RYDER JAMES SEBASTIAN POV POVNapaupo ako sa sofa ng tuluyan ng nakaalis ang mga pulis kasama si Ashley. Hindi ko akalain na dito matatapos ang lahat sa amin. Hindi ko akalain na magawa nitong saktan si Lola. Mukhang wala na ang aming baby. Nagawa na nitong ipalaglag base sa hitsura nito. Maputla si Ashley at alam kong isa iyun sa mga palatandaan na wala na ang baby namin. Hindi man lang ito nagdalawang isip na kitlin ang buhay ng aming anak.Aminado ako na kasalanan ko din. Ako ang nagtulak sa kanya sa bagay na iyun pero ang ikinagagalit ko lang hindi man lang ito nagdalawang isip na sundin ang gusto ko. Isa pa nagawa pa talaga nitong saktan si Lola. Ang pinakamamahal kong abwela. Ang kaisa-isang tao na meron ako.Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking luha. Tumayo ako ng muli kong naalala si Lola. Under observation ito at natatakot akong tuluyan siyang mawala sa akin. Hinding hindi ko mapapatawad si Ashley kapag may masamang mangyari kay Lola. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa
LORENZO POVHindi ko mapigilan na yakapin ang noong tulala na si Ashley ng alalayan ito ng mga pulis palabas ng kulungan. Tama ang nakikita ko dito kanina pa. Nakatulala lang ito at parang wala sa sarili."Ashley...heyyyyyy....Relax lang. Ligtas ka na! Nandito na ako. Hindi kita pababayaan." masuyo kong wika dito habang nakatitig sa kanyang magandang mukha. Wala pa rin itong reaksiyon at diretso lang ang tingin. Parang wala itong nakikita."What happened to her?" narinig kong tanong ni Miguel. Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Ashley at inalalayan itong maglakad palabas ng presento. Agad naman sumunod sa amin si Miguel."Stress...Anxiety...pain! Sa pinagsama-samang pakiramdam na iyun, She tried to create her own world out of fear! Nangyayari iyan sa mga taong pakiramdam niya hindi na sya tangap sa lipunang kanyang ginagalawan." seryoso kong sagot."God! Ganiyan kalaki ang naging epekto sa kanya dahil sa ginawa ni Ryder?" sagot nito. Hindi ako umimik hangang sa nakarating kami ng kots
RYDER POVHindi ko mapigilan na ihampas ang aking kamay sa manibela ng sasakyan. Kakatapos ko lang makipag-usap sa officer na may hawak ng kaso ni Ashley. May naglabas daw dito kahapon at dahil wala pa namang naihain na kaso kay Ashley pinayagan na umano itong makalabas.Muling nanariwa sa isip ko ang napag-usapan namin ng imbestigador kanina."Sorry Sir...kahapon pa po namin kayo hinihintay para masampahan na kaagad ng kaso ang suspect. HInihintay din namin ang ilang ibidensiya na isusumite niyo. Kaya lang hindi po kayo dumating. Wala pang limang oras na naka-detain si Mam may dumating pong Abogado kahapon at isang lalaki." imporma nito. Gulat akong napatitig dito."Sino sila? Kilala ba sila ng asawa ko?" seryoso kong tanong. Ang alam ko, wala masyadong kakilala si Ashley dito sa Manila. Naghalungkat ito sa mga papeles na nasa harap niya at muling tumitig sa akin."Doctor Lorenzo Jimenez po. Halos magwala pa siya dito kahapon lalo na ng makita nya ang sitwasyon ni Mam. Inilaban nya a
RYDER JAMES SEBASTIAN POVHalos tatlong araw pa kaming nagtagal sa hospital ng magpasya si Doctor Santos na i-discharge na si Lola. Pwede na daw itong umuwi at sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling at pag-inom ng gamot nito. Agad naman akong pumayag dahil sa tatlong araw na iyun hindi ako umaalis sa tabi nito. Personal kong inaalagaan si Lola sa hospital at hindi na din muna ako pumapasok ng opisina.Kapag may mga importanteng papeles akong pipirmahan, dinadala ito ni Anthon sa hospital. Hangat maari ayaw kong mawalay sa paningin ko si Lola. Malaki ang kasalanan ko dito at gusto kong makabawi.Sa tatlong araw na iyun hindi na din nagpakita pa si Ingrid sa akin. Hindi man diretsang sinasabi ni Lola alam kung may kinalaman ito sa pagkakalaglag ni Lola sa hagdan. Si Ingrid ang naabutan ko sa taas ng hagdan pagkalabas ko ng kwarto. Pagkatapos agad nitong sinabi sa akin na si Ashley ang may kagagawan kaya nahulog si Lola.Si Ashely...kumusta na kaya siya. May mga inutusan na akong mga
