My Husband Betrayed Me… Now He Wants Me Again!

My Husband Betrayed Me… Now He Wants Me Again!

last updateLast Updated : 2026-02-12
By:  Rara MOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Anim na taon na ang nakalipas mula nong magpakasal si Amelia kay Dante. She devoted herself to her husband and their daughter, Clara. Tiniis niya ang malamig na pakikitungo nito sa kaniya dahil naniniwala siyang mamahalin siya nito pabalik. Pero nagbago ang lahat ng natuklasan niya ang tinatago nitong sekreto. He has a mistress… living abroad. Habang pinapanood ni Amelia ang kanilang anak sa malamig na operating room ay nagdaraos naman ang asawa niya kasama ang ibang babae dahil nanalo ito ng isang international award. Dito niya na-realize na ang lahat ng kanyang sakripisyo at pagmamahal ay para lamang sa wala. Kaya naman nagdesisyon siyang pirmahan ang divorce paper. Hinawakan niya ang kamay ng anak at iniwan si Dante. Lumipas ang ilang taon at nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. She’s not just a housewife anymore, she became a well-known personality in medicine. Ang kanyang mga research ay nai-publish sa mga prestihiyosong journals, at marami siyang natamong international awards. Nagniningning siya sa publiko at sa wakas ay binigyan niya ang sarili ng pagkakataong maging masaya at malaya. And just when she thought she had everything under control… biglang dumating si Dante. Lumuhod ito sa harapan niya at hinawakan ang kaniyang kamay. “Amelia… Please don’t leave me.” This time, it was his turn to beg.

View More

Chapter 1

Chapter 1 

Chapter 1 

“Ano bang ginagawa mo, Dante Moretti? Sagutin mo ang tawag ko. Our daughter needs you…” 

Kanina pa tinatawagan ni Amelia ang asawa niyang si Dante pero walang sumasagot sa kabilang linya. Hindi siya mapakali habang nanginginig sa lagnat ang anak nilang si Clara sa kaniyang bisig. Halos magdeliryo na ang anak niya habang paulit-ulit na umiiyak.

"Daddy… gusto ko si Daddy…"

Lalong kinabahan si Amelia kaya agad siyang bumaba ng hagdan bitbit ang anak. 

"Manang Linda! Manang Linda!” sigaw niya.

Mahigpit ang pagkakayakap niya rito habang dinadama ang init ng katawan nito.

“Bakit po, Madam?” tanong nito habang tumatakbo papalapit sa kaniya.

“Pakihanda ho ng kotse, pupunta na tayo sa ospital," nagmamadali niyang sabi.

Napatingin ang matanda sa kanya at sa batang nanginging sa kaniyang braso.

"Madam, hintayin na lang po natin si Sir?" alinlangan nitong tanong. “Baka magalit si Sir kapag umuwing wala kayo rito.”

"Hindi iyon uuwi ngayon." Umiling si Amelia. “Inaapoy na ng lagnat ang anak ko, hihintayin pa ba natin siya?”

Alam niya kung nasaan ang asawa niya ngayong gabi. Sigurado siyang hindi ito uuwi hanggang hindi tapos ang celebration ng birthday ng babaeng tunay nitong mahal. 

Mas malamig pa sa ulan sa labas ang pakiramdam niya habang yakap ang anak na halos magliyab na ang katawan sa taas ng lagnat habang ang ama nito ay mas piniling ipagdiwang ang kaarawan ng ibang babae. Nagngitngit ang ngipin niya sa galit.

Wala ka talagang puso, Dante!

"Wala ka talagang puso, Dante," mahina niyang sabi habang pinipigilan ang panginginig ng boses.

Napadaing si Clara sa mga bisig niya. "Daddy…"

Napapikit si Amelia at pilit ngumiti sa anak kahit kumikirot ang dibdib niya.

"Pagaling ka muna, baby. Pupuntahan ka ni Daddy mamaya," malambing niyang sabi kahit alam niyang nagsisinungaling siya.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan papuntang ospital. Dahil sa sobrang kaba, halos sagad na ang tapak niya sa accelerator nang biglang may kotseng mabilis na sumingit sa harap nila. Binuksan niya ang hazard lights para magbigay babala rito pero dire-diretso pa rin ang sasakyan sa kanila.

"Madam, ingat!" sigaw ni Manang Linda.

Sa gulat ay agad niyang ikinabig ang manibela kaya sumalpok ang harap ng kotse sa traffic island.

“Jusko, iligtas mo po kami!” Napayakap si Manang Linda kay Clara habang napasigaw sa takot.

