Patawarin niyo ako, not feeling well pa rin. Pinilit ko lang makapag-update kahit isa. Promise, babawi ako kapag okay na. Isang update lang ang kaya ko now.
Everett’s POV“Sir Everett,” ang mahinahong boses ng aking sekretarya, si Isabel, ay tumawag sa telepono.“Yes, Isabel? Is there something you need?” tinanong ko, habang tinatapos ko ang report na isusumite ko sa aking mga investors sa New York.Huminga siya nang malalim. “I need to speak with you in person. It’s urgent.”Agad kong naramdaman ang kaba. Si Isabel ay hindi kilala sa pagiging mapilit o dramatiko, kaya alam kong may seryosong dahilan ang paghingi niya ng oras ko. Tumayo ako mula sa upuan ko at tinungo ang kaniyang opisina, kung saan nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang lamesa, mukhang matamlay at pagod.“Isabel, what’s wrong?” tanong ko agad habang sinusuri ang tensyon sa kaniyang mga mata.“I’m afraid... I need to resign, Sir Everett,” sinabi niya habang diretsong tumingin sa akin, bagama’t halata ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata.Halos hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Si Isabel ay isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao. Sa loob ng ilang taon b
Everett’s POVIsang linggo matapos ang biglaang pagre-resign ni Isabel, ang mga trabaho sa opisina ay unti-unting nakakaapekto na sa akin. Hindi ko maaaring palitan si Isabel nang basta-basta—isang kakulangan ng secretary ang maaaring magdala ng kapahamakan sa mga proyekto at meeting na nakaplano para sa mga darating na buwan. Kinakailangan kong gumawa ng agarang aksyon.I announced the vacancy of the secretary position immediately, and the applications began pouring in. Pero sa dami ng aplikante, kakaunti ang tunay na kwalipikado. Ang ilan ay tila hindi alam ang kalakaran ng isang korporasyon tulad ng Tani Luxury Cars. Karamihan ay hindi sapat ang karanasan o hindi tugma sa aking pangangailangan.Hanggang isang araw, pumasok sa opisina ang aking HR manager na si Carla, dala ang resume ng isang aplikante.“Sir, we’ve had many applicants, but none seem to fit. However, we have one applicant who stands out.”Tiningnan ko ang resume na inabot niya sa akin. “Gillius. Hmm, lalaki?” napansi
Misha’s POVPagpasok namin sa mall, ramdam ko agad ang kasiyahan ni Everisha kasi alam niyang makakagala na naman siya. Pangako ko kasi sa kaniya na oras na gumaling siya sa sakit niya ay igagala ko ulit siya sa mall. Kaya ngayong magaling na siya, tutuparin ko na ang pangako ko sa kaniya. Kasama ko si Belladonna, suot niya ang kaniyang simple ngunit eleganteng puting dress, habang ako naman ay naka maong at blouse—tipikal na pang-araw-araw na suot ko kapag kasama si Everisha. Hindi naman kami magtatagal, ilang mga kailangan lang para sa anak ko ang bibilhin ko, at gusto ko rin bigyan si Belladonna ng pagkakataong maging mas malapit kay Everisha.Mabuti nga at puwede ngayong araw si Belladonna kahit ang dapat ay mamahinga na lang siya sa bahay kasi walang pasok.Si Everisha naman, nakahawak sa aking kamay, ay parang nahihiya o mailap kay Belladonna. Napansin ko ang mga tingin niyang patago kay Belladonna, na parang may kung anong iniisip na hindi ko magawang hulaan. Pansin ko na iyon
Misha’s POVHabang naglalakad kami palabas ng mall, nagpasya akong kausapin si Everisha ng masinsinan. “Everisha, why don’t you like Belladonna? She’s really nice, anak.” Kahit paulit-ulit na ako, gusto kong maging okay sila.Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Everisha, at tiningnan ako ng may kakaibang ekspresyon. Hindi siya sumagot agad, kaya naghintay ako. Nang makita niyang hindi ako aalis hangga’t hindi siya nagsasalita, dahan-dahan siyang nagsalita, “I just don’t, Mama. I like Ate Trixie more.”Alam ko na ito ay hindi lamang tungkol kay Belladonna. Hindi ko naman siya masisisi. Bata pa si Everisha at may sarili siyang paraan ng pag-unawa sa mga bagay-bagay. At si Trixie ay naging mahalagang bahagi ng buhay namin—parang kapatid na siya sa amin. Pero, hindi ko rin masikmura ang idea na si Belladonna ay parang naiiwang nag-iisa.Naisip ko na kailangan ko nang gawin ang tamang hakbang. Tinapik ko ulit ang balikat ni Belladonna, at sa pagkakataong ito, hinawakan ko siya sa kamay. “
