Share

03

KINABUKASAN ay maagang nagising si Cielo. Bagaman, kagabi pa lang ay nai-gayak na nya ang kanyang mga gamit. Gusto nya ay makapag-handa na sya agad dahil ayaw nyang may masabi si Ross sa kanya. 

Iniligpit nya ang hinigaan bago nakangiting humarap sa salamin. Pumustora pa sya na parang isang modelo bago pumasok sa banyo upang mag-sepilyo. 

Kahapon rin ay kinausap sya ni Manang Esing na hindi na nya kailangang magluto para sa umagahan dahil ito na raw ang gagawa. Kailangan daw ay makapag-beauty rest sya ani pa nito. 

Matapos ay lumabas sya at tumungo sa kanyang tukador upang ihanda ang damit na susuotin patungo sa Baguio. At dahil taglamig doon ay pinili nya ang makakapal na kasuotan. 

Pagkatapos ay lumabas na sya upang kumain ng almusal. Nang makarating sa kusina ay nadatnan nya si Ross habang nagtitimpla ng kape. Inilibot nya ang paningin pero hindi nya nakita ang mayordoma. Imposible namang hindi pa ito gising dahil alas-sais na. 

"Good morning." Preskong bati ng lalaki na nagpabalik sa kanyang diwa. 

"Uh...si Manang?" Sa halip ay tanong nya dahil masyado syang nad-distract dahil naka-topless lang ito. 

"Tulog pa." 

"Sinong nagluluto?" Naguguluhang tanong nya nang makita ang fried rice sa kawali. 

"Naglalagay ka ba ng creamer sa coffee mo?" Bigla ay tanong nito. Naibalik nya ang paningin nya rito.

"Ha? Hindi." Naglakad sya papunta sa stove para haluin ang sinangag. "Bakit ba iniwan itoni Manang?" Bulong nya sa sarili dahil nasunog na ito.

"Ako na dyan. Mag-kape ka na." Inagaw nito mula sa kanya ang sandok at ito ang nag-tuloy sa kanyang ginagawa. Halos mapatalon sya nang magdikit ang kanilang mga balat. Pero nang tingnan nya si Ross ay parang hindi minlang ito na-apektuhan sa pagdidikit ng kanilang mga balat. 

Nagtungo sya sa hapag upang uminom ng kape na itinimpla ng lalaki. Gusto nyang sumigaw dahil kinikilig sya sa mga simpleng galaw nito pero baka isipin nitong may sira na ang utak nya. 

"Masarap ba?" Tanong nito habang nakatingin sa kanya. Mabilis syang tumango dahil totoo naman. "Can you taste this? Maybe it's not good enough." 

Kinuha nya ang sandok at tinikman nga ito. Napa-thumbs up sya matapos itong malasahan. 

"Ang sarap!" Natutuwang gilalas nya kaya napangiti rin ito.

"I'm happy that you like it." Muli itong bumalik sa ginagawa at sya naman ay kinuha ang kanyang kape para inumin ito habang pinapanood ang pagluluto ng lalaki.

"Marunong ka palang magluto?" She commented.

"I think, there's nothing I can't do."

"Yabang." Bulong nya.

"Hindi 'yon kayabangan, Cielo. That is being proud of my own ability." Parang bigla ay nanga-ngaral na sabi nito.

"Okay, okay. Masyado kang seryoso." 

Hindi na ito nagsalita pa kaya mas pinili na lang din nyang manahimik. Baka mamaya ay ma-bwisit pa ito at hindi na maging masaya ang Baguio trip nila. 

Pinanood nya lang ito habang seryosong-seryoso ito sa ginagawa. She's not aware that Ross knows how to cook. Maybe there's still a lot of things that he doesn't know about him. 

Matapos nitong magluto ng sinangag ay nag-prito naman ito ng bacon at itlog. Habang pinapanood nya ito ay hindi nya maiwasang humanga dahil dinaig pa nito ang mga chef na napapanood nya sa tv. Bawat galaw nito ay nakakamangha at mas lalo pa syang nahuhulog para rito dahil sa mga kakaiba nitong kilos. 

