DALI-DALING isinuot ni Callie ang mga hinubad na damit habang nagmamatyag at pinapakarimdaman ang paligid. Nang makita kanina sina Alice na ibang direksyon ang tinungo, hindi niya napigilang sumunod sa mga ito lalo pa't alam niyang may pinaplanong masama ang mga ito sa isa sa mga kasamahan nito.Hindi maalis-alis ang kan'yang ngiti sa labi habang inaalala ang ginawa niyang pagtulong kay Aimen nang pinagtripan ito nina Alice. Bukod do'n, masaya siya dahil sa tagal ng panahon ay no'n lang siya ulit nakapag-anyong lobo."Are you that happy?" tanong niya sa kan'yang lobo. Ramdam niya kasi na nasiyahan ito na muling nakalabas.Matapos makapagbihis ay bumalik na siya sa kan'yang grupo."Where have you been?" nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Megan.Napansin niya na mukhang nagkakagulo ang mga kasamahan niya. "Ano'ng meron?""Aakyat ngayon dito 'yong mga rangers na naiwan sa baba. May mga estudyante kasi kanina na nagsigawan na may malaking lobo raw," tugon ni Megan na sa tono ng pananalita a
"IT... IT was you, right?" tanong ni Aimen kay Callie. Nakatayo ito sa tabi ng isang puno, isang metro ang layo mula sa pwesto ni Callie.Mula sa gilid ng kan'yang mga mata, tiningnan ni Callie si Aimen na nanginginig sa sobrang lamig dahil sa suot nitong basang damit."What do you mean?" patanong niyang tugon kay Aimen habang abala siya sa pagbibihis."Iyong lobo... Ikaw 'yon, hindi ba?" nag-aalangan nitong tanong sa kan'ya.Hindi kaagad sumagot si Callie, nanatili siyang nakatitig sa lupa habang iniisip ang itutugon kay Aimen."Ikaw talaga 'yon, tama?" ulit ni Aimen.Bumuntong-hininga si Callie at saka humarap kay Aimen. "What made you think na isa akong lobo?""Ang mga mata mo... Kulay ginto siya kanina, katulad no'ng sa lobo."Tumango si Callie at matamlay na ngumiti. "I guess there's no use kung magsisinungaling pa ako."Bagama't may hinala na, nakaramdam pa rin ng kaba si Aimen nang kumpirmahin sa kan'ya ni Callie na siya nga iyong lobo."Secret ba 'yang pagiging taong-lobo mo?"
"DO YOU really have to go, honey?" nag-aalalang tanong ni Mercy kay Callie.Matapos malaman ang balita tungkol sa pagkamatay ni Spencer ay kaagad na nagpaalam si Callie kay Mercy na sasamahan si Clyde pagpunta sa burol nito. Wala namang problema iyon kay Mercy subalit nang nalaman niya na mga taong-lobo ang pinagsususpetyahan na dahilan ng pagkamatay ni Spencer ay kaagad siyang nagdalawang-isip kung dapat bang pasamahin doon si Callie.Tiningnan ni Callie ang repleksyon ng kan'yang Mama Mercy sa vanity mirror sa kan'yang harapan. "I have to, Mama. Clyde's heartbroken from what happened to his friend, he needs me."Lumapit sa kan'ya ang ina at ipinatong ang mga palad nito sa kan'yang mga balikat. "Will you be okay?"Nakangiting hiniwakan ni Calista ang kamay ng ina at tumango. Kapwa nakatingin sila sa repleksyon nila sa salamin. "Mag-iingat po ako, Mama."Ngumiti na lamang si Mercy bilang tugon at pilit na pinapanatag ang loob.Napalingon sila sa pinto nang kumatok doon si Simeon."Nand
"CLYDE, how well do you know your girlfriend?" tanong ni Lando kay Clyde sa seryosong tinig.Kaagad namang napalingon si Clyde kay Callie dahil sa sinabi ng Tito niya. "Are you implying my girlfriend is a werewolf?"Tahimik at seryosong tinitigan si Clyde ng kan'yang Tito Lando subalit ilang sandali lang ay natawa ito bigla dahil sa reaksyon niya. "Binibiro lang kita," sabi nito sabay tapik sa balikat niya.Napabuga ng hangin si Clyde at naiiling na ngumiti. "Kahit kailan talaga hirap pa rin akong basahin ka Tito Lando..." Muli, nilingon niya si Callie at nginitian nang makitang nakatingin ito sa kaniya. "Isa pa, kung totoo man 'yang pinaniniwalaan ninyong mga taong-lobo, imposible na kasapi sa kanila si Callie."Umarko ang kilay ni Lando at naglakad patungo kay Callie. Sumunod naman sa kan'ya si Clyde."Well, we never know," anito, saka naupo sa kaharap na bench ni Callie. "Ano ang pangalan mo, hija?" nakangiti nitong tanong kay Callie.Kinakabahan si Callie habang tinitingnan si Lan
