CHAPTER 11 (PART 2) Tuluyan niyang hindi malunok ang pagkain. Kinuha niya ang pinagkainan upang hugasan. Katabi lang ng dining room ang malawak na kitchen ng mansyon. Walang tao roon kaya mabilis siyang pumwesto sa sink. Lalayas na talaga siya sa bahay na iyon. Nakakairita! “Joy, can you get me my morning drink?” Napalingon siya kay Florence na papasok. Bukod sa natatakpan ng cabinet ang kalahati ng kanyang katawan, hindi nakatingin sa kanya ang ginang. Basta na lang itong umupo sa mesang naroroon at yumuko. Parang may iniinda. “My head is hurting, Joy. I think my blood pressure is high again,” anito. “So stressed these days. Good thing, ibinigay sa akin ng kumare kong doktor ang liquid supplement na ‘yan.” Hindi pa rin siya gumagalaw, hindi alam kung hahayaan niya na ba ang ginang na mag-aasume na siya ang katulong. Hinilot nito ang sintido. Pumikit at umungol na parang hindi komportable. Nang napunta ang kamay nito sa batok, hindi na nakapagpigil si Neshara F
CHAPTER 12 (PART 1) Pang-isang daang ulit na yata pinanood ni Sebastian ang performance ng bata na ni-upload ng King Royale’s School sa internet. Sevi is an exceptional child and he wants to support children like him to reach their full potential. Kaya nga naisipan niyang pag-aralin ito sa Germany sa pamamagitan ng Rocc’s Corporation Scholarship. Kaya lang ay tinanggihan iyon ng ina ng bata. Hindi niya maintindihan kung bakit. Hanggang doctorate na iyon. Walang gagastusin ang ina nito ni singko sa pagpapaaral kay Sevi sa prestihiyosong paraalan sa Germany. Bukod roon, may kung ano sa kanya na gusto palaging makita si Sevirious. The kid is making him calm; like every time he sees Neshara Fil. Gusto niyang ibigay ang lahat sa batang iyon. He even insisted that they should be friends. He may be out of his mind! D amn it! That is not the cold-blooded Sebastian that everyone knows. He shouldn’t care or his grandfather will use it as his weakness. Ayaw
CHAPTER 12 (PART 2) WALA na siyang babalikan. Alam niya. Siya lang itong pinipilit ang sarili na baka kahit kaunti ay meron pa. Na mapapatawad siya ni Neshara sa sinabi niya noon, sa pag-iwan niya rito. “Sevi, may naghahanap sa ‘yo.” “Sino po, Teacher?” rinig niyang tanong ng anak niya sa loob ng classroom. Pinigilan niyang maluha sa boses na iyon. God! He should have known the first time he saw Sevirious. “Friend mo raw. Labas ka na. Tapos ka naman na sa activity sheet mo.” Ilang sandali lang siyang naghintay bago niya nakita ang maliit na pigura ni Sevi. Nagpalinga-linga ito bago nahanap siya. Sebastian waves his hand that is now starting to get sweaty. Malakas ang kabog ng kanyang dibd ib habang pinapanood ang anak na naglalakad palapit sa kanya. “Ano pong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya, bahagyang nakabusangot. Hindi siya agad nakasagot. Tinitigan niya lamang si Sevirious. “Sir Seb,” kublit nito sa kanya. Naghalo ang pagtataka at busa
CHAPTER 13 “Thank you, Heat,” wika niya nang inabot sa kanya ng kaibigan ang mainit na kape. Dinalaw siya nito sa condo unit na tinutuluyan nila ni Sevi. Ilang araw na kasi siyang nagkukulong. Lalabas lang siya para ihatid at sunduin ang anak niya sa eskwela. “You’re so sad ngayon bestfriend. Haggard din. Look at your face, you have wrinkles na. Gosh, kailangan ulit nating magpa-spa.” “Alam mo naman na wala akong budget para riyan. At hindi rin ako tumatanggap ng libre, Heather Falcon. Ang dami ko ng utang sa ‘yo.” “Sino naman naniningil?” irap nito sa kanya. Nakangusong sumandal siya kay Heather at parang batang yumakap. “Are you brokenhearted ba?” Hinaplos nito ang kanyang buhok. “Break na ba kayo ng boyfriend mo na sinasabi ni Sevi?” Sumimangot siya. “Wala nga akong boyfriend.” “Then, what’s the problem? If it’s about the money, you know naman na I can always lend you—” “Tungkol kay Sebastian,” putol niya na ikinanganga nito. Namilog ang mga mata ni Heathe
