Share

Chapter 4

Kinabukasan, maaga akong pinatawag sa HR Department. I am already expecting a termination letter because of what happened yesterday but it didn't happen. Pinatawag ako dahil sa ibang dahilan. Kailangan daw ng secretary ang Director ng ospital.

Yes! You read it right, secretary ng Director ng ospital, pero ang ipanagtataka ko ay bakit ako ang pinatawag?

"The director needs someone who can work with him effectively and efficiently dahil tenerminate niya ang secretary nya kahapon." The HR manager said.

Hah! Tenerminate! Nagresign kamo. Iniwan siya ng sekretarya niya kasi pangit ang ugali niya.

" We have so many urgent works now for the mid-year evaluation and we cannot wait for another week to find a replacement. Mr. Myers is very strict. We already sent him list of employees who can be a replacement but he declined all.

Arte! Siya pa ang choosy.

"He said, he needs someone new and someone who don't mix work and personal interest."

Wow! Yabang talaga! Akala niya ata lahat ng mga empleyado niya may gusto sa kanya.

"For the mean time we are transferring you to the office of the Director so you could work closely with him. Wala na talaga kasi kaming ibang mapili eh."

"Bakit po ako Ma'am? I mean marami namang sigurong staff ang hospital na pwedeng pumalit sa secretary ng director?"

"There's none available at the moment kasi nga ayaw ni Boss nung mga pinadala naming list. And since you are the newest addition to the team we have decided na ikaw muna ang ililipat namin sa opisina niya. Pansamantala lang naman."

I am trying my very best to control my emotions pero kanina ko pa talaga gustong sugurin ang hambog at feeling gwapo na lalaking yun. Hanggag ngayon hindi pa rin mawala wala ang inis ko sa kanya. Pagkatapos niya akong paglaruan kahapon ang kapal ng mukha niyang gawin akong secretary.

For the record I am a nurse. It's not my duty to attend to his needs. That brute! I know he is doing this on purpose. Ang kapal kapal ng mukha.

"Kapag nakahanap na kami ng kapalit mo, pwede ka nang bumalik sa trabaho mo. Just this time, we need your cooperation."

"But I am a nurse, Ma'am." Magalang kong sagot kahit na kontra ang kalooban ko. "My duty is to assist the doctors and take care of the patients. Wala po akong background about administrative works. Baka po hindi ko magampanan ang trabaho ko."

"Oh don't worry about that. The Director already knew about it and it's fine with him."

It's fine with him but not with me.

"Sakto ding kailangan niya ng personal nurse na mag-aasiakaso sa kanya. Something came up yesterday in his office. We don't really know what happened pero nasugatan si Boss. Kaya din siguro sya pumayag na ikaw ang magiging temporary secretary niya since you are also a nurse. You can attend to his needs."

So hindi lang secretary ang magiging trabaho ko kundi personal nurse at yaya pa?

" Have you heard what happened yesterday?"

Hindi lang heard Ma'am. I was there. Gusto ko sanang isagot sa kanya pero mas pinili ko nalang na itikom ang bibig.

"We're all worried nung nalaman namin ang tungkol sa pagkasugat ni Mr. Myers."

Malayo naman sa bituka. Hindi nakakamatay.

"Madaming dugo daw ang nagkalat sa opisina ni Sir. Mabuti na lang talaga at hindi sya takot sa dugo."

Anong hindi? Kung nakita niyo lang paano namutla ang gagong yun.

Pero mabuti na lang din na yung tungkol lang sa pagkasugat ng kamay niya ang kumalat. Paano nalang kung kumalat din yung pag-CPR ko sa kanya? E di kinuyog na ako ng mga babaeng may gusto sa kanya.

"Anyway, after this you can report directly to his office Nurse Gasis. He's expecting you to come early today."

Laglag ang balikat kong lumabas sa opisina ng HR manager. Ayoko man pero wala akong choice. Kung may choice man ako yun ay ang magresign. PerO if gagawin ko yun, masisira ang record ko. Ayoko namang masira ang record ko dahil lang doon.

Kinalma ko muna ang aking sarili bago ako umakyat sa opisina ng director. I'm mad but I need to be professional. I need to show him na hindi ang katulad niya ang makakaapekto sa performance ko dito.

It's just all for work and I am doing this for work.

Pagkarating ko sa palapag ng opisina niya sobrang tahimik kahit sa hallway pa lang. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok kahit alam kung wala naman na ang secretary nya doon.

