ASHLEY POVInis na inis akong napatingin sa labas ng binatana ng sasakyan. Wala ng saysay para makiusap sa kanya. Sarado na ang isip ni Ryder at alam kong kahit na ano pa ang pakiusap na gagawin ko hindi ito makikinig sa akin. Gagawin nito ang kung ano man ang kanyang naisin."Alam mo bang labis na nasaktan si Charles sa pagkawala mo? Iniisip namin na wala ka na. Bakit nagawa mong pagtaguan kami Ash? Bakit nagawa mong papaniwalain kaming matagal ka ng patay?" wika nito. Malakas akong napabuntong hininga. Ang akala ko mananahimik na ito. Pero may sasabihin pa rin pala.Kung tutuusin wala naman akong kinalaman tungkol sa bagay na iyun. Ilang taon akong comatose at ng nagising ako tsaka unti-unting pinaliwanag sa akin ni Lorenzo ang sitwasyon ko....ang tungkol sa pagdala nila sa akin sa Germany para magamot. Ang nangyaring aksidente na syang naging dahilan para mapaniwala nya si Ryder na matagal na akong patay.Naniniwala si Lorenzo na alam ni Ryder ang tungkol sa pagpapainom ng maling g
ASHLEY POV"Ma, mangako po kayo sa akin, huwag nyo na po akong iwan ulit." nandito na kami sa loob ng kanyang kwarto at bakas ang pakikiusap sa boses ni Charels habang sinasabi ang katagang iyun. Para namang biglang tinusok ng karayom ang puso ko ng marainig ko ang katagang iyun. Walong taon na nagtiis ang anak ko na wala ako sa tabi nya. Hindi ko man lang ito naalagaan.Binatang binata na sya. Wala ng bakas ng dating Charles. Napatunayan ko ito sa ayos ng kanyang kwarto. Isa pa mas matangkad na sya sa akin ngayun. Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Hindi ko man lang ito naalagaan noong mga panahon na kailangan nya ako. Pakiramdam ko isa akong walang kwentang ina dahil matagal na panahon akong hindi nagpakita sa kanya."Promise, ngayung nandito na ako, hindi ko na hahayaan pa na muli kang mawalay sa akin anak. Pupunan ko ang mga panahon na nawala ako sat tabi mo." sagot ko kasabay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. P
RYDER POVKanina pa ako nakatayo dito sa gilid ng pool habang nakatanaw sa kawalan. Natutuwa ako sa isiping nandito ulit si Ashley, buhay siya at malakas pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot sa isiping pinaniwala nila ako sa isang kasinungalingan. Matagal akong nagluksa sa pagkawala nya. Siguro tawang-tawa ang gagong Lorenzo na iyun tuwing nakikita ako na iyak ng iyak doon sa mausoleum. Wala naman palang dapat iyakan dahil buhay na buhay pa ang asawa ko.Ganoon na ba talaga ako kasama para paikutin nila? Ganoon na ba talaga ako kawalang kwentang asawa para tanggalan ng karapatan na malagaaan siya noong mga panahon na may sakit siya?Si Lorenzo, siya na naman! Bakit ba ang hirap kumawala sa anino nya? Bakit ba palagi nya na lang akong nalalamangan? Dahil ba mas mabuti siyang tao kumpara sa akin?Fuck! hindi ako papayag na hindi muling bumalik sa akin si Ashley. Nagkawalay man kami ng walong taon pero handa ko pa rin siyang ipaglaban. Hindi ako papayag. Handa ko pa rin syang
ASHLEY POVHanggang ngayun nanginginig pa rin ang laman ko sa sobrang galit kay Natalia. Ang kapatid kong hindi ko akalain na magagawa akong traydurin at pagtangkaan ang buhay ko noon para lang tuluyan nitong maagaw ang lalaking akala ko hindi nya na ako sasaktan pang muli. Pero sa pangalawang pagkakataon nabigo ako. Muling natukso sa ibang babae si Ryder at worst sa kapatid ko pa talaga. Sa kapatid kong akala ko isang santa at kakampi ko habang buhay. Ang lakas ng loob ng Natalia na iyun na kausapin ako ngayun. Ano ang palagay nya sa akin basta ko na lang kakalimutan ang lahat ng mga kasalanan na nagawa nya? Ganoon na lang ba kadali sa kanya na kausapin ako na parang walang nangyari at kwestiyunin kung bakit pa ako bumalik?Naipikit ko ang aking mga mata at muling naalala ang napag-usapan namin kanina ni Natalia...........'Nagising ako na wala na sa tabi ko si Charles. Siguro lumabas ito ng kwarto dahil ng tingnan ko ang banyo ay wala ito. Wala akong choice kundi mag-ayos ng sari
