Share

IDENTITY: TEN Pt.2

Agad hinanap ni Tita ang pinaniniwalaan kong cellphone niya na agad namang inabot ni Sky. "Heto po."

"Sala-salamat." Dali-dali niya itong binuksan at pinuntahan ang messages. "Nasa-nasaan na 'yon? Nandito lang...lang 'yon kanina!"

"Ako na po, Tita," sabay alok ko ng kamay. Nanginginig na ibinigay sa akin ni Tita ang cellphone niya at saka ko hinanap ang isang message na naglalaman ng message ni Maica. If this message was recent dapat nasa pinaka-una ito. Pero walang message dito na nanggaling kay Maica. "Wala po akong makita Tita."

"Huh? Imposible!" gulat na protesta ni Tita. "Pinakita ko pa nga 'yon sa mga pulis kanina!" Agad kinuha ni Tita ang phone niya at saka muling hinanap ang message na nanggaling kay Maica. Habang nagkatinginan naman kami ni Sky. "Imposibleng mawala 'yon!"

"Tita?"

"Bwisit! Nasaan na ba kasi 'yon!"

"Tita?" Hinawakan ko ang kamay ni Tita, dahilan para mapatigil siya. "Tita, tahan na po. Ano pala ang sinabi ni Maica?"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status