ROSS DID his best to be nice at Cielo. Labag man sa kalooban nya. Ito ang kaisa-isang hiling ng kanyang lolo habang sila ay nasa Baguio. 

Bagaman ayaw nyang may ibang tao ang makaka-alam ng talento nya sa pagluluto ay hindi na sya nakatanggi sa kagustuhan ng matanda. 

Aaminin nyang hindi na dapat sya magluluto at hahayaang na lamang na magalit ang kanyang lolo kaya lang ay parang may humihigit sa kanya para bumangon sa higaan. Hindi rin kasi sya nakatulog sa kakaisip kung ano ang ibig-sabihin ni Venus sa text nito. 

Matapos nyang magluto ay nag-hain na nya para makakakain na sila ni Cielo. Ipinaghigit nya ito ng upuan at sya na rin ang sumandok ng pagkain nito. 

"Salamat." Magiliw na sabi nito habang nakatingin sa kanya.

Hinigit nya ang upuan sa tabi nito upang doon na rin maupo. Masyado itong mabagal kumain kaya kinakailangan nya pang mag-adjust para dito. 

"Nakahanda na ba ang mga gamit mo?" Tanong nya para may mapag-usapan.

"Oo. Kagabi pa, ikaw?" 

"Yes." 

Nang matapos na silang kumain ay syang pagpasok ni manang sa kusina at nag-boluntaryo para maghugas. Kaya sabay na silang umakyat ni Cielo upang makapag-ligo na. 

"Be quick, Cielo." Bilin nya at tumango ito bago pumasok. Tinahak nya ang daan patungo sa kanyang kwarto at doon inilabas ang kanina nya pang inis. 

Nang mai-kalma ang sarili ay saka lang sya pumasok sa banyo upang maligo. Hinayaan nyang tangayin ng tubig ang lahat ng isipin nya sa buhay. 

MAHINANG napatili si Cielo nang makapasok na sa kanyang kwarto. Kung panaginip lang ito ay ayaw na nyang magising. Ito na ata ang pinaka-paborito nyang panaginip kung magkataon. 

Sandali pa syang nag-day dream bago naligo. In-enjoy nya ang tubig na lumalabas mula sa shower. Nare-relax sya at pakiramdam nya ay wala syang problema. Mabilis naman syang napakilos nang maalala ang bilin ni Ross. Walang kasimbilis syang nag-sabon at nag-shampoo. Mabilis nya rin itong binanlawan bago nagtalapi ng tuwalya at lumabas na. 

Lumapit sya sa kanyang salamin at nagpahid ng tawas sa kanyang kili-kiki. Hiyang na kasi rito ang kili-kiki nya kesa sa ibang mga mamahaling deodorant. Naglagay sya ng foundation at kaunting blush. Tapos ay nag-lipstick sya ng kulay pink. 

Hindi na nya pinatuyo ang kanyang buhok at nag-suot na agad ng damit. Inilugay nya rin lang ito dahil nga basa pa. Mabilis ang ginawa nyang pagsusuot sa kanyang sneakers. At para sa final touch, nag-spray sya ng pabango mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang buong katawan. 

Isinukbit nya ang kanyang black shoulder bag na bumagay sa kanyang denim jacket at plain pants. Hinigit nya ang kanyang maleta at lumabas sa kanyang kwarto. 

"I was waiting for you," anang lalaki nang ito ang mabungaran nya pagkalabas nya.

"Uh, kanina ka pa ba? Pasensya na, medyo natagalan."

"No, kakarating ko lang and it's actually fine with me." Sabi nito at kinuha ang kanyang maleta.

"Uh, ako na. Magaan lang naman 'yan." Bawi nya.

"It's fine, Cielo." Ngumiti ito kaya natahimik na lang sya at sumunod na pababa. 

