CLEOPATRA
“You may now kiss the bride,” the priest finally announced.
I smiled.
Tumingin ako sa paligid at napangiti. I am happy for the newlyweds.
When the couple seals their marriage with a kiss, everyone stands and applauds. Another pair tied the knot and promised to be together for the rest of their lives. What a beautiful thing to witness.
Malalaki ang mga ngiti ko habang nakatingin sa bagong kasal. They look good together. The way they gaze at one other exudes love and contentment.
Everyone heads to the reception following the wedding.
I needed to make sure everything was in order, which is why I've been so busy. I've been monitoring all wedding-day activities to make sure everything runs smoothly. My job entails it. I'm in charge of ensuring that everything goes according to plan. I'm not a guest; I'm a wedding planner.Nang masigurado kong maayos na ang lahat ay pagod na naupo ako sa table kung nasaan si ate Claire. She is also invited because the bride is one of our cousins. My parents are invited too pero may proir appointment sila kaya hindi sila nakadalo. I looked on my wristwatch. Almost three na nang hapon. Biglang kumulo ang tiyan ko, saka ko pa lang naalala na hindi pa pala ako kumakain. Tila bigla akong nakaramdam ng sobrang gutom. Muli akong tumayo at nagtungo sa buffet para kumuha ng pagkain. Lalamanan ko muna ang tiyan ko habang hindi pa ako muling abala.
Nagmamadaling akong umupo habang hawak ang dalawang plato na punong puno ng pagkain. Gutom na gutom na ako kaya wala na muna akong pakialam sa paligid ko. Excited na sana akong susubo nang biglang magsalita ang host ng kasal.
“We are inviting all single ladies to come here in front, it's time to catch the bouquet,” the host announced. “I am sure every single ladies here are excited to be the next bride, this is time you are waiting for.”
Many girls are excited. Nagkakagulong pumunta sila sa gitna upang makipag-agawan sa pagsalo ng bulaklak. Pero hindi ako natinag sa kinauupuan ko.
Binaliwala ko ang ang sinasabi ng host dahil kumukulo na talaga ang tiyan ko sa gutom, kaninang umaga pa ako walang kain. Alas tres na ng hapon ngayon kaya gutom na gutom na ako. Masyado kasi akong abala kanina kaya hindi ko namalayan ang oras. Kapag nasa trabaho talaga hindi ko namamalayan ang oras lalo na kung mismong wedding event na. Nagmamadali akong muling sumubo, kailangan ko rin bilisan ang pagkain ko dahil nasa trabaho pa ako. Madami pa akong aayusin mamaya after the event.“Single raw," ulit ni ate Claire pero hindi ko ito pinansin kaya bahagya ako nitong siniko upang mapatigil ako sa pagsubo ko.
Sinamaan ko ito ng tingin.
Kumakain ako, h’wag siyang istorbo.“Hindi ako single," tanggi ko at sumubo ng pagkain mula sa aking planto na tila bundok na sa dami ng nakalagay na na iba’t ibang pagkain.
“May nagkamali na sayo? Assuming ka. H'wag kang mag-inarte, hindi ka kagandahan. Pumunta ka na roon, pa-special ka pa, sambutin mo iyong bouquet para ikaw na ang next na ikakasal," saad nito pero binaliwa ko, gutom na ako. Mas gusto kong kumain na lang kaysa makipag-agawan sa boquet.
Tiyan ko muna ang uunahin ko bago ang lahat. Saka aanhin ko naman ang bulaklak na bukas ay lanta na rin. Isa pa hindi ako naniniwala sa kasabihan na kung sino ang makasasambot ng bulaklak sa kasal ay siya nang susunod na ikakasal. Kalokohan lang ang bagay na iyon. Basta ako food is life lang muna ako.
“Ms. Cleopatra, the bride is asking you to kindly come here in front," biglang saad ng mc na ikinatigil ko sa muling balak na pagsubo at dahil talagang special mention na ako kaya wala na akong nagawa. Sino ba kasing may sabing single ako? Engage na ako, matagal na at hindi na iyon sikreto sa lahat.