CHAPTER 14 “SEVI always do good in his class,” nakangiting wika sa kanya ng Teacher habang naglalakad sila patungong principal’s office. “Pero kanina, wala siyang pinasang activity.” “Po?” Nakikisimpatya ang ngiti sa kanya ng medyo may edad ng guro. Tumigil sila sa paglalakad nang kinuha nito ang kanyang mga kamay. “It’s our Character Education Subject, Ms. Mijares. We asked the students to make a card for their father for the upcoming Father’s Day.” Nawala ng ngiti niya. “Nakita ng kanyang mga kaklase na blangko ang kanyang papel. Nauwi sa tuksuhan nang sinagot ni Sevi na wala siyang Daddy.” Pakiramdam niya ay kinurot siya ng pino sa may dibd ib. Gusto niyang sugurin ang mga kaklase ni Sevi at isa-isang pagalitan ang mga ito. Subalit, alam niya ring napaka-immature naman niya kung gagawin niya iyon. They’re kids and they are naturally insensitive. “Naiintindihan ko ang kalagayan mo, Ms. Mijares at gusto kong humingi ng paumanhin sa nangyari. Naisip ko dapat na hindi laha
CHAPTER 15 Maingat na binuhat ni Neshara ang anak nang tumigil na ang buhos ng ulan. Pupungas-pungas pa si Sevi kahit gising naman na ito. “Uwi na tayo, Mommy?” “Hindi pa, Sevi. Punta tayo kay Mama-Ninang.” Ni-text niya si Heather na magche-check din sila sa hotel na tinutuluyan nila ngayon. Pababa na siya ng hagdan nang marinig niya ang pagdating ng isa pang sasakyan sa labas. Hindi alam ni Neshara ang dapat gawin lalo na nang sumulpot si Florence mula sa kusina at tuloy-tuloy sa front door. “Honey, may bisita tayo,” salubong ng ginang sa asawa. Napako siya sa kinatatayuan nang pumasok kasunod ni Roman, si Sebastian. Gulat na nakatingin ito sa kanila ni Sevi. Binalot ng takot ang puso niya. Humakbang siya paatras, gustong tumakbo pabalik sa kwartong pinanggalingan at magkulong sila ni Sevi hanggang sa umalis ang mga ito. “Mommy?” litong tanong ni Sevi nang sinilip nito ang kanyang mukha, Kapagkuwan ay sinundan nito ang tinitingnan niya. Masayang bumulala
CHAPTER 16 “Daddy, gising na po natin si Mommy. It’s morning already.” “Shh.. not yet, Buddy. She’s still sleeping.” Ah, Neshara must be dreaming. She sees Sebastian being so gentle with their son. Kahit pa pinipigilan nitong makalapit sa kanya si Sevi, maingat pa rin ang bawat paghawak nito sa bata. Nanaginip lang siya dahil imposibleng maging ganon ito sa anak nila. Kapag nakita nito ang bata, malamang ay sinakal agad nito katulad ng banta sa kanya noon. Hinding-hindi nito magagawang yakapin man lang ang baby niya. May ngiti sa labing muli niyang ipinikit ang mga mata. Sa kailalim-laliman ng puso’t isip niya, pangarap niyang maranasan ang eksenang iyon. If only Sebastian didn’t crush her heart, they could build an amazing family… “Mommy!” Nagising siya nang marinig ang excited na boses ni Sevi. Lumundo ang kama sa kanyang likuran at may maliit na katawan na dumagan sa kanya. “Wake up na, Mommy po. We cook our breakfast!” Nakangising pinisil-pisil ng kanyang
CHAPTER 17 (PART 1) “Mommy, Daddy is here!” sigaw ni Sevirious sa living room, hindi pa man siya nakakapagsuklay ng buhok. Mabilis niyang pinagpatung-patong ang mga pagkain ni Sevi para ilagay sa lunch box nito. Buhat-buhat na ni Sebastian ang anak nila nang lumabas siya ng kusina. Sinisilip ng baby niya ang paper bag na dala nito. “Are these the latest versions, Dad?” “Ano ‘yan?” matabang niyang tanong at nakisilip na rin. “New books po, Mommy ko. Bili ni Daddy kasi sabi ko gusto ko.” Nawala ang proud na ngisi ni Sebastian nang simangutan niya ito. “Hindi ko ‘yan ini-spoiled.” Sabay na napanguso ang mag-ama. “Baba ka na riyan, Sevi. Papasok ka pa sa school.” “Hindi ka pa nga nagsusuklay, Mommy.” Pumapasag-pasag ito sa pagkaka-karga ng ama para magpababa. “Fine. Dito ka lang sa daddy mo.” “Opo,” masunurin nitong sagot at humalik sa kanyang pisngi. Isalansan niya sa envelop ang mga papel na ipapasa para sa pinag-aaply-an niyang trabaho. Wala na siyang