Share

Chapter 19

CHRISTINE

Wala nang nagtangka pang magsalita pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon. Pansin ko ring medyo naiilang na si Kent. Lumabas na kami sa karaoke room at ngayon ay nag-iikot nalang kami sa mall habang tahimik lang siyang nakasunod sa akin.

"Uuwi na ako," sabi ko nang hindi na lumilingon sa kaniya. Agad naman akong lumayo sa kaniya dahilan para mapunta na ako sa katawan niya.

Gamit ang katawan niya ay agad na akong naglakad papunta sa kabilang direksyon. Narinig ko pang tinawag niya ako pero di na ako lumingon pa.

Nasa biyahe na ako ngayon pauwi sa bahay nila Kent sakay ang isang taxi. Tulala lang ako ngayon habang nakatingin sa mga nadadaanan ng sasakyan habang naguguluhan ang isipan ko ngayon. Hindi ko pa rin maiwasang mapaisip sa mga sinabi niya sa akin kamakailan lang.

Hindi ang mga binitawan niyang salita ang bumagabag sa akin ngayon. Ang bagay na totoong bumabagabag sa isipan ko ay kung ganon na nga rin ba ang nararamdaman ko para sa kaniya sa kabila ng maikling panahon na puno ng mga unbelievable experiences.

'Di ko na namalayang tulala na pala ako at natauhan na lang ako ng huminto na ang taxi sa gate ng subdivision. Agad ko rin namang binayaran yung taxi tsaka bumaba na. Maglalakad na sana ako papasok pero bigla na lamang may huminto na sasakyan sa tapat ko na mukhang galing din sa labas.

"Sakay na bro," napalingon ako at nakita kong si Kyle pala 'yon.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasakay ba ako o hindi. Sa totoo lang, pwede naman akong magpahatid dun sa taxi sa tapat mismo ng bahay pero pinili kong dito na lang sa entrance ng subdivision bumababa kasi gusto ko rin namang mag-isip isip habang naglalakad.

Pero sa huli ay sumakay na rin ako. Baka magtaka pa siya kung hindi ako sasabay sa kaniya. Pinili ko na lang manahimik sa sasakyan pero bigla niya akong kinausap.

"Kent?" tawag niya.

Napataas naman ako ng kilay habang nakatingin sa kaniya sa rear-view mirror.

"Matagal mo na bang kilala si Christine?" tanong niya dahilan para mabigla ako. Ba't niya biglaang tinatanong ngayon si Kent tungkol sakin?

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala naman. I just happen to know his late brother too," sabi niya dahilan para maalala ko kong kilala niya nga pala si kuya.

"Paano niyo nga pala siya nakilala kuya?" Tanong ko. Curious lang talaga ako.

"Kaklase ko kasi siya nung high school pero hindi naman kami masyadong close," sabi niya dahilan para mapatango ako. Sabi ko na nga ba. Mukhang magka-edad din kasi sila ni kuya Christian.

_

Malalim na ang gabi at pandandalian ako ngayong tumitingin sa newsfeed ko sa facebook. Patuloy lang ako sa pagscroll nang bigla kong makita ang post ni Kent 4 hours ago. Isang poker-face emoji ito na may katabing heart.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip ulit yung sinabi niya sa akin kanina. Damang dama ko ang hininga niya noong sinabi niya sa akin 'yon. Nasa tapat rin ng mikropono ang bibig niya dahilan para umalingawngaw ang mga binitawan niyang salita sa ere.

Hindi ko na pinansin ang post na 'yon ni Kent at akang aabante na sana ako sa pagscroll nang aksidente kong mapindot ang share button at mapindot ko pa yung public share. Agad akong pumunta sa timeline ko para sana idelete yung shared post na 'yon pero bigla pang nalowbatt yung phone ko.

Sh*t! Oo nga pala, 1% na lang ako nun!

Bigla tuloy akong kinabahan sa mga nangyari. I'm sure na hindi maniniwala si Kent na aksidente lang yun dahil dalawang buttons pa ang kailangan mong pindutin para maishare 'yon. Sadyang nagmomoist lang talaga ang palad ko ngayon.

Agad akong tumayo mula sa kama para kunin yung charger sa mesa pero katulad ng palaging nangyayari ay naghiwaga na naman ang mahiwagang aklat kaya agad na akong lumapit dito. Kung hindi ako nagkakamali ay ika-siyam na araw na ngayon mula nung nagkapalit kami ng katawan ni Kent kaya alam kong ika-siyam na araw na rin ang masusulat ngayon sa aklat.

Hindi nga ako nagkamali dahil nabasa ko na ngayon ang mga salitang Ika-siyam na araw. Pagkatapos ay unti-unti na ring nabubuo ang sktech na siyang hinihintay ako. Alam kong kami na naman ni Kent ang magiging laman nito. Kahit nga nung weekend ay nakikita ko pa rin ang ginagawa ni Kent kasi nahati sa dalawa yung pahina at kami pa ring dalawa yung nasa sketch kahit magkalayo kami.

Nakatitig lang ako ngayon sa sketch na unti-unti nang nagiging klaro. Lumaki na lamang ang aking mga mata at halos pumutok na ang aking puso sa lakas ng tibok nito ng makita ko ang scene na pinagtapat sa akin ni Kent na gusto niya ako.

