Nagdilim ang ekspresyon ni Henry nang marinig ang malupit na pagsaway at itinaas niya ang kanyang braso para pumasok sa silid."Anong ginagawa mo?" Agad namang hinila ni Jasper pabalik si Henry."Ano pa? Sasapakin ko ung gag*ng nagpapagalit kay Jill,” sagot ni Henry."Hindi mo siya matutulungan kung papasok ka ngayon. Kung mayroon man, magdudulot ka ng mas maraming problema sa kanya. Gusto mo magustuhan ka niya diba? Pagkatapos ay huminahon ka para maunawaan natin kung ano ang nangyayari," sabi ni Jasper kay Henry.Walang ibang pagpipilian si Henry kundi ang iiwas ang sama ng loob na naramdaman niya habang nakatayo sa may pintuan at nakikinig kasama si Jasper sa katahimikan.Maya-maya, narinig ang boses ng isang dalaga mula sa loob ng lounge."Mr. Kain, masyado kang nagtatanong sa akin. Saan ko kayo tutulungang maghanap ng 2 milyong Somer Dollar na sponsor?"Galit na galit si Jill.Nagalit si Mr. Kain at sinabing, "Maraming paraan, depende lang ito kung taos-puso kang handang t
Kumuyom ang panga ni Henry at nagsalita, “Sige, susundin namin ang plano mo. Ngunit gusto kong bigyan ang l*ntik na tagapamahala na ito ng bahagi ng nasa isip ko!“Huwag kang mag-alala.”Tinapik ni Jasper si Henry sa balikat at itinaas ang kamay para itulak ang pinto ng lounge.Ang kanyang biglaang pagpasok ay naputol ang pagtatalo ni Mr. Kain at Jill.Sabay na tumingin sa kanya ang dalawa.Sinalubong ni Jasper ang tingin ni Jill.Syempre, hindi naman estranghero si Jasper kay Jill.Gayunpaman, ito ang unang pagkakataon na nakita siya ni Jasper nang personal. Kung ikukumpara sa nasa hustong gulang at may kasanayan na Jill na nakita niya sa media sa nakaraang buhay niya, ang nasa harap niya ay mukhang masaya at bata pa.Katamtaman ang kanyang mga katangian, ngunit mayroon siyang aura na hindi makikita sa mga ordinaryong babae.Marahil ang kakaibang kumpiyansa at pagiging mahinahon ni Jill ay may kinalaman sa kanyang matagal ng relasyon sa sports, gayundin ang kanyang kakayahang
Madilim na tumingin kay Jasper si Mr. Kain at umungol, "Ano ang ipinahihiwatig mo dito?!"“Sigurado akong naiintindihan mo ang ipinahihiwatig ko, Mr. Kain. Bilang isang tagapamahala, ikaw ay dapat na parehong nakatatanda at kanlungan para sa iyong mga atleta."Dapat mong gawin ang lahat ng iyong makakaya upang magbigay ng isang ligtas na kapaligiran para sa pagsasanay, ngunit ano ang ginagawa mo ngayon, kumukuha? Tawagin na ba kitang madam o bugaw?"Sa mga salita ni Jasper ay pinipigil ni Jill ang kanyang pagtawa sa gitna ng kanyang pagkabigla.Kaya lamang, agad niyang napagtanto na hindi ito nararapat at tinakpan niya ang kanyang bibig.Wala sa isip ni Mr. Kain na alalahanin pa ang reaksyon ni Jill habang umuungal siya kay Jasper sa kahihiyan."Wala akong pakialam kung sino ka! Hindi ka malugod na tinatanggap dito, kaya umalis ka na! Kung hindi, tatawag ako ng security para itaboy ka!"“Itataboy mo ako palabas?” Humalakhak si Jasper at mahinahong kinausap si Mr. Kain, “Sigurado
Muntik nang mabali ni Henry ang likod ni Mr. Kain sa pagkasipa niya.Inilagay ang isang kamay sa kanyang ibabang bahagi ng likod, napahiga si Mr. Kain sa sahig at napaungol sa matinding paghihirap.Muntik ng magbuwis ng buhay si Mr. Kain dahil sa pagkakasipa kung hindi lang siya naging atleta noong kanyang kabataan at sinanay ang kanyang katawan.Matapos habulin ang hininga, nagalit si Mr. Kain at sinigawan niya si Henry. “Sino ka sa tingin mo? Nangahas ka na gulpihin ako! Security! Nasaan ang security?!"Mabilis na tumakbo ang ilang mga guwardiya ngunit hindi sila naglakas-loob na kumilos nang padalus-dalos ng makita nila ang mabangis na itsura sa mukha ni Henry.Sinong niloloko nila? Ang mga guwardiya dito ay mga normal na tao lamang na kumikita ng buwanang sweldo na ilang daang dolyar. Hindi nila kailangang ipagsapalaran ang kanilang buhay sa isang taong basagulero tulad ni Henry.Hindi pa mabanggit, ang reputasyon ni Mr. Kain sa Sports Center ay kakila-kilabot at maraming tao
