Share

Chapter 5

Chapter 5

NAHIHIYA man pero nagpaaalam na si Ellery na maunang umalis. Wala naman ng sinabi pa si Ruhan kundi ang tingnan papalayong naglakad sa kaniya ang dalaga. 

He even envited her to get a ride, pero hindi na niya ito napapayag pa dahil sa pagmamadali. Napailing siya at hindi malaman kung bakit sa lahat ng gwapong lalaki ay sa kaibigan pa niya ito nahulog. Kung ikompara si Ellery sa lahat ng babaeng nakilala ni Ruhan, kakaiba sa lahat si Ellery dahil kaya niyang manatii sa lalaking kaniyang minahal kahit sobra na itong nasaktan.

"You deserve a happy ending, Ellery."

"HELLO?" inis na si Ellery dahil sa paulit-ulit na pagtunog ng kaniyang cellphone. Nadidisturbo siya sa kaniyang pagpractice kung paano batiin ang mga byenan.

"What's with that voice, Elle?" boses iyon ni Charity dahilan para mapakalma kaagad si Ellery.

"Cha, i need your help!"

"What? i mean, what kind of help?"

Ellery heaved a sigh before speaking up. "Ang Mommy ni Thaddeus nasa bahay ngayon. What should i do? Anong tamang gawin para maintertain ko sila ng maayos?"

Matagal bago nakasagot si Charity sa kabilang linya. "You're acting an immature, Elle." natigilan si Ellery. Charity chuckled. "Im just kidding. By the way, do you want me to go there? Para magkausap rin kami nila Tita. Ayaw mo bang maipakilala sa kanila ang pinakamagandang bestfriend mo?"

"Okay fine." walang nagawang sagot ni Ellery. Kaagad namang nagpaalam si Charity nang pumayag ang kaibigan.

Kung hindi nagkamali si Ellery, first time ni Charity na makapunta sa mansion ni Thaddeus. Hindi pa man niya nakita ang mukha ni Charity, ngunit naiimaggine na niya kung paano ang magiging reaction niyon.

Kasalukuyang nakasakay sa kotse si Ellery kasama ang driver nito. Nang mamataan niya na ang mansion. Kaagad na kumalat sa buong katawan niya ang kaba. Pang ilang beses na niyang na-meet ang mga byenan pero hindi pa rin talaga mawala sa kaniya ang kaba. 

"Ma'am, nandito na po tayo." saad ng driver nila. 

"S-sige po." 

KAGAT ang pang-ibabang labi at pinisil-pisil pa ni Ellery ang kaniyang kamay dahil sa kaba. Papalapit na siya sa living room nang biglang bumungad sa kaniya si Manang Korsing. Buti nalang at nakasalubong niya ang matanda para mawala-wala kahit papaano ang kaniyang kaba.

"M-manang---"

"Ang aga mo namang umuwi, Hija. Ano, nagustuhan ba ni Sir ang niluto mo?"

"Hindi iyan ang concern ko ngayon, Manang. Andyan sila M-mommy 'di ba?" 

Nagtakang tiningnan si Ellery ng matanda. "Wala naman pong dumating."

"Pero sabi ni---Ah, baka mamaya pa po. Maghahanda nalang po ako ng hapunan nating lahat." masayang saad ni Ellery at patakbong tinahak ang daan patungong kwarto nito.

Hindi mawala-wala ang ngiti ni Ellery kahit nagbibihis pa siya. May oras pa siyang paghandaan ang pagdating ng kaniyang byenan. Kahit papaano may maihanda na rin siya para sa mga ito.

"NAPAKARAMI naman niyan, Hija!" bulalas ng matanda nang nakita ang ilang putahe'ng nakahain sa mahabang mesa.

Hindi rin nito alam kung saan nakasagap ng balita ang dalaga, gayong magpapaalam naman sa kaniya ang amo nito kung darating sila.

"Manang, mas mabuti ang may sobra kesa magkulang, okay? Isa pa, gusto kong matikman din nila ang mga niluluto ko. Sa tingin niyo po, papasa kaya ang mga 'to sa panlasa nila?" 

"Hay naku, sino ba namang hindi magustuhan ang luto mo, Hija. Wala na yatang makakatalo." nanlaki ang matang saad ng matanda kay Ellery. Proud na proud ito sa kagustuhan ng dalagang matuto para kay Thaddeus.

Matagal pa sila nag-uusap. Halos dalawang oras na ang kanilang itinagal. Mag-aalas otso na pero kahit isang message ay walang natanggap si Ellery na paparating na ang kaniyang byenan. Nadagdagan pa ng isang oras bago tumunog ang kaniyang cellphone. Malaki ang matang in-open niya ang message ngunit bagsak ang balikat nang mabasa niya kung kanino galing ang mensahe.

FROM: Cha-Cha

Sorry, Elle. But i can't make it now, biglang may client ako na ide-date. I think, i should help you next time? Goodnight.