Everett’s POVNapuno ng kaba ang dibdib ko nang malaman ko na dumating na si Eff. Matagal na namin siyang hinahanap, umaasa na ang mga sagot niya ay magbibigay-linaw sa kung saan nagtatago ang mga kapatid niyang demonyo. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano habang hinihintay ko siya sa sala. Katabi ko si Misha, at mahigpit ang hawak ko sa kamay niya.Mabuti na lang at magagaling ang mga tauhan ko, nahanap nila kung saan nagtatago ang pinsan kong ‘to.Tahimik ang paligid nang pumasok si Eff habang kasama ang mga tauhan ko. Malamig ang kanyang tingin, at tila may dala siyang mabigat na sikreto, base sa nakikita ko kung paano niya kami tignan. Inayos ko ang sarili ko, sinusubukang maging kalmado kahit na pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Ganoon na ako, nasanay na ako kapag nasa malapit ang kahit sino sa mga pinsan ko, may dala silang delubyo.“Eff,” sabi ko, diretso at walang paligoy-ligoy, “we need to know kung nasaan ang mga kapatid mong sina Teff at Rei?”Sumanda
Everett’s POVNakahinga ako nang maluwag nang marinig ko mula sa doktor na ligtas na si Misha. Pero kahit alam kong daplis lang ang tama niya, may bahagi sa akin na hindi mapakali. Tahimik akong naupo sa tabi ng kama niya habang natutulog siya, hawak ang malamig niyang kamay. Hindi ko maiwasang magbalik-tanaw sa mga nangyari kanina. Si Eff… hindi ko inasahang magiging ganito ang lahat. Paano kami napunta sa ganitong sitwasyon? Paano nauwi ang pamilyang Tani sa ganitong kaguluhan? Hindi ko inaasahan na lalala ang mga ugali nila. Siguro, tuluyan nang nalusaw ang mga utak nila dahil sa paggamit ng mga pinagbabawal na gamot.Misha stirred, her eyelids fluttering open. Nang makita niyang nandito ako sa tabi niya, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. “Everett…” bulong niya nang mahina ang boses.“Shh, don’t talk,” sabi ko habang hinaplos ang buhok niya. “You’re safe now.”She closed her eyes for a moment, breathing deeply, then opened them again. “It’s my fault, isn’t it?
Misha’s POVPagkatapos kong makalabas ng ospital, pakiramdam ko ay tila may nakakulob na bigat sa aking dibdib. Hindi lang dahil sa sakit sa aking tagiliran, kundi dahil sa mga iniwang tanong at takot ng nangyari. Namatay si Eff sa kamay ng mga tauhan namin. Nang makita kong bumagsak ang kanyang katawan sa lupa, alam kong tuloy-tuloy na ang labanang mangyayari. Nag-iba na ang lahat, at ang masakit na katotohanan ay nagsisimula na ang mas matinding gulo.Pagdating sa bahay, napatigil ako sa harap ng pintuan. Alam kong kailangan kong magpahinga, pero paano ko nga ba makakamit ang kapayapaan kung sa loob ko ay hindi ako mapalagay? Lalo na’t narito si Everisha, ang anak namin ni Everett. Mas lalo akong nag-aalala para sa kanya.Nang mabuksan ko ang pinto, sinalubong ako ng init ng bahay, pero hindi ko maramdaman ang aliwalas ng dating sigla nito. Ang dati kong tahanan na puno ng tawanan at masasayang alaala, ngayon ay tila napalitan ng takot at kaba. Para bang may mabigat na anino sa bawa
Misha’s POVPagkatapos ng pag-alis ni Everisha, ang mga araw ay tila naging mas lalong malungkot. Hindi ko magawang lubos na makapagpahinga, kahit alam kong kailangan ko pa ring alagaan ang sugat ko. Sa bawat hakbang ko sa loob ng bahay, pakiramdam ko’y may humahabol na mga anino ng takot at pangamba. Alam kong hindi na magiging kasing-payapa ng dati ang buhay namin ni Everett. Marami kaming tauhan, pera at makapangyarihan pero ang takot namin, bakit ganito, parang nawalan kami ng lakas. Palibhasa’t alam namin na kami ang naunang nakagawa ng hakbang. Namatay si Eff sa loob ng bahay namin. Kaya pakiramdam ko ay parang kakaiba na sa buong paligid. Palagi kong naiisip ang nangyari. Na para bang ayoko nang tumira rito. Na para bang mas gusto ko na lang bumalik sa dati naming bahay, kasama ang mama at papa ko.Si Everett, olang beses kong nahuhuling tahimik lang na nakatingin sa kawalan. Hindi siya ang tipo ng tao na madaling magpakita ng emosyon, pero sa pagkakataong ito, ramdam ko ang ka
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac