Magkahawak-kamay at sabay na tumatakbo sina Mara at Andrew. Habang naiwan namang mag-isa si Robin at napatakbo na lamang siya sa ibang direksyon.
"Andrew!" sigaw nung mga babaeng humahabol sa kanila.
"Doon kayo kay Robin at kami naman ang bahala kay Andrew." Utos ng maala-lider sa kanilang grupo. Kasalukuyang hinahabol si Robin ng apat na babae habang tatlo naman ang kay Andrew.
"Sandali, sino ba yung tinatakbuhan natin?" usisa ni Mara sa binatang kasama niya.
"Stalker!" tugon nito sa kaniya sabay hinila siya sa loob ng isang horror booth.
Pagkapasok nila sa loob ay halos napakapit ng mahigpit ang dalaga sa braso nito at takot na takot siyang nakadikit sa binata.
"Pwede bang lumabas na lang tayo ulit?" nangingi
"Bro! anong nangyari diyan sa mata mo?" tanong ni Cris kay Robin habang naglalakad ito papasok sa loob ng classroom nila. Sandali naman siyang natigilan at napatingin kay Andrew na tahimik lang nagbabasa ng libro sa upuan niya. Nilapitan niya ito at saka hinagis sa kung saan ang librong hawak nito. Nagulat naman ang lahat at napalingon sa kanilang dalawa. "Bro, ano ba ang ginagawa mo?" tanong ni Cris sa kaniya habang inaawat siya nito at hinahawakan sa braso, ngunit tinataboy lamang siya ng binata habang galit na galit itong nakatingin kay Andrew. "Damputin mo yung libro." Mahina at mariin na saad naman ni Andrew sa kaniya. "Inuutusan mo ba ako?" aniya sabay yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa binata. "Damputin mo 'yon sabi." Muling utos nito sa kaniya na magkasalubong ang dalawang kilay. Kaagad namang pinulot ni Cris ang libro nito at syaka inilapag sa arm chair niya pero muli lang itong inihagis ni Robin.
(Mara's POV) It was my first kiss. Ang pangarap kong mahalikan ng isang mighty Andrew Herras ay bigla na lang natupad sa iglap. Mahigit dalawang taon ko na siyang crush. Halos punong-puno nga ng mga litrato niya ang loob ng aking kwarto. Kahit saang sulok ka man lumingon o tumingin, puro mukha niya ang mga nakadikit. Simula sa pintuan, pader, kumot, unan at kung saan-saan pa, everything is all about him. Ganoon ako kapatay na patay sa kaniya. Halos kulang na nga lang ay pati mga panty ko ay ipalagyan ko na rin ng mukha niya. Kaya madalas din akong nababatukan ng tatay ko dahil raw sa kaharutan at kalandian ko sa lalaking hindi naman daw ako kilala. Samantalang, supportive naman sa akin ang mama ko dahil type din niya si Andrew, i mean nagagwapuhan din siya para daw siyang isang modelo. I admit it, tama siya sa puntong iyon. Higit pa sa isang modelo ang hitsura niya sa personal. Para siyang isang bidang bampira sa mga hollywood movi
"Nice!" sigaw ni Robin habang pinapalakpakan niya si Mara na hindi man lang maka-shoot ng bola sa ring. Huminto siya sandali at inihagis ang bola sa pilyong binata. "Bakit?" nakangising aniya sabay umupo iti sa sahig. "O bakit? suko ka na kaagad?" saad pa niya, sabay tumayo na ito at lumapit sa dalaga. "Kung suntukan lang 'yan, paniguradong mas nakakalamang na ako sa'yo ngayon." Tugon niya pero ningisian lang siya nito. "E 'di kung gano'n subukan natin." Pagkasabi niya ay napaangat naman ng ulo si Mara at nakatingin sa kaniya. "Nagbibiro ka lang hindi ba?" "Akala ko ba doon ka mas magaling?" "I mean, hindi ka ba magsisisi sa desisyon mong 'yan?" "Well, sasagutin ko lang 'yan kapag nakita ko ang resulta." Aniya at bigla siyang sinungaban ng sipa sa paa ng dalaga pa-slide, kung kaya't mabilis na natumbas si Robin sa sahig. "Sabi ko
