Malapit na itong matapos. Salamat sa mga nagbabasa. Medyo busy lang kasi natutuyot utak ko sa Enemies with Benefits kaya one chapter per day lang nagagawa ko. Salamat po sa mga nag-aabang.
"I am married!" tumitiling saad ko nang lapitan ako ni Charlie. Habang ipinapaikita ko sa kaniya ang kamay ko na may suot na wedding ring.Matapos ang wedding namin ay nagtungo kami reception. Hindi ko rin inakala na garden theme ang reception. Nasa isang hotel kami ngayon na may malawak na garden at dito ginaganap ang reception ng kasal namin. Tila nasa fairytale garden talaga kami base sa design ng paligid na alam kong nakuha nila sa ideya ko tungkol sa gusto kong kasal dahil palagi ko naman iyong binabanggit dati."Congratulations, finally. Natupad na ang dream wedding mo," malaki ang ngiting saad nito niyakap ako. "Ako ang kinukulit palagi niyang asawa mo para sa preparations, hindi mo pa sinasagot pero kasal n'yo na agad ang pinapalano niya."Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi ni Charlie. Ibig sabihin totoo talaga ang sinabi niya na hindi lang niya ako gustong maging girlfriend, gusto rin niya akong maging asawa."Thank you," masayang pasasalamat ko kay Charlie. Malaki ang nag
"CLEO, WAKE UP!" napamulat ako nang mata nang marinig ko ang malakas na sigaw. Nakita ko si Ate Claire na nasa paanan ko at hinihila ang kumot ko.Kinusot ko ang mga mata ko bago tumingin sa kaniya. "What are you doing here?""It's your wedding day.""WHAT!" napabangon ako dahil sa sinabi niya."He told you last night, hindi ba?""It's true?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya."Oo, pinipikot kana ni Klirk," saad nito at muling hinila ang kumot ko. "Kaya bumangon kana at maligo. Kailangan mo pang maayusan. Bilisan mo!"Nagmamadaling bumaba ako ng kama at nag-tsinelas. "Hindi nga? Totoo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay ate Claire."Oo nga. Iyang fiance mo masyadong nagmamadali, kaya bilisan mo na. Maliga kana, may muta ka pa," saad nito sa akin, kaya kinapa ko ang mga mata ko. "GO!" sigaw ni Ate Claire, kaya natatarantang pumasok na ako sa bathroom ko.Mabilis akong tumapat sa shower para maligo. It's my wedding day, and yet, wala akong kaalam-alam. Pero bakit pa ba ako
Nakailang tingin na ako sa cellphone ko, pero wala talagang mensahe sa akin si Klirk. Mula nang ihatid niya ako kaninang umaga ay hindi na siya nag-text man lang hanggang sa dumating ang hapon.Kinuha ko ang cellphone ko at ako na mismo ang tumawag sa kaniya, pero hindi ko naman siya ma-contact.Busy ba siya? Pero kilala ko siya. Kahit busy siya nagagawa pa rin niyang makasingit para i-text man lang ako. At isa pa kapag busy siya ay nagpapaalam siya sa akin."Hey, Cleo. Let's go home na!" napatingin ako kay Charlie na nakalusot lang ang ulo sa maliit na bukas ng pintuan ko.Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang bag ko. Sabay kaming lumabas ni Charlie, pero napalingon ito sa akin."Wala si Klirk? Wala kang sundo? May dala ka bang kotse?"Umiling ako sa kaniya. Hinatid kasi ako ni Klirk kanina, kaya akala ko susunduin din niya ako dahil alam naman niyang wala akong dalang sasakyan."Mag-commute na lang ako," sagot ko sa kaniya.Napatingin ako sa paligid. Nagsisimula nang umilaw ang mg
Naging mainit ang pagtanggap sa akin ng pamilya ni Klirk. Hindi ko inaasahan na mabilis akong magiging welcome sa pamilya niya. "Always visit us, okay?" pahabol sa akin ni Tita Margie, ang mama ni Klirk nang pauwi na kami."Yes po, tita," nakangiting sagot ko sa kaniya."Call me, Mommy na. Sure naman ako, ikaw na ang magpapangasawa ng anak ko," malapad ang ngiti na saad nito."Yes, Mom," sagot ko dahilan para mapahagikhik ito sa tuwa."See? I told you, they will like you," saad ni Klirk habang nagmamaneho ito para ihatid ako pauwi."You have a nice family.""And you will be part of it."Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang ngiti ko. Napatingin ako sa kaniya at natawa siya nang makita ang hitsura ko na nagpipigil ng ngiti.******Naging maayos ang relasyon namin ni Klirk. Wala akong pinagsisihan na sinagot ko siya at naging boyfriend. Masaya ako sa nagiging takbo ng relasyon naming dalawa. Dati na siyang maalaga pa, pero mas naa-appreicate ko na iyon ngayon.Nagliligp
Eksaktong paglabas ko nang building ay may babaeng humarang sa akin, kaya nagtatakang tiningnan ko siya."Are you Cleopatra Ibanez?" mataray na tanong nito sa akin.Tumango naman ako rito."Yes?""I am Nessie, and I am pregnant," deritsang saad nito."And?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ano naman pakialam ko kung buntis siya?"Klirk is the father," walang kurap na saad nito.Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-high heels ito na na akala mo rarampa sa runaway show. Sobrang fitted na mini skirt at halter na tank top. Ito lang ang buntis na sobrang sexy pa rin kung manamit."Ilang buwan?" tanong ko sa kaniya."Three months, kaya layuan mo na siya. He is mine, magkaka-baby na kami," matapang na saad nito sa akin."Sigurado kang sa kaniya iyan?" balewalang tanong ko rito.Malaki ang tiwala ko kay Klirk. Alam kong hindi niya niya magagawang makabuntis ng iba. At kung talagang buntis ang babaeng ito, sigurado akong hindi siya ang ama
Cleopatra's POV"Ano iyon? Nakita ko may pagkiss. " Tanong ni Charle sa akin nang salubungin niya ako. Siguro ay nakita niyang halikan ako ni Klirk. Ito kasi ang naghatid sa akin sa trabaho ko. Nginitian ko si Charlie bilang sagot. "Kayo na?!" nanalalaki ang matang tanong ni Charlie.Nagpipigil ng kilig ba tumango ako sa kaniya."Kyaa!" tili nito dahilan para mapatingin sa amin ang ibang staffs. Hinila ako nito papasok sa opisina ko. "Congrats! Number fan n'yo ako," kinikilig na saad nito."Ano kami artista? Pero, ang saya ko. Para akong nakalutang," kinikilig na saad ko rin."Ang haba ng hair mo, nakakainis ka. That's Attorney Klirk Galvez. Mayaman, gwapo, matalino, at sobrang yummy. ANg daming babaeng patay na patay sa kaniya pero sayo siya baliw na baliw. Girl, iniligtas mo ba ang mundo noong past life mo?"Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi. Ganda lang ambag ko noon."Umirap ito sa akin bago sumeryoso. "Pero joke aside. Masaya ako para sa iyon. Magaan ang awra mo ngayon saka iyong