SEVEN YEARS LATERRYDER POVTahimik akong nakatitig sa kawalan. Seven years ang mabilis na lumipas pero hindi man lang nabawasan ang sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayun. Hindi ko akalain na kinaya kong harapin ang buhay na wala si Ashley.Tinanggap ko na sa sarili ko. Huli na ng narealized ko kung gaano pala ito kahalaga sa akin. Kung kailan inamin ko na sa sarili ko na mahal na mahal ko na sya tsaka naman siya naglaho na parang bula. Wala man lang siyang iniwan na kahit kaunting bakas.Personal ko na din pinuntahan ang probensiyang pinaggalingan niya. Pero ayun sa mga napagtanungan ko hindi nagagawi sa lugar nila si Ashley. Lumuwas daw ito ng Maynila pagkatapos makagraduate sa kursong Accountancy at hindi pa umuuwi.Mahirap nga hanapin ang isang taong ayaw magpahanap. Araw araw akong nagdurusa sa ginawa ko dito. Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi sana ako nagpadalos-dalos ng desisyon noon.Aminado akong kasalanan ko ang lahat. Walang ibang dapat sisihin sa mga nangyaya
ASHLEY POV"Diyos ko! Ashley anak, ikaw na ba iyan! Salamat sa Diyos at nagbalik ka na!" Narinig kong sigaw ni Nanay Luz habang papasok kami ng bakuran. Hawak ko sa kanang kamay si Charles at agad ko itong nabitawan ng makita ko na nagmamadaling naglakad pasalubong sa amin si Nanay Luz habang nakasunod naman dito si Tatay Boyet. "Nay.." umiiyak kong wika at agad na yumakap ng makalapit na ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pag-uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata. Sobra ko silang namiss."Anak...salamat sa Diyos at nandito ka na! Salamat at muli kang nagpakita sa amin." wika naman ni Nanay habang umiiyak at naramdaman ko pa ang paghaplos nito sa likod ko. "Sorry po...sorry!" wika ko dito. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Tatay kaya kumalas na muna ako dito at hinarap si Tatay. Nakita ko ang kislap ng tuwa sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko napigilan ang aking sarili at niyakap ko ito. Ilang ulit akong bumulong na taos pusong kapatawaran sa kanya."Ana
RYDER JAMES SEBASTIAN POVAraw ng check up ni Lola. Kahit na hindi maayos ang relasyon ko sa may ari ng Amadeo Medical Center doon ko pa din dinadala si Lola Agatha. Mas komportable kasi siya sa hospital na ito. Isa pa kasundo nito ang kanyang Doctor kaya kahit gusto ko itong dalhin sa ibang hospital ayaw nito. Mas panatag na daw kasi ang kanyang kalooban sa hospital na iyun.Mabuti na lang at bumalik sa dati ang trato sa akin ni Lola Agatha. Napatunayan ko din kung gaano ako kahalaga dito kaya kahit na dumating ako sa punto na wala na akong gana pang mabuhay pinilit kong magiging matatag. Gusto kong makabawi sa lahat ng sakripisyo na ibinigay nito sa akin."Hindi mo na ako kailangan pang isakay sa wheelchair na iyan Ryder. Kaya ko ng maglakad at isa pa hindi mo na kailangan pang lumiban sa opisina para dalhin ako dito. May driver naman ako at nandyan naman si Lorna para samahan ako dito." wika ni Lola Agatha ng buhatin ko ito palabas ng sasakyan at pinaupo sa kanyang wheelchair.Oo,
ASHLEY POVHindi ko akalain na sa maikling panahon na pananatili namin dito sa Pilipinas ay agad na magkrus ang landas namin ni Ryder. Kung alam ko lang sa hospital din pala na ito nagpapacheck-up si Lola Agatha hindi na sana ako nagtangka pang umapak dito. Ininsist ko na lang sana kay Lorenzo kanina na sa condo na lang kami didirecho. Kahit magtaxi na lang kami ayos lang sana.Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero kita ko ang lungkot sa mga mata ni Ryder habang nakatitig sa aming dalawa ni Charles. Kapansin-pansin ang malaki nitong ipinagbago. Wala na ang dati nitong makinis na mukha at kapansin-pansin ang napabayaang tumubong balbas sa mukha nito. Mukhang ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Pumayat din ito at ibang-iba na sa dating Ryder na nakilala ko noon.Halos dalawang oras din kaming nag-stay sa clinic ni Doc.Cheska. Gusto kong makasiguro na wala na si Ryder sa hospital na ito bago lumabas. Natatakot akong isipin na baka abangan kami nito. Hanggang ngayun hindi