MasukTasya Point of View
Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Paano ay nasa tabi ko lang ito at nakatulugan na kagabi sa pag-scroll. May sinusundan akong baguhang artista sa i***a na guwapo kaya napuyat ako. Nagpapansin lang naman ako kaka-love emoji sa mga post niya. Single daw at ready to mingle kaya naman malakas ang loob kong magpapansin. Gusto ko pang matulog dahil wala naman akong trabaho. Hinayaan kong mag-ring hanggang sa mapagod kung sino man ang tumatawag. I go back to sleep, muli akong pumikit pero ang lintik! Muling nag-ring iyon. "Sino ba ito!" Padarag kong kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino iyon. Number lamang at hindi ko kilala. Papatayin ko na sana iyon nang makarecieve ako ng text galing sa numerong tumatawag. 'Tasya, please take my call. It's Trisha' Napakunot noo ako kasabay ng pagbulusok ng matinding damdamin. Galit at hinanakit na hanggang ngayon ay dala-dala ko. Ang tagal na ng panahon. Bakit kinokontak niya ako ngayon? Mahigpit kong nahawakan ang telepono ko. Kinalimutan ko na sila. Bakit sumusulpot siya ngayon sa buhay ko? Nakakainis! Trisha is my sister. My father's favorite daughter. Iniwan ako ng ama ko sa magulang ng aking ina sa probinsiya nang maghiwalay sila. Dinala ni Papa si Trisha kahit nakikiusap akong gusto ko din na sumama sa kanila. He ignored me. Isa lang daw ang dapat niyang isama kaya si Trisha iyon. Nararapat daw ako sa probinsiya. Kaya ganoon na lamang ang galit ko sa kanila. Kaya ganoon din ang ginawa ko. Kinalimutan ko sila. Hindi ko sinabing nasa Manila na rin ako. Bakit pa nila kailangang malaman. Nagkalimutan na kaming lahat. It's been how many years? Almost ten years nang iwanan nila ako! Tinuloy kong pinatay ang cellphone ko. Wala akong paki sa kaniya. Ang ipinagtaka ko lang ay kung paano niya nalaman ang numero ko. Hindi ko alam pero iisa lang ang nais ko, they will leave me alone. Never contact me again. Ayaw kong magkaroon muli ng ugnayan sa kaniya o sa aming ama. Dahil tuluyan ng nagising ang diwa ko dahil sa inis ay minabuti kong bumangon na lamang. As usual, wala akong suot na kung ano kundi panty lamang. Kaya pagkalilis ng kumot sa katawan ko ay lumantad agad ang kahubaran ko. Okay lang, mag-isa lang naman ako sa apartment ko at tiniyak kong sarado ang mga bintana ko para walang makakita. Naglakad ako papunta sa banyo. I saw my reflection in the mirror. Gulo ang maikli kong buhok na hanggang teynga lamang ang haba. Pinaputulan ko iyon last week dahil gusto kong maiba naman ang awra ko. But then, mas lalo lamang naman daw naging fierce ang dating ko. Which I always portray during photoshoots. My body has this perfect shape, too. Paano ay alaga sa diet at ehersisyo. I'm doing intermittent fasting. Nasisira nga lamang iyon kapag may inuman o party. But still, inaalagaan ko ang sarili ko at katawan sa healthy food and exercise. Puhunan ko ang katawan ko. Nagsepilyo ako at naghilamos. After that, ay nagbihis na ako ng leggings at sports bra. Gusto kong magyoga sa labas. Sa terasa. Naglakad ako para kunin ang exercising mat sa likod ng pinto. Dala na iyon nang lumabas ako sa sliding door papunta sa terasa. Doon ay inilatag ko ang mat . May sikat na ng araw ngunit sa banda roon ay malilim pa. Tamang tama pa para sa pagyo-yoga ko. Nasa posisyon na ako nang marinig ko naman ang sunod-sunod na doorbell. Napairap ako sa hangin. I hate it when someone is interrupting what I'm doing. Nakakainis! Padarag akong tumayo para pumunta sa pinto. Nakapameywang na ako nang mabuksan iyon at handa na rin ang nakakamatay kong mga mata dahil hindi ko nagustuhan ang paggambala sa akin. "What?!" asik ko. Ngunit napatda rin nang