FRANCINE POV"Anong oras ka ba nakauwi kagabi? Sigurado ka bang matuturuan mo ako ng maayos ngayung araw dahil kung hindi, bukas na lang ako magrereport sa opisina." putol ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Dominic habang nandito kami sa loob ng sasakyan at binabaybay na namin ang daan patungo sa opisina. Ngayun ko lang napansin ito na parang hindi mapalagay. Parang may malalim itong iniisip na hindi naman normal sa kanya noon. Ano kaya ang gumugulo sa isipan ng pamangkin ko? May malalim kaya itong pinagdadaanan?"Wala. May iniisip lang ako!' sagot nito. Oh diba, ang layo ng sagot niya sa tanong ko. May something talaga dito eh na dapat kong malaman."Ano nga? Look, pwede mong i-share sa akin. Kaysa naman magmukha kang zombie diyan. Huwag mong sarilinin ang problema at baka hindi makayanan ng utak mo at lalo kang maging pasaway." sagot ko sa kanya na may halong biro sa aking boses.Gusto ko lang pagaanin ang aming umaga. Ayaw ko din manahimik habang papunta kami ng opisin
FRANCINE POV"Si Trexie Sebastian? Si Trexie talaga? Kailan pa?" nagtataka kong tanong kay Dominic. Ni sa hinagap, hindi ko akalain na siya pala ang babaeng tinutukoy nitoSa tototo lang, sino ba naman ang hindi magugulat. Sa dinami-daming babae sa mundo si Trexie pa talaga ang napupusuan niya. Kaya pala iba ang mga galawan nila kahapon. Kaya pala hindi umangal itong pamangkin ko na iiwan ko silang dalawa ni Trexie para makapag-usap. Iyun pala may 'something' na pala na namamagitan sa kanilang dalawa."So, nagkausap na kayo? Kahapon? Tama...kahapon, ano ang ginawa niyo? Ang tagal niyong nawala kahapon eh." muling tanong ko kay Dominic. Isang malalim na buntong hininga ang muli kong narinig mula sa kanya bago ito sumagot."Nagkausap kami kahapon. Sinabi niya na mahal niya daw ako." sagot nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Hindi ko lang kasi talaga ma-imagine kung saan kumuha ng lakas ng loob si Trexie para masabi niya iyun sa isang lalaki. Isa pa, hindi nya nababang
FRANCINE POVKahit gulat na gulat ako kung ano ang ginagawa ni Ate Mikaela dito sa bar at kasama pa talaga niya si Doc Denver, wala akong choice kundi tumayo at makipag-beso dito. Mukhang hindi naman ito nakikitaan ng pagkagulat nang mapansin nito ang presensya ko kaya mukhang alam na niya kung sino ako at ang tunay kong pagkatao."Hi Francine, ikinatutuwa ko na makita ka ulit." nakangiti pa nitong wika sa akin. Tanging tango at ngiti lang ang naging sagot ko at naupo na din ulit ako sa aking pwesto kanina. "By the way, we are planning to get married soon. Alam niyo na hindi na kami bumabata. And besides gusto din namin bigyan ng kumpletong pamilya ang anak namin." Narinig ko namang wika Doc Denver. Lalo namna akong nagulatAno ang ibig nilang sabihin? Sa pagkaka- alam ko kailan lang sila nagkakakilala pero kasal na kaagad? ?Ang bilis naman. Tsaka anak nila? Sinong bata ang tinutukoy ni Doc Denver? Siya ang Tatay ng baby ni Ate Mikaela? Nagtatanong ang mga mata napatitig ako kay Ate
FRANCINE POVSa pag-uusap naming dalawa ni Ate Mikaela, hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa. Kahit papaano, muli kong naramdaman ang presensya nito. Closed naman talaga kami noon bago pa sila ikasal ni Charles. Parang "Ate' na din talaga ang turing ko sa kanya kaya naman sinadya kong iwasan si Charles lalo na ng ikinasal na silang dalawa.Ang tampo na nararamdaman ko sa kanya noon ay biglang naglaho. Muling nanumbalik ang closeness naming dalawa lalo na at sa kabila ng mga nangyari, ako pa rin ang gusto niyang maging maid of honor sa importanteng araw ng kanilang buhay. Dapat lang na maging proud ako dahil hindi nagbago ang pagtrato sa akin ni Ate Mikaela.Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging abala ako sa pag-aaral para matutunan ang pamamalakad ng kumpanya. Walang ibang aasahan na gawin ang tungkol sa bagay na ito kundi ako lang. Wala din akong choice kundi ipagpaliban muna ang pangarap kong maging Doctor para sa kapakanan ng aming kumpanya.Hindi man naging vocal ni Daddy sa ak
