Naipamaypay ni Jenny ang palad sa mukha nang matapos na ang kasal ng kapatid. Masaya siya para sa kuya niya pero nainip siya nang husto dahil sa haba ng oras sa pagseremonya. Kung siya siguro ang nasa harap ng altar ay baka nakatulog na siya."Anak, tayo na sa reception." Tawag ni Stella sa anak na dalaga.Pahintamad na tumayo si Jenny at sumunod sa ina. Alam na niya ang mga gagawin doon at tiyak pilitin na naman siyang tumayo kahelera ng kadalagahan upang sumalo sa bouquet. Pagdating sa reception, lalong dumami ang tao at halos malula si Jenny. Balak na niya sanang magtago nang makitang ipasalo na ang bulaklak na hawak ng hipag ngunit huli na."Jenny, here's for you."Nanlaki ang mga mata ni Jenny nang makitang inaabot sa kaniya ng pasaway na hipag ang bouquet nito. "Hindi ba dapat ipasalo mo iyan sa lahat?" Halatang pilit ang ngiting pumaskil sa kaniyang labi."Ayaw ko, gusto ko ikaw ang sunod na ikakasal." Gulat na hinawakan ni Jenny ang bulaklak at inilagay na iyon sa kamay niya
"Ate, ayaw ko talagang maikasal sa lalaking iyon. Bukod sa I hate him, matatalo pa ako sa bet namin ni Mark." Halos paiyak na si Jenny sa hipag niya. Ito ang nakikita niyang pag asa upang makatulong sa kaniya."Bakit pala ayaw mo sa kaniya? Guwapo naman siya at—""Ate, siya ang dahilan kung bakit ayaw ko nang magmahal sa isang lalaki!" Nanliit ang mga mata ni Alexa at mariing naglapat ang mga labi. "Pa-fall siya noon at biktima ako dahil sa pustahan nila. Nang umamin ako na gusto ko rin siya saka niya sinabing may girlfriend na siya. At alam mo ang masakit? Ang pagtawanan ka ng lahat dahil ipinagkalat niya ang record nang umamin akong gusto ko siya. At ang girlfriend niya? Close friend ko lang naman.""What? Ganoon kademonyo ang guwapong iyon?""Shhhh, hinaan mo lang ang boses mo at baka marinig ka ni Kuya." Mabilis niyang saway sa hipag."Huh, huwag kang matakot na malaman ng kuya mo ang kagaguhan ng lalaking iyon!" Mabilis na hinawakan ni Jenny ang kamay ng hipag nang tumayo ito.
Napahiya si Jenny sa iniisip kaninang hindi maganda. Pagliko nga niya ay may hospital. Ngayon niya lang napansin na maraming gusali sa bandang ito. Malapit lang din pala sa pinangyarihan kanina."Kuya, sorry ha, salta lang kasi ako sa lugar na ito at naliligaw. Huwag kang mag alala at babayaran ko lahat ng maging gastos at—ahh shit may kambing!" Naapakan niya ang prino ng sasakyan."Argh!" Nanlaki ang mga mata ni Jenny nang marinig ang nasasaktang daing ng binata. Nakalimutan niyang hindi ito nakasuot ng seatbelt. Pahamak na kambing, biglang tumawid ng daan. "Kuya, ayos ka lang ba?" Nakagat ni Jenny ang hintuturo nang hindi sumagot ang lalaki. Nanatili itong nakayupyop sa dashboard. Muli siyang kinabahan, mukhang lumala ang tama sa lalaki dahil sa kaniya. Hinawakan niya ito sa balikat upang pabalikin sa pagkasandal sa upuan. "P*ta, Jenny, anong kamalasan itong ginawa mo?" Natakot na naman siya at dumugo na ang bandang noo ng lalaki dahil napalakas ang umpog sa matigas na bagay. Mu
Nagulat si Rafael nang biglang itutok sa kaniya ng babae ang screen ng cellphone. Agad na bumungad sa kaniya ang mukha ng ginang sa screen ng cellphone. "Mom, siya po ang boyfriend ko. Pasensya na po kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo kanina bago umalis. Naaksidente po kasi siya kaya agad akong napasugod dito sa hospital."What the he—"Mabilis na inilayo ni Jenny ang cellphone sa binata at tinakpan ang bibig nito bago pa matapos ang pagsasalita. "Mom, tatawag po ulit ako mamaya para magpaliwanag. Kailangan ko na pong putulin ang tawag at aasikasuhin ko pa ang boyfriend ko."Matalim ang tinging ipinukol ni Rafael sa babae nang alisin na nito ang palad sa bibig biya.Hilaw na ngiti ang humulma sa labi ni Jenny at nag peace sign sa lalaki. "Sorry, pero napasubo na ako. Aalagaan kita hanggang sa paggaling mo basta pumayag ka nang magpanggap na boyfriend ko.""Kilala mo ba ako at parang sigurado kang papayag ako sa kalokohang naisip mo?"Bahagyang umusli ang ibabang labi ni Jenny at nag