Pagkapasok ko, inilibot ko ang tingin sa paligid. Sobrang tahimik ng silid. Wala na ang mga gamit sa ibabaw ng mesa ng secretary niya. Wala na rin ang kalat kahapon, malinis at mabango na ulit.

Naglakad ako palapit sa pintuan ng opisina niya at kumatok ako ulit doon. Ilang saglit lang may narinig akong sagot mula sa loob.

"Come in." I heard his baritone voice.

Inayos ko muna ang unipormeng suot ko at nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago ako pumasok.

"Good morning, Mr. Myers. I was sent here by the HR department." Pormal na bati ko sa kanya na para bang hindi ko sya kilala at walang nangyaring CPR sa pagitan namin kahapon.

I am annoyed at him, really annoyed but I need to remind myself that he is still my boss. I need to give him the respect.

I looked at him. He's seating like a king in the sofa inside his office. Nakataas pa ang dalawang paa, nakasandal ang likod at tila ba naiinip na sa paghihintay sa akin. Tiningnan niya pa ang orasan sa relong pambisig nya pagkatapos nagkibit balikat.

Nadako ang tingin ko sa laptop sa harapan niya pero agad niyang sinara ng mapansing nadako ang tingin ko doon.

Is that a CCTV footage of me while I'm entering his office?

Tumayo ito, nakaangat ang isang kilay at may tinatagong ngiti sa kanyang labi. Kung kahapon pormal ang suot nitong damit ngayon ay parang bagets itong pupunta ng mall para gumala.

He's wearing a white fitted shirt perfectly hugging his muscles, paired with maong pants and white sneakers. His few meters away from me but I can smell his manly scent. Bangong nanunuot hanggang sa kasuluksulukan ng ilong ko.

He also have a new hair cut. French cropped hairstyle with design slits on the side which made him look like a badass boy next door. Added to that is the diamond ear ring on his left ear and that lightning slit design on his left eyebrow.

Hmp! Pauso! Di naman bagay. Parang manok panabong na tinamaan ng kidlat!

Bumaba ang tingin ko sa kabuuan niya, well, no comment.

"How's my look? Pasado na ba?"

Doon ako parang nahimasmasan. Kahit nahuli niya akong ineksamin sya nagkunwari akong hindi ko ginawa yun. Hindi ko pinatulan ang sinabi niya. Nanatiling pormal ang tinging pinukol ko sa kanya.

Sa pagkakatong ito ako naman ang pinasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ako kumibo. Nakatayo lang ako sa harapan niya na tila hindi apektado pero ang totoo gustong-gusto ko na suntukin ang pagmumukha nya.

Ang angas kong tumingin. Ang yabang! Akala mo talaga kung sinong kagwapuhan.

"So you agreed? " He muttered huskily and I remained formal.

As if I have a choice.

"Good. Very good." Palakaibigan itong ngumiti sa akin pero hindi ko ito magawang ngumiti pabalik sa kanya.

"Working with me is so easy lang naman. I'm not strict you can even sleep with me...uhm I mean you can rest inside there if you want." Tinuro niya yung silid na kinuhanan ko ng first aid kid.

"Hindi rin ako masungit, you can talk to me, just in case you feel bored. I'm a good listener. We can buy your favorite coffee and discuss anything and everything under the sun. In case you didn't know, may coffee shop ang kapatid ko. Or we can order food. I have a resto too."

Hindi pa rin ako sumagot, nanatili lang akong nakatingin sa kanya at kita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya na tila ba sinasabi nitong panalo sya.

Is this guy really the director of this hospital? He is so freaking annoying. Nagkamali ata ako sa pagpili ng pagtatrabahahoan. Kung sana sa Sandoval ako hindi magiging ganito ang buhay ko.

"What's your name again?" This time naglakad na ito palapit sa akin.

I doubt if the HR didn't give him a brief introduction about me. Tsaka kahapon lang tinawag nya ako sa isa sa mga pangalan ko.

"I'm asking." Nakaangat ang isang kilay nito pero kita ko naman ang aliw sa mga mata niya. Ang kulay asul niyang mga mata ay tila ba sumasayaw sa tuwa.

"Ville Margarette Aelia Gasis, Mr. Myers—"

"Opps!" Tinaas nito ang isang daliri niya. "Before anything else, I wan to make it clear that I don't want you calling me Mr. Myers. You're making me feel old. Ganun na ba ako katanda sa paningin mo?" Tinaas nito ang kaliwang kilay niya na may hugis kidlat at nagpapa-cute na ngumiti sa akin. "Well, I prefer if you call me Ford—"

"What?"

