Home / All / My Role / Chapter 32

Share

Chapter 32

Author: J. Fraley
last update Last Updated: 2021-07-16 18:11:55

Andrea

"May balak ka bang pumatay?" Tanong ni kuya Andrew na may bahid ng galit.

"Meron, kung hindi agad magigising si Andrei." Sagot ko.

Mapapatay ko talaga sila kapag hindi agad nagising ang kapatid ko. "'Wag mong balewalain ang babala ko sa 'yo, Andrea." Wika ni kuya Andrello na may bahid ng pagbabanta ang boses.

Hindi mo ako matatakot ngayon dahil puro galit lang ang nararamdaman ko. Galit para sa mga g*gong gumawa nito sa kapatid ko.

Araw na upang maningil. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Andrei. Tapos na ang palugit na binigay ko sa kanila.

Maaga 'kong umalis sa bahay namin dahil ayokong masaktan ang pamilya ko dahil sa pagpigil sa 'kin. Sa ospital natutulog sila mama dahil binabantayan nila si Andrei kaya sila kuya lang ang kasama ko ngayon dito sa bahay.

Wala akong pasok dahil suspended ako kaya may oras ako para maningil ng utang ng mga g*go.

Si Blaine Cuevas ang uunahin ko. Siya ang may kasalanan ng lahat dahil siya ang nag-utos.

Maaga daw laging pumapasok sila Blaine Cuevas dahil may lalaki siyang hinihintay dito. Masama na nga ang ugali malandi pa. Sa'n kaya pinaglihi ang babaeng 'yun.

Sakto ang dating ko dahil pagkarating ko sa parking lot ay kalalabas lang niya mula sa kwarto niya.

"Blaine Cuevas." Tawag ko sa kaniya at saktong pagkaharap niya ay tumama ang kamao ko sa mukha niya.

Tumumba siya at pumutok ang labi niya. Masamang masama ang tingin niya sa 'kin pagkatayo niya.

Umikot ako saka sinipa siya sa mukha dahilan upang tumumba siyang muli. Hindi ko na siya hinayaan pang makatayo. Nilapitan ko siya saka siya sinipa sa dibdib dahilan upang mapahiga siya sa semento.

Nakita ko na nahihirapan na siya pero hindi pa rin ako nasisiyahan sa nakikita ko parang kulang pa.

Pasalamat siya at marunong akong maawa sa babae. Nilapitan ko siya saka ko siya sinabunutan para itaas ang ulo niya.

"Sa susunod na saktan mo ang kapatid ko. Hindi na ako maawa sa 'yo." Sabi ko sa kaniya bago ko bitawan pabagsak ang buhok niya.

Hindi pa ako tapos maningil. Nagsisimula palang ako. Pupunta sana ako sa kuta ng Arsanel ngunit hinarangan ako ng mga pulis.

"May nag report sa amin na may ninakaw ka daw na isang necklace." Saad ng isang babaeng pulis saka ako kinapkapan.

Punyeta!

May nakuha silang half moon silver necklace sa bulsa sa likod ng pantalon na suot ko.

"Inaaresto ka namin sa salang robbery. May karapatan kang manahimik ang lahat ng sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo. May karapatan ka rin sa isang abogado kung wala ka ay may itatalaga ang korte lara sa iyo."

Wala akong nagawa kung 'di ang sumunod sa kanila. Pinosesan nila ako saka isinakay sa police mobile at dinala sa prisinto.

Andrew

Gumawa kami ng plan A at plan B, at gaya nga ng inaasahan namin ay palpak ang unang plano.

Ang plan A ay ang ikulong siya sa kwarto niya. Mabuti nalang at maagang nagising si Andrello par silipin ang kwarto ni Andrea ngunit wala siyang naabutan.

'Yon ang naging hudyat namin para isagawa ang plan B. "She's been caught." Wika ni Shan.

Lumapit siya sa 'kin at naupo sa tabi ko. "Sa mga oras na ito ay papunta na sila sa prisinto." 'Yan ang nasa isip ko.

"'Wag lang sanang manlaban si pikon, kilala niyo naman 'yun." Saad ni Jake.

"Knowing my sister, hindi niya gagawin 'yun." Sabi ni Andrello. Sa tono ng boses niya ay para bang nakakasiguro siya sa sinasabi niya.

"How are you sure?" Tanong ni Blake.

"Dahil ayaw na ayaw niyang lalabagin ang batas."