Nawalan ng gana na inilapag ni Ellery ang cellphone sa mesa. Nag-ayos na siya't lahat-lahat pero mukhang walang sisipot sa kaniya.

"O, ano daw? makakapunta ba sila Sir?" sabi ng matanda na humikab na dahil sa antok.

"Si Charity ang nag-text. Hindi raw po siya makakapunta dito." malamya na ang mga matang saad ni Ellery, hindi kagaya kanina na sobrang active pa niya sa lahat ng bagay.

"Hija, sa tingin ko hindi na sila darating."

"Na-traffic lang siguro, Manang. Mauna ka na pong matulog, maghintay na muna ako saglit."

"Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong sa paglilipit, ha?" ngumiti lang si Ellery dito. 

DUMAAN ang ilang minuto na pahikab-hikab na si Ellery. Tumunog naman ang doorbell kaya kaagad siyang nagkukumahog sa pag-ayos. She even smiling for the whole time habang naglalakad patungong pinto. 

"Ma'am, here's your order po." saad ng driver ng food panda. Nakalimutan niyang nag-order pa rin pala siya dahil baka magkulang.

"I-ito po ang bayad, salamat." Pang-ilang beses ng nagkamali ng akala si Ellery? Sobrang dami na, lalo na kung aasa pa siyang uuwi si Thaddeus.

Bumalik si Ellery sa dinning room at pumalumbaba sa mesa. Siguradong magising din naman siya kapag may darating.

"Are you sure about that?" nagising si Ellery dahil sa boses ni Thaddeus.

Pero nanaginip ba siya o nag-iimagine lang? 9 PM pa at imposibleng uuwi iyon, o baka naman dumating na ang kaniyang beyenan kaya kailangan talagang uuwi si Thaddeus. Ang posisyon niya ngayon aay sobrang minus points dahil para na siyang palaka, naiimmmagine na niya iyon. 

Inangat niya bigla ang mukha at pinahiran ang pisnge dahil baka may laway pa, ngunit kaagad in siyang nasilaw nang tumama sa kaniya ang araw. Masakit pa ang kaniyang mata kaya papikit-pikt pa siyang tiningnan ang hinanda niyang mga putahe. Mas lalong nanlaki ang kaniyang mata na wala na ang mga iyon doon. Kaagad siyang napatayo.

"Saan na ang mga hinanda ko? A-at bakit---u-umaga na pero hindi niyo 'ko ginising?" Napatahimik siya nang mapansing nakatingin sa kaniya si Thaddeus. Pansin niya ang pamumula ng tenga nito pero hindi na halatang kakagising lang nito.

"It's already 3PM, and yet, you're not still awake."

Kaagad na napatungo si Ellery. Ano bang oras siya nakatulog kagabi? "S-sorry."

NAGHINTAY si Thaddeus na sumbatan at pagalitan siya ni Ellery pero sa inaasahan, ito pa ngayon ang nanghingi ng sorry sa kaniya. He's lying yesterday about his parents. Hind niya alam kung bakit, pero isa lang ang sigurado siya. Ayaw niyang magkasama ang dalawa dahil baka mahulog si Ruhan sa babaeng desperada. He really hates desperate womans.

"K-kagabi naghintay ka ba?" pagsisimula niya. He's the one who open the topic, dahil wala namang balak ang asawang sumbatan siya.

Ellery shookt her head. Tiningnan niya ang nasa mahabang mesa, malinis na iyon. "Hindi naman, nag-enjoy nga akong makipag-usap kay Manang. Marami akong natutunan. By the way, sorry kung hindi ako nagising ng maaga. Kung alam ko lang na wala kang trabaho, edi sana nag set ako ng alarm para maipagluto ka." Ellery try to convert her eyes into Thaddeus. "Maliligo lang muna ako." palam niya dito.

Gusto mang magalit ni Ellery, pero ano pang magagawa niya? Natapos na ang gabing iyon kaya wala na rin para a kaniya. Ang importante, nakita niya si Thaddeus ngayong hapon, at ito pa talaga ang bumungad sa kaniya pagkagising.

"HIJO, hindi man sa pangingialam sana sa susunod 'wag kang bibitaw ng salitang hindi mo naman kayang tuparin. Iwasan mong saktan ang inosenteng puso ni Ellery. Once na masaktan ang puso ng tao, mahirap ng ibalik ulit ang dating pinagsamahan." saad ng matanda kay Thaddeus.

Simula bata pa lang si Thaddeus ay nakasama na niya si Manang korsing sa isang bahay bilang isang kasambahay kaya hindi niya kayang sagutin ito.

"Kung nandirito ka lang kagabi, makikita mo kung paano siya umasang pupunta ang kaniyang byenan."

"Manang, did you forget our rules? I-i don't want to hear anything from you about that girl. Kung nakakaawa man siya kagabi, ginusto niya iyon. Walang nag-utos sa kanya na maghintay. Walang nag-utos sa kaniya na pakasalan ako para masaktan. Lahat ay ginusto niya, at wala na tayong magagawa roon. Excuse me po, i have a lot of works now."