Makalipas ang dalawang linggo, Andrew and Mara are officially dating. Halos nawala na lang bigla ang isyung kumakalat tungkol kina Mina at Andrew magmula noong i-announce at i-post ng binata sa f******k account niya ang litrato nilang dalawa ni Mara na masayang magkasama, habang magkahawak ang kamay. Nakarating rin naman kaagad kay Robin ang tungkol sa pagdidate ng dalawa. Kaya halos isang linggo rin siya hindi nakapasok sa klase nila. Pakiramdam niya ay nawawasak lamang ang puso niya sa tuwing nakikita o nakakasalubong si Mara. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi niya akalain na magkaka-ayos din kaagad ang dalawa. Balak pa naman sana niyang ligawan ang dalaga at anyayahin itong makipag-date sa kaniya, kung sakaling natalo niya ito nuon sa dare nila. Pero sa kabilang banda ay naisip din niya na kahit magtapat pa siya ng pag-ibig kay Mara
"Oh my goodness! hindi ba't si Mara at Andrew iyon?" "So, totoo nga ang kumakalat na may relasyon silang dalawa?" "Totoo bang sila na?" "Ang akala ko ba si Mina ang girlfriend niya? anong nangyari at bakit biglang si Mara pala ang nobya niya?" Samu't-sari ang bulong bulungan at panghuhusga sa paligid nilang dalawa habang naglalakad sila sa loob ng campus na magkahawak kamay. Hindi naman mapakali si Mara at panay lang din ang pagyuko ng ulo nito. "Huwag mo silang pansinin. As long as i'm here, no one can hurt you." Mahinang batid sa kaniya ng binata. Ngumiti lang siya ngunit hindi pa rin naging panatag ang kalooban niya, dahil sa mga matang nakatingin sa kanilang dalawa. Hinawakan naman siya nang mahigpit sa kamay ni Andrew upang mabawasan
Nakapagtapos na sa high school sina Andrew at Mara. Bitbit ang malawak na pag-ngiti sa kanilang labi habang nakasuot silang togang puti at diplomang hawak sa kanilang kamay. Si Andrew naman ay pinarangalang valedictorian ng kanilang school. Nagbigay rin siya ng kaunting speech para sa isang karangalang kaniyang natagumpayan at siyempre parte si Mara sa mga naging inspirasyon niya upang kayanin ang bawat pagsubok na iyon. Napaluha na lamang sa saya ang nobya at pumapalakpak sa kaniyang kamay. Pagkababa ng stage ay kaagad siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Gumuhit din naman ang matamis na pag-ngiti sa labi ng binata at saka niya marahang hinalikan sa labi ang nobya nito. Nagsihiyawan at nagsipalakpakan naman ang mga kamag-aral nilang nakasaksi sa pag-iibigan ng dalawa. Maging si Robin ay napangisi na lang at napaakbay sa balikat ng bago niyang kasintahan na si Sam. Habang nasa bandang likuran naman si Mina at t
ETHAN'S POV I met a strage girl in my school. "Psst! kuya, puwede ba akong humingi ng pabor sa'yo? ang totoo kasi niyan. Nakalimutan kong dalhin yung wallet ko kanina. Hindi pa kasi ako nakakapagbayad dito sa jeep, puwede bang manghiram muna ako sa'yo ng bente? tutal parehas naman tayo ng school na pupuntahan, babayaran na lang din kita kapag nakuha ko na yung wallet ko. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatakbuhan." Ang sabi nung babaeng nakatabi ko sa jeep. Nakasandal lang ang ulo ko sa may bintana, habang nakapikit ang mga mata at may nakasalpak na earphone sa aking tenga, ngunit wala namang tumutunog na musika. Gawain ko talaga iyon sa tuwing sumasakay ako ng jeep. Ayaw ko kasi sa lahat ay yung inaabutan ako ng bayad at sukli ng mga pasaherong sumunod sa akin. Madalas din akong umupo at sumakay sa pinakadulo ng jeep, para makaiwas sa pag-abot at pagbigay ng bayad pero sa araw na iyon ay tanging sa gitna lang ang may espasyo, kung kaya't doon
ETHAN'S POVI met a strage girl in my school."Psst! kuya, puwede ba akong humingi ng pabor sa'yo? ang totoo kasi niyan. Nakalimutan kong dalhin yung wallet ko kanina. Hindi pa kasi ako nakakapagbayad dito sa jeep, puwede bang manghiram muna ako sa'yo ng bente? tutal parehas naman tayo ng school na pupuntahan, babayaran na lang din kita kapag nakuha ko na yung wallet ko. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatakbuhan." Ang sabi nung babaeng nakatabi ko sa jeep.Nakasandal lang ang ulo ko sa may bintana, habang nakapikit ang mga mata at may nakasalpak na earphone sa aking tenga, ngunit wala namang tumutunog na musika.Gawain ko talaga iyon sa tuwing sumasakay ako ng jeep. Ayaw ko kasi sa