"Mag-iingat kayo, hija." Bilin sa kanya ni manang nang puntahan nya ito sa kwarto nito. 

"Kayo rin po. Wag po kayong masyadong magpa-pagod lalo na at tatlong araw rin akong mawawala."

"Wag mo na akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. I-enjoy mo na lang ang moment nyo." Biro nito na pareho nilang ikinatawa. 

Inihatid pa sila nito hanggang sa labas ng bahay habang binibilinan sya ng mga kung-ano anong bagay.

"Have a nice trip. Enjoy your stay on Baguio." Bilin ng lolo ng lalaki. At matapos ang halos limang minutong pagbi-bilin ay nakasakay na rin sila ng sasakyan. 

"Wala ka ba'ng nakalimutan?" Paniniguro ni Ross.

"Wala naman." aniya at tumango lang ito. Minsan pa itong bumusina bago pina-abante ang kotse. Binuksan nya ang bintana para malanghap nya ang hangin. Pero kamalasan, saktong pagbukas nya ay bumuga ng usok ang jeep na nasa unahan nila. Napaubo sya at minura ang driver sa isip nya. 

"You okay?" Nag-aalalang tanong ni Ross.

"Oo. Nabigla lang 'yong ilong ko sa usok." Sagot nya bago uminom ng tubig.

"Naiinitan ka ba? Isarado mo na lang ang bintana. I'll open the aircon." 

"Uh, gusto ko kasi ng sariwang hangin."

"Hindi naman sariwa 'yan, eh. Mamaya na lang kapag nakalabas na tayo ng Manila." 

Sinunod nya ang sinabi nito. Maya-maya lang ay binuksan na rin nito ang aircon. At dahik masyadong tahimik ay nagsalpak na lang sya ng earphone at nagpatugtog ng sikat na kanta ng bandang IV of Spades. 

Paminsan-minsan ay napapasabay sya sa lyrics ng kanta kaya madalas ay natatampal nya ang kanyang bunganga. Hanggang sa nakatulogan na nya ang ganong posisyon. 

NAPABUNTONG-HININGA si Ross habang nakatitig sa mahimbing ang pagkakatulog na si Cielo. Kanina nya pa ito sinusubukang gumising dahil baka nagugutom na ito.

"Cielo, wake up." Napapikit sya dahil sa inis na nararamdaman. Pero, kagaya kanina, mahimbing pa rin ang tulog nito. Kaya sa huli ay pinabayaan na lang nya at pina-abante na ang sasakyan. Gigising rin naman siguro ito kung nagugutom na.

Binuksan nya ang DVD player at nagpatugtog dahil kanina pa sya naiinip. Nakaka-kalahati pa lang sila ng pagbabyahe pero napapagod na sya. 

Mabuti na lang at wala ng masyadong traffic kaya mas mapapabilis ang kanilang byahe. 

"Malapit na ba tayo?" 

Mabilis syang napatingin sa kagigising lang na si Cielo. Nagkukusot pa ito ng kanyang mga mata habang humihikab.

"Pasensya na. Medyo mahaba 'yong tulog ko. Antukin kasi talaga ako." 

"It's okay. Actually, gigisingin na nga sana kita kasi baka nagugutom ka na." Ibinalik nya sa daan ang kanyang paningin.

"Uh, hindi pa naman. Nilalamig lang ako." 

Mabilis nyang itinabi ang kotse dahil sa sinabi nito. Kinuha nya ang jacket nya na nasa loob ng kanyang travel bag at inabot ito kay Cielo.

"May jacket naman ako. Pwede na 'to. Hindi ko lang akalaing tatagos pa 'yong lamig dito." Tanggi ng babae.

"Take it, Cielo. Baka sipunin ka." Pilit nya pa.

"Eh, paano ka? Ikaw naman ang lalamigin."

"I still have my other jacket. At saka hindi ako lamigin." Muli ay iniabot nya ito at sa pagkakataong ito ay tinanggap na ito ni Cielo.

