Share

Chapter 15:

Thrizel’s POV

Nandito ako nakatayo sa labas ng room. Iniisip ko pa rin 'yong sinabi saʼkin ni kuya kagabi, wala si Amira may pinuntahan na guro. Maaga pa naman para magsimula ang klase, tulala ako habang iniisip kung magkapatid ba kami ni kuya o hindi dahil hindi ko makalimutan ang sinabi ng aming kasambahay kahapon.

“Argh, nababaliw na ‘ko.” Bulong ko sa sarili ko. Kung ano-ano aking iniisip. Dahil ba may iba akong nararamdaman kaya nag-iisip ako ng ganoon?

“Matagal ka ng baliw. ” Sulpot ng boses mula sa aking tagiliran, tiningnan ko ito, si Amira.

“Alam ko.” Tinatamad kong sagot sa kaniya at nauna nang pumasok sa room, umupo sa aking upuan.

“Ayos ka lang ba?” Tanong nito sakin habang nakatingin. Nag-aalala pa rin ba siya?

“Oo, bakit?” Tanong ko pabalik. Ayos lang naman ako, ano bang napapansin ng babaeng ‘to?

“Ang lalim kasi ng iniisip mo kanina pa.” Halata sa boses nito ang pag-aalala. Sabi na kaya pala palatanong e. Ganon na ba kahalata? Grabe, ang lakas naman ng epekto sa‘
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status