FRANCINE POV"Anak? Ikaw nga! Diyos ko, kumusta ka na? Ang tagal mong hindi nagpakita sa amin ah?" kaagad na wika sa akin ni Mama habang yakap-yakap niya ako. Hindi ko naman maiwasan ang muling pagtulo ng luha sa aking mga mata.Ngayun ko lang napatunayan na sobrang na-miss ko siya. Sa ilang taon na nawalay ako sa kanya aminado ako sa aking sarili hinanahap-hanap ko ang pag-aaruga niya sa akin.Kahit hindi ko siya tunay na Ina, hindi naman siya nagkulang sa akin na iparamdam ang tunay na pagmamahal ng isang tunay na magulang. Sa kanila ko naramdaman ang isang masaya at kumpletong pamilya na habang buhay kong hindi makakalimutan."Ma!" basag ang boses na sambit ko kasabay ng hindi maampat-ampat na pagdaloy ng luha sa aking mga mata."Kumusta ka na? Bakit hindi ka man lang nagpakita muli sa amin? MIss na miss ka na namin Francine.." sagot naman nito sa akin habang dahan-dahan na bumibitaw sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan pa nito ang luha sa aking pisngi habang hindi inaalis ang pagkak
FRANCINE POV"Congratulations Miss Dela Fuente, you're four weeks pregnant!" saglit pa akong napatulala ng marinig ko ang sinabing iyun ni Doctor Mendoza. Hindi kayang i-absorb ng utak ko ang salitang narinig ko sa kanya."Ha? Pregnant? Again?" parang tanga kong sambit. Ni sa hinagap, hindi ko akalain na muli akong mabubuntis ni Charles. Isang gabi na pagsasalo kapalit ng habang buhay na responsibilidad. Hindi ko tuloy alam kung anong meron sa aming dalawa at kung bakit ang bilis naming makabuo. Ganoon ba talaga katindi ang sperm niya? Isang gabi lang at may buhay kaagad na nabuo?"Normal lang sa isang nagdadalang tao ang mga nararanasan mo ngayun. Kailangan mo lang ng full rest at mga masusustansyang pagkain. Magrereseta din ako ng mga vitamis para sa iyo at kay baby!" narinig ko pang wika ni Doctor Mendoza. Wala sa sariling napatango naman ako.Marami pang sinabi sa akin ang Doctor pero tanging pagtango na lang ang naging sagot ko. Lumilipad na kasi ang utak ko kung paano ko na nam
FRANCINE POVNaging challenging ang mga sumunod na araw sa akin. Para akong bumalik sa dati o higit pa nga. Ni hindi ko nga alam kung paano ko malalagpasan ng mga morning sickness ko.Katulad na lang ngayun, nandito ako sa banyo, nakaluhod sa toilet bowl at walang humpay ang kakaduwal. Mas mahirap ang sitwasyon ko ngayun kumapara sa mga nararanasan ko noong ipinagbubuntis ko ang kambal. Sobrang nagpapahirap sa akin ang morning sickness na itoPangalawang pagbubuntis ko na ito na hindi ko man lang naranasan na alagaan ako ng Daddy ng baby. Tama lang talaga ang desisyon ko na ilayo ang mga babies ko kay Charles. Wala naman siyang naiambag eh. Ni hindi niya nararanasan ang hirap na nararanasan ko ngayun.Ilang minuto din akong nanatili sa loob ng banyo. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Alam kong hinihintay na ako nila Daddy sa dining area ngayun. Hindi pwedeng makita nila ako sa ganitong sitwasyon. Wala pa akong lakas ng loob na ipagtapat sa kanila ang muling pagbubuntis ko.Nang ma
FRANCINE POV"Dad! Please, huwag po kayong magalit! Wala na akong communication sa ama ng ipinagbubuntis ko at malabong maging maayos pa kami." Kaagad na apila ko. Umaasa ako na sana huwag na muna niyang panghimasukan kung ano man ang problema ko ngayun . Masyado nang magulo ang sitwasyon at ayaw ko ng dagdagan pa. Isa pa, wala akong balak na ipaalam kay Charles ang tungkol sa muling pagbubuntis ko."But anak! Hindi pwedeng basta-basta ka na lang lokohin ng kung sino mang nakabuntis sa iyo. Hindi pwedeng basta ka na lang niyang talikuran porket buntis ka na. Hindi ako papayag na api-apihin ka na lang basta ng kung sino lang diyan! Kailangan niyang panagutan ang nangyari sa inyong dalawa." sagot naman ni Daddy. Kaagad akong lumapit dito. Hinawakan ko ito sa kamay at nakikiusap ng tinitigan sa mga mata."Dad, nasa tamang edad na ako para magdesisyon. Sa pangalawang pagkakaton, nakikiusap po ako, hayaan niyo po muna ako. Malaman man ng lalaking iyun ang tungkol sa pagbubuntis ko or hindi