"She's the future Prosecutor of this family." Wika ni Shan.

Gustong maging isang Prosecutor ni Andrea. 'Yun ang pangarap niya.

"Hindi pa rin tayo nakakasiguro ngayong galit siya." May punto si Jake. Walang sinasanto si Andrea kapag galit siya. Maging ang batas ay kinakalimutan niya.

"Don't be negative guys. Think positive dapat tayo. She's not going to fight and escape. She's going to follow the law." Sambit ni Lexa.

"Kung sakaling labagin man niya ang batas ay siya mismo ang magdadala ng sarili niya sa prisinto pagkatapos." Wika ni Andrello.

"'Wag pa rin tayong pakampante. Baka nakakalimutan niyo kung sino siya dati." Saad ni Jake.

"Anong dati ang tinutukoy mo, Jake? Hindi nagbago ang kapatid ko." Saad ni Andrello.

Tama siya. Hindi naman nagbago si Andrea. Ganun talaga ang ugali niya mula noon pa. Medyo bumait lang siya.

"Ano ba si Andrea dati?" Tanong ni Tristan.

"Makikilala niyo rin siya. At natitiyak ko na malapit na 'yon." Si Jake ang sumagot sa kanila. "Mapalad kayo at mabait na siya nung nakilala niyo."

"Bakit? Masama ba ang ugali niya dati?" Tanong ni Raia.

Hindi naman masama ang ugali ni Andrea dati. Medyo lang. 'Yung tipong kapag kinulit mo siya ng wala ang permiso niya ay may instant bakasyon ka. Sa ospital nga lang.

"May mas isasama pa pala ang ugali niya." Sambit ni Al ng nakangiwi.

Pasalamat nalang siya at hindi iyon ang inabutan niya.

"Ubod ng sama ang ugali nung babaeng pikon na 'yun."

"Tama ka, at makikita mo ulit kung gaanong kasama ang ugali ko dati kapag hindi mo itinikom 'yang bibig mo."

Nagulat kaming lahat ng marinig namin ang boses niya. Sabay sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses at doon namin nakita si Andrea na naglalakad papalapit sa amin.

Naupo siya sa tabi ni Andrello at sinamaan kami ng tingin. Wala kaming nagawa kung 'di ang mag-iwas nalang.

"Why are you here? What happened?" Naguguluhang tanong ni Raia.

"'Yung kwintas na INILAGAY NIYO sa bulsa ko ay kagaya ng kwintas na iniregalo sa akin ni ulan noon. Tinawagan ko siya upang kumpirmahin ito sa mga pulis."

Putakte, pati pala plan B palpak.

"Sabi mo sigurado ka na wala siyang ganung kwintas." Singhal sa akin ni Shan.

'Yun ang akala ko mali pala.

"Kung gusto niyo akong pigilan dapat ginawa niyo nalang hindi 'yung pinahuli niyo pa 'ko sa mga pulis. Muntikan pa akong maging magnanakaw dahil sa inyo. Muntik pa akong magkaroon ng criminal record." Singhal niya.

"Kung pinigilan ka ba namin magpapapigil ka?" Tanong ni Lexa.

"Kung sana'y hindi ka namin kilala." Saad ni Jake.

Iba ang ikinikilos ni Andeng ngayon. Good mood siya. Isang himala.

"Oo naman." Sagot niya.

Sagot niya na ikinagulat ng lahat. Ngumiti pa siya pagkasabi nun.

"Anong problema mo? Tinatakot mo kami." Sambit ni Jake.

"He's awake."

Sumilay ang mga ngiti sa labi namin dahil sa sinabi niya. Kaya pala ganito ang kapatid ko. Gising na pala si Andrei.

Good job Andrei.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Role   Epilogue

    Andrea"Oh, Moonlight. Kamusta?" Bati ni Ash."Ayus naman." Sagot ko.We do a fist bump and hug each other afterwards. Ganito kami magbatian, eh.Siya ang nakaisip ng kalokohan na 'to. Cool daw sabi niya eh alam ko namang tyansing lang siya, tss."Napadalaw ka yata?""Bakit kasi hindi ka pumasok?" Asar na tanong ko.Hindi sana ako pupunta dito sa bahay nila kung pumasok lang siya."Si Blaine kasi. Aalis sila mamaya kasama ang lolo at lola niya. Pupunta daw ng States kaya sinusulit namin ang araw hanggang tanghali." Sagot niya.Aalis din sila Blaine. Sana naman ay hindi ko kasabay sa eroplano 'yon. Baka magkaaway pa kami dahil nagpunta 'ko dito. Ayaw mag eskandalo sa loob ng eroplano."Bakit ka nga napadaan?" Tanong niya pa."Magpapaalam sana ako. Aalis na din kami mamaya,

  • My Role   Chapter 81

    AndreaAnniversary namin ni hagdan ngayon. Gusto niya na mag-celebrate kami kaya nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi ako makakapasok ngayon.Pinagbigyan ko na si hagdan sa gusto niya dahil hindi na namin na ce-celebrate ang monthsary namin dahil busy ako sa trabaho.Pangbawi ko na rin sa kaniya dahil wala akong oras na naibibigay sa kaniya."Hindi ganiyan." Natatawang aniya."Pa'no ba?" Tanong ko.Naglakagay kasi kami ng icing sa cake na binake niya. Bonding na naming dalawa ito kaya imbes na bumili ng cake ay nagbake nalang siya.Ako ang nakatalaga sa decorations kaso hindi naman ako artistic kaya hindi ko alam kung pa'no ba gagawing decor dito."Ganito oh." Kinuha niya sa akin ang icing.Siya na ang naglagay ng icing sa cake dahil hindi ko talaga alam kung pa'no. Hirap ng walang alam sa arts kung 'di ma

  • My Role   Chapter 80

    AndreaBinabantayan ko si papa habang si mama ay naghahanap daw ng pagkakakitaan. Kailanman ay hindi ko naisip na aabot kami sa puntong 'to na maging si mama ay maghahanap ng trabaho.Masyado na kaming nagigipit. Hindi ko na alam kung pa'no pa kami aahon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ngayon.Halos wala na ngang pahinga si mama. Naaawa na ako sa kaniya. Wala akong magawa kung 'di ang maawa nalang.Bakit kasi ganito? Bakit kailangan na umabot sa ganito?Ano bang ginawa ko at pati pamilya ko dinamay nila? Laban ay laban. Bakit kapag natalo sila ay pamilya ko ang pinuntirya nila?"'Pa?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil bigla nalang nag seizure si papa. "'Pa!""Nurse!" Pagtawag ko sa nurse."Anong nangyayari?" Tanong ng isang bantay."Tumawag kayo ng doctor! Bilis!" Utos ko.

  • My Role   Chapter 79

    ChanoHiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit."Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin."Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako."Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman

  • My Role   Chapter 78

    Andrea"'Ma, kamusta na si papa?" Tanong ko kay mama pagkabalik niya galing ospital.Hindi pa rin kasi nagigising si papa hanggang ngayon at nasa ICU pa rin. Sana nga ay magising na siya ngayon.Wala akong pake sa bills ng ospital ang kailangan ko ay magising si papa. Kahit na gaanong kalaki pa ang bayaran namin."Tulog pa rin, 'nak." Bakas ang lungkot sa boses ni mama habang sinasabi iyon.Hindi ko naman siya masisisi dahil asawa niya iyon. Mas matagal niyang kasama si papa kesa sa amin.Mas nahihirapan si mama kesa sa aming mga anak nila. Alam ko 'yon. Kaya wala akong magawa kung 'di ang yakapin nalang siya."Magiging okay din ang lahat, 'ma."Alam kong tinatatagan lang ni mama ang loob niya para sa amin. Gabi gabi kong naririnig si mama na nanalangin at umiiyak.Na trauma din siya sa nangyari sa kaniya

  • My Role   Chapter 77

    Alistair"They're here." Blake said looking at the entrance of the gymnasium.Napangiti ako ng makita ang tinutukoy niya. Sila Andrea kasama sila Lexa at Raia."Hi, girsl!" Bati ng teammates ko sa kanila.Kumaway sila Raia at Lexa samantalang si Andrea naman ay ngumiti lang ng bahagya sa kanila."How are you feeling?" I asked."Ayus lang." She replied and smiled at me."Pwedeng akin nalang 'yung isa?" Pabirong sabi ng isa sa mga teammates ko habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti.Mabilis kong inilagay si Andrea sa gilid ko saka siya sinamaan ng tingin."Who are you smiling at?" Tanong ko sa kaniya."Syota mo ba 'yan?""Yeah. So get off your from her if you don't want me to take it out from you.""Brutal mo, dre."Nagtawanan lang kami d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status