Beranda / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 331 Between Two Lovers

Share

Kabanata 331 Between Two Lovers

Penulis: Maria Bonifacia
last update Tanggal publikasi: 2025-10-28 16:45:11
“Kung ganoon,” mabigat ang tinig nito, “pinaplano mo na akong iwan.”

“Sir, wala pong papatunguhan ang kasunduang ito. Ayoko pong maging kabit.”

“Hindi ka magiging kabit, I’m offering marriage.”

“Kailan pa pwedeng magpakasal sa dalawang tao?”

Lumapit ito nang dahan-dahan, halos magdikit ang mga labi nila pero di nito tinuloy.

“…kung maikasal man ako sa iba. Ikaw pa din ang gusto kong makasama.”

Napatigil si Maya, ang dibdib halos sumabog sa gulong nararamdaman.

“Sir…”

Ngunit lumayo ito, at ibinul
Maria Bonifacia

Please read my other books in GoodNovel. 1. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 2. Love for Rent (1.2M views-Book1-7) - Completed 3. The CEO's Cold Ex-Wife- Ongoing 4. Unlove Me Not - Completed 5. The Ex-Convict Billionaire - Completed A million thanks for your support!

| 59
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (12)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
meron na po. thanks po sa paghihintay.
goodnovel comment avatar
Angela Perez
saan na update sinabi mo miss a
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 779 Singing a Song

    Napaatras si Cassandra. Mabilis siyang naglakad palayo.Hindi niya alam kung ilang hakbang ang nagawa niya mula sa harap ng Silver Lining Tower. Basta ang alam niya, kailangan niyang lumayo bago tuluyang makita ni Zion ang luhang kanina pa kumakapit sa gilid ng mga mata niya.Kumapit siya sa strap ng bag niya habang patuloy sa paglalakad. Maingay ang kalsada, pero ang tanging naririnig niya ay ang sariling tibok ng puso.Ilang linggo pa lang silang kasal ni Zion.Ilang linggo pa lang, pero bakit parang pagod na pagod na siya?Akala niya kaya niya. Akala niya kapag nagtiyaga siya, kapag pinakita niyang hindi siya spoiled, kapag natuto siyang magluto, magtrabaho, makisama sa maliit na buhay nito, baka unti-unti nitong makita na seryoso siya.Pero paano pala kung may ibang mahal ito?Paano kung sa simula pa lang, wala talaga siyang laban?Napahinto siya sa gilid ng sidewalk. Mabilis niyang pinunasan ang luha bago pa tuluyang bumagsak.“Hindi,” bulong niya sa sarili. “Hindi ako iiyak.”Pe

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 778 Shattered Heart

    Pagbalik ni Cassandra sa desk niya, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang meeting.Ang pressure sa loob ng conference room. Ang paraan ng pagtango ni Ms. Reyna matapos niyang sumagot. Pero isang bagay ang malinaw sa kanya, may nagawa siya para sa kumpanyaTumunog ang email notification sa monitor niya.Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang subject.Silver Lining 25th Anniversary Gala NightNapakurap siya.Binasa niya ang laman. May formal invitation para sa lahat ng employees. May dinner, awards, at may presentation per department.Hindi pa niya natatapos basahin nang may biglang lumapit sa desk niya.“Ms. Cassey.”Napatingala siya. Si Ms. Reyna. Kasama nito si Neil na nakangiti.“Ms. Reyna? May kailangan po kayo?”“Good news,” sabi ni Ms. Reyna.“Ano po ang good news?”Bahagyang ngumiti si Ms. Reyna. “For the gala next week, every department needs to send one male and one female representative for the Silver Lining Legacy Pair segment. Hindi siya pageant. More like presentation

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 777 His Jealous Heart

    Gutom si Cassandra. Wala siyang breakfast. At kung honest siya sa sarili, kailangan niya ng kahit anong comfort ngayong umaga.Kaya umupo siya, kinuha ang croissant, at kumagat.Masarap.Napapikit siya saglit.“Thank you, Neil,” mahinang sabi niya kahit wala ito roon.***Sa taas, sa executive floor, nakatayo si Zion sa harap ng glass wall habang hawak ni Theo ang tablet.“Sir, naipadala ko na po ang iced coffee at croi-” Huminto si Theo. “Croi… croi… tinapay na lang. Hirap ng pronunciation.”“Croissant.”“Opo. Iyon nga.”“Kinain niya?”Tumingin si Theo sa live office feed sa tablet. “Opo, sir. Kumakain na.”Saglit na tumahimik si Zion.Sa screen, nakaupo si Cassandra sa desk nito. Kumakain ng croissant.“Mula ngayon,” sabi niya, “araw-araw may coffee at iba’t-ibang bread sa table ni Cassandra.”Napakurap si Theo. “Every day po?”“May problema?”“Wala po. Supportive po ako sa lovelife ninyo.”“Sir.”“What?”“Nanliligaw na po ba kayo?”“Hindi kailangang ligawan si Cassandra. May gusto