makaharap ko kung sino ang nasa pinto ko. Ang babaeng nakatayo ngayon sa harap ko ay halatang sopistokada. Magara at mahahalata agad na ang kasuotan ay mamahalin and signature items. Katulad ng dati, ipinapamukha ng awra niya ang kaibahan naming dalawa. That she is special. Na nakakaangat pa rin siya sa akin sa anumang bagay. "Tasya..." tawag niya sa pangalan ko. Natigilan ako kaya hindi ko agad napagsarhan ng pinto ang nasa harap ko. Si Trisha na kapatid ko. Pero noong tawagin niya ang pangalan ko sa kauna-unahan beses sa mahabang panahon simula noong umalis sila ay labis na nagpabugso sa galit ko. I want to slam the door to her face pero maagap siya. Napigilan niya agad iyon sa pamamagitan ng kanyang katawan. "Please, I really want to talk to you," pakiusap niya. Natawa ako. Humalakhak akong parang baliw at puno ng pang-uuyam. For the first time, siya ang may kailangan sa akin! Wow ha! Ano na naman kaya iyon? Dalawa lamang kaming magkapatid sa aming ina at ama. Mas panganay siya sa akin. Lahat ay nasa kanya na. Kagandahan, kabaitan at talino. Ayon iyon sa aming ama ha! Hindi pa nga yata ako kumalahati sa meron siya. Iyon ang palaging ipinapamukha ng aming ama sa akin. Paborito nga naman niya kasi si Trisha. Kaya nga noong umalis ito ay si Trisha ang piniling dalhin..Kaya natatawa ako ngayon dahil himalang si Trisha ang may kailangan sa akin ngayon. Balita ko ay nakapag-asawa si Trisha ng anak mayaman. May invitation letter nga kaming natanggap noon pero hindi ko dinaluhan. Para ano pa? Para ipamukha sa akin na nakatamo na naman siya ng achievement sa buhay? Sigurado, proud na proud ang ama namin dahil ang paborito nitong anak ay ikinasal sa isang mayaman. Ni hindi ko nga nagawang silipin ang mga pictures nila sa internet. Gagawin ko lamang bitter ang sarili niya. Para ano, para ipamukha ko na naman sa sarili ko na buti pa siya mala-fairy tale ang love life samantalang ako, niloko na, iniwan pa. "Leave! Ano man ang gusto mong sabihin, wala akong oras makinig! Kaya umalis ka na," sabi kong hinawi ang kamay niyang nakaharang para pigilan ang pagsara ko sa pinto. Wala siyang nagawa nang pagsarhan ko siya. I don't really care. Wala akong kapatid at walang pamilya. Ang tanging pamilya ko ay ang naiwan ko sa probinsiya. Sila lang. Kaya nga nagtatrabaho ako rito sa Maynila para mabigyan sila ng mas maayos na buhay kahit nasa probinsiya. Nagawa kong patayuan sila ng bahay na bato. Hindi na sila nag-iigib sa poso dahil de kuryente na ang kuhanan ng tubig. May kuryente na rin kami roon at hindi na napuputulan kapag hindi nakabayad. Salamat sa pakikibuno ko rito sa Maynila. Napaginhawa ko ang buhay nila. Ng ako lang! Walang tulong galing sa kanya o sa aming ama! Kaya bakit ko siya pakikinggan. Kailangan niya ako? Nakakatawa! Anong gusto niya sa akin? Anong wala siya na meron sa akin? Nagpatuloy ako sa mga daily routine ko. Nang hapon na ay nagpasya akong i meet sila Kyle para pag-usapan ang next lay out ng magazine. Ni-meet nila ang suppliers ng mga underwears na pinopromote namin to finalize the contract. Tapos larga na kami ulit. This time, we like to go international kaya nga sa Japan namin gustong mag-shoot. Suot ang maikling pencil cut na palda kapares ang crop top white blouse ay sinipat ko muna ang sarili sa salamin. Nang makitang maayos na at daring na ang ayos ko, for I want the boys to drool over me ay lumabas na ako sa bahay. Para lamang magulat ulit at mainis at the same time. "Tasya..." Napairap ako at hindi maitago ang iritasyon. Really? Naghintay ang pinakamamahal nilang prinsesa sa akin para lang makausap ako? Hapon na. She literally waited for me outside? "Ang kapal din ng mukha mo ano? Nabobo