Share

Kabanata 23

Ang babaeng may ari ay naghain ng plato na may pagkain. Habang pinapakinggan ang paguusap ng mag kasintahan, ngumiti ito at sinabi, “Kayong batang nag iibigan ay mukhang may magandang relasyon. Iha, ang iyong nobyo ba ay kumita ng pera ngayong araw? ‘Wag lang hapunan ang hingin mo. Kailangan bilhan ka din niya ng damit.”

Sa mata ng may ari ng karinderya, mukhang kumita si Jasper ng daang libo. Hindi nito maiisip na ang lalakeng nakaupo sa kanyang tindahan at kumakain ng pritong manok ay kumita ng 3.1 bilyon.

Natawa si Wendy. “Narinig mo iyon?”

“Narinig ko. Billhin mo, bilhin mo lahat.” kumuha ng pritong manok si Jasper at isinubo ito sa bibig ni Wendy. “Bilisan mo na at kumain. Malamang nagugutom ka na.”

Tinitignan niya ang pritong manok sa harap ng kanyang bibig, natigilan saglit si Wendy, nagtataka kung dapat niya ibuka ang kanyang bibig at kainin ito.

Bago ito, nang mabanggit noong babaeng may ari ang kanilang relasyon, walang pakielam si Wendy. Bagkus, ayaw niyang magkaroon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status