LOGINBonnie and Clyde. Friends to lovers. Lovers to strangers. Bonnie Angelou has always been in love with her childhood best friend; Clyde. She did so many unimaginable things just to keep him looking at her. Ayaw na ayaw niya kapag naagaw ng iba ang atensyon ng lalaki mula sa kanya. Kaya naman para siyang super glue kung makadikit dito para mabantayan at huwag maagaw ng iba ang minamahal. Lahat ng kalokohan, sasakyan niya. Lahat ng hiling, pagbibigyan niya. Pero sa huli, mukhang hindi pa rin sapat...
View More“Lagot sa akin ang bruha na ‘to pag hindi siya pumunta sa tree house mamaya,” bulong ko sa sarili habang tinatanaw si Arrie na nagwawalis sa gilid ng court kasama ang mga kaklase nito. Gusot-gusot nanaman ang uniform niya at buhaghag ang buhok. Hindi na ako nagtataka kung bakit laging itinatanggi sa akin ni Clyde kung may gusto ba siya kay Arrie.I mean… look at her. She’s such an eyesore. Gumanda at pumayat nga siya pero hindi pa rin siya ganoon karunong mag-ayos ng sarili.“Tara na, Bon. Baka nandyan na si Sir.” Hinigit ako ni Clarence sa braso para ayaing bumalik na sa classroom. Recess time kasi at dito namin sa basketball court ng school napagkasunduan magmeryenda.“Ano bang tinitingnan mo riyan?”“An ugly witch.” Bulong ko sa kanya at malakas siyang humagalpak nang makita ang tinatanaw ko.“Girl, mukha siyang hahabulin ng plansta.” Komento ni Clarence
Keep your friends close, and your enemies closer.Thursday noon after school when I decided to pay Arrie a visit in their old antique house. Katatapos lang magluto ni Mama ng paborito naming pasta kaya’t pasimple akong nagbalot para dalhan siya.Bitbit ang maliit na paper bag at notebook, nakangiti akong kumatok si pinto ng bahay nila. I’m silently praying in my head na sana ay hindi niya mahalata kung gaano kapeke ang galak sa aking mukha. It’ll ruin my plan! I need to act sorry and friendly to make this little theatric believable.Aling Pasing opened the door for me. Like the usual, halatang-halata nanaman ang mga wrinkles sa mukha nito dahil sa pagkakasimangot. Bihira ko lang ito makitang nakangiti o nakatawa. At iyon ay tuwing nakikita ko siyang nakikipag-tsismisan sa mga kapitbahay.“Magandang hapon po! I brought some pasta.” I happily showed her the paper bag. Tumango ang matanda at niluwangan ang pagkakab
It’s the final day of our short vocation kaya’t hindi magkamayaw sa kakabili ng souvenirs ang matatanda. Halos naka-limang paper bag si Mama habang hindi ko naman mabilang ang mga supot sa kamay ni Tita Madel. Puro mga t-shirt at key chains lang naman ang binili nila pero hindi ko alam kung bakit umabot ng ganoon karami.“Bon! Look at this…” Tinawag ako ni Clyde na nasa kabilang aisle. He showed me a beaded yin and yang bracelet. Isinuot niya sa akin ang kulay white habang nasa kanya naman ang black, pagkatapos ay nakangiti niyang pinagtabi ang mga braso namin.“This is cute. Come on, I’m paying for it.” Hinila niya ako patungo sa counter at ipinakita sa cashier ang suot naming bracelet. The old woman beamed at us.“Kayo bang dalawa ay magkasintahan?” Mahinahon at nakangiti nitong tanong sa amin. I chuckled awkwardly, pagkatapos ay sunod-sunod na umiling.“H-hindi po! Friends
Taranta akong bumaba ng tricycle pagkaparada nito sa harap ng gate ng bahay namin. Takot akong harapin ang hamon niya kahit ako itong nagsimula. Takot akong umamin at takot na takot akong malaman... na baka nag-iilusyon lang akong talaga at hindi naman ako ang pinapasaringan niya.Tumikhim ako at mag-aabot sana ng hati ko sa pamasahe pero mabilis nang umandar paalis ang tricycle. Clyde remains standing beside me, matiim ay naninimbang ang mga titig nito.Muli akong tumikhim. "P-pasok na ako sa loob. Thanks for today. Nag-enjoy ako..."Tumango ito, inihatid ako hanggang sa loob ng gate. "Huwag ka na ulit magka-cutting, Bon. Hindi ko na palalampasin sa susunod at talagang isusumbong kita sa Mama mo."Matipid lang akong tumango. Hindi ko na siya muli pang nilingon o inakit man lang na pumasok sa loob para magmeryenda, kagaya ng nakaugalian namin. Dire-diretso akong nagtatakbo papasok ng bahay at nakasalubong ko pa si Papa sa sala na may h
Tamad kong niligpit ang nagkalat na gamit sa aking desk. Kakatapos lang ng last subject at inaaya kong mag-mall si Clarence pero mukhang may sariling gala ang loka. Tinanong ko pa kung saan ang lakad niya pero tikom ang bibig nito sa akin. Napairap ako.“Saan ka ba kasi
Tuwang-tuwa ako nang sa wakas ay maka-graduate na ako ng elementary. Finally, makakasama ko na muli sa iisang school si Clyde kaya mas mataas na ang tsansa na palagi kaming magkita.Pansinin ako sa school simula nang mag-high school ako. Dumami ang aking kaibigan, naranasan k
Syempre, tamang charot lang ‘yon. After akong utuin ni Clyde gamit ang mga tig-pipisong paper dolls ay bumigay din ako. Pero syempre, mas nangibabaw ang charms niya. It only lasted for three days dahil hindi ko rin siya natiis. But, I still stand by my decision. Hanggang ngayo
“Clyde, paano pag sinumbong niya tayo sa lola niya? Nakakatakot magalit si Aling Pasing, para siyang mangkukulam-““Shh, ayan na siya,” Clyde hushed me off and my eyes shifted towards the girl we were spying on as we hid behind the huge bushes. The gir






Ratings
reviewsMore