Malakas itong tumawa.

"—Or Mine for short."

"Mine?!"

Yuck! Gusto kong masuka. Pauso! Feeling bagets di naman bagay.

Ano yan online selling na maypa-Mine? So baduy!

"Or anything you want to call me basta wag lang Mr. Myers or else you'll be punished."

Punish? Ano ako grade-1?"

"You've got a nice name you know. Aelia means sun, sunlight, sunshine. Just like you so hot.."tinaliman ko sya ng tingin. "Hot tempered. Ang init ng ulo mo. Palagi ka na lang badtrip agad. Nakikipagkaibigan lang eh."

Hindi ko na napigilan ang pag-angat ng isang kilay ko sa kanya.

"Anyway..."

Pumormal ang anyo nito ng makitang wala man lang akong kangiti-ngiti. Nilagpasan niya ako at umikot sa mesa niya saka naupo sa swilvel chair doon. Naging seryoso na rin ang mukha nito. Wala na ang mapaglarong ngiti nito kanina.

"Take your seat Miss Gasis." Minwestra niya ang upuang nasa harapan niya. Lumapit ako at umupo doon.

"I assume you know already why you are here." Tumango ako.

Kahit ang paraan ng pananalita niya ay naging seryoso na rin. While looking at him now, naalala ko si Kuya Gustavo sa kanya. Ganitong ganito ang mukha ni Kuya kapag seryoso sya. No question this brute is really his brother.

Kamusta na kaya sila?

Wala na akong balita kung anong nangyari sa kanila. But I miss them, I miss Selene, I miss Therese and most of all I miss Ate Chiara. I miss our life together.

But things happened and I have to do what I need to do.

"So you'll be working as my secretary. Take calls, remind me of my appointments and schedule my meetings. That's basically the routine. If required, you have to come with me if I have meetings outside but if not you can stay here. The same office timings, 8 to 5. After work you can leave like other employees."

I didn't say anything, I remained looking at him listening to his instruction.

"If we're not busy you can relax. You can do anything you want here but I only have one rule."

Doon ako napatingin sa mukha niya. Gumuhit ang aliw sa mga mata niya pero agad ding nabura.

"Whatever happens inside this room, remains in this room. I don't want people gossiping about my personal life."

As if naman hindi alam ng mga empleyado mo.

"Are we clear?"

I nodded. " Yes Mr. Myers."

"Opps! What did I just say about calling me Mr. Myers?"

Hindi naman dapat ako matakot sa banta niyang punishment pero bigla akong kinabahan. Lalo na nang mapansin ko ang pagbago ng reaksyon niya at ang pagdako ng tingin niya sa— sa labi ko.

What the heck this brute is thinking?

"You really want to be punished huh?" Bigla itong umayos ng upo at akmang tatayo pero bago pa nito magawa ang punishment eme na sinasabi niya tumikhim na ako.

"I'm sorry Sir Ford and yes I understand your instructions."

"Good." A triumphant smile plastered on his face. Sarap suntukin.

" You can go out now and start working. Use the table outside. You can open the system using my username and password. It's there I wrote it. You can check also my schedule for tomorrow. Cancel all schedule for today. I don't want to go outside, my hand is" He took a glance at his hand.

"it's still hurting." Para itong batang nagpapaawa.

Tiningnan ko ang kamay niyang may benda. Maayos naman at malinis ang pagkakagawa nun.

"Check mo ito mamaya ha? Pero dahan dahan lang at baka dumugo ulit. You know I'm scared of ahm— I mean I'm not scared of blood, it's just that I have a trauma. Okay you can leave now. I will start working also at baka mapagalitan na naman ako ni Kuya."

Tumayo ako at bahagyang yumukod sa kanya. Lalabas na sana pero bago ko mahawakan ang seradura bigla itong nagsalita ulit.

"Aelia."

Lumingon ako sa kanya.

Bagamat pormal ang anyo nito, kita ko na kalmado at palakaibigang anyo ng mukha niya.

"I'm sorry for being rude last time. Don't worry, I don't mix business with pleasure."

Tango lang ang naging sagot ko sa kanya pagkatapos ay lumabas na ako.

I really don't know kung tama ba itong pinasok ko. Ni wala akong ideya kung ano ang mga dapat gawin. Walang coaching mula sa HR department.

username: Ford_dakopitoy01

password: pinakanamit

Anong klaseng username at password ito?

