DOMINIC POV "Umalis ka na dahil kahit na ano pa ang gawin mo, kami na mismo ang hahadlang para muling bumalik sa iyo ang anak ko!" kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Papa Ryder habang sinasabi sa akin ang katagang iyun. Laglag ang balikat na naglakad ako palabas ng kanyang opisina. Hindi ko siya masisisi kung halos isumpa niya man ako ngayun. Masyado pang sariwa ang mga nangyari kaya hindi ko na muna ipipilit kong ano man ang gusto ko. Susundin ko muna ang payo ni Mommy sa akin na kailangan ko munang magpatingin sa psychologist para maagapan ang anger management issue ko. Kailangan kong baguhin ang sarili kong pag uugali para sa muling pagkikita namin ni Trexie, ibang Dominic na ang kanyang masisilayan. Lulugo-lugo akong naglakad patungong elevator. Tangap ko na sa sarili ko na galit sa akin ang lahat. Sabagay, sino ba naman ang matutuwa sa mga pinanggagawa ko kay Trexie? Lintik naman kasi...bakit ba ang tanga-tanga ko? Bakit ba kung saan tuluyan na lumayo ang loob niy
TREXIE POV 'New environment! New life!' iyan ang tumatakbo sa isipan ko habang inililibot ko ang tingin sa paligid ng unit kung saan ako pansamantalang titira habang nandito ako sa US. Malungkot akong napangiti. Kung hindi dahil kay Dominic never kung maisip na umalis muna ng Pinas. Mas gustuhin ko pa ring manatili ng Pinas at makasama lahat ng mga mahal ko sa bahay kumpara dito na alam kung simula ngayung araw, mamumuhay na akong mag isa. Inayos ko lang ang mga gamit ko bago ako nagpasyang lumabas para maghanap ng makakainan. Kailangan ko din mamili ng mga gamit sa kusina kaya alam kong magiging busy ako nito sa pagdaan ng mga araw. Nagiging maayos naman ang mga unang lingo ko dito sa US. Habang hindi pa nag start ang klase, wala akong ginawa kundi ang magkulong sa aking unit at manood ng mga movies. Sa pamamagitan nito maibsan man lang ng kahit kaunti ang pangungulila na nararamdaman ko para kay Dominic pati na din sa aking mga magulang. Isang umaga. Nagising ako na mas
TRXIE POV THREE YEARS LATER "Sure ka na ba sa desisyon mong iyan? Hindi ka na ba talaga papigil?" Kaagad na tanong sa akin ni Denise habang abala ako sa pag-iimpake ng aming mga gamit. Mamayang hapon na ang aming flight pauwi ng Pilipinas at hangang ngayun hindi ko pa rin lubos maisip na nakaya kong magtagal sa bansang ito ng tatlong taon. "Yes...kinukulit na ako nila Papa at Mama eh. Gusto na din daw nilang maalagaan ang mga apo nila." nakangiti kong sagot sabay sulyap sa dalawang bata na natutulog. Yes..sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong nalaman ko na nagdadalang tao ako. Mabuti na lang at sa mga panahong down na down ako ay nasa tabi ko palagi si Mama Ashley. Sinasamahan ako lalo na at pagkapanganak ko, nagsuffer ako ng postpartum depression. Mabuti na lang din at nasa tabi ko palagi ang itinuring ko ng best friend na si Denise. Isang ganap na Doctor na din ito at nakatakda din siyang umuwi ng Pinas sa susunod na lingo upang pamahalaan ang hospital na pag
TREXIE POV Pagkaapak pa lang ng mga paa ko sa lupa ng bansang Pilipinas hindi maipaliwanag na tuwa ang kaagad na nararamdaman ng puso ko. Sobrang na-miss ko ang bansang ito. Alam ko sa sarili ko na kaya ko nang harapin ang kahit na anong pagsubok ng na dumating sa aking buhay. Pinatatag ako ng mga karanasan ko pati na din ng mga anak ko. Pagkalabas pa lang namin ng airport kaagad na sumalubong sa mga mata ko ang tarpaulin na may pa-welcome na nakasulat para sa akin. Lalong lumapad ang pagkakangiti sa labi ko nang mapansin ko na hind lang sila Mama at Papa ang sundo namin kundi pati na din sila Francine at Kuya Charles. Parang gusto ko tuloy makaramdam ng hiya kay Francine. Umalis ako ng bansa noon na hindi man lang nagpakita sa kanya at grabe ang tampo nito sa akin tuwing nagkakausap kami sa telephone. Buti na lang at tinangap din niya ang mga paliwanag ko at nagiging maayos na ulit kami. "Trexie, anak...welcome back!" narinig kong bigkas ni Mama at mabilis itong naglakad pa
