Share

Chapter 20- Race

Max's POV

Napapalatak na lang ako dahil sa traffic. Hindi kami magkasabay ni Chase papunta sa Macapagal dahil sa forbes pa ito galing samatalang ako ay sa Makati. Medyo wala ako ngayon sa mood dahil kinulang ako sa oras sa pagkalikot sa sasakyan ko. Usually ay whole day ang proseso ko sa pagkalikot ng aking sasakyan pero ngayon ay half day lang dahil galing ako sa trabaho. Pina-uwi ako ni Chase after namin sa pagbisita sa isa sa mga factory ng mga sasakyan dahil nga sa gaganapin na karera namin.

Tumunog naman ang cellphone ko at hindi ko na pinagkaabalahan na tingnan pa yun. Agad ko ng sinagot gamit ang bluetooth.

"Oh?" Agad na tanong ko.

"Cuz! Nandito kami ngayon sa Macapagal, baka gusto mong humabol." Agad na sagot ni Chrome sa kabilang linya.

Napakunot noo naman ako rito. "And why you are there?"

"Haha! Balita ko kasi may gaganapin na karera dito mamaya, kaya marami ang manonood." Sagot naman nito.

Teka, anong sinasabi ng ugok na to? May magkakarera? Ako ba at si Chase ang tinutuko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status