√Take calls

√Remind him of his appointments

√Schedule his meetings.

√ Accompany him if necessary

√ 8 to 5 office timings

Pagkatapos, yun na yun? Ang dali naman kung ganun lang. Sobrang layo sa nakasanayan kong trabaho bilang nurse na halos hindi na ako makakain ng maayos.

Pero ang akala kong madaling trabaho ay biglang nabulabog nang pagkaupo ko, agad akong nakatanggap ng tawag.

Tawag hindi mula sa mga taong nakalista sa schedule niya kundi tawag mula sa isang babaeng nagpakilalang nobya niya.

"Roselyn, this is Rhianna, I want to speak to Ford. This is his girlfriend." Mataray nitong sabi sa akin.

"Hello Miss Rhianna, this is not Roselyn. May I know your full name please?"

"The heck! Just tell him Rhianna. He knows me." Pasigaw nitong sabi. Sarap patulan pero mas pinili ko ang kumalma. Baka isang araw palang mate-terminate na ako sa trabaho ko dahil sa kanya.

"Please stay on the line Ma'am."

Tiningnan ko kung may Rhianna pero wala sya sa listahan ng mga may appointment kay Sir Ford ngayon.

"Yes Aelia?" Inis akong tumawag ako sa intercom ni Boss.

Aelia. I'm not used to someone calling me Aelia pero sige yes nalang.

"Your girlfriend is on the line, Sir. Do you want me to connect the call."

"Girlfriend? What the fuck!? I don't have girlfriend. Ano daw pangalan?"

Sabi ko na nga ba.

"Rhianna." Walang buhay kong sagot.

"Apelyedo?"

"Wala pong sinabi. Sabihin ko lang daw Rhianna at kilala mo na sya."

"I don't know her. Tell her to fuck off!"

"What?!"

"Ah basta sabihin mo sa kanya wala akong kilalang Rhianna. Ikaw na ang bahala Aelia, madami pa akong trabaho."

Ibaba ko na sana ang intercom ng may pahabol pa pala ito.

"And oh, just so you know. I don't have girlfriend. Don't entertain any calls from ladies if walang appointment sa akin."

Dagdag sa listahan ko.

√ Don't entertain any calls from ladies if walang appointment.

Galit ang babae si Rhianna nung sinabi ko sa kanyang hindi sya kilala ng amo ko. Nagbanta pa ito sa akin na susugod sya dito at kapag nakita niya ako ipapatanggal nya ako sa trabaho.

Ang akala kong isang tawag lang ay nasundan pa ng isa, ng isa hanggang sa hindi ko na mabilang.

"Myers Medical Hospital how may I help—"

Boses ng babae na naman ang nasa kabilang linya.

"This is Rosenda."

I'm sorry Miss but my Boss is busy at the moment—"

"This is Rosemarie"

I'm sorry Miss but my Boss is busy at the moment—"

It's the nth time.

"I know your boss is there. Tell him I need to speak to him. This is Rosanna. I'm here down. The security won't allow me."

"Do you have any appointment today, Miss Rosanna?" I asked kahit alam kong wala naman.

"Yes!"

Gaya ng iba wala din ang pangalan nya sa listahan ng mga taong kikitain ng magaling kong amo ngayong araw at bukas.

At dahil kabilin bilinan niya sa akin na kapag wala sa listahan hindi ko pwedeng ipasa ang tawag sa kanya ako ngayon ang naiipit para magsinungaling. Ang lagay tuloy ako pa ang nahihirapang magdispatsa sa mga babae niya.

"Okay let me check—" but before I could finish my sentence she already shouted at me.

"You idiot! I'm his girlfriend! Why do I need a fucking appointment huh?

Gago ka pala eh!

"Don't you know me? I'm Rosanna–"

Roces?

"I'm sorry Ma'am but you're not in the list. If you really is his girlfriend you can call him through his personal number." And before she could answer back I already cut the call.

Ito ba ang take calls na sinasabi ng amo ko? Pucha! Simula pa kaninang umaga wala na ata akong ibang inatupag kundi ang sagutin ang mga tawag nila. Naubos ang oras ko kakasagot sa mag walang kwentang tawag.

"Ikaw ang idiot gago! Nobya ka pala eh edi tawagan mo! Bwesit!"

Hindi ko na napigilan ang sariling ma-badtrip. Nobya pala eh! May nobya bang di makausap ang nobyo? Ogag!