Buti na lang at agad nakapreno si Amelia kaya maliit lang ang tinamaang poste at hindi gaanong nasira ang kotse.

Pero bigla na lang siyang napayuko sa manibela at tuluyan siyang napaiyak. Parang sabay-sabay bumalik ang lahat ng sama ng loob na ilang taon niyang kinimkim.

Parang lalong tumataas ang lagnat ni Clara, Madam. Pasensya na pera kailangan nating siyang madala agad sa hospital," nag-aalalang sabi ni Manang Linda mula sa likod.

Doon lang natauhan si Amelia. Napahawak si Amelia sa mukha at pilit pinakalma ang sarili.

"Sorry… sorry…" bulong niya sa sarili.

Pagkatapos ay agad niyang pinaandar muli ang sasakyan patungong ospital.

Pagdating doon ay agad niyang binuhat si Clara papasok sa emergency room. Habang kinukuhanan ng dugo ang anak niya ay pilit itong pumapalag at umiiyak sa takot. Mahigpit na hinawakan ni Amelia ang kamay ng anak kahit halos madurog na ang puso niya sa naririnig na iyak nito.

Pagkaraan ng ilang oras ay kinausap sila ng doktor.

"Malubha na po ang kondisyon ng bata, Misis. Maraming viral infection at parehong apektado na ang lungs niya kaya kailangan na po nating linisin ang baga niya para matanggal ang mga infection," paliwanag ng doktor.

Nagulat si Manang Linda. "Dok, masyado pa siyang bata. Kakayanin ba niya iyon?"

Kinuha ni Amelia ang CT scan mula sa doktor at pinagmasdan iyong mabuti.

Nagulat ang doktor habang nakatingin sa kanya. "Misis, naiintindihan n'yo ang resulta?"

Tumango si Amelia saka nag-angat ng ulo sa doktor.

"Pakiayos na lang po ang schedule, Doc. Gawin niyo ang procedure kapag bumaba na ang lagnat ng anak ko," matatag niyang sagot.

"Madam, sasabihin po ba natin kay Sir Dante?" Nag-alangan si Manang Linda.

Hinaplos ni Amelia ang noo ng anak. "Hindi na kailangan."

Parang may tuluyan nang napagdesisyunan si Amelia sa sandaling iyon.

Mabilis na lumipas ang tatlong araw at hindi umalis sa tabi ng anak matapos ang procedure. Habang nakatingin siya sa natutulog na si Clara ay tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya lang mensage ng asawa.

What's up?

Dalawang salita lang, pero parang napakalayo na ng lalaki sa kanya. Pinili niyang hindi mag-reply dito at hinalikan na lang ang kamay ng anak.

Biglang tumunog naman ang cellphone ni Manang Linda. Tumingin ito sa kaniya saglit bago sinagot ang tawag at inilagay iyon sa loud speaker.

"Hello, Sir,” anito. 

"May nangyari ba sa bahay, manang?" 

Narinig niyang tanong ni Dante sa kasambahay.

Saglit itong natigilan at muling tumingin sa kaniya. Mabilis siyang umiling dito.

"W-wala naman, Sir." Kinakabahang sambit nito. “Pauwi ka na ba?”

“Hindi pa.” Narinig niya ang mahinang ingay sa kabilang linya. “May importante pa akong gagawin.”

“Ay ganoon ba, sige na maayos naman kami dito.” Paalam ni Manang Linda.

Pagkababa ng tawag ay napailing ang matanda sa kaniya. Alam na ni Amelia ang iniisip nito na hindi alam ni Dante na nasa ospital ang anak niya nitong mga nakaraang araw. 

Biglang nagising si Clara nang umiiyak. Mabilis na hinawakan ni Amelia ang kamay ng anak saka hinaplos iyon kahit bumabagsak na ang kaniyang talukap sa pagod at puyat.

"Daddy… Tita Yvonne… natatakot po ako…" bulong ng bata.

Parang may kumurot sa puso ni Amelia sa narinig. Hindi siya ang unang hinanap ng anak, kung ‘di ibang babae… ang babae ng kaniyang ama.

Hinawakan niya ang maliit na kamay ng anak at hinalikan iyon.

Unti-unting nagmulat ng mata si Clara. 

"Andito si Mommy, anak."

Pero pagmulat nito ay luminga ito sa paligid saka iwinaksi ang kamay niya.

"Ayoko sa’yo! Gusto ko kay Tita Yvonne!” galit na sigaw nito.