ASHLEY POVParehong hilam ng luha ang aming mga mata ng humiwalay ako sa pagkakayakap kay Lola Agatha. Hindi naman masyadong halata na sobrang na-miss namin ang isat isa."Masaya ako dahil ligtas ka Iha. Akala ko talaga, nawala ka na sa amin ng tuluyan. Pakisabi kay Lorenzo maraming salamat. Walang katumbas na halaga ng pera ang pwedeng ibayad sa lahat ng kabutihan na ginawa nya sa iyo. Sa pagligtas nya sa buhay mo." wika ni Lola Agatha sa akin. Agad naman akong napangiti."Hayaan mo La....sasabihin ko kay Lorenzo ang lahat ng iyan." sagot ko."Teka, halika na...anong oras na hindi ka pa pala kumakain. Tiyak na nakahanda na ang dining area for breakfast kaya sumama ka na sa akin sa ibaba." pagyayaya nito. Agad akong tumango.. Inalalayan ko itong makatayo at sabay na kaming lumabas ng kwarto ni Charles.Hindi ko maiwasan na mkaramdam ng matinding lungkot habang inililibot ang tingin sa mga dinadaanan namin. Malaking parte ng pagkatao ko ang naiwan sa bahay na ito at nakakalungkot isipi
RYDER POVHindi ko mapigilan na maikuyom ang aking kamao habang pinapanood ang pag-alis ni Ashley dito sa bahay. Talagang pinanindigan nito ang pagtanggi sa muling pagtira dito sa bahay na ito.Hindi ko naman kasi pwedeng kasabwatin si Charles tungkol dito. Hanggang ngayun, alam kong malayo pa rin ang loob nya sa akin dahil sa mga nangyari. Hindi din naman ito nagtangka na pigilan ang kanyang ina. Parang wala lang dito ang muling pag-alis ni Ashley sa bahay basta siguraduhin lang nito na palagi silang magkikita. Eh paano naman ako. Kailangan ko siya. Kailangan ko ang asawa ko! Ngayung nandito na siya hindi na ako makakapayag na muli itong lumayo sa akin.Nagmatured na nga siguro si Charles. Naiintindihan na nito ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Sa ngayun wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. Kailangan kong magtiwala sa sarili kong kakayahan kung hindi baka tuluyan ng hindi mapasa-akin ulit ang asawa ko.Wala na din akong aasahan pa kay Lola Agataha. Alam kong hindi
ASHLEY POV"Yes Tita! Salamat po sa pagpapatira nyo sa akin dito kaya lang po nakakahiya naman kung dumito ako sa inyo habang buhay. Hangat maari gusto ko pong matuto mamuhay ng sarili ko lang dito sa Pilipinas." sagot ko. Nagpapaalam na kasi ako sa kanila na aalis na ako ng bahay nila. Balak kong kumuha ng hulugang condo at muling mamuhay kasama si Charles. Hindi ko dapat iasa sa iba ang buhay ko. Magaling na ako at nakakahiya kung nakadepende pa rin ako sa kanila.Kailangan kong matutong mamuhay mag-isa. Isa pa balak ko din dalawin sila Nanay at Tatay sa probensya. Alam kong masyado silang nasaktan sa pagkawala ko at sana mapatawad nila ako kapag malaman nilang hindi naman talaga ako namatay. Buhay ako at pansamantalang inilayo ng mga taong nagmamalasakit sa akin noon para madugtungan ang buhay ko."Ayos lang naman sa amin ang plano mong iyan iha kaya lang hindi ka pwedeng tumira sa kung saan-saan lang. Delikado na ang panahon ngayun lalo na kapag maninirahan ka sa isang lugar na m
ASHLEY POVSa wakas natapos na din kami sa pag-aayos ng aming mga gamit. Nakabalik na din si Charles na may mga dalang ibat ibang klaseng pagkain. Halatang ayaw nitong magutom kami sa dami ng mga dala nito."Ma, siguro magpapaalam na ako kina Papa na dumito muna. Para naman matutulungan ko kayo sa mga gawain dito." nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng marinig ko ang sinabi ni Charles. Ilang saglit akong tumitig dito at hindi maiwasan na mapangiti.Kung alam lang nito na siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ginusto kong umalis sa bahay nila Lorenzo. Gusto ko na din itong makasama palagi kaya naman masaya ako dahil si Charles na mismo ang nag-open up nito sa akin."Papayagan ka kaya nila anak?" nag-aalala kong sagot. Biglang sumagi sa isip ko si Ryder. Alam kong mahabang diskusyon na naman ang mangyayari sa aming pagitan tungkol kay Charles. Alam kong ipaglalaban din nila ang kustudiya ng anak ko."Malaki na ako Ma. Wala na silang pakialam pa kung ano man ang gusto ko. Hindi na nila pw