"Thank you." Sabi nito habang nagsusuot ng jacket. 

"Saan mo ba gustong kumain?" 

"Ikaw na ang bahala." Nakangiting sagot nito.

"You choose, Cielo." 

"Hm? Parang gusto ko kasing ng mainit na sabaw. Bulalo ganon." 

"Okay. We'll find that." Sabi nya at itinuon na sa kalsada ang buong atensyon. Marami na silang nadaraanang mga fastfood chain pero wala namang bulalo doon. Hanggang sa makahanap sila ng hindi kalakihang restaurant na siguradong nagtitinda ng bulalo. 

Ipinarada nya sa gilid ang kanyang kotse bago bumaba at pinagbuksan ng pinto si Cielo na halatang nagulat sa kanyang ginawa. 

"Salamat." Aniya pa.

Magkasama silang pumasok sa loob. Sya na ang humanap ng pwesto bago sya nagtungo sa counter para um-order ng bulalo.

NAKATANAW si Cielo kay Ross na mukhang nawawalan na ng pasensya dahil mabagal ang pag-usad ng pila sa counter. 

Kung tutuusin ay pwede naman itong magpa-VIP pero mas pinili nitong pumila. Alam nyang wala lang ang mga 'yon para kay Ross. Pero hindi maiwasang tumalon ng kanyang puso dahil sa mga ginagawa at ipinadarama nito sa kanya. She feel so special. 

At dahil mukhang hindi pa agad makakabalik si Ross ay tinawagan nya muna si manang para balitaan ito. Mabilis namang sumagot ang matanda. 

"Hija? Nakarating na ba kayo? Kumusta?" Sunod-sunod na tanong nito. 

"Nakatigil pa po kami dito sa kainan. Kakain po." Magalang na sagot nya.

"Kumusta naman ang pakikitungo ni Ross sa'yo? Hindi ka ba sinusungitan?" 

"Hindi naman po. Ang totoo ay ibang-iba sya sa nakasanayan ko. Parang hindi sya si Ross." Kinikilig na paliwanag nya. Narinig nya ang tawa ng matanda mula sa kabilang linya.

"Mabuti kung ganon. Sige na hija, kumain muna kayo. Tatawagan na lang ulit kita mamaya." 

"Sige po, Manang." At saka nya pinatay ang tawag. Nang tingnan nya si Ross ay ito na ang kasalukuyang pinagsisilbihan ng babae sa counter. Kita ko ang palihim na mga ngiti nya habang nakatingin kay Ross. Muntik na akong mapairap nang padausdusin nya ang kanyang kamay sa mga daliri ni Ross nang kunin nya ang bayad. 

Maya-maya pa ay humarap sa kanya si Ross at saka ngumiti. Abot-langit ang sayang nararamdaman ni Cielo dahil sa isang ngiti lamang. 

Hindi nagtagal ay naglakad na ito papunta sa table nila habang may dalang isang malaking tray. 

"Andami naman nyan?" Takang tanong nya ng ilapag nito ang tray. May bulalo, siomai, burger, french fries at kung ano-ano pa. He just shrugged at her question. Naupo na rin ito sa katapat nyang upuan. 

Iniabot nito sa kanya ang pagkain. He even remove the rice from the plastic before giving it to her. At hindi nya inaasahan ang sunod nitong ginawa, tumusok ito ng siomai gamit ang tinidor bago ito hinipan at isinubo sa kanya. 

Gulat man ay ngumanga sya dahil ayaw nya itong mapahiya sa dami ng taong nakatingin sa kanya. Iniyuko nya rin ang kanyang ulo dahil sa hiyang nararamdaman. 

"Eat your food, Cielo." Sita nito sa kanya. Mabilis syang nag-angat ng ulo at nag-umpisang kumain. Tahimik lang ang lalaki at tutok sa ginagawang pagkain. 

"Uh, sa hotel ba tayo tutuloy pagdating natin sa Baguio?" Tanong nya upang magkaroon sila ng mapapag-usapan.