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 776 Pain and Lies

    “Hindi siya nagpupunta dito?” ani Cassandra.Umiling si Candice. “Hindi. Pero nagmessage na may inaayos nga daw sa pamilya niya. Bakit? Hindi mo alam?”“Alam ko, nagsabi din siya sa akin.”Bigla siyang napaisip. Araw-araw umaalis.Hindi sa mansyon nagpupunta.Kung ganoon…Saan nagpupunta si Zion araw-araw?Hindi kaya kay Fiona?Biglang sumikip ang lalamunan niya.Ayaw niyang isipin. Ayaw niyang maging selosa at naghihinala. Pero traydor ang puso niya. Kahit anong utos niya sa sarili na huwag masaktan, nasasaktan pa rin siya.“Cassandra?” mahinang tawag ni Candice. “Okay ka lang?”Mabilis siyang ngumiti. “Oo. Okay lang. Napagod lang siguro.”Hindi mukhang naniwala si Candice, pero hindi na ito nagpumilit. Hinaplos lang nito ang bahagyang umbok ng tiyan at ngumiti nang malumanay. “Dito ka na matulog tonight. Huwag ka nang umuwi. Late na.”Tumango si Cassandra.Pero pag-akyat niya sa lumang kwarto niya, hindi pa rin siya matahimik.Malambot ang kama. Malamig ang aircon. Mabango ang kumot

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 775 Waiting in Vain

    “Apelyido ko nga ang gamit niya.”Tahimik na ibinaba ni Theo ang tablet sa harap ni Zion.Nasa screen ang CV ni Cassandra.Name: Cassandra Rosales SaavedraCivil Status: SingleMatagal iyong tinitigan ni Zion.Hindi niya alam kung alin ang mas nakakainis. Ang apelyido niyang malinaw na nakasulat sa pangalan nito, o ang salitang single.“Theo.”“Yes, sir?”“Explain.”“Sir, CV niya po ’yan. Baka hindi niya na-update.”“Hindi na-update? Ginamit niya ang Saavedra pero single ang nilagay?”“Baka po… nakalimutan.”Muling tumingin si Zion sa screen. Dapat wala siyang pakialam. Siya mismo ang paulit-ulit na nagsabing hindi niya itinuturing na asawa si Cassandra. Siya ang nagtutulak dito palayo. Siya ang nagsabing sana may ibang lalaki na lang na manligaw dito para tigilan siya.Pero bakit parang may kung anong kumakalmot sa dibdib niya ngayong sa sariling CV nito, single ang nakalagay?“Fire Reyna,” ulit niya.“Sir,” maingat na sabi ni Theo, “maghunos-dili po tayo.”“Don’t tell me what to do.

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 774 Denial King

    Hindi makahinga si Cassandra.Parang nilulunod siya ni Zion sa halik. Mabigat ang katawan nito, mainit ang hininga, at tila bakal ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya. Wala man lang lambing.“Zion!” ungol niya nang makahanap ng pagkakataong huminga. Pero muli siya nitong kinabig. Hinalikan siya. Nanlaki ang mata niya nang maramdaman niyang ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig niya. Lasang-lasa niya ang laway at alak na pinagsama. Nanlambot ang tuhod niya.Pilit siyang umiwas. “Tama na!”Hindi siya pinakinggan nito. Muli siyang sinunggaban at halos higupin ang kaluluwa niya sa paraan ng paghalik nito. Hanggang maramdaman niya ang kamay nitong nakahawak na sa kanyang kanang dibdib at pumipisil.Doon umakyat ang takot sa dibdib ni Cassandra. Buong lakas niya itong itinulak sa dibdib. Napaatras si Zion at napahiga sa kama. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, nahatak siya nito pabagsak.Napasinghap siya nang mapasubsob siya sa matigas nitong dibdib.“Zion, teka lang naman! Payag n

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 464 Hiding Feelings

    Tumunog ang phone ni Iris. Tumatawag si Lucas.“Kuya? Napatawag ka. Kung mang-iinis ka lang. Huwag ngayon please.”“Iris, kailangan mong malaman ‘to ngayon.”Kinabahan siya. “Ano ‘yon?”“Si Dad,” mariin na sabi ni Lucas. “Nakikipag-usap na sa pamilya ni Harvey Tan. As in formal talk. Mukhang gusto n

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 482 When Giants Clash

    Lumapit si Daryl. “Hindi ko tinanggap.”“Pero hindi mo rin sinabi,” sagot niya, naiiyak na siya. “Bakit?”Huminga nang malalim si Daryl. “Dahil ayokong lumaki pa ang gulo ninyo ng daddy mo.”Tahimik ang paligid. Tanging hikbi ni Iris ang maririnig.“Alam mo bang pinag-iinitan na ni daddy ang negosyo

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 475 Just One Bed

    Maaga pa lang ay naka-schedule na ang charity function sa calendar ni Iris, isang high-profile fundraiser kung saan inaasahang magpapakita ang mga CEO kasama ang kani-kanilang partners. Walang lusot. Kailangan nilang dumalo bilang magkasintahan.“Formal. Black tie,” sabi ni Iris habang naglalakad s

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 471 Admitting His Feelings

    Kumunot ang noo ni Don Apollo. “Ano’ng sabi mo?”“Boyfriend ko na po si Daryl,” ulit ni Iris, mas malinaw, mas malakas. Pinisil niya lalo ang kamay ng binata. “Ako at si Daryl. Magkasintahan po kami.”Dahan-dahan, itinaas ni Don Apollo ang tingin mula sa magkahawak nilang kamay papunta kay Daryl, sa

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status