Saglit na nag-hysterical ang anak pagkatapos ay nakatulog ulit. Amelia held back her tears and gently patted her daughter's back.

“Mommy’s here…”

After seven days ay nakauwi na sila. Inilapag niya si Clara sa kama nito pagkatapos ay hinalikan sa noo bago humakbang palabas ng kwarto. 

Halos bumigay si Amelia sa sobrang pagod pagkarating sa kaniyang kwarto. Pakiramdam niya ay naubos ang lakas niya sa nangyari. 

This is not the marriage life I’ve dreamed of.

Umaga na siya ng magising. Pagbaba niya ay bumungad sa kaniya si Manang Linda.

"Madam, dumating po si Sir kanina. Isinama niya si Clara para kumain sa labas."

Parang naubusan siya ng hangin sa narinig saka tahimik na bumalik sa kwarto.

Nagmamadali niyang hinagilap ang cellphone at tinawagan niya ang asawa. 

"Hi! Dante is not here yet. Nasa CR sila ni Clara. May kailangan ka ba?" matinis na boses ng babae ang sumagot na agad nagpakunot sa noo niya.

Napakagat labi na lang si Amelia at mabilis na pinatay ang tawag. Napaupo siya sa tabi ng kama.

Gumuhit ang matamlay na ngiti sa labi ni Amelia nang maalala ang masayang ala-ala nila ni Dante. 

She closed her eyes nang biglang nag-flash ang usapan nila ng ama niyang tumutol noon sa pagpapakasal niya  kay Dante.

"Hindi ka magsisisi?"

"Hindi po, Papa. I love Dante." Masayang sagot niya sa ama.

Huminto pa siya sa pag-aaral para mag-asawa. Ganon niya kamahal ang lalaki. Iyon ang isa sa maling desisyon niya sa buhay, ang uanhin ang pag-ibig kesa mag-aral. Hindi niya inakala na kaya siyang lokohin ni Dante. Akala niya noon ay maayos ang kanilang pagsasama since pumayag itong magpakasal sa kaniya.

Dalawang taon na ang nakararaan nang madiskubre ni Amelia ang anak niya sa loob ng kwarto ni Dante, kausap sa telepono ang isang babae.

"Tita Yvonne, miss na kita. Kailan po ulit tayo magkikita?" masayang sabi ni Clara sa kabilang linya.

Natigilan si Amelia sa may pintuan.

Narinig pa niyang tumawa ang babae sa kabilang linya bago sumagot, "Soon, princess. Magiging good girl ka muna ha? Pakinggan mo lagi si Daddy."

“I will po!”

Para silang totoong mag-ina kung mag-usap.

Doon tuluyang nagising si Amelia sa katotohanan. 

Ngayon puno siya ng pagsisisi sa naging desisyon niya noon. Kung alam lang niya ang totoong ugali ni Dante, hindi niya sana isinuko ang pag-aaral at magandang kinabukasan para sa isang lalaking hindi naman siya kayang mahalin. Tunay nga na ang pag-aasawa ng lalaking hindi ka mahal ay hahantong lang sa relasyong puno ng problema, gaano mo man piliting ayusin.

Pero ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat na hindi sapat ang pagmamahal kung isa lang ang lumalaban sa relasyon. Kahit anong kabutihan ang ipakita niya, hindi iyon kailanman nasuklian ni Dante.

Tapos na siya sa pagiging isang simpleng maybahay na naghihintay lang sa lalaking hindi naman siya pinapahalagahan.

It’s time to end her fairy tale. 

Panahon na para piliin naman niya ang sarili niya.

Halos mapapitlag siya sa tunog ng cellphone at agad siyang tumayo. She saw an email notification. 

Kumunot ang noo niya habang binubuksan ang email. 

Kagat labi siyang napangiti dahil galing iyon sa research laboratory ng isang kilalang medical university abroad. Finally… ito na ang sagot sa application na matagal na niyang hinihintay.

"Tama ka, Papa…” Napapikit siya at mahina siyang napabulong. “Salamat sa pag-iwan mo sa akin ng dahilan para makapagsimula ulit."

At parang muling umalingawngaw sa isip niya ang huling bilin ng ama bago ito pumanaw.

"Anak, huwag kang papayag na housewife ka lang. You must become my pride. Kahit mag-asawa ka, huwag mong iwan ang pag-aaral mo."

Sa loob ng anim na taon ay palihim na tinapos ni Amelia ang kaniyang pag-aaral. Walang ibang nakakaalam noon kahit ang asawa niya. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status