Napipilitan akong tumayo at pumunta sa gitna. Nang makalapit ako sa kumpulan ng mga bridesmaid nakita kong pa nang nginitian ako ng matamis na matamis ngunit may halong nang-aasar ng pinsan ko na siyang bride pero sinimangutan ko lang ito. Alam kong nananadya ito.
Nang tumalikod na ito para ihagis ang boquet ay pasimple naman akong lumayo. Ayaw kong makasalo ng bulaklak dahil oras na ako ang makakuha nito maantala na naman ang pagkain ko, bibiruin pa ako ng mga pinsan kong kolokoy na nakaupo lang sa mesang malapit sa kinatatayuan ko. Lagi na lang kasi akong tampulan ng mga tukso dahil matandang dalaga na ang tingin ng mga ito sa akin, gayong nasa twenties pa lang naman ako. Twenty eight to be exact. Bata pa ako, sa panahon ngayon career na ang priority hindi ang bumuo ng family.
Nang ihagis na ni Hazel ang bulaklak nakita ko kung paano nag-agawan ang iba para masalo ito pero kitang-kita ko ang mataas na talon ni Bernadette para masalo ang bulaklak at nagtagumpay naman ito. Impossible namang hindi ito ang makakuha gayong kulang na lang lumipad ito.
"Bakit ka lumayo? Ikaw sana ang nakasalo," ani ng ate ko ng makabalik ako sa aming mesa habang nagkakagulo naman sila sa unahan dahil sa kinikilig pa rin si Bernadette. Umaasa yatang ito na talaga ang isusunod na ikakasal.
“Ano naman mapapala ko kung masalo ko 'yun?" ani ko at sinimulan nang ituloy ang naantala kong pagkain sana kanina dahil tinawag ako.
“Malay mo, this time magkatotoo na 'yung kasabihan sayo." Bahagya pa itong tumawa na parang inaasar ako. Umismid naman ako sa sinabi niya.
“Manahimik ka, hindi nakakatuwa,” napipikon kong wika rito pero tinawanan lang ako nito.
“Ang sungit mo, gan'yan ba kapag tumatandang dalaga na?" pangungulit pa rin nito.
Umirap ako rito. “Twenty-eight pa lang ako."
“Twenty-eight kana, pero kahit yata holding hands hindi mo pa naranasan," muli'y pang-aasar nito. Bakit ba hindi na lang ito manahimik? Ang dami-daming sinasabi, paki-alam ba nito sa lovelife ko?
Naranasan ko ng makipagholding hands, may first, second at third kiss na nga rin ako wala lang nakakaalam dahil kapag sinabi ko dito baka asarin lang ako. Saka sa iisang tao lang ko ito naranasan, ‘yung na napipilitan lang ito, sa ikalawa naman aksidente lang at ang ikatlo lasing lang siya, ang saklap diba?
"Pakialam mo ba?" pambabara ko at tuloy-tuloy sa pagkain, wala na akong pakiaalam sa paligid ko, gutom ako.
"Concern lang naman ako, sayang naman kung ma-eexpired lang 'yang matres mo." Hindi ko alam pero nagsisimula na akong maasar. Nasa kasalan kami pero tila senesermonan ako nito. "Sana next time, sa kasal mo na ako aattend," dugtong pa nito.
"Kapag kinasal ako hindi ka invited," nakasimangot na turan ko habang ngumunguya ng pagkain.
"Sure ka bang ikakasal ka? Baka naman forever ka na lang taga-plano ng mga kasal pero ikaw mismo hindi mo ma-e-experience ikasal.."
"May galit ka ba sa akin?" nakasimangot na tanong ko. Mga sinasabi kasi nito masyadong mapanakit na minsan. Personalang masyado. “Ikakasal ako, hindi lang ako nagmamadali gaya ng iba.”
Ikakasal ako, maghintay siya, mas bongga pa sa kasal niya ang kasal ko. I am a wedding planner and I’ll make sure that my wedding is a ala-fairytale. Iyon ang pinakamagandang wedding na ipe-prepare ko.Tumingin ako dito. Nang-aasar pa rin itong nakatingin sa akin. Palibhasa ito maagang nakamit ang kanyang happy ending samantalang ako heto nganga pa rin. Pero sure naman ako na hindi ako forever nganga, busy pa lang talaga kami kaya wala pa.Hindi ko na lang pinansin ang mga patutsada ng ate ko at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Kapag pinatulan ko pa ang mga sinasabi nito, hindi kami matatapos na dalawa lalo na at pareho kaming hindi nagpapatalo.
