ako, magpapaligaw ako." Untag nito sa mga magulang.

Tumango naman ang mga magulang ni Erica sa kanya. Kaya mas ngumiti ito saka humawak sa braso ng katabi nito. "Payag sila mommy at daddy, Zayn..."

"Okay---"

"Excuse me ho Tito, Tita, Erica... Uhm, tapos na ho akong kumain. B-Babalikan ko na ho si Nanay, tutulongan ko pa siya sa paglalaba." I said, tumayo na agad ako saka iniwanan na silang lahat.

Bakit pa kasi ako pumayag na sumalo sa kanila. Eto napala ko. Tsk! Puso, hayaan mo na. Kung saan sila masaya, susuportahan nalang natin sila. Si Zayden? Hindi kawalan 'yon. Lolokohin ka parin nun kasi isang dakilang Playboy 'yon. Kaya okay lang na ikaw na ang kumalas sa inyong dalawa. Maybe nasasaktan tayo ngayon. Pero mawawala rin 'to. Tanggapin nalang natin na hindi kami para sa isa't isa. Isa pa, masyado pang maaga para magseryoso sa ngalan ng pag-ibig.

Agad akong kumubli sa dryer at nagpahid ng mga luha ko sa mga mata. Ngunit nagtataka ako dahil hinding-hindi iyon naubos at patuloy parin iyon sa pag-agos.

Bakit kasi ang sakit e. Ang sakit sakit e. Bakit ba ganito 'to. Ayoko ng ganito. Naninikip ang puso ko, nasasaktan ako... Oh, God. Ayoko nang magmahal, ayoko nang masaktan. Ayoko na itong maranasan pang muli. Akoyo na... Masakit, pero kailangan kong mamili ng isa lang. Masakit man na hindi siya ang pinili ko, pero 'yon lang ang paraan upang makabawi manlang ako ng utang na loob ko sa kanila.

God... I hope, you will heal my broken heart... Heal me, God. Heal me fast...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hannah Mendoza
ang arte mo mahal mo tapos hinayaan mong mawala sayo di mo pinag laban
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Love Between Lies   Chapter 32: Make Love

    Chapter 32Make LoveNAALIMPUNGATAN ako sa masuyong haplos sa aking pisngi. Pinilit kong ibuka ang aking inaantok na mga mata, at sa aking paggising ay sinalubong ako ng bahagyang madilim na kapaligiran ng buong silid.Inaninag ko ang mukha ng katabi ko sa kama."Z-Zayn..." Mahinang tawag ko sa pangalan nito.He still caressing my cheeks. Bahagya ko nang naaninag ang mga mata nitong kay suyong nakatitig sa aking mga mata."Thank you, for letting me stay here in your unit."Lumunok ako at inalis ang kamay nitong nasa mukha ko. Bahagya rin akong umurong ng palayo rito."Look, you should not be here, Zayn." Naupo ako sa aking kinahihigaan. "You may leave now dahil nahimasmasan ka na sa kalasingan mo." Napatingin ako sa labas ng bintana. "Umalis ka na bago pa magliwanag, maya-maya rin ay bibyahe na ang lahat pauwi sa syudad."He sighed. "I just want to rest and cuddle, Hikk.""H-hey..." Na out of balance ako sa aking pagkakaupo ng hilahin niya ako pahiga sa kanyang tabi."Stay, please?" he

  • Love Between Lies   Chapter 31: Midnight Visitor

    Chapter 31 Midnight Visitor Maya-maya ay marahan akong napapahaplos sa labi ko na kanina lang ay dinampian ng maalab na halik mula sa taong itinatangi pa rin ng aking puso. Zayden. My Zayden... Paano pa kaya kita makakalimutan niyan kung kahit sa pagpikit ko sa mga mata ko ay ang maamo mong mukha ang nakikita ko? Paano pa kita tuloyang makakalimutan kung sa tuwing umiiwas ako ay sinusundan mo ako? Paano pa kita makakalimutan kung sa tuwing nandiyan ka ay wala akong ibang gusto kundi ang tanawin ka ng palihim? How Zayn? How can I stop thinking of you? How can I stop my heart from still wanting you? How....? Hindi ko na namalayang nakatulogan ko na pala ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan namin ng dati kong katipan. Yung puro ligaya lang, na akala ko ay wala ng katapusan. "Kung hindi mo ipinalaglag ang anak ko, masaya sana ako ngayon. Kung sana ay pumayag ka na kahit ako na lang ang mag-aaruga sa kanya siguro ay mapapatawad pa kita ngayon! You are heartless, Hikkary. You are damn s