"Yes. Nag-book na rin si Lolo ng hotel room for us. He already planned everything." 

"Okay." Nakangiting sagot nya habang pinagmamasdan ito. 

"Don't stare at me. Hindi ka mabubusog." Muli ay sita nito.

"Busog na nga, eh." Biro nya. 

"Psh. Just eat." Pinigilan nito ang pag-ngiti. 

Natawa naman sya sa naging reaksyon ng lalaki. What a cutie. Matapos nilang kumain ay um-order pa ulit si Ross ng maraming siomai dahil nabanggit nyang paborito nya ito at nagustuhan nya ang timpla ng restaurant na kinainan nila. 

Ito rin ang nagbitbit ng pagkain at pinagbuksan syang muli ng pinto. Nang masigurong nakasakay na sya ay isinara na nito ang pinto at umikot sa driver's seat. 

"Eat this kapag nagutom ka." Iniabot nito sa kanya ang paper bag.

"Salamat." She giggled. Ngumiti lang ito bago pinaandar na ang makina. 

Lumipas ang kalahating oras at nakaramdam na agad sya ng gutom kaya naman kinain na nya ang siomain na binili ni Ross. Napatingin naman agad sa kanya ang lalaki. 

"Gusto mo?" Nahihiyang tanong nya.

"I want to but I'm driving." 

Nalungkot naman sya para dito. Hanggang sa may maisipan syang paraan kaya lang ay nag-aalangan sya. Baka kasi hindi magustuhan ni Ross ang gagawin nya. 

"Gusto mo, subuan kita?" Alanganing tanong nya.

"I'd love to." Ngiting-sabi nito kaya mabilis syang tumusok ng isang piraso at isinawsaw sa toyo at kalamansi. Itinapat nya ang kanyang palad para kung sakaling mang mahulog ay masasalo nya ito at hindi mapupunta sa kotse ni Ross. Dahan-dahan nya itong isinubo sa bibig ng lalaki na nasa daan ang paningin. 

"It's yummy, 'no?" .

"Kind of." Sagot nito. Natawa na lang sya lalo na ng maalala ang sinabi ng lolo ng lalaki. Na hindi raw vocal si Ross pagdating sa kanyang nararamdaman. 

'Kinabahan naman ako, baka mamaya, crush na din pala nya ako hindi lang nagsasabi.'

Natawa sya sa sariling naisip. Kung saan-saan na nakakaabot ang malikot nyang imahinasyon. 

Ganon lang ang ginawa nya hanggang sa maubos nilang dalawa ang siomai. Nakaramdam naman sya ng uhaw. Naubos na kasi ang tubig na baon nya at nakalimutan nyang bumili kanina. 

"Uh, pwede ba'ng dumaan muna tayo sa convenience store. Bibili sana ako ng tubig." She asked, shy.

"Of course. Ang alam ko may malapit na store dito, eh." 

Nakahinga naman sya ng maluwag dahil sa sinabi nito. Ang akala nya ay magagalit na ito sa kakulitan nya. 

Gaya ng sinabi nito, may tindahan nga silang nadaanan. Ipinarada nitong muli ang kotse bago tumingin sa kanya.

"What else do you want?" 

"Tubig lang."

"Okay. I'll buy you juice." At saka ito bumaba. Napailing na lang sya dahil napakakulit nito. Tinanaw nya ang lalaki habang papasok ito ng convenience store. As always, agaw atensyon na naman ang simpleng paglalakad nito. 

TINATAMAD bumaba ng sasakyan si Ross pero wala syang magawa. Para syang isang robot na kinokontrol ang bawat kilos. 

Naglakad sya patungo sa refrigerator ng tindahan at kumuha ng maraming tubig at juice. Kumuha na rin sya ng maraming chips na para tumahimik naman kahit kaunti ang byahe nila. 