Susubo na sana ulit ako ng cake ng may biglang pumigil sa braso ko.
"We are in a wedding not in a fiesta," may diing saad ng ate ko. Tila nag-ibang anyo ito kung kanina mapang-asar ngayon parang nanay na sinasaway ang anak niya na walang ginawa kundi ang kumain nang kumain.
"So?"
"Stop eating like a pig. Mahiya ka nga baka isipin nila umattend ka lang para makikain. Where is your etiquette?" kulang na lang tanungin ako nito ng 'Patay-gutom ka ba?'
Etiquette, etiquette, mabubusog ba ako noon? Kailangan ko ng energy dahil hanggang mamaya pa ang trabaho ko. After the event may mga dapat pa akong ayusin about the venue.
"I am hungry. Just don't mind me," baliwalang sagot ko at ituloy ang pagkain ng cake.
"I told you to stop eating, kung ayaw mong forever ka na lang tagakain sa kasal ng iba," saway pa rin nito sa kanya.
Sinamaan ko ito ng tingin. Anong gusto nitong ipamukha sa akin? Na hindi na ako ikakasal? May fiance kaya ako, 'yun nga lang wala yatang pakialam sa akin.
"Engaged na ako kaya 'wag lang mag-alala. Sa kasal ko kahit kainin mo lahat ng handa ko hindi kita pagbabawalan."
"You are engaged but never been in a relationship. Naging engaged ka lang dahil sa kasunduan ng pamilya," pagpapaalala nito. "Kaya bawasan mo iyang katakawan mo sa katawan kung ayaw mong pati siya takbuhan ka." Minsan hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila nito, masyadong matalas.
Bata pa lang pinagkasundo na kami ni Primo at hindi naman ito tumutol kahit kailan kaya impossible na takbuhan pa ako nito. Nega lang talaga ang ate ko.
Pero hanggang ngayon taga-kain na lang talaga lagi ang role ko sa mga kasalan, more than 20 years na akong engage pero hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakasal. Masyado pa kasing busy si Primo sa negosyo nito at hindi pa raw ito handa. Twenty-eight na ako at ganoon din ito. Kailan pa kaya ito magiging handa kapag, uugod ugod na kami?
"I said stop eating," muling bulong sa kanyan ng ate ko pero hindi ko ito pinansin, masarap kaya kumain.
"Ano bang problema mo? Kumakain lang naman ako," reklamo ko pero patuloy pa rin sa pagkain. Lahat na lang pinapansin nito.
Hindi na nga ako nito pinansin pero nakita ko pa ang pag-iling nito habang nakatingin sa akin na para bang sinasabing nakakahiya talaga ako.
Masarap kumain bakit ba pinagbabawalan ako?
Nang biglang nagtayuan ang mga bisita at pinatagingting ang kanilang mga baso gamit ang kurbyetos, asking the couple to kiss.
"Kiss! Kiss! Kiss!" everyone is chanting.
Nakita ko pa ang namumulang mukha ng pinsan bago nakipagtukaan ng nguso sa groom nito.
"Kunwari pa, gustong-gusto rin naman," bulong ko habang nakatingin sa bagong kasal.
Pakipot pa.
"Are you jealous?" someone suddenly whispered from my back.