PUNO ng makukulay na disenyo ang buong Duncan Mills at nagsisiksikan ang mga tao sa tabi at gitna ng kalsada. Ang lahat ay masayang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Duncan Mills."Clyde, try this one!" Nakangiting kinuha ni Callie ang nakakatakot na maskarang paninda sa isang stall, sa tabi ng kalsada at ibinigay kay Clyde.Kaagad namang sinunod ni Clyde ang sinabi ni Callie at sinuot ang maskara. "Bagay ba?"Tumawa si Callie at kumuha rin ng isa pang maskara at sinuot iyon."Bibilhin niyo ba?" masungit na tanong sa kanila ng nakabantay na babaeng tindera.Parehong napangiwi sina Callie at Clyde at sabay na ibinalik ang maskara pagkatapos, hawak kamay at tumatawang tumakbo palayo."Ang sungit naman no'n," komento ni Clyde do'n sa tinderang nagsungit sa kanila. Kumakain sila ngayon ng street food sa gilid ng kalsada at pinanonood ang mga taong nagsasayawan sa gitna.Natawa si Callie at isinubo ang huling piraso ng kan'yang fish ball. "Hayaan mo na lang, baka kasi wala pang benta tapos
"SAGUTIN mo na," bulong ni Marcus habang nakatapat sa tainga ang kan'yang cell phone. Kanina pa niya tinatawagan si Hera subalit hindi ito sumasagot. Hindi na siya mapakali sa tabi ng madilim na kalsada habang naghihintay ng pwede niyang masakyan papuntang Duncan Mills. Sobra na siyang natataranta dahil kailangan niyang balaan si Hera nang tungkol kay Althaia. No'ng gabing unang beses na nakipagkita si Marcus kay Anton at ipinaalam dito ang tungkol sa kasalukuyang kinaroroonan ng anak nitong si Hera, ang mga plano nila tungkol sa paghahanap kay Calista, at ang pagpapatalsik kay Althaia sa pwesto nito ay nagpasya si Anton na isumbong sila kay Althaia. Naniniwala kasi ito na higit na mas makapangyarihan si Althaia kaysa kay Calista at naisip na kung sa kampo ni Althaia ito papanig ay higit na mas ligtas silang mag-anak. Kapalit ng impormasyong ibinahagi kay Althaia, hiningi ni Anton kay Althaia na huwag hahayaang mapahamak ang anak at patawan na lamang ito ng parusang hindi nito ikamam
NAIINIS na isinilid ni Hera sa bulsa ang kaniyang cell phone nang makitang naubusan na iyon ng baterya. Balak sana niyang tawagan si Marcus upang ibalita rito na nakuha niya na ang address ng tinitirahan ni Calista.Medyo tahimik na at iilan na lamang ang nasasalubong ni Hera sa maliit na kalye patungo sa bahay nina Calista dahil sa pasado alas diyes na ng gabi. Habang naglalakad ay hindi mapawi-pawi ang mga ngiti niya sa labi dahil sa excitement na nararamdaman ngayong malapit na uli silang magkita ng matalik niyang kaibigan.Mas lalo pa siyang napangiti nang matanaw niya na ang malaking bahay nito. Binilisan niya na ang paglalakad subalit kaagad din siyang napahinto at napatago sa likod ng nakaparadang kotse malapit sa kaniya nang makita ang isang pamilyar na babae sa tapat ng pintuan ng bahay. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang babaeng iyon. Si Althaia!Maraming katanungan sa utak ngayon ni Hera. Bakit ito nasa Duncan Mills? At paano nito natunton si Calista?Kaa
"PAANO mo ako nahanap? Magkasama ba kayo ni Althaia?" sunod-sunod na usisa ni Callie kay Hera. Isinara niya ang pinto ng kan'yang silid at iginiya si Hera paupo sa kaniyang kama. Tinabihan niya ito at mahigpit na hinawakan ang kamay.Suminghot si Hera na katatapos lang umiyak pagkatapos, pinunasan ang basang pisngi. Umiling-iling siya at tinitigan si Callie. "Hindi ko siya kasama. Marahil ay natunugan niya ang plano namin ni Marcus kaya ka niya pinuntahan dito."Napangiti si Callie nang marinig ang pangalan ng kaibigan niya ring si Marcus. "Si Marcus? Hinahanap niya rin ako?"Tumango na lamang si Hera bilang tugon."Kumusta na siya?" tanong ni Callie pagkatapos, nginisihan si Hera na tila ba tinutukso ito nang maalala niya ang estado ng relasyon ng mga ito. "Kumusta na kayong dalawa?"Matamlay na ngiti ang itinugon ni Hera sa kaniya dahilan para mapakunot siya at magtaka."Katulad na rin natin siya," nakayukong sabi ni Hera.Mas lalo pang napakunot si Callie. "What do you mean?" Tiniti