LOGINDahil sa pagkakalulong sa sugal, nabaon si Arya sa utang kay Damian Carriego, ang makapangyarihang may-ari ng isang ilegal na casino. Upang makalaya, napilitan siyang magpanggap na isang tapat na secretary ni Matthew Imperial, isang malamig at ruthless na negosyanteng nais pabagsakin ni Damian. Ang kanyang misyon: kunin ang tiwala ni Matthew at gamitin ito laban sa kanya. Ngunit habang mas lumalalim ang kanyang pagkukunwari, mas nahuhulog naman siya sa lalaking dapat niyang traydurin. Kapag nabunyag ang kanyang tunay na pagkatao, mapapatawad pa kaya siya ni Matthew, o magiging kapalit ng kanyang pagtataksil ang lalaking minahal niya?
View MoreMaagang nagising si Arya Aragon sa bahay ng kaniyang ama. Ilang araw na siyang nananatili roon, malayo sa condo niyang posibleng binabantayan ng mga tauhan ni Damian Carriego.Tahimik ang paligid, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay payapa na ang buhay niya.Sa bawat paggising niya, naaalala niya ang mga taong nanakit sa kaniya, ang utang na matagal niyang pinagsikapang bayaran, at ang lalaking nag-akala na maaari siyang kontrolin habambuhay.Pero ngayong wala na siya sa ilalim ng direktang kapangyarihan ni Damian, may pagkakataon na siyang kumilos.Hindi na siya magtatago habang buhay.Kailangan niyang tapusin ang lahat.Paglabas niya ng kuwarto, nadatnan niya ang kaniyang ama sa maliit nitong opisina. Nakalatag sa mesa ang mga dokumento at ilang lumang litrato. May hawak itong cellphone habang may binabasang mensahe.“Good morning, Dad.”Nag-angat ito ng tingin. “Maaga ka.”“Hindi ako makatulog.”“Dahil kay Damian o dahil kay Matthew?”Napahinto si Arya.“Dad naman. Kailangan ba tala
Hindi makatulog si Matthew Imperial.Alas-dos na ng madaling-araw, ngunit nakaupo pa rin siya sa kaniyang opisina, hawak ang resignation letter ni Arya Aragon.Paulit-ulit niyang binabasa ang maikling liham na para bang may makikita siyang ibang kahulugan sa bawat salita.Walang paliwanag.Walang mahabang pamamaalam.Walang kahit isang pang-aasar na karaniwang ginagawa ni Arya kapag gusto nitong inisin siya.Isang simpleng resignation letter lamang.At isang bakanteng mesa.“Sir, hindi pa po ba kayo uuwi?” tanong ni Anton, na bumalik sa opisina upang kunin ang naiwan nitong cellphone.Matthew didn't look up.“Do you know where she went?”“Hindi po. Tinawagan ko siya kanina, pero hindi sumasagot.”“Call her again.”“Sir, pang-ilang tawag na po natin ito.”Matthew finally looked at him.“Then call her one more time.”Tumango si Anton at inilabas ang cellphone. Ilang segundo silang nakinig sa ringing tone bago naputol ang tawag.“Still no answer.”Matthew clenched his jaw.“Find her addr
Nagsimula ang lahat sa isang tawag na natanggap ni Matthew Imperial alas-siyete ng umaga.Nasa loob siya ng kaniyang opisina sa Imperial Defense Systems nang biglang pumasok si Anton Reyes, hawak ang laptop at may seryosong ekspresyon sa mukha.“Sir, we have a problem.”Hindi nag-angat ng tingin si Matthew mula sa dokumentong binabasa niya.“What kind of problem?”“Someone leaked confidential information about the new defense equipment project.”Agad na ibinaba ni Matthew ang dokumento.“What?”“May lumabas na internal specifications, proposed pricing, at bahagi ng delivery schedule sa isang industry forum. Mayroon ding kopya ang isang competitor natin.”Tumayo si Matthew at lumapit sa laptop ni Anton.Ipinakita nito ang mga screenshot ng impormasyong kumakalat online. Hindi pa kumpleto ang lahat ng detalye, pero sapat na ang inilabas upang maapektuhan ang negosasyon nila sa isang malaking kliyente.“Who has access to these files?” malamig na tanong ni Matthew.“Limited lang, Sir. You
Dalawang linggo ang lumipas mula nang ma-discharge si Arya Aragon sa ospital. Unti-unti nang bumabalik ang lakas niya, at bagama't kailangan pa rin niyang mag-ingat, hindi na niya kayang manatili sa bahay buong araw.Masaya siyang nakakapagpahinga, pero nami-miss na rin niya ang trabaho, ang mga kasamahan niya, at maging ang lalaking palaging dahilan ng pagkayamot niya.Matthew Imperial.Ang CEO na kayang magpatigil ng buong conference room sa isang tingin, pero hindi kayang pigilan ang sariling magtanong kung kumain na ba siya.Hindi naman iyon nangangahulugang may espesyal na nararamdaman si Arya para sa lalaki.Siguro.“Mamsh, huwag mo nang sabihing pagod ka. Hindi pa nga tayo umaalis, pagod ka na agad!”Napatingin si Arya sa cellphone habang kausap si Barbara.“Hindi ako pagod. Nag-iisip lang ako kung bakit kailangan nating lumabas.”“Dahil dalawang linggo ka nang hindi nakikipag-socialize! At dahil gusto kitang makitang nakangiti, hindi iyong nakatingin ka lang sa kisame habang n


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.