ka na ba para hindi makaintindi?Ayaw kong makausap ka o magkaroon man lamang ng uganayn sa iyo! Please Trisha, maawa ka sa sarili mo!" Imbes na magalit sa mga pinagsasabi ko ay mas lalong nilukuban ng lungkot ang mukha niya. Lalo akong nairita. Nasaan na ang dating Trisha na kapag kami lang ay palaban at ipinapamukha sa akin na siya ang paborito at nakakaangat sa akin. Nasaan na ang Trisha na kapag walang ibang tao ay ang baba ng turing sa akin. Asan ang Trisha na mapagmalaki? Bait-baitan sa iba pero sa sarili niyang kapatid ay hindi niya magawa noon. Hinawakan niya ako sa kamay ko. Nanlalamig ang palad niyang nakahawak sa balat ko. It's kind of cold right now. Dahil sa low pressure na paparating. Talagang naghintay siya ng matagal just to talk to me? Kung hindi rin lang gaĝa! "Please, pakinggan mo muna ako, Tasya. You are my only hope. Balita ko, nangangailangan ka ng malaking halaga, I can give you that, tell me how much? Just help me, please!" Nagtiim bagang ako. Tumalim ang titig ko sa kanya. Hinila ko ang kamay ko para iwanan siya. Hindi pa pala siya nagbago. How much? Gagà! "How much, Tasya? One million? Two, five? Name it!" bulalas niyang nakapagpatigil sa akin. Mas gaga pala ako. Narinig ko lang ang presyo ay nagawa ko siyang harapin. "Ten!" sabi ko. Nagulat siya. Ngumisi lamang ako. Now what? Hindi niya ba kaya?Tasya's Point of View Tuluyang nawala ang tapang sa sistema ko. Humagulhol ako habang naririnig ang iyak ni Tyrone at hinahanap ako. Pilit naman siyang inaalo ni Nanay Flora mula sa naririnig ko. Sinubukan kong pigilan ang iyak. Nagpakatapang muli. "Nay, pakibigay po ang telepono kay Tyrone..." Halos pumiyok na ika ko. "Nanay, saan ka na po?" Bungad pa lang na salita ni Tyrone ay talagang dinurog na ang kalooban ko. Paano ko natiim na huwag siyang makita? Napakasama kong ina. "Nanay uwi ka na po..." tila pakiusap niya. Humihikbi pa dahil kagagaling lang sa iyak."Yes, honey. Uuwi ang nanay. Hintayin mo ako ha? Uuwi na si Nanay..." sabi ko. Hindi lang durog ang puso ko kundi halos napira-piraso ng pino. Napakabata pa niya para maranasan ang ganito. Pero anong magagawa ko? We need to survive."Pangako po?"Napatutop ako sa aking bibig. Mangangako na naman ako ng isang bagay na hindi ko matutupad. I'll break the heart of my little angel. Broke na nga iyon ngayon. Hindi lang si Ta
Tasya's Point of View Humigpit ang hawak ko sa manibela. Walang tugon si Dominic. Gusto kong kaawaan ang sarili ko. Bakit pa ako nagtanong kung obvious naman kasi talaga ang sagot. Hindi na ako natuto. Gaya ng iba. Hindi ako ang pipiliin niya. Kaya tama lang ang desisyon ko na huwag sabihin ang totoo.Pero imbes na kaawaan ang sarili ay kunwaring natawa na lang ako."Don't mind me. Nag-e-emo lang ako. Sanay akong mag-isa kaya okay lang kahit sabihin mong hindi mo ako pipiliin..."ika ko. Kunwaring masaya. Naglagay na enerhiya sa aking pananalita. Lumingon ako sa kaniya. Nakatitig pa rin siya sa akin kaya ngumiti ako."You look pale, gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Pag-iiba ko sa usapan. Umiling siya. Muling bumaling sa labas ng bintana kaya tumutok na muli ako sa kalsada. Kahit sa loob ko, parang dinudurog ang kalooban ko.I have learned to drive dahil kailangan when I work as a model at kapag umuuwi ako sa probinsiya. Nagkaroon din naman ako ng sasakyan na luma pero hindi d