  • Love Between Lies   Chapter 30: Ruined

    Chapter 30 Ruined Tinulak ko si Zayn at inilayo ko rito ang mga labi ko na masuyo nitong inaangkin. "This can't be... This truly can't be happens!" May diin niya akong tinitigan sa aking mga mata. Wala ni anumang salita ang namumutawi sa labi nito. Lumayo ako ng bahagya at itinulak ko pa rin ang hubad baro at basang dibdib nito. "This is wrong! Why I allow myself to do this! Will you leave me alone, Zayden!?" "Hikk—" "Lumayo ka sa akin! Please, ayokong traydurin ang itinurin ko nang kaibigan. Please, Zayn stop this! Leave now!" "But—" "Stop following wherever I am! Please..." May diin kong wika rito. "Stop following you, huh?" Tumango-tango ito at mapaklang ngumiti. "Iyon ba talaga ang gusto mong gawin ko, hmm Hikkary?" "At bakit hindi? At bakit tinatanong mo? For God sake, Zayden! May kinakasama ka nang tao! So why do betrayed your partner for me? Kung sa akin man mangyari 'yon, hindi ako papayag. Babae rin ako at alam ko kung ano ang mararamdaman niya kapag nasa katayuan a

  • Love Between Lies   Chapter 29: Following

    Chapter 29 Following Napipilitan akong makihalubilo sa mga kasamahan ng mga ito sa cottage nila. Those men are busy talking with their topic, they are also moderately drinking wines. Kami lang ni Karinna ang dalawang naiibang babae na nandoon. We sit together and away to those men. Marami-rami narin kaming napagkuwentuhan at ang lahat ay tungkol sa sari-sarili naming trabaho. More on ay ako ang nakikinig sa mga kwento nito dahil sa nakakaramdam ako ng ilang sa tuwing nahuhuli ko si Zayn na nakatingin sa direksyon ko. I caught him, but he immediately averted his glared to Karinna and that time, I feel sad. My heart feels sad na dapat ay hindi ko maramdaman dahil hindi tama. "Hikk, are you already wearing your two-piece right now?" Napasulyap agad ako sa mukha ni Karinna nang itanong niya iyon sa akin. "Hm? Yes, why?" Nagtataka kong tanong rito. "Good. Come at maligo tayo sa private pool." Sabi nito na nakangiti. "What? Um no. Malamig na kasi ang hangin sa kapaligiran." "Oh, plea

  • Love Between Lies   Chapter 28: Sing a Song

    Chapter 28 Sing a Song "Nak, ilang araw ba kayong mag-stay diyan sa Beach resort?" Pangatlong tanong at tawag na ata iyon ni Nanay sa akin. Huminga ako ng malalim saka tumayo sa beach mat na nakalatag sa malapad na buhangin sa tabing dagat, sinenyasan ko muna ang lahat na kasama ko upang masagot ang tawag ng ina ko. "Nay, pangatlong tanong na ho ninyo 'yan sa akin. Alam ko nagaalala ho kayo sa akin, but don't bother my dear Nanay dahil bukas ng hapon ang uwi ko diyan sa bahay. O baka mas agahan ko pa." "O siya sige. Basta magingat pa palagi, anak." "Opo nay. Promise. Sige na nay, bye..." Pagkatapos naming magusap ng Nanay ko ay bumalik na agad ako sa grupo ko. Kompleto kaming nadoon at nakisaya sa summer outing ng kompanya ni Zayden. Dumami lang kami dahil sa naki-join sa amin ang team ni Lindon. For me okay lang dahil masaya kapag marami. Hindi naman sana ako sasama sa yearly outing na iyon, but it is required at isa pa nakakahiya naman sa mga empleyado ko sa FPPC kung hindi a

  • Love Between Lies   Chapter 27: Past and Present

    Chapter 27 Past and Present Naaalimpungatan ang diwa ko nang maramdaman ko ang mga titig habang ako ay nakapikit at nakaidlip. Napadilat ng buo ang mga mata ko ng mabungaran ko ito na tinitingnan ako. "Finally, you're awake." Sabi nito. Biglang nangunot ang mga noo ko nang makita kong pamilyar sa akin ang bakuran kung saan ito nakaparada. I scan the whole garage at tama nga ang kutob ko na pamilyar sa akin ang lugar na iyon. "W-why did you bring me here?" tanong ko pagkaharap ko sa kanya. "I told you I didn't know where your place is." Sagot nito sa akin. I shrugged and I feel disappointed. "Okay. Gising na ako, iuuwi mo na ba ako?" "Yes—" "But why don't we come inside the house first and offer me a glass of coffee?" "No." "Come on, Zayn... don't be sounds like a killjoy." Sabi ko rito habang ang puso ko ay unti-unti ng nakakaramdan ng kirot sa hantarang pagayaw nito at pagtanggi sa akin. He doesn't listen at binuhay talaga nito ang makina ng kanyang kotse. "You are not wel

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status