_

Mabilis na lumipas ang mga araw at Huwebes na ngayon. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nung magtapat sa akin si Kent at eksaktong 1 week nalang ay performance ko na sa instrumental solo competition niya. Sa tatlong araw na yun ay walang masyadong nangyari. Hindi rin kami nagkikibuan ni Kent. Sinubukan niya naman akong iapproach pero kusa ko siyang nilalayuan. Hindi sa naiinis o nagagalit ako sa kaniya dahil sa pagtatapat niya pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naiilang lang talaga ako sa kaniya.

Sa tatlong araw ding 'yon ay hindi ako nakabalik sa katawan ko kasi hindi rin naman kami nagkasama ni Kent. Narealize ko rin tuloy kung gaano ka weird ang lahat at tila ba imposible ang mga nangyayari sa tuwing wala siya sa tabi ko.

Pinapasulat lang kami ngayon ng essay sa history class at maaga naman akong natapos kaya nagcellphone na muna ako ngayon sa upuan. Nagtaka pa ang mga kaklase ni Kent kasi ang bilis ko raw natapos pero hindi ko nalang sila pinansin pa at nagpatuloy nalang ako sa paggamit ng cellphone.

Nanunuood ako ngayon ng mga online piano tutorials. Kahit not in good terms kami ni Kent ngayon, at kahit palagi kaming hindi magkasama ngayon, hindi ko naman pwedeng bawiin ang pangako ko na magpeperform ako para sa kaniya.

Mabilis naman na natapos ang klase at ngayon ay bigla ko na lang naisip na pumunta sa music room para magpractice. Wala naman siguro si Kent ngayon doon at baka sinundo na siya nina mom at dad.

Agad naman akong dinala ng mga paa ko roon at agad na din akong pumasok. Pero sa di inaasahan ay nakita kong bukas pa rin ang mga ilaw. Nagulat pa ako nang makita kong naka-on pa rin ang aircon kaya ibig sabihin may tao pa sa loob.

Pero ang mas lalong ikinagulat at nagpatibok ng malakas sa puso ko ay nung marinig ko ang napaka pamilyar na musika na ngayon ay umaalingawngaw sa buong silid. Ang musikang nagdulot sa akin ng tawa at iyak. Ang musikang nagdulot sa akin ng galak at lungkot.

Hindi ko na namalayang unti unti na palang tumutulo ang aking mga luha ng mapagtanto ko kung ano ang musikang patuloy na tumutogtog ngayon. Unti unti akong lumapit sa piano kung saan nagmula ang musika dahilan para makita ko si Kent na siya palang tumutugtog ngayon. Nang makita niya ako ay nagulat siya kaya agad din siyang tumigil at tumayo. Lumapit siya sakin dahilan para magkapalit na kami ng katawan.

"Amore Desiderato," sabay naming tugon ni Kent. Hindi ko alam pero mas lalo na akong naiiyak ngayon. Magkahalong tuwa, lungkot, kaba at pag-asa ang dumadaloy ngayon sa buong katawan ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang ang sarili kong nakakulong na sa mga braso ni Kent. Yakap yakap niya na ako ngayon at nanatili kami sa posisyong ito ng iilang segundo hanggang sa siya rin na rin ang kusang bumitaw.

"Naaalala mo pa ba nung sinabi ko sayo na may ipaparinig ako sayong kanta?" Tanong niya dahilan para maalala ko yung araw na balak niya sanang iparinig sa akin ang isang kanta mula sa gitara niya.

Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Ipaparinig ko sana sayo noon ang guitar rendition ko ng kantang ito ng kuya Christian mo," sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya ngayon sa gulat. "Unfortunately, ang piano rendition ko ang una mong narinig ngayon," sabay niya sabay ngiti.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ngayon sa mga sinasabi niya. Dati pa niya sinasabi sa akin na idolo niya raw si kuya noon sa music school pero hindi ko lubos maisip na matagal niya na palang gustong iparinig sa akin ang kantang iyon ni kuya. Ang Amore Desiderato o desired love.

Magsasalita sana ako para humingi ng patawad sa kaniya kasi hindi ko siya pinansin ng tatlong araw pero naunahan niya ako.

"Christine," tawag niya sa pangalan ko dahilan para mapatingin ako sa seryoso niyang mga mata. "Hindi ko naman hinihiling na gustuhin mo din ako. Ang hiling ko lang ay sana, bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita at maipadama sayo kung gaano ako kasaya sa tuwing nakikita. Kung gaano ako kasaya sa tuwing nakakasama kita. Kung gaano kalakas ang kaba ko sa tuwing niyayakap kita, sa tuwing nahahawakan kita. Ang hiling ko ay sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maipadama sayo kung gaano kita kagusto," tugon niya dahilan para tuluyan ng bumigay muli ang mga luha ko.

At kasabay ng bawat patak ng aking luha ay ang bawat tibok rin ng aking puso na tila ba gustong isigaw ang nararamdaman ko ngayon.

"Gusto din kita," tugon ko at agad siyang niyakap dahilan para yakapin niya rin ako pabalik. At sa ngayon ay alam ko na kung bakit hindi na maawat ang aking mga luha sa pag-iyak. Ito ay hindi dahil sa lungkot o pagkamuhi. Ito ay dahil sa tuwang nadarama ko dahil sa wakas ay naipahayag ko na rin ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status