Kahit minsan, hindi pumasok sa isip ni Thaddeus na maawa sa babaeng sumira sa lahat ng pangarap niya. Paano nga ba niya mahalin ang babaeng pilit siniksik ang sarili sa kaniya? Kahit isang beses man lang, hindi niya na dugtungan pa ang pagsira ng kaniyang buhay. Ang magustuhan si Ellery ay isang napakalaking delobyo na sisira sa kaniyang buhay. 

"You don't desrve a happiness, ever!" he mumbled. Muling bumalik sa kaniya ang galit na namuo sa puso. Dapat ay maawa sya sa asawa, pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyon.

"T-thaddeus, pinatawag mo raw ako?" nasa library room sila kung saan palaging tumatambay si Thaddeus sa tuwing wala itong trabaho. As usual, naka-suot ito ng salamin habang prenteng nakaupo at may hawak na libro.

Isang multong ngiti ang pinakawalan ni Thaddeus dahilan para mangilabot si Ellery. 

"Do you read books tanong nito kay Ellery."

"Y-yes."

"SO, do you believe in happy endings?" tumayo si Thaddeus. Nasa libro na ang paningin. "In every force married, there's always have a happy ending. But for us, there's no other way for us to have a happy ending. I do love read books, but i mostly love to read tragics than to read a romance? You know why? Dahil simula no'ng pinilit mo akong magpakasal sayo, wala na para sakin ang happy ending dahil ikaw mismo ang pumutol niyon. If you really want me to believe that," tinaas ni Thaddeus ang tingin kay Ellery. "How long will you tie me on your life?"

"T-thaddeus,"

"If you love me, don't force yourself to have me, Ellery! If we really meant to be, mapupunta ako sayo kahit na ano mang oras, Hindi iyong ikaw na ang gumawa ng paraan para maging tayo!"

"But you know i can't do that, Thaddeus!" kumawala ang iilang butil ng luha sa mga mata ni Ellery. "Kung krimen ang pagmamahal, itigil ko iyon. G-gusto lang naman kitang makasama. Even if we're married, na sayo pa rin ang desisyon! P-paano mo nasabing p-pinutol ko ang lahat?"

"You're being selfish." usal ni Thaddeus. "Fvck that love of yours! Paano kung sabihin kong may babae na'kong ibang minahal at nang dahil sayo kaya hindi natuloy ang pangarap namin? P-paano kung sabihin kong may anak ako pero tinago ko lang dahil bigla kang dumating? Hindi ba't kasalanan mo ang lahat? Were getting divorce." seryosong usal ni Thadddeus dahilan para matulala si Ellery. 

"D-divorce? You want us to divorce? P-pero---"

"Ang pagpapakasal ay para sa totoong nagmamahalan lang. So better if were gonna get divorce bago pa lalala ang lahat."

Nagsimula nang maglakad si Thaddeus palabas. Napahawak si Ellery sa kanyang dibdib, hindi siya papayag na mawala ang lahat sa kaniya. Hindi niya kayang mawala si Thaddeus sa kaniya.            

"H-hindi ako papayag." hindi na na-control pa ni Ellery ang kaniyang sarili na mapabagsak sa sahig. 

Handa niyang isakripisyo ang lahat para kay Thaddeus, kahit na kasiyahan niya ang kapalit. Ngunit kabaliktaran naman kay Thaddeus, hindi siya nito mahal kaya easy lang sa kaniyang iiwan si Ellery.

Kung kailan natupad na ni Ellery ang kaniyang matagal ng pinangarap tsaka naman hindi aayon ang mundo.

"ELLERY, are you sure your okay? kung gusto mo, kaya ka naming kuhanin dyan." bakas sa mukha ng ina ni Ellery na sobra itong nag-alala para sa kaniya.

Malungkot na napangiti si Ellery sa kaniyang ina na nasa screen. 

"Ayos lang ako, Mom. Y-you don't need to worry, i can already handle myself."

"If that's really what you want. By the way, how about your company? Hanggang kailan mo hahayaan si Charity na mamahala sa kompanya mo?" naging seryoso ang mukha ng kaniyang ina. Simula't sapol, hindi na nito gusto ang ideya ni Ellery na hayaan si Charity.

"Mom, are we going to argue again? Alam mo naman na aside from you, siya lang ang pinagkatiwalaan ko."

"I already told you, Ellery. Nasa masamang kamay ang kompanya mo. You'll regret soon if you found out what i mean." naputol na ang pag-v-video call nila.

Malalim na napaisip si Ellery sa huling sinabi ng Ina. Naniwala naman siya sa Mommy niya, pero ang pag-isipan nila ng masama si Charity, they're wrong about their thoughts.

"Charity can't betray me." she mumbled before leaving her room.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
bkt naka locked na sya
goodnovel comment avatar
Barbara Manianita
sana free nito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status