"Kasura kayo! Siguro hindi kayo magaganda kaya inaayawan kayo!"

Para na akong baliw kausap ang telepono na nakababa na. Hindi ko namalayan na sa daming calls na natanggap ko nakalimutan ko nang kainin ang sandwhich na dala ko at tanghalian na.

Gosh!

Ginutom pa ako ng mga impakta! At ang feeling gwapo ko namang amo ginawa akong sinungaling.

I'm a nurse for fuck sake!

"Idiot my ass! Kayo ang idiot! Mga ogag!"

Isang tawag na lang talaga— And just right in time, the fucking phone rang again.

Pissed and irritated I took the call.

"Hello good day! This is Aurora, may I speak with Mr. Myers please? "

Aurora. Ito lang ata ang naiba.

The ladies voice is soothing. Mukha ding magalang pero wala na ako sa mood. Dagdagan pa na wala na naman ulit ang pangalan nito sa listahan ng mga may appointment sa amo ko.

"Ahm sorry Ma'am, your name is not in the list. If you want to talk to Mr. Myers please make an appointment." I said politely.

"Appointment?"

"Yes po."

"Don't you know me?" She asked pero hindi mataray ang dating nun sa akin.

"Sorry po Ma'am but your name is not in the list."

"Aww that's sad. I just want to ask him if his available today. I want to invite him for lunch sana."

Wag mo na e-invite ang playboy na yun Ma'am. Mas maiging kumain ka mag-isa.

"Can I talk to him? He's inside his office right?"

"He's not available Ma'am. Right now he's in a meeting." I lied.

"Meeting? My cousin just called him few minutes back he said he's not busy. Naputol lang ang usapan nila. Tinawagan sya ulit pero hindi na makontak ulit ang phone niya, siguro na dead bat. Gusto ko sana syang e-surprise.

I didn't talk. Sakto namang lumabas ang amo ko sa silid niya. Pangiti-ngiti pa ito hawak ang phone niya.

"Sino yan?" He mouthed pero hindi ko siya pinansin. Sarap bigwasan.

Lumapit pa ang gago sa akin at pumwesto sa harapan ko. Sumenyas ito na parang may tinutusok sa phone nya.

"What?" I mouth pero inulit nya lang yung senyas nya kanina na parang may tinutusok. He's one hand is holding his phone while the other hand is making a gesture like he's—

"Bastos!" I mouthed back glaring at him. Nanlaki pa ang mga mata niya.

"Charger. I need charger." Pero may malawak at pilyong ngiti na ito.

Hmp! Sarap talaga bigwasan.

"Please Miss, I need to talk to Mr. Myers. I'm here in his resto. I'm so hungry na."

O may kausap pa pala ako. Gustohin ko man sya ipakausap sa amo ko pero wala sya sa listahan kaya, No.

"I'm sorry Ma'am but Mr. Myers is really busy. If you want to talk to him please make an appointment."

"Please?"

Sinenyasan ko si Sir Ford na para sa kanya ang tawag pero umiling ito. Akala ko babalik na sa opisina niya pero umupo ito sa gilid ng mesa ko at may ngiting nakatingin sa akin.

"Pasensya na po talaga Ma'am pero hindi po talaga pwede."

"Saglit lang talaga, Miss. I have a flight today. Ito lang ang time na free ako."

"Ma'am please, 'di po talaga pwede."

"I just need to talk to him. Saglit lang." Medyo tumaas na rin ang boses nito. "After today I don't know when I can come back again. So please!"

"Ma'am as I've said my boss is—"

"I'm his girlfriend." She said cutting me off.

And for the nth time that I heard that word today, doon na naubos ang pasensya ko.

Girlfriend, puro nalang girlfriend. Lahat ba kayo girldfriend ng feeling gwapo na 'to?

Such a playboy!

"You are just his secretary. I am his girlfriend. Give Ford the phone. I need to talk to him now!"

That's the last straw. Humigpit ang hawak ko sa phone sabay tayo at malditang sumagot sa kanya.

"Wala ba kayong ibang magawa sa buhay niyo kundi ang maghabol sa isang lalaki? Anong betlog meron sya at pinag-aagawan niyong lahat ha? For goodness sake! You're all so cheap! Get a life!"

Binagsakan ko ng telepono ang babae. Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Sir Ford pero tumayo na ako bitbit ang bag ko at lumabas ng opisina niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status