DOMINIC POV "Boss, ngayung nandito na sa Pilipinas si Mam Trexie, ano po ang ang gagawin namin?" tanong sa akin ni Ricardo. Siya ang tanging saksi sa mga pinagdadaanan ko nitong mga nakaraang taon kaya hindi na din iba ang turing ko sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil palagi nitong sinisigurado ang kaligtasan ko sa lahat ng oras. Kaagad akong napasandal sa swivel chair habang hinihilot ko ang aking sintido. Sumasakit na kasi iyun dahil sa ilang gabing wala akong matinong tulog. Simula ng makita ko si Trexie at ang mga anak namin sa airport hindi na ako makatulog pa. Lalo yata akong inatake ng insomia dahil s tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang maamong mukha ni Trexie at palaging lumilitaw sa balintataw ko. Kaagad kong naidilat ang aking mga mata at tinitigan ang picture frame na nasa harap ko. Larawan iyun ni Trexie at ng kambal naming anak. Yes...sa lahat ng mga nangyari sa buhay ni Trexie sa US alam na alam ko at dahil iyun sa tulong ng half sister
TREXIE POV "Ma, ayos na po ako. Kaya ko na!" kaagad kong sagot kay Mama habang nag aayos ako sa harap ng salamin. Ngayun ang kauna-unahan kong pagpasok sa opisina simula nang bumalik ako galing US. Tutuparin ko na ang pangako ko kay Papa Ryder na ako na ang hahawak sa Sebastian Logistics once na makabangon ako sa kabiguan mula sa mga kamay ni Dominic. "Nag aalala lang ako anak. Ayos lang naman sa Papa mo kung hindi muna ngayun. Kakauwi mo lang ng bansa at trabaho kaagad ang gusto mong atupagin? Pwede ka naman mag unwind muna kasama ng mga bata. Huwag mong isipin ang kumpanya, kaya na ng Papa mo iyun." sagot ni Mama sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. "Pwede po kaming mag unwind ng mga Baby ko kahit na pumapasok ako sa opisina. Dont worry Ma, ayos na talaga ako. Nahihiya na ako kay Papa. Ang isang taon na pangako ko sa kanya noon, umabot ng tatlong taon dahil kailangan ko pang alagaan ang mga babies ko." nakangiti kong sagot. "Ikaw talagang bata ka! Sinabi ko naman s
TREXIE POV Pasimple kong binawi ang kamay ko na hawak pa rin ni Cholo. Hangat maari, ayaw kong maka-offend ng tao lalo na sa kanya lalo na at malapit ang pamilya niya sa mga magulang ko. Pero kung ganitong balak niya akong ligawan, baka didistansya na lang talaga ako sa kanya. "Hmmm, sorry kung nabigla ka sa sinabi ko pero ayaw ko na din kasi talaga magsayang ng oras. Unang kita ko pa lang sa mga larawan mo noon, minahal na kita at ito na din siguro ang tamang pagkakataon para ligawan ka." muling bigkas nito na labis kong ikinaasiwa. Hindi pwedeng mahalin niya ako dahil pag aari na ng ibang lalaki ang puso ko. Isa pa--- "Wife! Thank God, nagbalik ka na!" wala sa sariling napatayo ako ng marinig ko ang boses na iyun. Ang boses na nakatatak na yata sa isipan at sa buo kong pagkatao., "Ano ang ginagawa mo dito Mr. Dela Fuente? Wala ka na bang ibang maisip na gawin sa buhay namin kundi ang mangulo?" galit na wika ni Cholo. Tumayo ito at mabilis na hinawakan sa kwelyo si Dominic
TREXIE POV Habang palapit kami ng palapit sa kotse ni Dominic tsaka naman nagsipag-lingunan sa amin ang kanyang mga tauhan. Kanya-kanya silang tago ng kanilang mga hawak na cellphone at parang walang nangyari na lumapit sa amin. "Boss, ano po ang nangyari? Nasaktan po ba kayo?" kaagad na tanong ng isa sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyung kanang kamay ni Dominic. Ang sarap sanang bulyawan! Nagtatanong pa kung nasaktan ang amo nila gayung obvious naman sa sitwasyon ngayun ni Dominic na nasaktan talaga ito. "A little bit. Open the car!" sagot naman ni Dominic na feeling ko nakaakbay na sa akin. Nawala na kasi ang bigat nito kaya kaagad ko na din tinagal ang braso ko sa baiwang nito para sana lumayo dito pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin at sapilitang ipasok sa nakabukas nang pintuan ng kotse. "Ano ba! Dominic...wala akong balak na sumama sa iyo! Bitawan mo nga ako!" impit kong wika dito at pilit na nagpupumiglas sa kanya pero mas malakas siya sa aki