Matapos nya itong bayaran sa counter ay lumabas na sya. Malapit na sya sa sasakyan nang mag-ring ang kanyang telepono. Sinulyapan nya muna si Cielo at abala ito sa sariling cellphone. Dinukot nya mula sa kanyang bulsa ang telepono at sinagot ang tawag kahit na hindi pa nakikita kung sino ang caller. 

"Who is this?" Masungit na tanong nya. Narinig nya naman ang mahinang tawa mula sa kabilang linya. Napatayo sya ng ayos matapos mapagtanto kung sino ang kausap.

"Hindi ako na-inform na hindi mo isini-save ang number ko?" May tampo sa tinig ni Venus.

"Hindi ko nabasa ang pangalan mo. Don't make any assumption." 

"Sorry. Akala ko kasi ay kinalimutan mo na ako."

"I have to go." Pinatay na agad nya ang tawag bago pa ito mapunta sa kung saan. Ibinulsa nya muna ang kanyang telepono bago naglakad na patungo sa kanyang kotse. 

Sinuot na nyang muli ang kanyang pekeng maskara bago pa sya makapasok sa loob. Iniabot nya kay Cielo ang mga pinabili nito. 

"Salamat!" Tuwang-tuwang sabi nito na nakadagdag sa inis nya. He doesn't want to please this girl, but here he is. 

Binuhay nya ang makina at saka pina-abante ang kotse. Good thing, he bought a lot of foods. Nanahimik rin sa wakas si Cielo. 

"Malapit na ba tayo?" Ngumunguya pang tanong nito. Agad na nawala ang ngiti nya dahil miski ata may kinakain ay hindi ito matitigil sa kakasalita. 

"We're actually here in Baguio. Medyo malayo pa nga lang sa destination natin." Nagtitimping sagot nya.

"Hm. Ganon ba? Nakaka-excite naman. First time ko kasing makakarating doon." Saad nito na para ba'ng interesado sya. 

"Baguio is a good place." Sakay nya sa mga sinasabi nito. 

"Talaga? You should tour me there." 

Muntik na syang mapamura ng dahil sa sinabi nito. The guts of this girl.

"Sure." Napipilitang pagsang-ayon nya. Malalim syang napabuntong-hininga. 

'Ano ba'ng akala nya? Magliliwaliw lang kami doon?' 

Pinalis nya ang mga isipin at itinutok muli abg atensyon sa kalsada dahil baka madisgrasya pa sila. 

NAKATINGIN lang si Cielo sa labas dahil namamangha sya sa ganda ng mga tanawing nakikita nya. Para sa isang kagaya nya na first time makarating dito ay isa na itong malaking achievement para sa kanya. 

"We're here." Anunsyo ni Ross. Napatingin sya sa malaking gusaling nasa harap nila. Baguio's Hotel. 

Ipinarada lang ni Ross ang sasakyan bago kinuha ang mga dala nila sa backseat at pinagbuksan sya ng pinto. Ini-lock nito ang kotse bago nauna ng naglakad papasok.

"Do you have reservations, Sir?" Magiliw na bati ng babaeng nasa front desk.

"Yes. Reservation for Mr. Arevalo." 

"I'll check for it, Sir," anito bago tumingin sa monitor ng computer. "Kasama nyo po ang girlfriend nyo?" Ibinaling ng babae sa kanya ang tingin nito. Napatago naman sya sa likod ni Ross dahil sa hiyang nararamdaman. 

"Uh, she's just...my personal assistant." 

Gumuho ang mundo nya dahil sa narinig. Pwede namang sumang-ayon na lang ito pero hindi nito ginawa. 

Pero may parte rin sa kanya ang naiinis sa kanyang sarili. Ito naman ang katotohanan, kahit kailan ay hindi sila magiging mag-katapat ni Ross dahil una pa lang ay nasa taas na ang lalaki at sya ay habambuhay na atang mananatili sa ibaba. 

Mapait syang napangiti nang maramdaman ang sakit na gumuhit sa kanyang puso. Truth hurts, ika nga nila.

To be continued. . .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status