"Kuya, nagkasundo na tayo sa set up pero hindi ko pa alam ang pangalan mo?" Ngumiti si Jenny sa lalaking mukhang ipinaglihi sa sama ng loob."Rafael," malamig at maiksing sagot ng binata."Ra-fa-el," dahan-dahan niyang bigkas sa pangalan ng binata. "Nice, bagay sa iyo ang pangalan mo. Ako naman si Jenny, bagay naman sa pangalan mo." Pabirong turan niya sa huli ngunit hindi pa rin niya napangiti ang binata."Let's go." Mabilis niyang nilapitan amg binata upang alalayan ito sa paglalakad. Mabuti na lang at may dala siyang cash kaya nakapagbayad siya. Pagkalabas nila sa hospital ay napatingin siya sa paligid. Mayroong ibang sasakya at kalalakihang nakatayo sa bungad ng pintuan na para bang may importanteng taong hinihintay. Mabilis na itinaas ni Rafael ang kaliwang kamay at suminyas kay Roger na lumayo."Ikaw ba ang hinihintay nila?" pabulong na tanong ni Jenny sa binata habang inaalalayan ito sa paglalakad."Just get in the car."Napalabi si Jenny, ang sungit talaga ng binata at ayaw
Dahan-dahang ibinalik niya ang kurtina at inayos ang pagkaing nasa lamesa. Mukhang galing sa isang restaurant ang pagkain kaya masasabi niyang hindi naman ganoon kahirap sa buhay ang lalaki. Nagpasya siyang mamaya na lang kakain paggising ng lalaki. Nagising si Rafael at hindi kumportable sa posisyon. Gusto niyang mag iba ng higa ngunit kumirot ang tagiliran niya. "Ah fuck!" Napamura siya nang igalaw niya ang braso ay sumakit din iyon. Napabalikwas ng bangon si Jenny nang marinig ang tinig ng lalaki. Natakot pa siya noong una at nagulat nang makita ang paligid. Nang marinig muli ang daing ng isang lalaki na tila nasasaktan at saka lang niya naalala kung nasaan siya. Dali-dali siyang bumangon at nilapitan ang binata. "What are you doing here?" gulat na tanong ni Rafael sa babae nang bigla itong bumungad sa harapan niya."Aalagan ka, remember?" patanong niya ring sagot dito at ngumiti. Mahinang napamura si Rafael at muling sinubukang bumangon ngunit parang lamog ang tagiliran niya a
"Ho-hoy, ano ang gagawin mo?" kunwaring sita ni Jenny sa binata upang pagtakpan ang pagkapahiya dahil nahuli pa rin naman siyang nasilip sa siwang ng pagitan ng mga daliri."Hindi ako makatulog nang maayos na may suot na t-shirt, puwede mo ba akong tulungang maalis ito?""Pangtaas lang ha?" naninigurado niyang tanong sa binata."Tsk, kung marumi ang iniisip mo sa akin ay bakit nandito ka pa?" Napalabi si Jenny at nagsusungit na naman ang binata. Ngayon niya lang napansin ang uri ng t-shirt na suot nito. Alam niyang branded iyon at hindi na niya alam kung nasaan ang damit pang trabaho na nakadoble lang pala sa suot nito kanina. Tumayo na siya at tinulungan ito bago pa magtaas na naman ng boses sa kaniya. Hirap itong itaas ang isang kamay dahil may injury. "Oh la la... ang daming pandesal!" tili ni Jenny sa isipan."Tama na ang pantasya sa katawan ko at matulog ka na." Pagtataboy ni Rafael sa dalagang tulala nang nakatitig sa katawan niya."Ang init sa kinahigaan ko, puwede dito na a
Pagkalabas ni Jenny sa banyo ay halos manginig pa siya sa lamig. Para naman kasing may yello ang tubig. Ginutom na rin siya kaya hindi na pinansin ang paligid at mabilis na dinampot ang kapeng nangangalahati na ang laman."Don't!"Naudlot ang paglapat ng bibig ng tasa sa labi niya dahil sa sita ng binata."Here." Kinuha ni Rafael ang hawak na tasa ng dalaga at pinalitan.Nagmamadaling dinampot ni Roger ang tasang binitawan ng dalaga at nagpaalam. "Lalabas na po ako, sir."Awang ang bibig na sinundan ng tingin ni Jenny ang lalaking nagmamadaling lumabas. Hindi niya napansin ito kanina dahil halos matakpan ang mga mata niya ng towel na nakapatong pa sa ulo niya."Next time be careful, hindi lang ako ang lalaki dito. Hindi ka na bata para hindi malaman na masama ang basta na dumampot ng pagkaing kinakain ng iba."Bahagyang humaba ang nguso ni Jenny at napahiya. Hindi naman siya ganito talaga. Ewan ba niya, sobrang kumportable siya sa kaalamang si Rafael ang kasama niya. "Akala ko kasi k