Dominic's Point of View"Where am I?" anas ko nang magising. Mabigat ang pakiramdam ng ulo ko nang bumangon kaya napasapo ako doon. "Take a rest, hijo. Nawalan ka ng malay kanina kaya pinagtulungan kang dalhin sa dati mong kuwarto. How are you feeling?"Bumaling ako kay Papa na siyang nagsalita. Nakahalukipkip siyang nasa may bintana. Na para bang hinihintay akong magising. Nakatanaw siya doon. Hindi lumilingon sa akin."Dominic..." Humarap siya sa akin. "Please, intindihin mo ang iyong Mama. She's still hurting sa pagkawala ng kakambal mo..."Kumuyom ang kamao ko. Kahit sinabi niyang magpahinga muna ako ay hindi ko na magagawa pa. Hindi man magsalita si Papa, alam kong sinisisi rin niya si Trisha.Tuluyan akong bumangon at bumaba sa kama."And so was I, Pa..." ika ko. "Dominic, alam natin ang totoo. Your mom, she's doing this as a coping mechanism. Si Trisha—""Pa! It's been a while! Ilang taon na ang nakalipas. And it's Romnick who did this to himself..." argumento ko. "Walang n
Dominic's Point of View Mabilis ang pagpapatakbo ko. Ipinagpasalamat ko dahil hindi umangal si Tasya noong hilain ko siya para sumama sa akin. Ni wala na nga akong pakialam kahit makita pa siya ni Mama. Makilala siya nito. Hindi ko din naman maililihim ang kaugnayan ni Tasya kay Trisha.I know Mama will get more angrier kapag makikita niyang muli si Tasya. Like adding fuel to the fire. Pero wala na akong magawa pa. Nagsanga-sanga na ang aming mga landas. And it's because of me. Nakarating kami sa mansiyon."Let's go," ika ko kay Tasya. Alam kong hindi siya bababa hanggang hindi ko siya niyayaya. Kahit na nagmamadali na ay pinagbuksan ko pa rin siya ng pinto ng sasakyan. "Tasya..."Matalim lamang niya akong tinitigan. Galit pa rin siya sa akin."Hindi ko sasabihing kaawaan mo ang kapatid mo, Tasya. I just want you to see how my mom treats her. She needs you, bilang kakampi..."Bumaba siya. Muli kong hinawakan ang kaniyang kamay at pasugod na pumasok sa bahay."Senyorito." Agad akong
Dominic's Point of View "Where are you going?" Pinigilan ko si Trisha dahil papaalis na siya. Nakabihis siya ng itim. Nakasunglass at handang handa na. "You don't need to do this, Trisha..." ika ko. Iyon lang ang tangi kong magagawa.Binaba niya ang sunglasses na suot niya para tumitig sa mga mata ko."It's his death anniversary, Dom..." aniy. Alam ko. Hindi ko naman iyon nakakalimutan kahit kailan.Kumuyom ang kamao ko. Ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses ni Trisha. Ang mga mata niya, halatang galing sa pag-iyak. May takot din na mababanaag sa kaniyang mga mata. Pero pilit siyang nagpapakatatag."I know. Pero...hindi mo na kailangan pang gawin ang mga iyan, Trisha..."Mapait siyang ngumiti. Hinaplos niya ang mukha ko. "Kilala mo ang Mama mo, Dom."Napapikit ako habang dinadama ang haplos niya sa pisngi ko. "It's not your fault, Trisha. Kaya huwag mo ng gawin ito para kay Mama..." anas ko. Biglang yumakap sa akin si Trisha. "Sinisisi niya ako sa lahat ng nangyari, Dom. Alam natin
Tasya's Point of View Sino ang kaulayaw ni Trisha noong madaling araw?Napaisip ako. Hindi ako puwedeng magkamali sa narinig. Alangan naman na nananaginip lang ako eh hindi nga ako natulog.Kahit mainit ay humigpit ang pagkakahawak ko sa kape habang napapaisip pa rin. "Morning..."Nang biglang may bumati mula sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Fernando iyon. Pupungas-pungas pa siya na tila kagigising lang. "Lilia, pagtimpla mo ako ng kape, please. Iyong matapang. I'm so tired. Didn't get enough sleep..." aniya na humila agad ng upuan at naupo.Mataman akong napatitig kay Fernando. Papikit pikit pa ang kaniyang mga mata na tila inaantok pa talaga. Ni hindi nga nagawang suklayin ang buhok niya. Napansin ko din na may kalmot siya sa bandang leeg. Like he was in a war for the whole night.Pinag-aralan ko siya. Hindi kaya?Ipinilig ko ang aking ulo sa masamang isipin. Sa dudang nagsusumiksik sa utak ko. Imposible. Paanong magagawa ni Trisha kay Dominic ang ganito? Si Fernand