Napasimangot ako nang makita ko kung sino ang bagong dating na nasa likuran ko. It’s Klirk, my fiance’s bestfriend. May malapad itong ngiti habang nakatingin sa akin. “Anong ginawa mo dito? Invited ka?” mataray na tanong ko. Umupo ito sa bakanteng upuan sa kalapit ko. “Obvious ba?” sagot nito at nakita kong bahagyang itong kumaway sa tita ko na nakapwesto sa table na nasa bandang unahan. Nginitian naman ito pabalik ng matanda. Bumaling ito sa kapatid ko. “Hi, Claire. Lalo ka yatang gumaganda.” Nagawa pa talaga nitong mambola. “I am always pretty, Klirk. Nasa dugo na namin ang pagiging dyosa,” mayabang na sagot naman ni Ate. Pareho silang mahanging dalawa. “Late kana, tapos na ang kasal,” muli ay saad ko bago muling sumubo ng tempura. “Oo nga kaya pala puro kain na lang ang ginagawa mo,” natatawang wika nito habang pinapanood ako. Inirapan ko naman siya. Pati ba siya papansinin ang pagkain ko. “She is the wedding planner not a guest pero parang siya pa yata ang may pinakamaraming
I was smiling widely when I entered the building. Sumakay ako sa elevator upang magtungo sa president's office. Primo is the president of this company. The Galvez Group of Companies is owned by Leonardo Galvez, Klirk's father. Klirk is the sole heir of GGC, but according to Primo, Klirk hates handling their business. Hindi man halata pero Abogago ito, I mean abodadong siraulo. Basta abogado ito, hindi lang halata dahil mukha itong barumbado kung minsan. Kung hindi mo kasi kilala-kilala ang lalaking iyon, hindi mo talaga iisipin na abogado ito dahil puro pambabae at kalokohan ang alam nito. Madalang magseryoso si Klirk, madalas mapag-asar ito habang may ngising aso nakapaskil lagi sa labi nito kapag nakikita ko na talaga namang kinaasar ko. Malalaki ang mga ngiting lumabas ako ng elevator. May dala akong dalawang paper bag na may tatak ng isang sikat na restaurant. Mga paboritong pagkain ni Primo ang dala ko. Kaya siguradong magugustuhan niya ito. Wala na akong oras magluto dahil suma
Matapos kong manggaling sa Galvez Company ay dumiretso ako sa opisina ko. I own a small company named ‘The Weddings’. Actually, this is a partnership. I am a wedding planner, while my partner Charlie is a wedding designer. Business ang major ko, pero mas pinili kong maging isang wedding planner. Planning a wedding and meeting the client's demands are not easy, but it is a very challenging job. Lalo na kapag pabago-bago ang gusto ng ikakasal. And soon I am hoping that I will plan for my own wedding. My dream wedding. Pangarap kong ako mismo ang magpaplano ng bawat detalye ng magiging kasal ko. Ng magiging kasal namin ni Primo. “What happened? Bakit nakasimangot ang beauty mo?” maarteng tanong ni Charlie nang makita niya ako bago pa ako makapasok sa opisina ko. Lumingon ako sa kanya. May hawak itong folder habang nakasandal sa pader. Charlie is gay, but he still dresses like a man. Siguro kung hindi ito magsasalita hindi mahahalata na malambot ito. Minsan nga binibiro ko, itong magpak
Tinanggap ko ang bulaklak na inabot niya. Tila biglang naglaho ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtataboy sa akin kanina. I tried to erase the smile on my face bago seryosong tumingin sa kanya. “You are sorry for?” nakataas ang kilay na tanong ko. Hindi naman porke’t binigyan niya ako ng bulaklak ay okay na kami. Pinagtabuyan niya ako kanina, sumama talaga ang loob ko kaya hindi niya ako madadaan sa pagpapa-cute niya. Hindi ako marupok gaya ng inaasahan niya. Hindi niya ako madadala sa pabulaklak niya. “About what happened earlier, I should not have treated you that way,” mahinahong saad nito. Tila nag-aalangan pa ito habang nakatingin sa akin. Kung kaninang tanghali ay halos sigawan na ako nito ngayon naman ay napahinahon nito. “Dapat lang. Ako na nag-effort ako tapos galit mo pa akong papaalisin. Huwag kang mag-aalala hinding-hindi na kita aabalahin ulit,” nagtatampong saad ko bago tumalikod sa kanya, sumunod naman siya sa akin papasok. Hindi ako pa