Hindi nagtagal, dumating si Byron sa gusali sa tabi ng sentro ng pagsasanay ng Panlalawigang Koponan. Nag-aaway pa ang dalawang partido pagdating niya.Ang pagdating ni Byron ay katulad ng mesiyas para kay Mr. Kain."Sa wakas nandito ka na, Mr. Woolery!"Mabilis na tumakbo si Mr Kain para salubungin siya at tinuro si Jasper. "Ito siya. Pinag-uusapan namin ni Jill ang pagdalo niya sa hapunan ninyo mamayang gabi ng abalahin kami ng b*stardong ito, Mr. Woolery. Sasagot na sana siya ng oo."Agad siyang pinabulaanan ni Jill, “Nagsisinungaling ka! Kahit kailan hindi ako pumayag sa kahilingan mo!"Nagdilim ang ekspresyon ni Mr. Kain at sumigaw siya, “Manahimik ka. Wala ka sa posisyon para magsalita dito!"“Haha…”Mapagmataas ang ekspresyon ang mukha ni Byron. Hindi tumitingin kay Jill, lumapit siya kay Jasper at nagsalita ng masama, “Byron Woolery ang pangalan ko. Hindi ka pamilyar, kaya ipaalala mo sa akin kung paano kita nasaktan upang umabot sa punto na kailangan mong makialam sa ak
Ang magiging manugang ni Dawson, ang may-ari ng JW Company, at ang mayoryang shareholder ng proyekto ng Southface River.Alinman sa tatlong pagkakakilanlan ay sapat na upang matakot si Byron."Sinabi mo na ang pangalan mo ay Jasper Laine?" Naningkit ang mata ni Byron at nagtanong.Hindi siya makapaniwala na ang lapastangang bata na ito na nakilala niya ay talagang napakagaling.Ito ay masyado namang nagkataon."Ikinagagalak kong malaman na narinig mo na pala ako, Mr. Woolery," mahinahong sabi ni Jasper.Kinumpirma ng mga salita ni Jasper ang hula ni Byron.Nag-iba ang ekspresyon ng lalaki.Mas kumplikado ang sitwasyon ngayon.Samu’t-saring damdaming ang sumagi sa isip ni Byron habang nagsisimula siyang bumuo ng kontra-diskarte.Sa sandaling iyon, nagsalita si Mr. Kain nang walang ideya kung ano ang nangyayari.“Anong pakialam namin kung Jasper o Jabber ang pangalan mo? Ano naman kung ikaw si Jasper Laine? Hindi ko pa narinig ang pangalan mo sa Nauritus City!"Huwag kang mag
Sinulyapan ang nakalahad na mga kamay ni Byron, hindi gumalaw si Jasper."Paano magiging kwalipikado ang isang walang katulad ko na makipagkamay sa maringal na Mr. Woolery?"Natigil ang ngiti ni Byron pero pinilit niyang ipagpatuloy ang pagsasalita niya, “Mr. Laine, nasabi ko na sayo na misunderstanding yun kanina. Hindi ko alam kung sino ka noon.""Mr. Woolery, ano ang kinalaman ng mga masasamang bagay na nagawa mo sa kung sino ako?"O baka sinasabi mo sa akin, na baka may bumugbog sa akin at itapon sa labas kung hindi dahil sa pagkakakilanlan ko ngayon." sabi ni Jasper.Unti-unting napawi ang ngiti ni Byron at mahinahong tumingin kay Jasper. “Lahat tayo ay sumusubok kumita ng pera dito sa Nauritus City, Mr. Laine. Ang isang simpleng babae ay hindi karapat-dapat na pilitin ang aming relasyon.“Sinasabi ng mga tao na si Mr. Laine ay isang maunawain, maasikaso at talentadong bata. Sigurado akong hindi siya gagawa ng ganoong katangahang pagkakamali, tama ba?"Humalakhak si Jasper
"Patawad, patawad, Jill. Kasalanan ko, hindi ko sinasadya. Napilitan din ako!”Walang bakas ng kanyang dating bangis habang si Mr. Kain ay napaluhod at nagmamakaawa.“Natukso ako, nangako si Byron na mag-isponsor ng provincial team ng 500 thousand at babayaran ako ng isa pang 200 thousand kung gagawin ko ang hiling niya. Nagawa ko lang dahil natukso ako sa pera.“Jill, tulungan mo ako! Sa nakikita kung paano kita dinala sa kung nasaan ka ngayon, tulungan mo akong magsabi ng salita! Ayokong makulong!"Umiyak si Mr. Kain. Nakita niya kung paano tumigas ang ekspresyon ni Jill at hindi ito umimik, kaya sumunod siyang lumuhod sa harapan ni Jasper."Mr. Laine, Sir, Daddy, please! Pakiusap, nakikiusap ako sa iyo! Pakiusap! Ako ay bulag, ako ay walang pakundangan! Hindi ko dapat tinarget ang kaibigan mo, pero wala talaga akong alam!“Please, please, patawarin mo na lang ako kahit minsan! Ayoko talagang makulong! Mayroon pa akong asawa at mga anak; May mga magulang pa akong dapat alagaan!