In the coffee shop, I was sitting alone. Many individuals were walking in a hurry, as I could see. Some people are even attempting to cross the street while the light is still green. I can also observe the dirty air coming from several vehicles. That was a city scene, and everyone was bustling. I sip my coffee while listening to the pleasant music emanating from the cafe where I am. I'm trying to relax because I'm unhappy with my customer, who wants to alter the venue of her wedding reception at the last minute and has a long list of demands that I need to meet.Kaya kailangan kong humanap ng panibagong lugar na aangkop sa tema ng kasal na gusto nito. Noong una beach wedding ang gusto nito pero ngayon garden wedding na lang daw. Minsan may mga kliyente talaga na pabago-bago ang isip at maraming demands. Hindi ko naman sila masisi, it's their big day and everyone wants it to be perfect. Kaya dumaan muna ako sa isang coffee shop para uminom ng kape at magpalamig ng ulo. I need more ca
“Primo.” Hindi ko alam ang tamang salitang sasabihin ko. Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot. “It’s not what you think. I just asked her help me and to pretend as my girlfriend,” mabilis na paliwanag ni Klirk. Pero lalong dumilim ang anyo ni Primo dahil sa sinabi ni Klirk. Tumigas ang mga panga nito habang nakatingin ng masama sa kaibigan. Marahas akong hinila ni Primo palapit sa kanya. “Next time, huwag mong idamay si Cleo sa mga kalokohan mo,” may diin ang bawat salitang binitiwan ni Primo. Ramdam ko rin ang higpit ng hawak niya sa pulso ko. Pasimple koi tong tinanggal ngunit sinamaan ako nito ng tingin at lalong humigpit ang hawak sa pulso ko kaya nanahimik na lang ako kahit masakit na ang pagkakahawak niya. “Kalokohan?” sarcastic na tumawa si Klirk bago naghahamong tumingin kay Primo. “Ako ba talaga ang may ginagawang kalokohan?” Ramdam ko ang tension sa pagitan nilang dalawa. Nakatingin sila sa isa’t isa na tila ba may mga kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata. “Gu
“Hello, may I know who is this?” tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Primo is a very private person. Hindi siya iyong tipo ng tao na hinahayaang may makahawak ng selpon niya. Kahit ako nga hindi ko pa nahahawakan ang selpon niya dahil ayaw niyang may ibang nakikialam nito. Kaya nakapagtataka na iba ang sumagot sa tawag ko ang Malala pa, babae ang sumagot nito. Is he cheating on me? May ibang babae ba siya? Sa isipang iyon ay parang sinaksak ang puso ko ng ilang libong beses. Hindi ko yata kakayanin kapag totoo ang mga baga na tumatakbo sa isip ko ngayon. “I am his-” hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil naputol na ang linya. Nagtatakang napatingin na lang ako sa selpon na hawak ko. Hindi ko alam pero may kabang namumuo sa dibdib ko. But I know Primo, hindi niya magagawa ang lokohin ako. Tama, I just need to trust him. Tiwala lang, iyon naman ang mahalaga. “Anong sabi?” puno ng kuyusidad na tanong ni Charlie habang matamang nakatingin sa akin. Nanlalambot na ini
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tila gustong kumawala ng puso ko sa dahil sa biglaan niyang pag-amin. Hindi ko inaasan ang mga bibitawan niyang salita pero nagdulot iyon sa puso ko ng sobrang tuwa. Kung hindi nga ako magmumukhang tanga gusto kung tumalon sa tuwa. Exaggerated na kung exaggerated pero masaya ako. Kung kanina puro lang inis ang nararamdaman ko ngayon naman ay tila nagdiriwang na ako. Muntik ko nang tapusin ang engagement namin dahil akala ko napipilitan lang siya. Iyon pala nagseselos lang siya. Sana sinabi niya agad, hinayaan pa niya akong magalit at magsalita ng kung ano-ano. Kulang na lang mapilas ang mga pisngi ko sa laki ng ngiti ko. Bigla namang namula ang buong mukha nito, maging ang tenga neto ay namumula rin. Mabilis siyang tumalikod sa akin upang itago ang mukha niya. Hinawakan ko siya sa braso at pilit na pinapapaharap muli sa akin pero nagmamatigas siya. Kahit anong pilit ko ayaw niya talagang humarap kaya hinayaan ko na lang. Masaya na a